“Danica, are you all right? Kanina ka pa nakabusangot diyan.”
Napabuntong hininga si Nica. Tinatawag lang niya ito sa pangalan kapag seryoso na siya. Nasa loob sila ng restroom at naghihintay na matapos ang nauna sa kanila sa shower area.
“Naiinis lang ako, ngayon palang parang wala na akong freedom mula sa kanya, ganito ba talaga pag nasa isang relantionship ka na, nakakasakal.”
“Hindi niya alam na walang signal dito kaya nag aalala lang siya sa iyo. This is just a misunderstanding, next time sabihin mo sa kanya iyong mga ayaw mo. Alam mo na, hindi niyo pa lubos kilala ang isa’t isa.”
“Parang nakuha niya talaga ang loob mo para sa akin ah.”
Nag-iwas siya ng tingin dito at sumandal sa dingding. “Sa lahat ng lalaking gustong pumasok sa buhay natin, si JC lang ang nababagay sa iyo. Nakikita naman kung gaano ka niya ka-gusto, higit sa lahat nasa kanya na ang lahat. Kung magmamahal ka rin lang naman, sa kanya na.”
“Paano ka na?”
“A-anong paano na ako?”
Tinitigan lang siya nito at napasandal din sa dingding. Katahimikan ang namagitan sa kanila habang naghihintay. Kanya-kanya narin sila ng pasok sa cubicle. Pagkatapos nilang maligo at magbihis at dumeretso na sila kaagad sa cottage kung saan nakangiting naghihintay sa kanila sina JC at Dexter. Nakahanda na rin ang mesa para sa kanilang dinner, nakapagluto at prepare na rin ang lahat.
“I am sorry for messing up your girl’s bonding!”
“Okay,” umupo na si Nica, embes na tumabi siya dito ay sa kabila nalang siya umupo katabi ni Dexter.
Tumikhim siya at pilit na pinasigla ang boses. “Mas okay naman pala na may ibang kasama para may taga-luto tayo, eh!” tumingin siya kay Dexter at ngumiti dito ng matamis. “Sumama ka ba kay JC kasi namiss mo ako?”
Umuwang ang bibig nito sa bigla sa kanya, pinandilatan niya ito ng mata para magets nitong isalba siya sa moment na iyon. Lumapad ang ngiti nito.
“Yes, miss na miss kita. Na-realize ko lang na kahit anong pilit kong lumayo sayo, hindi ko magawa. Sa totoo lang excited talaga ako na sumama kay JC, hindi lang halata.”
Siniko ito ni Rhav na animo kinikilig sa tabi nito. Padabog na kumuha si Nica ng kanin kaya nag ingay ang kutsara nito na siya naman kinatahimik nina Rhav. Why she’s acting like that anyway?
“Sorry, gutom na kasi ako!” anito at nilagyan ng food ang pinggan ni JC. Kinuhaan din niya ito ng fried chicken at kaonting chopsuey.
“Thank you, babe.”
Nabilaukan si Nica ng marinig ang endearment na ginamit ni JC sa kanya. Tumawa ng malakas si Dexter, at hinawakan sa kamay si Rhav para tumawa din ito. Kahit hindi niya alam kung para san iyon at nakisabay siya dito.
“Bro, mukhang hindi alam ni Nica na babe ang tawagan niyo ah.”
Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni JC at inakbayan si Nica. “You will get use to it, babe.”
Napayuko si Rhav para hindi makita ang dalawang naglalambingan sa harapan niya. Hindi naman siya iniwan ni Dexter at sinamahan siya nito para hindi mahalata ang lihim niyang paghihinagpis.
“You look good together,” si Nica habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Bakit hindi niyo subukan mag date? Kaysa naman sa ibang lalaking hindi mo pa nakikita.”
“Are you dating random guys?”
“I have to,” tinatamad na sagot ni Rhav.
“Well, kung naghahanap ka lang din naman, bakit hindi mo nalang ako subukan? Ibibigay ko sayo ang aking sarili ng walang pagalinlangan, magiging alipin mo ako.”
Hindi napigilan ni Rhav ang matawa ng totoo sa mga sinasabi nito. Masarap naman kasama si Dexter bilang isang kaibigan nga lang. Hindi na niya pinatulan ang sinabi nito at nagpatuloy nalang siya sa pagkain.
“Besh, I am serious, bakit hindi nalang si Dexter?”
Nainis na ng kaonti si Rhav kay Nica dahil sa kakapilit nito kay Dexter sa kanya. Kumalma naman siya ng bigyan siya nito ng ulam sa pinggan niya.
“Alam ko na--sorry Dexter ha?” anito at muling bumaling kay Rhav. “Na hindi mo siya gusto, pero malay mo naman... magkaka-developan din kayo. Gaya ko, hindi ko naman gusto si JC sa umpisa.”
“Bakit gusto mo na ba siya ngayon? Or mahal na?” deretsahang tanong ni Rhav.
Nakipagtitigan si Nica sa kanya at dinurog siya sa sagot nito. “Oo, mahal ko na siya.”
Niyakap ni JC si Nica sa narinig. Tuwang tuwa ito ng sambitin ni Nica ang mga katagang iyon, habang hindi parin naghihiwalay ang tingin nilang dalawa. Pumalakpak si Dexter kaya nakaiwas si Rhav dito.
“Aba’t dapat lang nagmamahalan kayong dalawa dahil kayo na. Given na iyon!” tumawa ito ng mahina. Naramdaman niyang hindi okay si Rabina kaya hinawakan na niya ito sa braso at pinilit na itayo. “Bibigyan na muna namin kayo ng time mag-usap.”
Malayo ang nalakad nina Rhav at Dexter bago sila naghiwalay at napatingin sa dagat. Hindi na kita ang cottage mula sa kanilang kinaroroonan. Naupo si Rhav sa buhangin habang nakaharap sa malawak na karagatan, payapa din ang alon kaya ang tahimik sa paligid. May ilan lang nagtatawanan sa kabila habang naliligo, hindi pa naman gaanong madilim iyon. Ginaya siya ni Dexter sa pag upo at nahiga pa nga ito sa tabi niya habang nakatingin sa kalangitan.
“May something na ba sa inyo ni Nica?” hindi niya maiwasang itanong.
“Something na ano?”
“We both know that you like her, alam na ba niya? Or may mutual understanding na ba sa inyong dalawa?”
Natawa si Rhav sa tanong ni Dexter. “Malabo ang naiisip mo. Babaeng babae si Nica, hindi lalagpas ang tinging nun sa akin.”
“Are you sure? Dahil iba ang nararamdaman ko.”
“Don’t give me hope dahil baka umasa ako.”
“Sinasabi ko lang kung ano ang nararamdaman at nakikita ko sa pagitan niyong dalawa. Alam ko na magkaibigan kayo at lagi na kayong magkasama, pero may mga bagay na hindi mo kayang ipaliwanag. Mga bagay na hindi niyo naman dapat gawin alang alang sa pagkakaibigan. Basta.”
Ginaya niya ito sa paghiga sa buhanginan.
“She’s the most precious person to me, hindi ko kayang saktan siya at i-risk ang lahat dahil sa pagmamahal ko. Pinag-isipan ko mabuti iyong sinabi mo sa akin last time, you have a point naman, pero everything is a matter of choice and I choice to keep everything as it is.”
He sighed at hindi na nagsalita pa, tahimik lang silang pinagmamasdan ang langit.
“Look at them, ‘di ba ang ganda nilang pagmasdan?”
Napatingin si Nica sa tinutukoy ni JC at nakita niyang nakahiga sina Rhav at Dexter sa buhanginan. Naglakad-lakad din kasi sila at saktong namang napansin nito ang dalawa.
“Yes.”
Hinawakan siya ni JC sa kanyang kamay at hinila palapit dito, kasunod ‘nun ang pagyakap sa kanya ng mahigpit. Naramdaman din nila ang paghampas ng alon sa kanilang mga paa.
“Everything is perfect, the nature, the relaxing waves, and you...” iniangat ni JC ang mukha ni Nica at dahan-dahang ibinaba nito ang mukha sa mukha niya. Pumikit si Nica at hinintay ang paglapat ng labi nito sa kanya. Pero pagpikit niya ay rumihestro sa isip niya ang mukha ni Rhav, iyong malapit na silang maghalikan. Napadilat siya at iniwas ang mga labi kay JC kaya sa pisnge lang ito tumama.
Tumikhim siya at napayakap sa sarili. “I am not ready yet.”
Pilit na ngumiti si JC at nagkasya nalang na yakapin siya.
Dahil maganda ang panahon ay naisipan nilang gumawa ng bonfire ilang dipa lang ang layo sa kanilang cottage. Nagsapin din sila ng blanket para mas komportable sila at naglagay ng mga junkfoods at drinks sa gitna bago sila umupo ng nakapalibot.
“Okay, let’s play, truth or dare. Cool?” si Dexter.
“Sound’s fun!” si JC sabay kuha ng empty bottle at naglagay ng pinggan sa gitna para doon nila ipapaikot ang bote.
Nagkatinginan sina Rhav at Nica, unang nag-iwas ng tingin si Rhav dahil hindi niya matagalan ang titig nito. Pinaikot na si Dexter ang bote at saktong tumapat iyon kay Nica.
Tumikhim si Dexter. “Guys paalala ko lang, this is just a game,” anito. “Nica, truth or dare?”
“Truth.”
“May forever na ba kay JC?”
“Yes.”
Nag apiran sina JC at Dexter. Si Nica naman ang nagpa-ikot ng bote at tumapat naman iyon kay Rhav.
“Truth or dare?”
“Dare.”
Tumingin si Nica kay Dexter at bumalik sa kanya. “Kiss Dexter.”
“Oy teka, walang ganyanan girls!” natatawang sabi ni Dexter habang napailing-iling. “Iba nalang, Nica.”
Humarap si Rhav sa kanya at hinila siya palapit dito at hinalikan siya sa mga labi, tatlong segundo din iyong tumagal. Pumalakpak si JC sa hindi nararamdaman ang tension sa pagitan nilang dalawa. Bakit nga sila nagkakaganito? Hindi rin nila alam kung paano nagsimula. Naiinis ba sila sa isa’t isa?
Tumikhim si Dexter pagkatapos ng halil at napaubo pa ito ng kaonti.
It was not easy for Rhav to kiss Dexter pero hindi siya dapat magpatalo kay Nica. Sinusubukan talaga siya nito. Tumikhim si Dexter dahil kahit biruan lang iyon hinalikan parin siya ni Rhav.
“Huwag kang mag-iisip ng kung ano ano, laro laro lang ‘di ba?”
“Pero ako parin ang first kiss mo,” bulong ni Dexter sa kanya.
“Hindi ikaw, huwag kang feeling.”
“Oh... you mean--”
Pinandilatan niya ito.
Pinaikot na niya ang bote at tumapat naman iyon kay JC. “Truth or dare?”
“Truth.”
“Papakasalan mo ba si Nica?”
“Anytime, I am ready.”
Tumayo na si Nica mula sa pagkakaupo. “Excuse me!”
Tumayo na rin si Rhav para sundan ito.
“Nica, sandali!” mabilis na hinawakan ni Rhav si Nica sa braso. “Ano bang nangyayari sayo?”
“Ikaw ano bang problema mo? Ayaw mo kay Dexter pero pumayag kang mahiga kayong magkatabi? Ang sweet niyo naman?”
“Teka nga, ano naman sayo kung magkasama kami ni Dexter? ‘Di ba gustong gusto mo nga siya para sa akin?”
Nag iwas ito ng tingin. “Beshy, hindi ko na alam, naguguluhan na ako.”
Hinila ni Rhav si Nica palapit sa kanya at mahigpit itong niyakap, hindi niya alam kung paraan ang luhang dumadaloy sa pisnge niya ngayon. Pareho ba sila ng nararamdaman? Hindi lang nila alam kung paano iha-handle iyon, pero mahal naman talaga nila ang isa’t isa?
“I want to see them happy, natatakot akong madissapoint sila sa huli,” pati ito ay naiyak na rin. “Beshy...”
Inilayo ni Rhav ang sarili dito at nakipagtitigan dito.
“Hindi ko alam kung paano nagsimula, hindi ko alam kung ano ba talaga ‘to, kung nalulungkot lang ba ako? Bakit ako nagseselos pag may kasama kang iba. I really don’t know, hindi ko rin alam san galing ang inis na ito!” nagsimula na itong umiyak.
Muli niya itong niyakap ng mahigpit.
“I am sorry for everything, beshy. I am sorry!” anito at pinahid ang luha. “Nakapa-selfish ko. Ako na nga tong may boyfriend, pinagdadamot pa kita sa iba. Gusto ko kasi akin lang ang atensyon mo, gusto ko ako lang ang inaalagaan mo. Napakasama kong kaibigan sa iyo. I am sorry.”
“Wala kang kasalanan, tahan na,” huminga ng malalim si Rhav at pinunasan ang mata ni Nica. “Hindi ako mawawala sa tabi mo. Pangako. Pag kailangan mo ako, darating ako, hindi ako lalayo sayo, ‘di ba sinabi ko na yan sayo? Kahit magkaanak ka na, o kahit tumanda pa tayo. Okay? Walang iwanan, ‘di ba?”
Pang aalo niya dito. Tumango si Nica. “Walang iwanan.”
“Gusto ko ng umuwi,” si Nica.
“Bukas pa ng maaga ang alis natin. Magpahinga na muna tayo, at bukas deretso naman tayo sa bahay.”
Tumango ito. “Ano ba to ang drama drama natin.”
“Ikaw lang!” pilit na tumawa si Rhav at hinawakan ang kamay ni Nica. “Maging masaya nalang tayo para sa isa’t isa.”
Huminga ng malalim si Nica at nag sorry dahil sa binigay nitong dare.
“Masarap ba ang labi ni Dexter?”
Inirapan ni Rhav si Danica pero natawa na sa paraan ng pagtatanong nito.
“Hindi masarap kasi ako yong humalik, pero mas masarap parin yong halik ko sayo.”
“Halik mo sa akin?”
“Ha? Ano kamo?”
“Iyong sinabi mo, hinalikan mo ako?”
“Kailan? Saan?”
“Beshy, ang gulo mo. Tinatanong ko iyong sinasabi mong mas masarap pa ang halik mo sa akin.”
Napalunok si Rhav. “Joke lang iyon, I mean okay pa iyong kiss kiss natin sa pisnge kaysa sa halik kay Dexter.”
“Ahhh!” tumango tango si Nica sabay kiliti sa kanya. Natatawang umiwas naman si Rhav habang pabalik kina Dexter at JC.