CHAPTER 17
Matuling lumipas ang mga lingo, Ang lingo naging bwan.
Pati ang pinag bubuntis ko ay mabilis ding lumobo.
For some reason simula nang lumipat kami sa Batangas ay naging pansinin na ang aking ipinag bubuntis sabi ng matatanda sa lugar namin ay dahil hindi ko daw itinatago ang aking pag bubuntis kaya mas lalong lumitaw si Baby.
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko yun kase hindi ko naman din itinago si Baby kahit nasa Manila kami bukod sa tatay nya syempre.
Hindi rin muna ako nag pa ultrasound ayoko agad malaman kung ano ang gender ng magiging baby ko gusto ko surprise.
Madalas tumatawag sila Apple at Belle sakin para mangamusta.
Minsan nag kweto sila kay Maddox ngunit agad ko silang sinaway dahil ayokong makarinig ng kahit ano tungkol sa kanya gusto ko nang kalimutan si Maddox at maalis sa sistema ko ang nangyari samin ok na ako sa remembrance na binigay nya sakin wala akong pinag sisisihan sa lahat ng nagawa ko .
Siguro nga may nararamdaman ako para dito hindi ko lang talaga maamin nuon.
Pero ngayon tanggap ko na may attraction akong nararamdaman sa kanya sino ba ako para hindi magka gusto sa isang Maddox Anderson nasa kanya na lahat.
Hindi ko lang talaga maamin nuon sa sarili ko kase naiinis ako dahil hindi dapat.
Aside pa dun sya ang ama ng pinaka mamahal kong anak .
I gave birth via normal delivery thank God It's a healthy baby boy I named him Dylan Madison Canlas.
His name is based on his father, Maddox.
Kahit ayoko silang magtagpo gusto ko parin naman na maala ko at may masabi ako sa kanya pag laki nya. Kung bakit yun ang pina ngalan ko sa kanya.
After a month matapos akong manganak na pag desisyonan namin ni Mama na mag put up ng isang General Merchandize sa bayan malapit sa palengke.
Pumayag ako kase naisip ko hindi ko kayang iwan ng matagal si Dylan sa kung sino.
At habang hindi pa rin ako nakaka hanap ng trabaho ok din na income naming nila Mama.
Buti na lang din nanjan si Mama na umaagapay sakin sa anak ko.
Dahil bagong ina madami akong hindi alam sa mga dapat at hindi dapat gawin.
And with the help of internet madami akong na ssearch na mga insight for the first time mom like me may mga groups din sa f*******: na sinalihan ko like Breastfeeding pinays.
Mahirap maging single parent.
Nag papasalamat din ako sa pag agapay ng dalawa kong kaibigan.
Madalas kapag hindi sila busy ay nagagawa nila akong dayuhin at nag babakasyon sila dito samin.
Kagaya ngayon mag iisang taon na si Dylan at inimbita ko silang pumunta sa bahay.
Para mag bakasyon at para makasama ang na din ang inaanak nila.
Gusto ko kaseng kilala sila ni Dylan habang lumalaki ito.
Dahil malaki ang ambag ng mga kaibigan ko sa buhay namin ni Dylan ko.
"Buti nakarating ulit dito sa bahay miss ko na kayo matagal tagal din yung last na pag babakasyon nyo dito ha."
Niyakap ko si Belle ng mahigpit pagkatapos ay si Apple naman ang aking niyakap.
"Ano ka ba hindi pwedeng wala kami dito sa Birthday ni Baby Dylan namin Mars."
Wika ni Apple.
Yes!
Mars na ang tawagan naming kase sila ang magagandang ninang nang anak ko .
"True yan best hindi ko pwedeng palagpasin ang 1st Birthday ng pogi kong inaanak no."
Wika ni Belle na nag paikot ikot ang tingin sa likuran ko. Hinahanap si Dylan.
"Teka asan na nga pala ang inaanak namin bakit hindi ko nakikita."
"Naku kasama ni Mama nag punta sa kabilang bahay mamaya nandito na din ang mga yun."
After 1hours ay nakabalik na nga si Mama kasama si Dylan, Bernard at Nina nakababatang kapatid nito na kasing edad ni Madi.
"Hi Dani Magandang Hapon sayo"
Bati ni Bernard sakin na sinabayan pa ng kindat.
Kapit bahay namig sila Bernard ang nanay nito ang unang naging kaibigan ni Mama nuong lumipat kami dito at naging malapit din kay Madi ang kapatid nitong bunso.
Mabait samin si Bernard. Palagi syang naka alalay kapag mayron kaming kailangan.
Nakita kong nag sikuhan ang mga kaibigan ko kaya,
"Ay Bernard si Apple at Belle pala mga kaibigan ko sa Manila Ninang din sila ni Dylan"
Pagpapakilala ko sa kanilang tatlo.
"Hello Beautiful Ladies Bernard pala"
Pagpapakilala ni Bernard at inilahad ang kamay sa dalawa kong kaibigan na ang mga mata ay nagsasabing mag kwento ako mamaya.
"Hi Belle here"
"I'm Apple"
Pakilala ng dalawa.
"Nga pala anak eto na si Dylan kanina pa nag iiyak hinahanap ka Miss ka na ata.
Pag sabat ni mama samin.
"Ay eto na pala ang Birthday boy naming"
Pagbati ni Belle kay Dylan na sinamahan ng kurot sa pisngi.
"Ang pogi pogi naman ng baby boy namin na yan manang mana sa pinag manahan oh!"
Pabirong bati naman ni Apple na pinanlakihan ko ng mata.
Hanggang ngayon kase ay hindi ko pa sinasabi kila mama kung sino ang totoong tatay ni Dylan ewan ko ba pero hindi pa ako handa mag open kay Mama.
"Ops sorna hihi ang cute cute naman kase talaga kamukhang kamuha."
Pabulong na bigkas sakin ni Apple .
Well totoo naman kase yun wala talagang nakuha sakin ang anak ko puro sa tatay nito ang namana nya hindi mo nga ipagkakaila na hindi nya anak to.
Pero sabi nila nakuha ng anak ko yung maamong awra ng anak ko.
"Oo na alam ko na yan kamukha sila ng tatay nya."
Bulong sagot ko kay Apple.
Maayos naming na icelebrate ang unang kaarawan ni Dylan.
Natapos na din ang 3 days leave nila at kailangan na nilang bumalik ng Manila.
Nag paalam na ang mga kaibigan ko sakin babalik na lang daw ulit sila kapag naka pag file sila ng leave.
"Oo naman ano ba kayo alam kong may kanya kanya din kayong buhay basta tawagan na lang tayo ha."
"Oo naman ano ka ba ikaw pa ba saka gusto din naming palagi maging updated kay pogi"
Wika ni Belle nag papaalaman na kami dahil maaga sila bbyahe paluwas ng Manila.
Kailangan nilang matulog ng maaga para maka abot sa 3am 1st trip ng mga paluwas hindi kase nag dala ng kotse si Apple ayaw nitong mag long drive nakaka pagod at nakaka bugbog daw ng beauty.
Matuling lumipas ang mga araw, Naging maganda ang naging takbo ng Negosyo namin ni Mama sa palengke ang maliit naming tindahan nuon ay unti unti nang nag lumalaki.
Dumarami na din ang parokyano namin dahil sa mga kakaibang mga paninda namin.
Madalas kaseng lumuwas si Mama pa Maynila para personal na mag hanap ng Supplier.
At para na din kami ang palaging una sa pag labas ng mga bago at kakaibang mga items.
Ako naman ay humahalili sa pag babantay sa tindahan kay Mama syempre pa palagi kong kasama ang cute na cute kong anak na si Dylan na sa edad na 2 taon at kahalati ay napaka bibo.
Matatas na makipag usap aakalain mong hindi 2 taon dahil sa hindi baluktot ang dila nito.
Kaya madaming nagigiliw na mga kumare ni Mama at madalas hinihirap.
Hindi na muna ako nag hanap ng trabaho ko dahil sabi ni Mama ay para maalagaan ko parin si Dylan Ok pa naman daw ang kita ng tindahan samin nakaka ipon din naman kami.
Minsan din hinihiram ni Bernard si Dylan ipinapasyal sa kung saan saan.
Madalas ay sa SM pero hindi na ako sumasama ang pinapasama ko na lang ay si Madi at ang kapatid nitong bunso.
Nararamdaman ko kase na me gusto sakin si Bernard pero hindi naman ito umaamin.
Ayaw ko din kaseng bigyan sya ng maling impression sa pakikipag lapit nya sakin.
Gusto ko syang kaibigan.
Hindi pa lang talaga ko handa na pumasok sa isang relasyon lalo na at may Dylan na akong dapat isa alang alang.
Pogi naman si Bernard hindi naman papahuli ang physical appearance nito kumbaga above average naman ito sa tipikal sa Filipino.
Pero Syempre hindi ko pwedeng ilevel sa itsura ng ama ng anak ko.
Ika nga hindi pwedeng ikumpara ang itsura nito.
Saka masaya akong kaibigan kami ni Bernard kase kahit papano naaliw ako dito ma kwela din kase ito at palabiro.