Lovely’s Point of view “Maingat kong isinara isa-isa ang bawat butones ng polo ni Asher, at nang matapos ay isinunod ko ang kanyang kurbata. Habang ginagawa ko ang lahat ng ito ay matamang nakatitig sa mukha ko ang aking asawa kaya naman hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan. Sinikap kong kumilos ng normal sa kanyang harapan at huwag pansinin ang malagkit nitong mga tingin. Maya-maya ay bigla akong natigilan ng umangat ang kanyang kamay at hinaplos ng hinlalaki nito ang ibabang labi ko. Ramdam ko ang matinding pananabik mula sa kanyang mga haplos, at ang pakiramdam na ‘yun ang naglalagay sa akin sa matinding kahihiyan. “Noon, ang mga mata mo ay nagniningning sa tuwing titingin ka sa akin, at ramdam ko mula sa mga haplos mo kung gaano mo ako kamahal. Walang araw na hindi ko narinig

