CHAPTER THIRTEEN: WHO IS THE THIRD WHEELER?

2066 Words
Namangha sina Rhav at Nica sa presentation ng food plating ni JC. Para silang nasa mamahaling restaurant. Pinaalis kasi ni JC si Nica para i-surprise sila. Ito na raw ang bahala sa lahat. Kakaiba at magaganda ang pagkakalagay ng pagkain, para talaga silang nasa isang Japanese Restaurant. Kaagad na hinila ni JC ang upuan para makaupo na si Nica at pati siya ay pinaghila na rin nito. “This is Curry Doria o Rice Gratin. This is one of my favorite Japanese food. I always had this on the tablet at least twice a week. It is similar to lasagna but made with rice instead of pasta noodles and topped with flavorful meat sauce and cheese and baked. “This one is Tofu Pizza; it is just a simple dish to make. Instead of pizza dough, I used crispy pan-fried tofu as the ‘dough’ and topped it with melted mozzarella cheese. And there you have it!” Tatango-tango lang sila ni Nica. “How about this one?” turo ni Nica sa isang soup. “Vegan Miso Soup. It will balance the taste of the other foods. The original ingredients for this soup are dried kombu, silken tofu, and dried wakame, but we couldn’t find it anywhere, and we are running out of time,” tumawa ito. “But no worries, this is still good as long as you have miso paste; it can never go wrong. “And lastly, my number one favorite food that I always eat every day in Japan is Spam Onigirazu or Rice Sandwich. We are Filipino, and we all know that we love rice so much! Eggs, ham, sushi rice, and nori sheet are all you need to make this one. Sound’s simple, right?” “Simple, but why so complicated to me,” napangiti si Nica. “Rhav hate any food with Miso. Want to try it out, bes?” “Sure!” Pumikit na muna sila para magdasal bago siya binigyan ni JC ng maliit na mangkok, hindi lang iyon, kinuhanan pa siya nito. A true gentleman indeed. “Thanks!” Hinintay siya ng dalawa para sa kanyang reaction. Napatango-tango siya. Hindi niya gusto ang lasa ng miso pero kakaiba ang lasa ng niluto ni JC. Parang kakaiba iyon sa kanyang panlasa. “This is good! I like this!” Kapwa napangiti sina JC at Nica sa sinabi niya at masaya na nilang pinagsaluhan ang niluto ni JC. Puro papuri sila dito dahil totoo naman talahang masarap iyon. Gwapo, mabait, napaka-gentleman, at mayaman pa. Kung mapupunta lang din naman si Nica sa iba—kay JC na. Tiningnan niya ang dalawa dahil nakaharap siya sa mga ito. Masakit man pero kakayanin niya, basta sa happiness ni Nica. Sige lang self. Kaya pa. “Grabe busog na busog ako!” kapwa sila nakaupo sa sofa at nakataas pa ang mga paa sa center table. Nakaalis na si JC dahil lumalalim na ang gabi at may pasok pa sila kinabukasan. “Ako din,” sagot ni Rhav at pinindot ang Netflix para maghanap ng mapapanood nilang dalawa. “He is cool.” “Yes.” “How is he to you? Do you like him now?” wala sa loob na tanong niya. “Like?” anito. “Kung like lang, oo naman. Mabait, maalaga naman talaga si JC. Mukha ding magalang sa nakakatanda. Pero kung tatanongin mo ako kung ‘love’, hindi ko pa alam. Siguro pag hanga? Or naa-amaze lang ako dahil bago sa akin ito. Don’t know, pero isa lang ang sigurado ako—” napabuntong hininga ito at tumingin sa kanya. “Malulungkot ako pag hindi na kita laging nakakasama.” Napatitig siya sa mga mukha nito. Hindi na tulog si Nica, gising na ito, pilit niyang nilalabanan ang sariling huwag itong halikan. Napapatingin na rin siya sa mga labi nito. ‘Huwag, Rabina.’ “Sige, ituloy mo.’ Pagtatalo ng kanyang isipan. Mabuti na lamang at biglang lumakas ang boses ng Netflix dahil napindot niya pala ang volume kaya nag iwas siya ng tingin dito. Tumikhim pa siya. “A-ang ganda siguro ng palabas na ito,” pag-iiba niya ng topic dahil biglang uminit ang aura sa loob. Tumayo si Nica para kumuha ng kanilang iinom at junk foods. Natutop niya ang bibig dahil muntik na niyang hindi napigilan ang sarili. SA tuwing uwian ay laging nagdadahilan si Rhav na hindi makakasabay kay Nica, minsan totoong kailangan niyang may over time minsan naman ay para makaiwas at magkaroon ng moment ang dalawa. Itinuon niya na lang ang kanyang atensiyon sa trabaho at kahit paano maibsan ang sakit at selos na nararamdaman niya sa tuwing maiisip na magkasama sina JC at Nica. Sa wakas Sabado na. Half day lang sila today sa office, out nila ng eksaktong twelve noon kaya kahit sa bahay o labas na sila magla-lunch. Pero dahil narin sa pakiusap ni JC at napilitan si Rhav na sumama sa date nang dalawa. Hindi rin alam ni Nica na kasama pala talaga si JC sa lakad nila. Nakalabas na sila ng building ng huminto ang sasakyan ni JC sa tapat nila. Nagtatanong ang mga mata ni Nica ng tumingin kay Rhav, nag peace sign lang si Rhav at sumakay na sa passenger seat. Akala naman ni Rhav papasok si Nica sa unahan pero sumunod ito sa kanya kaya ang nangyari parang naging driver nila si JC. “Bakit dito ka sumakay? Alis, doon ka sa tabi ni JC, nakakahiya naman!” Inirapan lang siya ni Nica at hindi siya nito pinakinggan. Pumikit pa ito sa tabi niya. Pagtingin niya sa front mirror ay nagkibit balikat lang siya kay JC. Hindi rin naman niya ang tumatakbo sa isipan ni Nica. “Anong gusto niyong lunch girls?” tanong nito pagkalipas ang ilang minutong pagmamaneho. Tamang tama dahil nakaramdam narin sila ng gutom. “KFC!” sabay nilang dalawa at nagtawanan ng magtama ang kanilang mga mata. “Sure!” “Pwede bang drive thru nalang tayo?” si Nica. “Mas maganda kumain pag nasa byahe...” “Bes, nagda-drive si JC. Mahihirapan siyang kumain not unless susubuan mo siya,” wala sa loob na sabi niya kay Nica. “Yep!” Natahimik si Rhav. Gaya ng request nito ay nag drive thru na nga lang si JC. Dalawang bucket ang inorder nito na tig wawalong piraso. Sa likuran parin puwesto si Nica. “Paaano mo susubuan si JC kung andito ka?” Manghang tanong niya. Kinuha niya ang isang thigh part at umusog kaonti para maabot ng mga kamay niya ang bibig ni JC mula sa backseat. Kaagad naman kumagat si JC. “See? Ang dali!” sabay kuha ng isang piraso sa kaliwa nito para ito naman ang kumain. “Hmmm, sarap! Hindi talaga ako nagsasawa sa ganitong pagkain.” Napailing nalang si Rhav. Parang may kakaiba kay Nica na hindi niya mawari, ginagawa ba nito iyon para madiscourage si JC sa kanya? “Thanks!” si JC ng makaubos ito ng tatlong pirasong chicken. “I am full, you can eat the rest,” kinuha nito ang bottled water para uminom. Mula sa front mirror ay nakita niya ang pag ngitian ng dalawa ang pinagdikit pa ang chicken na hawak bago kinain. Nakita niya ang saya sa mga mukha ng dalawa. Kung naging lalaki siguro si Rhav ay baka nagselos na siya ay pinagbawalan si Nica o bawasan ang ganoong closeness. Pero babae naman si Rhav kaya naging kampante siya. Nakarating sila sa isang malawak na lupain sa Bulacan at pumasok sa isang may kalakihang gate. Isa ito sa kanilang vacation home kung saan namamalagi ang mga matatagal na nilang katiwala. Pati ang kanyang Nanny noon. Mas okay na iyon para kahit paano ay may nagbabantay at naglilinis sa kanilang lumang bahay. Bumaba na sina Rhav at Nica ng huminto ang sasakyan. Hindi nila akalain na may ganoong lugar pala sa Bulacan. Para silang nasa isang farm house, dalawang palapag ang bahay at purong kahoy iyon. Napaka-presko din ng pakiramdam dahil sa sariwang hangin. Sa gilid naman ay ang mga nakakulong na alagang manok. Naririnig din nila ang ingay ng mga baboy at kambing. “Sir JC!” masayang sinalubong sila ng may katandaan ng babae. Akay akay ito ng isang binatilyo. “Nanny Patring!” kaagad na niyakap ito ni JC. “Na miss ko po kayo. It’s been a long time since the last time I saw you!” hinalikan niya pa ito sa noo. Tumingin naman ito sa binatilyo. “Is she Lindon? Your grandson?” Marahang tumango si Nanny Patring. “Oh, you are taller and bigger now. I still remember how Nanny Patring carry you like this,” inakto nito gaya ng isang pagkarga ng bata habang dinuduyan sa braso. Napangiti sila. Napakagaan talaga ng aura ni JC. Para siyang araw sa mga taong nakakasalamuha nito. Napatingin kina Rhav at Nica si Nanny Patring kaya kaagad naman silang pinakilala ni JC. “Nanny, this is Danica, the woman I am courting now, and this is Rabina, her best friend.” “Oh, you are courting now... big boy!” Lumapit sila dito at nagmano. “Kaawaan kayo ng Maykapal, ang gagandang mga dilag naman nito!” Nahihiyang napayuko sila. “Maraming salamat po.” “Oh, sige. Maghahanda lang ako ng paborito mo Sir JC. Ikaw na muna ang bahala sa bisita mo.” “Don’t worry, Nanny. Take your time, ako ng bahala sa kanila.” “JC, you can speak Tagalog well naman pala. Why you are always speaking English? Pinahirapan mo pa ako.” Natawa si JC. “I can understand Tagalog well, pero pag salita not much! I just used to but I am willing to learn,” malamlam itong napatingin kay Nica. Hinamapas ito ni Nica sa braso. “You can hire your tutor, balak mo pa yatang magpaturo sa akin ah.” Malapad na napangiti si JC. Dinala sila nito sa likod bahay kung saan pigil ang hininga nila sa ganda ng tanawin. Kitang kita mula sa kanilang kinatatayuan ang iba’t ibang klase ng bulaklak pari narin ng mga orchids. Sa kanang bahagi kung nasaan ang isang poso na ginagamit para sa pandidilig ng halaman. Para iyong napakalaking greenhouse. May isang bakod na nakapagitan at sa kabila naman makikita ang alaga nitong hayop gaya ng baboy, kambing, at mayroon din baka at kabayo. May nakabantay din sa kabila para mag-alaga sa mga ito. Nanahimik na ang mga hayop ng may nagpakain na dito na tauhan nila JC. “Napakaganda dito, siguro ka bang nasa Bulacan lang tayo? Para tayong nasa malayong probinsiya!” Manghang tanong ni Rhav. Naglalakad na sila sa gitna ng mga naggagandahang iba’t ibang kulay ng rosas. Sa gilid naman ang mga sunflower na malulusog tingnan ang tingkad ng kulay dilaw nitong bulaklak. “Sir, we are just here in Bulacan. My Mom loves flowers; she lived in the province before she married Daddy, so she decided to make our private lot here set up like this. She’s the one who plants these roses and those sunflowers. How do you find this place?” “Beautiful, this place is amazing!” natutuwang sabi ni Nica. Nakarating sila sa poso n***o at kahit hindi nila alam paano gamitin iyon ay gusto nilang subukan. Hinawakan ni JC ang bakal at pwersahang ibinaba at itinaas iyon para lumabas ang tubig mula sa poso. Pumalit naman si Rhav at siya ang nag bomba habang kumuha ng tabo si Nica para isaboy ang tubig sa mga halaman na nandoroon. Nang mapagod ang dalawa ay inilabas ni Nica ang cellphone at hinila si Rhav para puwesto sa pinaka-magandang spot at nagpa-picture kay JC. “Gandahan mo naman, bes!” “Hindi ba nakakahiya kay JC at ginawa lang natin siyang photographer?” “Ayos lang naman siguro iyon sa kanya.” Alanganing napangiti si Rhav ng hapitin na siya ni Nica palapit dito ang mga kamay nito ay nakahawak sa kanyang baywang at masayang nag peace sign. Pagkatapos ng kanilang pictorial ay parang batang naghabolan sila sa malawak na taniman ng mga bulaklak habang nakamasid lamang sa kanila ni JC. Akala niya, magkaka-moment na sila ni Nica pero mukhang siya ang naging alalay ng magkaibigan. Marahan siyang kumaway ng kumaway ang mga ito sa kanya. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong tumatawa ng malakas sa tuwing malapit na itong mahuli ni Rhav.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD