CHAPTER TWENTY-THREE: OFFICIAL ANNOUNCEMENT

2619 Words
Maaga silang nagising kinabukasan para makauwi kaagad sila. Magkahiwalay na sumakay sina Nica at Rhav dahil may dala naman silang sasakyan. Si Dexter ang nagda-drive sa kanyang kotse at hindi ito pumapayag na magsalitan sila. “Hindi ko alam ang nangyayari sa inyo, pero sana next time yong totohanang kiss naman.” “Hindi ka pa rin nakakapag-move on.” “Once in a lifetime lang iyon. Sana more on truth or dare games pa tayo!” Ngumisi lang si Rhav at umayos na ng upo sa tabi nito. Nakatingin siya sa labas at pinagmamasdan lang ang daan. “Nagbibiro lang ako. Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit pinahalikan ako ni Nica sayo. Hindi kaya... nagseselos siya?” “Huwag ka ng mag isip ng kung ano ano diyan. Laro lang ang lahat at gusto niya lang akong subukan.” “Subukan? Para saan?” “Akala niya hindi pa ako nakakahalik, kaya siguro ganoon.” Lakas na tumawa si Dexter sa kanya at may pahampas hampas pa ito ng manebala. “Sinabi ko nga ba, ako ang first kiss mo e!” “Hindi ikaw no! Si Nica ang first kiss ko.” “No way! How?” “Secret. Bakit ko naman sasabihin sa iyo?” “Should I ask Nica?” Umayos ng upo si Rhav at tiningnan si Dexter. “Nagkamali yata ako ng pagtitiwala sa iyo.” Mas lalong lumakas ang tawa ni Dexter. Sa loob ng sasakyan namn ni JC ay natutulog lang si Nica. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi, hindi siya mapakali. Ten o’clock na sila nakarating sa kanilang bahay at dahil nandoroon naman na sina Dexter at JC ay pinatuloy na nila ito. Nagpaalam lang saglit si Rhav na magbibihas sa kabilang bahay. “Hi, Mom, Dad,” hinalikan niya ang magulang sa pisnge. Nagulat ang mga ito ng makitang nakasunod sa kanya si Dexter, sumunod pala ito sa kanya. “Hijo! How are you?” tuwang tuwang bati ni Daniela. “Okay lang naman po Tita. Good morning po! Good morning din po, Tito!” magalang na bati nito sa kanyang magulang. “Oh, sige na maupo kana dito. Ikaw naman anak magbihis ka na kaagad.” “Yes, mom,” tiningnan niya si Dexter at nag warning look dito bago umakyat sa silid niya. “Anong paborito mong pagkain?” “Hindi naman po ako mapili sa pagkain, Tita.” “Nakakailang girlfriend ka na ba?” tanong naman ni Pancho. Kasalukuyan silang nasa living area habang may hawak hawak itong tablet. Mukhang nagbabasa ito ng news online. Si Daniela naman ay naglalaro mag-isa ng baraha. “Tito, hindi pa po ba nasasabi sa inyo ni Rhav na binasted na niya ako? Nakakahiya man po pero, basted po ako, eh.” Inilapag ni Pancho ang hawak nito sa center table. “Naku, ayos lang yan, ganoon talaga minsan kailangan nating pagdaan iyon para makita natin ang para sa atin pero malay mo naman at baka magbago ang isip ng anak namin. Tanang buhay namin ngayon lang namin nakita yang may dinalang lalaki sa bahay.” “Daddy, magkaiba po ang dinala sa sumunod sa akin,” sabad ni Rhav na nakababa na pala. Umupo na siya sa tabi ni Dexter. “Nandoon po si JC sa kabila, sinundan nila kami sa Zambales, paano hindi sinabi ni Nica na walang signal iyong pupuntahan namin, kaya ayon, nag alala si JC.” “Mabuti naman at hindi nainis si Nica?” “Anong hindi? Kulang nalang pabalik silang dalawa, eh.” “Ayaw talaga ni Nica ng may sumusunod sa kanya?” “May bumubuntot kamo. Naalala ko dati noong nagpaalam siya sa akin na may bibilhin siya sa mall at dahil wala naman akong ginawa, sumunod ako sa kanya, aba, todo irap ang inabot ko sa kanya. Sana nag ibang mall nalang daw ako.” Nagtawanan sina Pancho at Daniela habang nag kwi-kwento si Rhav. Nakisabay narin si Dexter sa kanilang kwentuhan. “Dexter hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Nakailang girlfriend ka na?” “Daddy, huwag mo na pong tanongin si Dexter ng ganyan. Masyado na pong personal yan. Dexter hindi mo kailangan sagutin dahil baka hindi magkasya ang listahan sa dami nila.” Tumawa lang si Dexter, pinagsalikop nito ang mga palad. “I had three girlfriends.” “Sabay-sabay?” ngumisi si Rhav habang nag peace sign dito. “Pagpasensiyahan mo na ang anak namin, di ko alam kung saan ‘yan nag mana,” sinaway ni Daniela si Rhav. Anyway, nakakatatlo ka palang sa pogi mong iyan?” Nahihiyang napayuko si Dexter. He was flattered. “Opo, hindi naman po ako nag gi-girlfriend ng sino sino nalang.” “Pakasalanan mo na siya Rabina. Minsan ka lang makatagpo ng lalaking katulad ni Dexter, hindi man maganda ang unang impression mo sa kanya at least alam mong nagkamali ka. Suportado ko kayong dalawa!” si Pancho. Tumawa nalang si Rhav at tumayo na dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. “Puntahan na natin sa kabila dahil sila ang may magandang ibabalita sa atin!” Hinila na niya patayo si Dexter. --- May oras pa sila bago ang lunch kaya inilibot na muna ni Nica si JC sa kanilang bahay. Ibinida din niya dito ang swimming pool sa likuran kung saan may slide na paboritong tambayan nila noon ni Rhav. Pati na rin ang mga halamang sila mismo ang nagtanim. Karamihan sa mga iyon ay red rosas at santan, may mga orchid din sila. Pagtingin niya sa kaliwa ay napansin niyang nakabukas lang iyon at doon niya napagtantong magkadugtong lang ang bakuran ng dalawang bahay. “‘Di ba, bahay nina Rhav ang nasa kabila?” “Yes, amazing, right?” “It is, ang saya pala talaga ng childhood ninyo. Wala ba kayo ibang kalaro noon?” Nakatayo silang dalawa sa gilid ng pool habang masayang inililibot ang paningin buong paligid. “Mayroon naman, pero bihira lang. Palaaway kasi dati si Rhav kaya natatakot sila sa amin.” “Mukhang sinisiraan mo na ako, ah!” sumulpot mula sa kabila si Rhav kasunod ni Dexter. Namangha din ito ng mapansing isang bakuran lang pala ang dalawang bahay. “Hindi naman gaano, slight lang!” si Nica sabay yakap kay Nica. “Naalala mo ba noong sabay tayong nag dive at nagkauntugan tayo?” “Oo naman, panay iyak mo ‘nun eh.” Magkahawak kamay silang sinariwa ang kanilang kabataan. “Parang kailan lang, napakabilis na talaga ngayon ng panahon.” “Yes, parang kailan lang din nung inis na inis ako sa grupo nina Jap at Dexter.” Natawa si Dexter. “People change, pero hindi naman ako gaanong masama noon ah. Mahilig lang talaga ako sa mga pustahan. Nakaka-excite for me pag may mga bet as challenge na rin siguro.” “You are still the same up until now,” pagbubuko ni JC dito. Napuno ng asaran ang likod bahay dahil sa kanilang apat. “Hindi ko akalain na makikita ko ang ganitong eksena,” maluha-luhang bigkas ni Jennylyn habang nakasilip sa kanila. “Ang ganda nilang tingnan, dalaga na nga ang ating mga anak.” Nakisilip na rin si Daniela sa kanila, hindi sila dumaan sa bakuran dahil para sa kanila sina Rhav at Nica lang ang mag access doon. “Sana mauntog si Rabina at ma-in love na kay Dexter.” “Kayong dalawa talaga, hindi natutturuan ang puso kahit anong pilit pa nating gawin. Look how Rabina smiling and laughing around them. Parang kaibigan lang ang turing niya kina JC at Dexter,” sabad ni Jonas. May dala itong lagayan ng fruit salad. “Pero ako botong boto ako kay JC para kay Nica, sana naman sinagot na niya.” “Panigurado, tingnan mo naman ang malalagkit na tingin ni JC kay Nica.” “Parang hindi naman kayo dumaan sa pagiging teenagers. Namimiss niyo lang ang kabataan natin, bakit same parin naman tayo hanggang ngayon ah.” si Pancho, pinalaki pa nito ng kaonti ang muscle. “Hayaan na nga natin muna sila. Asikasuhin na muna natin iyong mesa at pagkain.” “Dumating na ba ang pina-order nating cake?” tanong ni Jennylyn. “Wala pa. Oh, ayan na may doorbell na. Ako ng bahala.” Iniwan na ni Jonas ang tatlo at tinungo ang gate. Naka off kasi ngayon ang kanilang driver kaya sila sila na muna. Wala din silang mga katulong sa bahay, sila sila lang ang nagtutulungan. May stay out silang labandera na pumupunta once a week. Pagbukas ng gate ni Jonas ay sumalubong sa kanya ang magiliw na ngiti ni Mr. Zhun Xiao, katabi nito ang asawang si Mrs. Carmena. Kilala ito ni Jonas dahil nakikita niya ito sa mga pahayagan at syempre ito ang amo nina Rhav at Nica. “Mr. Zhun Xiao?” “Yes, tama ba kami, dito nakatira Nica?” “Yes, please welcome.” Niluwagan niya ang gate ng bahay para makapasok sa loob ang sasakyan nito. Kaagad na kinamayan ni Pancho ang mag asawa. “I am Nica’s father! It is an honor to meet you. I am such a big fan!” “Oh, thank you. Nica is excellent in her field. I rely so much on her talent and ability. You have raised her well.” “Thank you. Nice to meet you also, Madam.” “Tawagin mo nalang akong Carmena,” ngumiti ito. Tumango nalang si Jonas. “Have a seat. We are just preparing the table. Please feel at home.” “Thank you,” umupo na ang mag asawa sa living area. Pagdating niya sa kitchen ay kaagad na hinanap sa kanya ni Jennylyn ang cake dahil ito nalang ang kulang. Bumulong si Jonas sa asawa, nanlaki ang mga mata nito at napatakip sa bibig. “No way!” dahan dahan itong sumilip sa gilid ng pader para ikumpirma ang binalita ng asawa. Kaagad na sinenyasan niya si Daniela na lumapit. “Hindi ba’t si Carmena iyon?” Napasinghap si Daniela. “Oo nga! Anong ginagawa niya dito? Don’t tell me siya ang mama ni JC?” “Oh no...” Lumapit si Pancho sa kanila at nakisilip na rin ito. Napahinto ito ng ilang segundo para tumingin kay Daniela. “Small world.” Si Carmena ay kaibigan nina Jennylyn at Daniela noon, tatlo talaga sila sa grupo. Bago pa nagkakilala sina Pancho at Daniela ay nauna ng nagkaroon ng MU sina Carmena at Pacho. Nagulat pa sila na ang tinatagong ka date nito ay ang kaang piliin ni Pancho si Daniela ay doon nasira ang kanilang pagkakaibigan at ipinasya nitong lumayo, mula noon wala na silang balita dito. Bigtime na pala ito ngayon. Sinong magaakalang ito ang naging boss ng kanilang mga anak? Kakaiba talaga maglaro ang tadhana. Kinuha ni Mr. Zhun Xiao ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang driver na ipasok na sa loob ang kanilang mga dalang regalo para sa pamilya nina Nica. “Mommy, anong ginagawa niyo diyan? Sino bang nasa living area at para kayong mga batang nagtatago?” si Nica pagkapasok sa kusina, nandoon kasi ang pinto papasok mula sa bakuran. “May bisita tayo...” si Jennylyn. Bumulong ito. “Nandiyan ang parents ni JC.” “What?” “I am sorry, Daddy kept on asking me to meet your parents so... I told him your address, hindi ko naman alam na ngayon pala sila pupunta. I am sorry.” “No, that’s okay. Mas okay na yong magkakilala na tayo kaagad,” si Jonas. “Thank you, Tito. Puntahan ko nalang po muna sina Daddy at Mommy.” “Samahan mo na Nica, susunod kami.” Hinila din ni Dexter si Rhav kaya silang apat na ang pumunta sa living room. Sakto namang pumasok ang driver ng mga Xiao, ito din yong nagsundo kay Nica dati kung saan una silang nagkakilala ni JC sa birthday party nito. “Mommy, Daddy, what brought you here?” “JC? Oh... we don’t know you are here!” “Uncle, Auntie, hi!” bati din ni Dexter. “Good morning po,” panabay na bati nina Rhav at Nica. “Kumpleto kayo dito!” sabi ng Daddy niya. “We just want to meet Nica’s family first, but I am glad you are all here. How are you, Nica?” “I am fine, Sir. Thank you.” “How’s your vacation?” “We had a great time.” Tumango-tango ito. Nakaupo sila sa nakapalibot na sofa set. Malawak naman ang space nila kaya kaysa lang silang lahat sa sofa. Lumapit na sa kanila sina Jennylyn, Daniela, Jonas, at Pancho. Nagsitayuan sila lahat at napako ang tingin ni Carmena. Napaawang din ang bibig nito at hindi makapaniwalang tinuro sila. “Kayo ba talaga yan?” “Hi Carmena, it’s been a long time. Kumusta ka na?” tanong ni Jennylyn dito sabay yakap at halik sa pisnge. Sumunod naman si Daniela sa pag beso beso dito. Inilahad naman ni Pancho ang kamay na tinanggap naman nito. “Okay lang ako... pero...” umikot ang paningin ni Carmena sa kanilang lahat. “I can’t believe this.” “Mom, you know each other?” “They are my long-lost friends. Oh God,” naupo ito sa sofa. “Hanggang ngayon ba Carmena hindi ka pa nakakapag-move on?” si Daniela. “Matagal na, hindi lang ako makapaniwalang kayo ang madadatnan ko dito. Sa tinagal tagal na angtatrabaho sa amin si Danica at Rabina, hindi ko man lang naisip na posible nga palang kayo ang magiging magulang nila. Pero I am glad na nagkita-kita tayo ulit.” Ngumit na si Daniela. “May dala kaming kaonting regalo para sa inyo. Sana magustuhan niyo.” “Sana hindi na kayo nag abala pa pero salamat,” si Jonas. Nagkatinginan sina Rhav at Nica habang mag pagtatanong sa isa’t isa. Nagkibit balikat lang si Rhav dahil wala din siyang idea, basta ang alam lang nila magkakilala na ang mga parents nila at ang mama ni JC. “Let’s catch up over lunch. Nahanda na ang mesa, please be our guest.” si Jennylyn. Muling may nag doorbell kaya nilabas ito ni Jonas. Pagbalik nito ay may dala na itong malaking kahon ng cake. Maraming nakahain na pagkain sa mesa, parang laging may fiesta. Pagkatapos ilagay ni Jonas ang cake sa gitna ay nagsiupan na silang lahat habang si Rhav na naman ang nag lead ng prayer. “Bueno, JC, Nica, what is your real status?” Mr, Zhun Xiao asked. “She’s my girlfriend now.” Nadiin ni Rhav ang kanyang mga palad sa kanyang mga hita para makaramdam siya ng sakit physically. Dahl iyong emosyon niya ay patay na. Dexter is on the rescue at kaagad na pumalakpak. “Congratulations!” Kitang kita din ang saya sa mga mukha ng lahat lalong lalo na si Jennylyn. Marami pa silang dapat pag usapan ni Carmena pero ipapaliban na muna nila. Sa ngayon mas kailangan nilang pagtuunan ng pansin sina Nica at JC na ngayon ang opisyal ng magkasintahan. “I will promise to love Nica for the rest of my life.” Napayuko si Nica dahil pakiramdam niya nasa kanya lahat ng mga tingin nito. Pangiti ngiti lang siya minsan habang bumulong kay JC na nahihiya siya at naiilang. Hinawakan ni JC ang kanyang mga palad na nakapatong sa mesa. “It’s okay, masanay ka na dahil everyday ka ng makakaranig ng mahal kita.” Nag ingayan ang paligid dahil sa tuwa sa kanila. “So kailan ang kasal?” si Jonas. “Dad!” si Nica. Napuno ng tuksan ang paligid habang masayang pinagsaluhan nila ang pagkaing inihanda nila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD