“Beshy...”
Napalingon si Rhav at nakita niya si Nica na nakatayo habang may bitbit na isang tasa ng kape. Nakatayo lamang sila malapit sa pool habang nakatingin sa mga bulaklak na nasa unahan. Masayang nag ki-kwentuhan ang kani-kanilang mga magulang sa loob. Nag excuse lang siya sandali para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi kasi siya makahinga sa loob. Pakiramdaman niya ay unti unting siyang nilalamon sa ilalim. Hindi rin nila inaasahan na magkaibigan pala dati ang kani-kanilang ina. Ang ina pala ni JC ay best friend din nila noon pero umalis dahil pinili ng kanyang Daddy Pancho ang Mommy niya. Pero tingnan mo nga naman ang kapalaran, napadpad ito sa kay Mr. Zhun Xiao.
Tinanggap niya ang kapeng bitbit nito at humigop ng kaonti. Hindi siya dito nakatingin, tila kay lalim ng kanyang iniisip.
“I am happy for you. Ngayong kayo na talaga ni JC ang nakatadhana para isa’t isa. Tingnan mo naman, tanggap lahat ang relationship niyo at ngayon palang ay may blessing na kayong dalawa.”
Marahang tumango si Nica at tumabi sa pagtayo. “I am happy to see them happy. Eto naman talaga ang gusto kong mangyari... natin. Next time ikaw naman.”
Tumawa lang ng hilaw si Rhav. Walang ibang salita ang lumalabas sa kanyang bibig.
“Babalik na ako sa loob, baka hanapin nila ako. Dito ka lang ba?”
“Yep, mamaya na ako babalik, nagpapatunaw lang ako ng kinain. Sige na, balik ka na sa loob.”
Tumango lang si Nica at umalis na ito sa tabi niya.
“Hooo!” pinahid niya ang luha na sumungaw sa kanyang mga mata. “Grabe, ang init naman ng kape na ito, hindi ko tuloy mapigilan ang luha ko!” kausap niya sa sarili habang pinapaypayan ang mga mata. “Tama na, please! Hindi ka pa ba sanay? Alam mo na to, ‘di ba? Pinaghandaan mo na ito ng matagal!” paalala niya sa sarili.
Biglang may umagaw ng hawak hawak niyang tasa at tinakman iyon. Napangunot ang noo ni Dexter habang matalim na nakatingin sa kanya. Hindi ito nagsalita at inilapag nalang ang tasa sa mesa na nasa unahan.
Umupo ito sa upuan na nasa kanyang likuran kaya nailang siya. Pakiramdaman niya kasi tumatagos ang tingin nito sa katawan niya. Napabuntong hininga na lamang siya habang mabilis na kinukurap ang mata. Umupo siya sa tabi nito/
“Sobrang sarap lang ng kape kaya naluha ako.”
Hindi parin ito nagsalita at tahimik lang na nakikinig sa kanya.
Biglang humagulhol si Rhav na labis na ikinabigla nito. Naririnig din nila ang mga boses ng tao sa loob na palapit sa kanila. Walang pagdadalawang isip na tumayo siya at hinila si Rhav papuntang pool at itinulak niya ito. Gulat na gulat si Rhav sa bilis ng pangyayari at naramdaman niya nalang ang paglubog ng katawan niya sa pool.
Embes na magalit kay Dexter, nakaramdaman siya ng tuwa dahil paniguradong magtataka ang mga ito pag nakitang luhaan siya.
“Oh my God! Rabina! Are you okay?” sigaw ng kanyang Mommy Daniela.
Iniangat niya ang braso paitaas ng pool habang nakalublob pa rin ang katawan niya sa tubig at nag peace sign siya dito.
“Akala ko naman kung ano na ang nangyari. Pero anak, nakakahiya sa bisita natin. Bakit ngayon mo pa naisipang mag swimming.”
“Tama na yan, honey. Matagal tagal na rin namang hindi nagagamit ang pool at baka na miss niya lang.”
Napatingin si Nica kay Dexter na noo’y nag aabang kay Rhav sa gilid ng pool. Tinanggal niya ang kanyang sandals at tumakbo para mag dive din sa pool. Napasinghap naman ang kanyang parents habang tuwang tuwa namang nakatingin si Mr. Zhun Xiao.
“Have fun, let’s give them time to have fun!” tinapik nito ang anak. “Son, go after her,” then he winked at muli ng pumasok sa loob. Naiwan sa labas sina JC at Dexter habang nakalublob pa sina Nica at Rhav.
“Ang tagal naman yata ni Rhav sa ilalim. Do you think she’s okay?”
Sumilip sa pool si Dexter pag dungaw niya at siya namang angat ni Rhav at hinawakan siya sa kamay pahatak sa pool. Nagsitalsikan ang tubig kaya nabasa na rin si JC. Panay ang tawa ni Rhav habang pinagmamasdan si Dexter na nakikipagbuno sa tubig.
Pero doon niya na-realize na hindi ito nagbibiro, mukhang hindi nga ito marunong lumangoy. Lumangoy siya palapit dito para alalayan itong makakapit sa gilid ng pool. Napahiyaw siya ng hatakin ni Nica ang mga paa niya pailalim sa pool. Doon niya nakitang abot naman pala ni Dexter ang tiles ng pool at nag iinarte lang ito.
Kapwa habol ang hininga nila ni Nica pagkaangat sa pool at ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Dexter ang sumalubong sa kanila.
“Wala akong balak maligo, Rhav.”
“Wala ka ng choice basa kana,” tiningnan niya si JC na basang basa na rin dahil sa talsik ng tubig. “Wala ka bang balak samahan kami? Basa ka rin lang naman.”
Lumangoy palapit dito si Nica at iniangat ang palad. “Come here.”
Humarang ang katawan ni Dexter kaya hindi niya nakita ang paghawak ni JC sa palad ni Nica bago ito lumubog sa pool. Ngumisi lang ito sa kanya kaya nairapan niya ito.
Parang mga batang nagkatuwaan sila sa pool. Hindi naman nahirapan ang dalawa dahil abot naman nila ang tiles at hanggang leeg ang tubig habang sila ni Nica ay kailangan pang lumangoy. Balewala lang din naman sa kanila dahil sanay na sila. Sumisid si Rhav pailalim at nakita niya ang halos magkadikit ng katawan nina Nica at JC, may pa-holding hands pa sa ilalim ng pool.
Mabuti nalang at may pool, hindi nahahalata ang kanyang mga luha sa tuwing aangat siya. Mukhang nakisimpatya sa kanya ang langit dahil sa unti-unting pagpatak ng ulan.
Napahiyaw silang apat. Lumabas naman si Jennylyn para bigyan sila ng makakain habnang nagi-enjoy na nagtatampisaw sa pool.
“Nakakatuwa ang mga anak natin. Mukhang close na close na kaagad sila sa isa’t isa,” si Carmena. “At masaya akong makitang hanggang ngayon ay magkakasama parin kayong apat. Hindi ko akalain na kayo din ang magkakatuluyan sa huli.”
“Oo nga, eh. Pero kita mo naman maglaro ang tadhana. Hindi ka rin niya pinabayaan dahil napunta ka naman sa lalaking may kaya sa buhay.”
“She helped me a lot. I struggled when I started the business; without her, I am not who I am today.”
“Are you not worried about knowing our past?”
Umiling ito sabay napangiti. “I knew already because she did not hide anything from me. I knew that Pancho, the great painter was my wife’s first love, then Daniela and Jennylyn were her best friends. Before I gave my trust, I had to investigate our applicant’s background, and that is when I discovered that Danica Valdez was your daughter. I was hesitant at first because I also found out that Rabina San Mateo’s parents were the couple who hurt my wife’s feelings back then. But they were good at their work. I did not regret hiring them because they are one of our company’s gems.
Masayang tumango-tango sila.
“Darling bakit hindi mo naman sinabi na alam mo na pala simula palang, sana matagal na tayong nagpakilala sa kanila.”
“Everything happens for a reason.”
“Yeah, right.”
Kinuha ni Carmena ang isang box na nakabalot pa ng kulang berdeng tela at iniabot iyon kina Jonas at Jennylyn. And kulang pulang kahon ay kina Pancho at Daniela.
“Munting handog namin para sa inyo. Iyong iba pwede kahit mamaya niyo na buksan.”
“Thank you. Nag abala pa kayo pero salamat!” binuksan na iyon ni Jonas. Nakita nila ang isang gold na lucky money cat na dalawang dangkal ang taas.
“Thank you.”
“No problem.”
Pagbukas ni Pancho ng sa kanila ay tumambad naman ang gold money frog. Parehong pang pa swerte sa pera at talagang ma-swerte sila dahil purong gold ang mga iyon. Nagpasalamat din sila sa mag asawang Xiao. Ilang oras pa tumagal ang kanilang kwentuhan bago ito nag pasyang umalis na. Sina Dexter at JC naman ay nagpaiwan dahil nag i-enjoy pa ang apat sa paliligo sa pool.
Nang matapos ang kanilang swimming at pinahiram naman sila ng damit ni Jonas dahil magkasing katawan lang naman nito ang ang dalawa. Nagpaalam narin ang mga ito kigabihan.
Katatapos lang ni Rhav sa kanyang night routine ng kumatok si Nica sa kanyang silid.
“Pasok,” aniya habang inaayos ang kanyang kama. Nakita niyang may bitbit ng unan si Nica at kaagad na lumundag sa kanyang kama.
“Mas maganda naman ang kwarto mo kaysa sa akin pero gustong gusto mo sa silid ko.”
“Mas malambot ang kama mo kaysa sa akin at masarap ang tulog ko kapag alam kong kasama kita.”
Nag iwas ng tingin si Rhav at kumuha ng isang kumot sa kanyang cabinet ang inihagis niya ito kay Nica. “Malamig ngayon at baka hindi na ako makagalaw kinabukasan dahil inaagawan mo na ako ng kumot.”
Tumawa si Nica at parang batang pumasok na ito sa ilalim ng kumot. “Hindi ka pa na inaantok?”
“Hindi pa, sige na matulog ka na diyan. Susunod din ako maya maya.”
“Goodnight...” anas nito.
Paglingon ni Rhav ay tulog na kaagad ito. Kinuha niya ang Diary sa kanyang bag para isulat ang nangyari sa kanya sa araw na iyon.
Dear Diary, ngayong araw ang pinakamasayang araw ni Nica dahil nagkakilala na ang parents nila ng kanyang boyfriend na si JC. Nakita ko rin ang saya sa mga mata ng aming parents para sa kanila. Alam kong mabibigo ko lang sina Daddy at Mommy...
Isinara ni Rhav ang kanyang Diary ng kumatok si Daniela.
“Anak, matutulog ka na ba?”
“Hindi pa naman, Mommy. Bakit po?”
“Pwede ba tayong mag usap sandali?”
“Sige po,” tumayo na siya at sinundan ang Mommy niya papuntang library s***h office room ng kanyang Daddy Pancho.
“Hi Dad,” bati niya bago umupo sa upuan. Seryoso ang mga mukha nitong nakatingin sa kanya. “Kinakabahan ako, Daddy. Mukhang may problema tayo?”
“Anak, alam namin kung gaano kayo ka-dikit ni Nica. Pero, ngayong may boyfriend na siya dapat sigurong bawas bawasan na niyo ang time sa isa’t isa tutal nasa iisang bubong naman na kayo.”
“Mom, deretsahin niyo na po.”
Huming ito ng malalim. “Napagkasunduan nilang ipakasal na sila at kahit hindi mo sabihin nagseselos ka kasi maagaw na sayo ang kaibigan mo. Ganoon din ang naramdaman ko noong nakikipag-date si Jennylyn kay Jonas kaya alam ko ang damdamin mo anak. Kaya ka tumalon kanina sa pool. ‘di ba?”
“Ibaling mo na ang atensiyon mo sa iba, kumilala ka ng ibang tao para hindi mo napapansing nababawasan ang oras niyo ni Nica para sa isa’t isa. Kasi hindi magtatagal magiging busy na sina JC at Danica at maiwanan ka nalang sa ere,” inilapag ni Pancho ang isang brown envelop. “Iyan ang listahan ng mga bachelors na pwede mong i-date.”
Kinuha niya iyon. “Huwag po kayong mag alala sa akin dahil matagal ko na pong napaghandaan ito. I am happy for her sana maging sila na hanggang sa huli.”
“Hindi sapat iyong masaya ka nalang para sa iba, paano naman ang sarili mo? Dapat maging masaya ka muna sa sarili mo para hindi ka malungkot pag mag kanya kanya na kayo ni Nica.”
“Mom, Dad... paano kung iba ako sa pagkakakilala niyo? Paano kung hindi talaga ito ang tunay na ako. Ano ang gagawin niyo? Matatanggap niyo pa rin ba ako?”
“Seryosong tanong ba ito anak? Baka mamaya isa lamang itong linya sa mga napanood mo.”
Pinagsalikop ni Rhav ang mga palad at tumango.
“Well, syempre matatanggap ka namin dahil anak ka namin. Lahat naman ng mga magulang ay ganoon,” ang daddy niya. “Bakit may hindi ba kami alam sa iyo anak?”
“Wala po yata akong puso, dahil wala akong magustuhan sa mga lalaking gustong makipag-date sa akin.”
“Akala ko naman kung ano na!” nakahinga ng maluwag si Daniela.
“Huwag mo ng i-pressure ang sarili mo kahit gusto na naming magkapamilya ka. Naisip namin na baka dahil sa kakapilit namin ay baka mas lalong hindi mo mahanap ang lalaking iibigin mo, kaya akin na ang folder.”
“It’s okay Mom, titingnan ko parin sila.”
“Anak, sabihin mo sa amin ang totoo, ano ba talaga ang bumagabag sa iyo?”
Nag isip si Rhav kung iyon na ba ang tamang oras para magpakatotoo siya sa kanyang sarili. Para hindi na siya mahirapan pang magpanggap na ibang tao araw araw. Pero ayaw na niya munang sirain ang kaligayahan sa mga mata nito. Ngumiti siya at tumayo na habang bitbit ang folder.
“Good night, Daddy at Mommy. I’ll be fine, I promise. Let’s be happy for Nica’s love life.”
“Anak, sandali,” pigil ni Daniela. “May nararamdaman ka ba para kay JC?”
Napahinto si Rhav at humarap sa mga magulang sabay bunghalit ng tawa.
“Mom!”