Naalimpungatan si Lovely ng padabog na bumukas ang pintuan ng kwarto. Mabilis siyang bumangon, at mula sa malamlam na liwanag na nagmumula sa lampshade ay kita niya na pumasok ang kanyang asawa. Nakayuko ang ulo nito at halos hindi na makaya ang sarili dahil sa labis na kalasingan. Ngunit, ang labis na ikinagulat niya ay hindi ito nag-iisa, dahil akay-akay ito ng isang magandang babae. Mabilis na tumayo si Lovely upang tulungan si Asher ngunit marahas na kinabig nito ang kanyang mga kamay. “I don’t need your help, even your mercy. What a useless wife.” Matigas na saad ni Asher habang isang nang-uuyam na tingin ang ibinigay nito sa kanya. Napaatras si Lovely ng hawiǐn siya nito. Labis siyang nasasaktan sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang asawa ngunit hindi niya ito masisisǐ kun

