Sa pagkawala ni Lovely ay nagsimula na rin ang malaking hidwaan sa pagitan ng magkapatid. Nilamon ng galit ang kanilang mga puso at kinamuhian ang isa’t-isa. Wala na silang ibang ninais kundi ang pabagsakin ang bawat isa. Naging maingay sa publiko ang pamilyang Walker’s dahil sa tunggalian ng mga kumpanya ng magkapatid, sina Asher at Izer. Kinalaban ni Izer ang mga negosyo ng kanyang kakambal, sinimulan niya ito mula sa mga investor maging ang mga supplier ng kanyang kapatid. Nakilala ng lahat si Izer bilang masama ang ugali at sa pagiging bayolente nito. Kaya sa takot na huwag madamay ang kanilang mga negosyo ay mas pinili ng mga investor at kliyente ni Asher na lumipat sa kumpanya ni Izer. Nagtatagisan ng talino at galing sa pagpapatakbo ng kanilang mga kumpanya ang magkapatid at wal

