CHAPTER TWENTY-FIVE: DIARY

2258 Words
“Bakit mo naman naisip ‘yan?” hindi parin makapag-move on si Rhav sa tanong ni Daniela. “Who knows, kaya ka ganyan kasi si JC talaga ang gusto mo. Kaya hindi mo nagugustuhan si Dexter o ang ibang mga lalaki dahil kay JC.” Mom dahil kay Nica hindi dahil kay JC. Gustong gusto na niya iyon sabihin. Lumapit siya sa magulang at niyakap sila. “Hindi ko po gusto si JC, hindi ko nga nagugustuhan ang mga nakaka-date ko kay JC pa kaya? Kaya ‘wag na po kayong mag-isip ng kung ano-ano, hmmm?” Napabuntong hininga si Daniela at tumango. “Okay, sige na matulog kana.” Pagbalik niya sa kanyang silid ay nadatnan niyang nakaupo sa kama si Danica habang nasa mga kamay nito ang diary niya. Hilam ang luha nito. Mabilis na lumapit siya at kinuha ang diary sa kamay nito. Dear Diary, ngayong araw ang pinakamasayang araw ni Nica dahil nagkakilala na ang parents nila ng kanyang boyfriend na si JC. Nakita ko rin ang saya sa mga mata ng aming parents para sa kanila. Alam kong mabibigo ko lang sina Daddy at Mommy... “Hindi ba’t sabi ko sayo, huwag mong pakialaman ang diary ko?” may galit, pag-aalala, at kaba sa puso niya. “How much did you read?” Pinahid nito ang luha at sinalubong ang kanyang mga mata. “Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba sa akin? Iyong totoo sana Rabina.” “Anong klaseng tanong yan? Sympre gusto kita dahil kaibigan kita.” “Iyong gusto higit pa sa kaibigan. Iyong mahal higit pa sa kaibigan, Rabina. Mahal mo ba ako?” Napapikit si Rhav. Ibig sabihin nabasa na nga nito ang kanyang pag amin sa diary. Naluha na rin siya pero pilit niyang nilalabanan ang kanyang damdamin pero wala na siyang magagawa kundi ang umamin dito. Sinalubong niya ang tingin nito. “Oo, mahal kita. Noon pa. Palihim ka ng minamahal ng puso ko. Pero anong magagawa ko? Babae ako, babae ikaw. Hindi naman pwede, ‘di ba?” “Bakit mo inilihim sa akin ang damdamin mo? Bakit ngayon pa kung kailan committed na ako kay JC? Bakit ngayon pang pinag-uusapan na nila ang aming kasal!” “May mababago ba pag nalaman mo ng mas maaga? Anong gusto mo, sabihin ko sayo na, oy beshy, gusto kita na mahal kita, tapos ano? Anong mangyayari sa ating dalawa? Hindi ko isusugal ang pagkakaibigan natin dahil mahal kita. Mas okay na iyong nasasaktan ako basta nandiyan ka lang!” tuluyan na siyang bumigay. “I questioned myself so many times, kung bakit ganito. I was so denial of my true feelings towards you because I am scared of the truth. I am scared knowing that I am in love with my best friend. I was scared knowing that I am a lesbian! That I am a mistake.” Pinahid ni Nica ang luha at napabuga sa hangin. “Who told you that being a lesbian is a mistake? Who told na mawawala ako sa buhay mo pag nalaman kong mahal mo ako. Naguguluhan ako sa feelings ko at hanggang ngayon hindi ako sigurado kung talagang mahal rin ba kita!” si Nica. Napatitig si Rhav sa kanya at nilapitan si Nica. “Anong sabi mo? Naguguluhan ka? Are you...” “Yes, nangangapa pa ako sa totoong pagkatao ko. Sa totoong damdamin ko, sana kung sinabi mo na sa akin ang totoo, kung nagkaroon ka ng lakas ng loob na umamin sa akin, sana hindi ko na hinayaan na pumasok sa buhay ko si JC. Sana nagkaroon ako ng oras na alamin muna kung ano at sino nga ba ang totoong ako.” “Nica...” “Pero wala, eh. May masasaktan na.” Kinuha ni Nica ang kanyang unan at nilisan ang kanyang silid. Napaiyak si Rhav na napaupo sa lapag at isinandal ang ulo sa kanyang kama. Parang may kamay na bumunot ng tinik sa kanyang dibdib dahil nasabi na niya kay Nica ang matagal na niyang tinatago. Masarap pa rin ang magpakatotoo sa sarili kahit masakit ang katotohanang hindi siya matatanggap ng kanyang magulang. “Anak? Hindi ka pa rin ba natutulog?” Mabilis na napatayo siya at dumapa sa kama bago pa nakapasok sa loob. “I was about to, Mom.” “Nag away ba kayo ni Danica?” “Misunderstanding lang po, pero magiging okay din kami,” sagot niya habang nakadapa pa din. “Matulog na po kayo ni Daddy.” “Sige, iwan na kita para makapagpahinga ka na. Sleepwell.” Pinatay na nito ang ilaw sa kanyang silid kaya tanging lampshade nalang ang nagbibigay liwanag sa loob. Kinuha niya ang unan at inilubog doon ang kanyang mukha at impit na napaiyak. Tuloy tuloy is Nica sa kanyang sariling silid at naguguluhang nagpalakad-lakad. Napatitig rin siya sa mga larawang nila ni Rhav mula pagkabata, pagkadalaga, at hanggang ngayon. Na isip niya kung matagal na talaga niya itong gustong at in-denial lang siya dahil hindi iyon pwede. Kaya ba masyado na silang komportable sa isa’t isa at kahit walang lalaki sa kanila ay hindi sila nakaramdam ng kulang sa kanila? “Ahhh!” inis na pinaghahampas niya ang unan sa kanyang kama at ng mapagod ay isinubsob niya din ang mukha sa unan. Doon pumasok sa alaala niya ang mga sandaling muntikan ng maglapat ang kanilang mga labi. It was so exiciting at nararamdaman niya ang kaba ng kanyang puso sa tuwing mangyayari iyon. Natitigan niya ang magandang mga mata nito. Napabangon siya at kumatok sa silid ng kanyang mga magulang. “Baby, pasok!” sigaw ni Jennylyn. Pagpasok niya ay nakita niya ang magulang nakasandal sa kama habang nanonood ng Netflix sa malaking TV. Kinuha ni Jonas ang wireless na keyboard at tinigil na muna ang palabas. Umayos ang mga ito sa pagupo sa kama habang umupo naman siya sa upuan. Sa loob kasi ng silid ay may maliit pang sofa set. “Is there any problem?” “Ano ang tingin niyo kay JC? Is he good for me? Magiging okay ba talaga ang lahat pag kami ang nagkatuluyan?” “Why...” naguguluhan si Jennylyn at napatingin kay Jonas bago muling ibinaling ang mukha sa kanya. “Why you are telling us this? Hindi ba’t ikaw ang mas nakakaalam kung si JC na ang gusto mong makasama? We are just here to support you anak. If you ask us kung approve sa amin si JC—sobra at alam mo naman ang dahilan, ‘di ba? Naguguluhan ka pa ba hanggang ngayon?” “I just want to make sure na magiging happy kayo pag nagkaroon na ako ng sariling pamilya.” “Of course! Iyan ang pangarap ng bawat mga magulang, ang makita naming masaya ang anak namin sa bubuoin niyang pamilya.” Pinahid niya ang luha. “Siguro nabibigla lang ako sa bilis ng mga pangyayari, iyong tipong sinagot ko lang si JC para masigurado ko ang damdamin ko sa kanya at ngayon napaguusapan na ang aming kasal. Parang naninibago lang ako sa takbo ng buhay ko ngayon.” “Normal lang yan, anak. Ganoon din naman ang Mommy mo noon sa akin, eh. Kahit matagal ko siyang niligawan pero pag dating sa araw na malapit na kaming ikasal ay nag worry din siya. Kaya kung ano man ang nararamdaman mo normal lang iyon.” Tumayo si Nica at gumapang papunta sa gitna. “Can I sleep here?” “Of course, darling! Para sa amin ikaw parin ang baby namin.” “Thanks, Mom, Dad.” TAHIMIK lang sila habang nasa byahe pabalik sa kanilang unit kinabukasan. Walang gustong magsalita, si Rhav ang nagmamaneho habang nakatingin lang si Nica sa labas. Tumunog ang cellphone nito at si JC ang tumatawag, sinagot nito iyon. “Hello.” “Hi, babe. Nakatulog ka ba ng mabuti kagabi?” “Yes.” “Have you eaten?” “Not yet.” “Oh, great. I’ll bring breakfast to your unit. See you! I love you.” Tumikhim si Nica at di niya magawang sumagot. Pinatay niya nalang ang tawag at umayos na ng upo. “Kalimutan mo na kung ano man ang sinabi ko sa iyo kagabi,” si Rhav. “Matagal ko ng tinuruan ang puso ko na kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko para sa iyo. Maniwala ka sanang masaya ako para sa inyo ni JC. Huwag mong pigilan ang sarili mong maging masaya at mahalin siya.” Tahimik pa rin si Nica kaya iginilid ni Rhav ang sasakyan sa tabi. “Nica, ito ang kinakatakotan kong mangyari kaya ayaw kong malaman mo ang damdamin ko. Kung saan ka magiging masaya, susuportahan kita at walang magbabago doon.” “Hindi mo na ako mahal ngayon?” “Mahal kita at hindi mawawala iyon, at pag nagmamahal ka magagawa mong maging masaya para sa taong mahal mo. Matagal ko ng pinag-isipan ito kagabi. Mas okay na iyong ako lang ang nasasaktan kaysa madamay ang mga mahal natin sa buhay. Hindi na sana ito makarating pa sa mga magulang natin. Pwede bang kalimutan mo nalang Nica? Isipin mo nalang na mahal kita dahil kaibigan kita at para na kitang kapatid.” “Sa tingin mo madali lang sa akin iyon? Sa tuwing ngumingiti ako kay JC naiisip ko kung nakatingin ka ba, iniisip ko iyong damdamin mo. I can’t imagine the paid you been through all of these years because of me. I was so numb na hindi ko namalayan na may iba na palang kahulugan ang pagmamahal mo sa akin.” Humarap ito sa kanya at hinatak nito ang kanyang batok at hinalikan siya sa mga labi. Noong una hindi pa siya gumalaw dahil sa gulat ng ginawa ni Nica. Pero ng maramdaman na niya ang malambot na labi nito ay kusa ng tumugon ang kanyang mga labi sa halik nito habang tumutulo ang kanyang luha. “Akala ko ba hindi mo na ako mahal?” anas ni Nica ng magkahiwalay ang kanilang mga labi. Kaagad na lumayo si Rhav kay Nica at inayos ang sarili. “Don’t tease me, Nica. Stop this bago pa natin pagsisihan ang lahat. Hindi ka pa naman sigurado sa feelings mo para sa akin. Baka naawa ka lang dahil alam mo ang totoong kalagayan at pagkatao ko. I don’t need your pity, I was in love with you and that’s it.” Ginamit niya ang katagang was para ipaalam ditong nakaraan na lang ang lahat sa kanya. “Are you scared to let them know of who you really are? For me, they have rights to know dahil anak ka nila. Hanggang kailan ka magpapanggap? Hanggang kailan mo papaasahin sila na magkakaroon ka ng sariling pamilya?” “Alam mo naman siguro na ayaw ng mga magulang natin sa LGBT, and I once asked them about same s*x relationship at sinabi nilang hindi normal ang katulad ko, kaya hindi nila ako matatanggap kahit na kailan. Hindi ko man maibigay sa kanila ang gusto nila para sa akin, sasaktan ko pa ba sila lalo?” Inabot ni Nica ang kanyang mga palad at marahang pinisil iyon. “Naiintindihan naman kita, eh. Pero matagal mo ng tinago ito at matagal ka na ring nasasaktan. Magiging sensitive na ako sa damdamin mo simula ngayon. Hindi madali ang pinagdaanan mo at naiinis ako dahil ako ang dahilan kung bakit ka nahihirapan ngayon. Ginagalang ko kung ayaw mong aminin sa kanila ang totoo.” “Like as I said, I WAS in love with you, kung ano mang merun tayo ngayon ay hindi iyon magbabago. Mag focus ka nalang kay JC at sa future na bubuoin niyong dalawa.” Marahang tumango tango si Nica at hindi na siya nagpumilit pa. Muling pinaandar na ni Rhav ang sasakyan. Napansin ni Nica ang folder na nakapatong sa kanyang harapan. Kinuha niya iyon at pag buklat niya nakita niyang naka ekis na ang mukha ni Tom na nasa unahan. Sa pangalawang page naman ay si Dexter kung saan may question mark. “Are you starting to like Dexter?” “Maybe?” sagot niya para hindi na ito mag isip pa ng kung ano ano man. Pero hindi parin talaga nawawala sa isip niya ang halik nito at ramdam niya parin ang mga labi nito sa kanyang mga labi. “He was nice and funny. Pinatunayan niyang mali ang pagkakilala ko sa kanya and besides tinanggap niya ako.” Napalingon si Nica sa kanya. “Alam niya ang tungkol sa iyo?” Marahang tumango si Rhav. “I told him para tigilan na niya ako, pero hindi siya umiwas o pinandirihan ako, in fact mas naging malapit kami even knowing na hindi na hihigit pa sa magkaibigan ang magiging relasyon namin. So who knows, baka isang araw magising akong in love na kay Dexter.” “Good for you.” “See? Walang rason para sabihin ko sa magulang ko kung may chance naman akong ma-in love sa isang lalaki.” “May nagustuhan ka na bang lalaki?” “Oo naman, pito sila.” “Hindi ang BTS ang tinutukoy ko.” Tumawa si Rhav pero umiling siya. “Wala pa.” “Hindi kaya pinipilit mo lang ang sarili mong maghanap ng lalaking magugustuhan at mai-i-date para makaiwas sa totoong ikaw?” “Siguro. Hindi ko rin alam kung ano bang ginagawa ko, basta ang alam ko lang ayaw kong mawala ka sa buhay ko.” Napatitig si Nica kay Rhav habang tumugtog ang isang malungkot at masakit na tugtugin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD