Malaki ang mga hakbang na pumasok sa loob ng conference room ang nanggagalaiti sa galit na si Asher. Natigil sa pagsasalita ang empleyado na nag rereport sa unahan dahil sa biglaang pagpasok ni Asher. Halos sabay na napalingon sa kanya ang lahat, at ibayong kaba ang naramdaman ng mga tao sa loob ng conference room. Ngunit, nanatili na kalmado ang awra ni Izer habang blankong nakatingin sa mukha ng kanyang kakambal. Mabilis na lumapit si Asher kay Izer at hinaklit ito sa kwelyo saka marahas itong hinatak. Natakot ang lahat ng mga empleyado ni Izer ng makita ang pag-aaway ng magkapatid habang nag palipat-lipat ang kanilang mga tingin sa i-isang mukha ng dalawa. “How dare you na pakialaman ang mga project ng kumpanya ko!?” Hinihingal sa galit na tanong ni Asher na gahibla na lang ang layo n

