“Naalarma ako ng mula sa likuran ay biglang yumakap sa akin ang mga braso ng aking asawa. Napalunok ako ng wala sa oras at nagsimula ng magpanik ang buong sistema ko ng haplusin niya ang dibdib ko. Alam ko kung ano ang nais niyang mangyari na hindi ko naman kayang ibigay. Mabilis pa sa alas kwatro na bumangon ako kahit na inaantok pa ako. “P-pasensya na, m-masama kasi ang pakiramdam ko.” Ani ko bago may pag-aatubili na tumayo ako, ngunit, labis akong nagulat ng bigla niyang hatakin ang braso ko at pahiga akong bumagsak pabalik sa kama. Binalot ng takot ang puso ko ng mabilis niya akong pinatungan habang ang mga mata nito at nanlilisik sa galit na nakatingin sa akin. Napangiwi ang mukha ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. “A-Asher, n-nasasaktan ako!” daing ko sa kanya

