“She punched me all of a sudden!” bulyaw ni Tom.
Kaagad naman na nilapitan ni Rhav si Nica. “Wala siyang gagawin kung wala kang ginawa!”
“Wala nga akong ginawa sa kanya! Hindi naman siya ang tipo ko kundi ikaw!”
“In my office, now!”
Galit na tiningnan ni Rhav si Tom bago sinundan si Nica sa loob ng office ni Mr. Zhun Xiao. Nakatakip parin ang isang palad nito sa kaliwang mata na may black eye.
"Masyado mong nilakasan," bulong ni Rhav kay Nica.
"Shhh," saway ni Nica dito bago sila naupo sa mahabang sofa sa pinaka lobby ng floor.
“JC, go down to the IT department ang ask for the record of your CCTV today.”
“Ninong—”
“Are you afraid? I don’t tolerate any s****l harassment in my building. Whether you are a family or not. I told you before I let you work in here. I have respect for your father and just it. If you want to stay here, do your job better, but you just brought your stupid act here.”
Natahimik silang lahat. Ngayon lang nila nakitang galit na galit ito.
“Five years they have been working here, there has never been a scene like this. It’s only now that you’re here. It’s as if you have no respect for me. Now tell me the truth, did you harass them? Do I still need to see the video? “
Tom suddenly knelt in front of Mr. Zhun Xiao to apologize.
“I’m sorry, Ninong. I won’t repeat it, promise. Give me one more chance, please.”
Zhun signals JC not to go down because Tom already admitted it.
“There’s no need. Just go before I call the security. I got what you did at the food court. The people here are the reason why the company is still stable. Without the cleaners, will we be able to work here? Don’t look down on them because of their uniform. You are less compared to me on how you treat people surrounding you. You disappoint me.”
Tahimik lang silang nakikinig. Hindi naman siya naawa dito dahil narin sa ugali nito. Lal na ang pamamahiya nito sa mga janitors. Kung magtagal pa ito dito, baka hindi lang siya ang pagdiskitahan nito at makapambiktima pa ito ng ibang babae. Deserve lang sa kanya iyon.
“Get out of here! Now!”
Wala ng nagawa si Tom kundi ang tumayo at lisanin ang office. Napaupo si Mr. Zhun Xiao at napahawak sa dibdib na kaagad naman siya dinaluhan ni JC.
“Dad, take it easy. Where’s your med?”
“I am fine.”
Inabutan nalang ito ni Danica ng tubig.
“I am sorry for what Tom did to you. I thought he had changed. It is my fault that I allow him to work here.”
“No, Sir. It is not your fault; it is his choice and attitude—something we do not have control over. Thank you for not tolerating him.”
Tumayo na siya para bumaba dahil may trabaho pa siyang naiwan. Hinatid sila ni Nica sa elevator dahil pababa din si JC.
“Are you sure you are okay? Wala siyang ginawa sayo?” muling tanong ni JC kay Nica. Napangisi lang si Nica at marahang tumango.
“Don’t worry about her. She studied self-defense at Kickers Taekwondo Academy. So you better watch out, too!”
“Bes, don’t scare him away,” natatawang saway ni Nica sa kanya. “Ayaw ko lang na binabastos ka niya o kahit na sino mang lalaki.”
“Thank you.”
Muli siya nitong niyakap. “I know you’ll do the same pag sa akin nangyari yon. Sige na, bumaba kana para matapos na iyong trabaho mo. See you later.”
Tumango si Rhav at sumakay na sila ni JC sa elevator pagkatapos din nitong magpaalam kay Nica.
“I am sorry for what Tom did to you. I should have warned Daddy about him if only I knew.”
Hindi na siya umimik pa. Kaagad na tinungo niya ang kanyang office pagkatapos magalang na nagpaalam dito. Napabuga siya ng hangin ng makapasok sa loob. Alam naman niyang kayang protektahan ni Nica ang sarili, pero hindi niya pa rin maiwasan ang pag aalala dito. Lalo na at na-experience niya ang ginawa ni Tom sa kanya sa loob ng elevator.
Alam din naman niya na may JC na itong kayang mag protekta dito. Alam niya... pero hindi niya kayang magsawalang kibo o pigilan ang sariling ipaubaya nalang ang lahat kay JC.
Nakatanggap siya ng text mula kay Nica na sasabay ito sa kanya sa uwian kaya excited siyang nagliligpit ng kanyang gamit.
“Pasok,” sabi niya sa sinumang kumatok sa labas.
Pumasok ang nakangiting si JC.
“Are you going home?”
“Yes, Sir.”
“Uhm,” tumango-tango ito. “Can I take Nica home?”
Napatigil siya sa pagliligpit at napatingin dito. “I am sorry, why you are asking me that? Why not ask her?”
Napakamot ito sa ulo.
Napabuntong hininga siya. “Alright, ako ng bahala.”
Nagliwanag kaagad ang mukha nito. “Thank you!”
Sa labas ay nag aabang na si Nica kay Rhav para sabay silang umuwi. Tumunog ang kanyang cellphone at si Rhav ang tumatawag.
“Hello, bes. Nasaan ka na?”
“Sorry, may tatapusin pa pala ako ngayon. Kailangan eh, para hindi ako matambakan bukas.”
“Ah ganun ba... sige okay lang, naiintindihan ko. Mag ta-taxi nalang ako pauwi—“
“Delikado sayong mag taxi pauwi, marami na ngayong loko-lokong driver lalo pa at maganda ka. Magpahatid ka nalang kay JC para safe ka. See you.”
“Bes—“ napatingin siya sa kanyang cellphone dahil binabaan na siya nito. Pakiramdam niya itinutulak siya nito kay JC. Napaigtad siya ng may bumusina sa kanyang likuran. Bumaba ang salamin at si JC nga iyon.
“Hop in. I’ll take you home.”
Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay.
Nasa baba na talaga si Rhav at nakikita niya si Nica na nakatayo sa parking lot habang hinihintay siya. Malungkot na tinatanaw niya lamang ito at ang pagsakay nito sa sasakyan ni JC. Napabuga na lang siya ng hangin para at lease papano ay matanggal ang ano mang nakabara sa kanyang dibdib.
Tinungo na niya ang kanyang sasakyan. Ayaw niyang madatnan si JC at Nica kaya naman pinasya niyang magpahangin muna at tinungo ang baywalk. Hindi na kasi amoy basura at kahit paano ay nakakalanghap na ng simoy ng hangin na mula sa dagat ang mga napapasyal doon. Ipinarada niya muna ang sasakyan sa isang paid parking slot bago, naglakad-lakad sa kahabaan ng baywalk.
Napapangiti siya sa tuwing nakakakita siya ng isang pamilya na masayang namamasyal. May mga ilang couple din na nakaupo habang sabay na nangangarap. Naiinggit siya sa tuwing nakakakita ng same s*x na couple na malayang minamahal ang isa’t isa.
Umupo siya sa bakanteng semento paharap sa dagat at kung saan nakikita niya ang paglubog ng araw.
“Ang ganda...” hindi niya napigilan ang sariling mamangha lalo pa at nag re-reflect sa dagat ang liwanag na nagmumula dito. Isa iyong napakagandang tanawin, napaka-romantiko.
May isang tao ang umupo sa tabi niya kaya naalarma siya.
“Ako lang ito.”
“Dexter?”
“Miss me?”
“Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalamang nandito ako?”
“Relax, isa isa lang,” ngumiti ito sa kanya at tiningnan ang paglubong ng araw. “Napakaganda, no? Ang payapa ng araw at ang unti-unti nitong pagkawala. Parang ikaw...” muli itong napangiti at bumuntong hininga. “Papasok na ako kanina sa building ng makita kitang nagkukubli habang kausap si Nica. Mukhang pinaubaya mo ba siya kay JC ng tuluyan.”
Natigilan siya at malungkot ding napabuntong hininga.
“Kaya sinundan kita dahil baka kung ano ang gawin mo sa sarili mo kaya ako napadpad dito.”
“Salamat.”
“Hindi na ba pwedeng magbago ang isip mo ang puso mo? Pwede namang ako, pwede namang pilitin mong matutunang tumingin ng isang lalaking para sayo. Hindi ba kaya?”
Marahan siyang umiling.
“Isipin ko palang na hahalikan kita ay para na akong maduduwal.”
“Aray naman! Hinay hinay naman.”
Tumawa na siya. “Pero seryoso, naisip ko na rin yan. Sinubukan ko din naman pero hindi talaga kaya. Ang puso ko ay para lang talaga kay Nica. At least ngayon gumagaan na ang pakiramdam ko dahil nailalabas ko na ang feelings ko sa isang tao at hindi sa diary ko.”
“I am still glad na naging open ka sa akin. Hindi ko rin inaasahan na aamin ka sa akin.”
“Well, it just happened.”
“Hindi ka ba natatakot na sabihin ko sa kanila ang totoo?”
Napapikit si Rhav at sinamyo ang maalat alat na hangin.
“Sa tingin mo maniniwala sila sayo? Syempre hindi, at alam ko naman na hindi mo sasabihin dahil takot mo lang at baka agawin ko si Nica kay JC.”
Ito naman ang tumawa. Sa totoo lang magaan na ngayon ang pakiramdam niya dahil kay Dexter. Masarap naman pala itong maging kaibigan, nag mature na nga ito mula sa isang loko lokong teenage noon.
“Kung nalulungkot ka, o nasasaktan ka at kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako. Alam ko na sinabi mong kakalimutan na lang kita at kahit mahirap pipilitin kong maging isang mabuting kaibigan sayo, pare?”
Hinampas niya ito sa braso. “Pare mo mukha mo. Babae parin ako, hoy!”
Naging seryoso ito bigla. “Kung nalulungkot ka, o nasasaktan ka at kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako. Alam ko na sinabi mong kakalimutan na lang kita at kahit mahirap pipilitin kong maging isang mabuting kaibigan sayo, pare?”
Hinampas niya ito sa braso. “Pare mo mukha mo. Babae parin ako, hoy!”
Naging seryoso ito bigla. "Alam mo Rabina, magiging masaya ka lang kung magpaka-totoo ka sa sarili mo. Kahit hindi ka man tanggapin ni Nica pag nalaman niya at least totoo ka. Hindi lang ito dahil kay JC, dahil kung magmamahalan man sila kahit malaman pa ni Nica ang totoo mong feelings, hindi sila matitinag, nasa kanya nalang kung patuloy ka parin niyang tanggapin bilang kaibigan. Kung nagkataong gusto ka rin niya, that's her decision not yours anymore.
“Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo sa pangpapanggap? Dahil sa family mo? Dahil sa mga taong nakakilala sayo? Bakit nararamdaman ba nila, namin ang hirap mo? They are just there to judge you, pero hindi nila alam ang kwento mo. Sooner or later, makakalimutan din nila ang tungkol sayo at sigurado akong matatanggap ka ng pamilya mo. Kahit anong mangyari, anak ka pa rin nila."
Isinapuso niya ang sinabi ni Dexter habang sabay nilang pinagmasdan ang tuluyan ng paglubong ng araw.
“BES!” kaagad na sinalubong siya ni Nica pagpasok niya sa kanilang condo unit.
Sumalubong sa kanya ang mabagong amoy ng niluluto mula sa kanilang kitchen.
“Hmmm, ang bango ah. Ikaw ba ang nag—” napatigil siya ng makita si JC sa loob na naka-apron na. Naka sando lamang ito at kitang kitang ang matitigas na muscle nito at ang hubog ng dibdib na kahit nakaapron ay hindi matakpan-takpan.
Do doubt. He is a hell good-looking guy.
Bumulong sa kanya si Nica. “Pinagmamalaki niya ang Japanese food na natutunan niya kaya pinagbigyan ko na siyang magluto.”
“Ah...” marahan siyang tumango. Tumango lang din siya kay JC ng magtama ang kanilang mga mata.
“Magbihis ka na muna, ihanda lang namin ang table."
Namin.
Patihayang ibinagsak niya ang sarili sa kama. Nakadipa din ang kanyang dalawang braso habang nakatitig sa kisame.
“They are just there to judge you, pero hindi nila alam ang kwento mo. Sooner or later, makakalimutan din nila ang tungkol sayo at sigurado akong matatanggap ka ng pamilya mo. Kahit anong mangyari, anak ka pa rin nila.”
Umalingawngaw ang mga katagang sinabi ni Dexter sa kanya.
Naririnig niya ang tawanan nila JC at Nica sa kitchen kaya napatakip siya sa tainga at isinubsob ang mukha sa unan.
“Hindi ka pa ba magbibihis?”
Nakatayo na si Nica sa pintoan niya ilang minuto lang ang nakakalipas. Nakatakip parin ang unan sa mukha niya. Naramdaman niya ang pag upo ni sa kama niya at ang marahang paghaplos haplos nito sa kanyang ulo.
“Gusto mo paliguan kita?”
Bigla siyang napabangon. “Eto na tatayo na. Susunod nalang ako sa kitchen. Samahan mo na doon si JC, nakakahiya naman sa bisita mo”
Tumawa ito dahil sa reaksiyon niya.
“Bakit namumula ka?”
Nag-iwas na siya dito at pumasok na sa banyo, kaagad na binuksan niya ang shower ay hinayaan mabasa pati ang kanyang mga damit. Sinandya niyang malamig ang tubig para magising siya sa katotohanang hindi siya nito mahahalin higit pa sa kanilang pagkakaibigan.