Nauna sa kanila si JC na makarating sa kanilang condo unit. Nakaabang na ito sa kanila habang may dalang paper bag. Hindi na kasi sila kumain sa kanila bago umalis, may pasok na sila at magagahol na sa oras dahil paniguradong matatagalan sila pag umupo na sa dining table.
“Good morning ladies!” malapad itong nakangiti habang kaagad na ginawaran si Nica sa halik sa pisnge. Hindi siya nag iwas ng tingin para ipakita kay Nica na okay na talaga siya, na ayos lang sa kanya ang lahat.
“Good morning! Wow! Mukhang masarap ang bitbit mo, ah. Kasama ba ako diyan?” pagbibiro niya.
“Of course!” nakangiting sagot ni JC. Nakahawak na ito sa baywang ni Nica para alalayan ang girlfriend, tumikhim na muna siya bago tumalikod sa dalawa at nagpatiuna na sa elevator.
Pagbukas niya ng kanilang condo unit ay kinuha na niya ang bitbit ni JC at nag presenting siya na ang magaayos ng table para makapag-usap ang dalawa. Tatawagin niya na lang ang mga ito pag tapos na.
Hindi na tumutol si Nica, nagpaalam din ito sandali kay JC para makapag-bihis muna saglit. Tahimik lang siya habang inilalabas ang pagkain sa paper bag na dala ni JC. Tapa, sunny side egg, tocino, friend rice, at may tatlong saging ang dala nito. Nagpa-init na rin siya ng water para mag timpla ng coffee.
Sakto namang pagkatapos niyang magtimpla at lumabas na si Nica sa silid nito. Tumayo naman si JC mula sa pagkakaupo sa sofa.
“Kain na tayo, salamat sa food JC.”
Tatabi sana sa kanya si Nica ng pasimpleng nilagyan niya ng kutsura ang upuan at tiningnan ito. Senenyasan niya itong umupo sa tabi ni JC. Napabuntong hininga si Nica at umikot sa mesa.
Siya na ang nag lead ng prayer, ng magsimula na silang kumain ay napansin niyang tinutulak ni Nica ang kanyang paa na para bang nakikipag away ito. Inapakan din nito ang kanyang paa.
“Ano ba?” hindi niya napagilan ang pagtaasan ito ng boses.
“Are you okay?” nagtatakang tanong ni JC dahil wala itong kamalay-malay sa nangyayari sa ilalim.
“Ah... wala. Pinapraktis ko lang iyong linya ng napanood ko sa K-drama.”
Napangisi si Nica ng pandilatan niya ito ng mga mata.
“Do you have plans to enter showbiz? Like an actor?”
“Why not?” aniya.
“I’ll arrange a meeting with my friends in the industry, for sure, hindi ka mahihirapang pumasok sa showbiz. You are pretty, sexy, and can sing. You have a big chance to enter in showbusiness.”
“I’ll take that as complement. Baka magselos sa akin si Nica, hinay hinay lang.”
Tumawa si JC. “Every woman is beautiful, but my favorite is right beside me,”malamlam ang mga matang tumingin ito kay Nica at nilagyan ng tapa ang pinggan nito. “Eat more, you are skinny.”
“May balak ka bang patabain ako?”
“Kahit ano pang shape ng katawan mo, I don’t mind. Because I love everything about you.”
“Ang sweet naman, mabuti naman at mahal na mahal mo ang kaibigan ko. I am happy for you guys.”
“Thank you.”
Hindi siya tumingin kay Nica habang sinasabi ang mga katagang iyon. Binilisan na niya ang pagkain, nauna na siyang tumayo para maligo.
“Mauna na kayo sa office, medyo matatagal pa ako ng kaonti. Nica, huwag ka nalang mag drive, magpahatid ka na rin kay JC later. Ingat kayo.”
Hindi na niya hinintay pang sumagot si Nica dahil tumalikod na kaagad siya. Hindi na siya umiiyak pero ramdam niya ang bigat sa kanyang kalooban. It was painful letting go of the person you loved most.
Binuklat niya ang folder na bigay ng kanyang Daddy Pancho, James Garcia ang nasa pangatlong listahan at anak naman ito ng isa sa kaibigan ng kanyang Daddy. Nakapagtapos ito ng abogasya at kasalukuyan ng hahanap ng magiging katuwang sa buhay. Maganda ang records nito at base sa imbestigasyon lagi itong sawi sa pag-ibig. Si James ang tipong nerd kung titingnan. Naka salamin, makakapal ang kilay at iyong hindi makabasag pinggan na lalaki. Iyong tipong sasambahin ka pag ikaw ang nagigin jowa.
Hindi ito ka-gwapuhan sa paningin niya pero mayroon itong appeal pag nagkaroon lang ito ng confidence sa sarili.
Sinubukan niyang mag install ng Love App dahil ito ang gamit ni James sa paghahanap ng magiging girlfriend. May nakalagay din sa folder kung ano ang user name nito para mas mabilis niyang mahanap.
She took a sigh. Kahit alam na niya ang kakalabasan ay gusto niya paring subukan. Baka this time, magagawa na niyang magmahal ng iba, ng isang lalaki para maging normal na ang takbo ng kanyang puso at pagkatao.
“Beshy? Aalis na kami,” sigaw ni Nica.
“Okay, ingat kayo!”
Nakaramdam siya ng katahimikan ng marinig ang click ng pinto, naibagsak niya ang sarili sa kama.
“Now, what?” kausap niya sa sarili. Iniangat niya ang phone at nagsimula ng gumawa ng account sa Love app. “Bakit ba kasi sa online naghahanap si James ng girlfriend, eh marami talagang hindi totoo sa online,” aniya. Nang matapos ang pag set up ay kaagad na sinisearch niya ang pangalan nito. Hindi naman siya nahirapan dahil nahanap niya kaagad iyon.
Siya na ang unang nagmensahe dito.
‘Hi, are you looking for a date?’
Walang tumpik tumpik niyang mensahe dito.
‘If you are interested, message me as soon as you read this message.’
Babangon na siya ng biglang tumunog ang cellphone niya, nag reply si James.
‘I would love to, but I am not handsome, and you might dislike me after we meet in person.”
‘Really? But you look nice to me.’
‘Thank you. What’s your name?’
‘I am Rabina. You can call me Rhav. What is your real name?’
‘It’s James. When is your free time to meet?’
‘How about later? There is a new restaurant in Morato that I want to visit. Can we meet there at seven?’
‘Sure. I am free later. See you.’
TINAWAGAN ni Rhav si Pancho para ipaalam dito na makikipagkita siya kay James, kaya natuwa naman ito ng malaman tinuloy niya ang pakikipag-date sa mga napili nito.
Hindi na ring sila gaanong nagkausap ni Nica dahil na busy na ito sa trabaho at may lakad sila ni Mr. Zhun Xiao. Hindi rin niya namalayan ang oras dahil natambakan siya sa kanyang table.
“Rabina, hindi ka ba kakain? Lunch time na.”
“Maya-maya po TL Marjorie, mauna na po kayo.”
“Okay, basta kumain ka pag nagugutom ka na,” at lumabas na ng kanyang office.
Tutok na tutok siya ng may naglapag ng pagkain sa mesa niya. Hindi niya namalayang nakapasok na pala ito sa office niya. Ang nakangiting mukha ni JC ang bumulaga sa kanya.
“Galing ito kay Dexter at pinapaabot niya nalang. You are so busy kaya hindi ka na niya ginulo, kumain ka na muna.”
“Thank you, Sir JC.”
Ngumiti lang ito at lumabas na ng kanyang office. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Dexter.
“Thanks sa pagkain, bakit hindi ka dumeretso?”
“Nakita ko kaninang subsob ang mukha mo sa mesa. Ni hindi mo narinig ang pagkatok ko, kaya hinayaan na lamang kita. Enjoy the food.”
“I will. Ingat ka.”
“Sure, are you free later?”
“Hindi eh, may date ako mamaya.”
“Wow, hindi nga? Totoo?”
“Yes!” she chuckled. “Alam ko na ang iniisip mo, I am doing this not becuase Daddy want to, I am doing this for my self.”
He sighed. ”I understand. Well, have a good time then.”
“Thanks.”
Binuksan na niya ang paper bag at tumambad sa kanya ang isang bucket ng KFC. Bigla siyang nalungkot dahil naalala niya si Nica. Namiss niya bigla ito, lagi niya kasi itong kasabay kumain ng KFC bucket, sobrang saya nila sa tuwing pinapaliguan nila ang fried chicken ng gravy.
Nagsimula na siyang kumain habang ini-imagine na lang na kasama niya ito sa sandaling iyon.
Nakatanggap siya ng text mula kay James ng halos patapos na siya sa trabaho. Good timing naman ang pag message nito. Papunta na raw ito sa restaurant at nakapag-pa-reserve na, binigay na rin nito ang kanilang table number.
Nagliligpit na siya ng gamit ng pumasok si Nica, nagtataka ito dahil nagmamadali siya.
“Are you going somewhere?”
“Yes, I have a date later kaya mali-late ako sa pag-uwi,” nginitian niya ito. “Ingat kayo ni JC, hmm?” tinapik niya pa ito sa shoulder at lalabas na sana ng kanyang office. Napatigil siya ng hawakan ni nila ang kanyang braso.
“Are you sure about this, Rabina? This is not you...”
Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang braso. “Don’t act like you know my feelings now just because you discovered my secret. Danica, hindi madaling magpanggap sa mga taong mahal ko, pero mas hindi madaling pati sila itatakwil ako. Please lang, gusto ko na ring baguhin ako para sa parents ko.”
“What if... what if gusto din kita? Anong gagawin mo?”
Napahinto si Rhav sa pag labas ng kanyang office at napapikit. “Naguguluhan ka lang sa feelings mo dahil naaawa ka sa akin. Akala mo lang gusto mo ako dahil lagi tayong magkasama mula noon pa man. Pero iba ang gusto sa mahal at mas lalong magkaiba ang pagmamahal bilang kaibigan sa pagmamahal bilang isang babae. Hindi mo iyon maiintindihan, huwag mo ng piliting baguhin ang sarili mo dahil lamang sa akin. What if?” tumawa ng hilaw si Rhav. Hinarap niya ito. “Gaya nga ng sinabi mo, you are already committed.”
Naluha si Nica sa sinabi niya pero tinatagan niya ang kanyang loob. Iniwan na niya ito ng tuluyan. Nakita niya si JC na papalapit sa kanila kaya sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ni Nica sa loob.
“Oh, hi Sir JC. Hinihintay ka ni Nica sa loob.”
“Where are you going?”
“May date ako eh. Alam mo na, kailangan ko rin ng partner.”
“Nice, have fun.”
Tumango lang siya at nagtuloy tuloy na sa elevator. Sila nalang ang tao sa office dahil nakauwi na ang iba. Bago magsara ang elevator ay nakita pa niya sina Nica at JC na naglalakad habang magka-hawak kamay.
“What if... what if gusto din kita? Anong gagawin mo?”
Muling umalingawngaw iyon sa pandinig niya. Bakit bigla siyang natakot? Bigla siyang naalarma? Mas naging duwag pa siya lalo ng marinig iyon mula sa mga labi ni Nica. Are they just avoiding their true feelings dahil alam nilang mas maraming masasaktan?
Napailing na lamang siya at huminga ng malalim. Tama na. Buo na, ‘di ba ang pasya niya? Buo na ang pasya niyang maging babae ng tuluyan ang puso niya. Babaeng nararapat lang mag mahal ng isang lalaki.
Mabilis na nilisan niya ang building para puntahan ang restaurant. Kaagad na hinanap niya ang table number nila. Nakita niya si James na inaayos ang buhok habang nakasalamin sa phone nito. Bumuga din ito sa palad at inamoy para makasiguradong hindi ito bad breathe, nakita din niya ang pag hugot nito ng hininga para pakalmahin ang sarili. Pero napansin niyang sobrang linis nito sa katawan. Hindi siya iyong tipong masculine type, parang pang BTS ang katawan nitong slim yet powerful naman.
Hindi na muna siya lumapit dito at pinagmasdan lang muna kung anong gagawin nito, may adams apple ito at mahahaba ang pilik mata, medyo matulis ang baba nito pero hindi naman mahaba, kung baga v-shape ang mukha na goals ng karamihan na mga babae. Maswerte ito. Kung pagmamasdan lang mabuti, mas malamya itong kumilos sa kanya.
“Good evening, Ma’am. Ano pong reserved table number nila?” tanong ng isang waiter.
“Number eight,” ngumiti siya dito. Dahil sa waiter ay napatingin si James sa gawi niya kaya kumaway na siya dito. Kaagad na tumayo ito para magpakilala sa kanya. Titig na titig ito na animo matagal na siya nitong kilala.
“Rabina San Mateo?” sabay lahad ng kamay.
“Yes, nice meeting you, James.”
Pag normal na date ay laging pinaghihila ng isang lalaki ang isang babae pero hindi kay James. Hindi man lang ito nag abalang gawin iyon. Kaya siya nalang ang ang hila ng sarili niyang upuan.
“Wow, you are so pretty...” tila nahihiyang napayuko ito. “Nakakahiya naman.”
“You look fine. Wala ka dapat ikahiya.”
Nag angat ito ng paningin at medyo nabawasan naman ang hiya nito sa narinig. “Thank you, here’s the menu. Hindi ko alam kung anong gusto mong food.”
“Sure, thanks.”
Nilapitan sila ng waiter para kunin ang kani-kanilang order. Nag makaalis na ang waiter ay hinintay niyang magsalita ito ng una pero mukhang aabotin sila ng siyam siyam. Lawyer ba talaga ito? Hindi ba’t pag laywer ay magaling magsalita? Kaysa wa
Tumikhim siya. “So, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?”
“I am a private lawyer kaya kadalasan na office lang ako para mag basa ng mga papers.”
“Interesting.”
“How about you?”
“I worked as architectural Graphic Designer for XBC.”
“Nice, alam mo isa sa pangarap ko ang makapasok sa XBC legal department. Naghihintay nga ako kung kailan sila mag open ulit.”
Tumango siya. “For sure, you’ll do good.”
Then katahimikan ulit. “Ganito ka ba talaga? Tahimik? Hindi ba’t pag isang abogado is madaldal?” hindi na niya napigilan ang sariling sabihin iyon dito. Dumating naman ang kanilang order. Uminom na muna ito ng water.
“Tahimik lang ako sa dating, napapansin ko kasi pag naging madaldal ako at pag magki-kwento mas lalong inaayawan ako. Sorry boring talaga ako, maiintindihan ko kung ayaw mo na ulit makipag-date sa akin.”
“I’ll be honest with you... I don’t like shy type kind of man, mas gusto ko iyong marunong magdala ng usapan. I am sorry.”
“No, that’s okay. I know this would happen.”
“For sure, makakatagpo ka rin ng babaeng para sa iyo. Iyong hindi ka mahihiya, iyong magpakatotoo ka lang sa sarili mo. Matalino ka naman dahil hindi ka magiging abogado kung hindi. Samahan mo lang ng self confidence, panalo ka na.”
Tumawa ito sa sinabi niya at mukhang naging at ease na ito sa presensiya niya. “Ikaw ang unang babaeng nagpakatotoo sa akin, iyong tipong hindi ako pina-plastic at papaasahin, I like you.”
Napatitig si Rhav kay James. “What do you mean?”
Umayos ang balikat nito, kung kanina ay parang ngalay iyon ngayon ay nakaupo na ito ng tuwid at puno ng kumpyansa sa sarili. Tinanggal rin nito ang salamin at marahang inilapag sa gilid ng mesa.
“Hmmm, it seems that nagpanggap ka lang mahiyain para i-test ako.”
Ngumiti ito ng nakakaloko at tumititig sa kanya ng deretso. “Knock knock.”
“Who’s there?”
“Yah.”
“Yah, who?”
“No thanks, I use Bing or Google.”
Napatawa ng kaonti si Rhav. “okay, you caught me there.”
“Let’s eat, sweety. While it’s hot... like me.”
Doon lumakas ang tawa ni Rabina. “Okay, babawiin ko na ang sinabi ko sayo kanina. Okay ka naman pala.”
“James, bro.”
Napalingon sila dahil familiar sa kanya ang boses na iyon. “Hey, JC! Nice meeting you!” tumayo ito at kaagad tinapik sa balikat si JC. Habang nagkatitigan naman sina Nica at Rhav.
“Mukhang may date ka ngayon-” hindi naituloy ni JC ang sasabihin ng makilala siya. “Oh... sorry. We better get going. Let’s catch up next time.”
Hindi pa rin nag hihiwalay ang kanilang paningin. “Babe?” untag ni JC kay Nica.
Napakurap si Nica at sumunod na kay JC sa kabilang table.
“Hindi ba’t si Nica iyon?” James asked.
“Yes,” napatingin siya dito. “Teka, kilala mo ba kami?”
Tumawa si James. “Of course, kilalang kilala. Lagi mo nga akong escort noon sa mga party party. Ako ang napipili lagi ni Tito Pancho para sayo dahil may charisma daw tayo.”
Napatakip sa bibig si Rhav. “You mean...”
“Yes, girl! It’s me, remember now?”
Nabunutan ng tinik si Rhav at malakas na tumawa. Tuwang tuwa talaga siya ng maalala ito. Oo nga, parate niya itong escort noon at alam din niyang bakla ito noon pa man. Gaya niya, hindi rin alam ng mga magulang nito noon na bakla ito. Nahuli niya lang ito one time na may kayakapan na lalaki noong high school pa sila. High school palang lumalandi na ito.
“Thanks for not shutting your mouth. Kung hindi ay baka nasira na ang buhay ko ngayon.”
“Mabuti naman na okay ka na ngayon. I am happy for you. Alam na ba nila?”
“Yes, in fact may partner na ako ngayon na isa ring abogado.”
“Oh... at bakit nakukuha mo paring makipag-date sa iba?”
“We are in an open relationship. We are together, but we are free to date anyone we like.”
“How is that possible?”
Ngumiti si James. “Kumain na muna tayo. Iki-kwento ko sayo lahat lahat.”
Sa kabilang table ay hindi mapakali si Nica, naririnig niya ang tawa ni Rhav na nagpapainit ng kanyang ulo. Hinawakan ni JC ang mga kamay niya at marahang pinisil iyon.