“Dad! Pakawalan ninyo ako dito, please, kailangan ako ng mag-ina ko. Hindi nakakatulog ang asawa ko ng wala ako sa tabi n’ya. Ano ba!” Parang baliw na sumisigaw ng malakas si Izer habang kinakalampag nito ang mga rehas. Kung hindi lang ito bakal marahil baka nawasak na ito ng binata. Halos namamaos na siya dahil ilang araw na siyang nakikiusap sa kanyang ama ngunit sadyang matigas na ang puso nito. Nanghihina na umupo si Izer sa sahig at malungkot na isinandal ang kanyang pagal na katawan sa malamig na rehas. Batid niya na nasagad na ng tuluyan ang pasensya ng kanyang Ama kaya nagawa siyang ikulong nito sa basement. Habang ang kanyang kanang paa ay may nakakabit na isang kadena upang masigurado nito na hindi siya makakawala. “Namimiss na kita...” anya ng malungkot niyang tinig habang mu

