Kabanata 2
Today is tuesday at nagsisimula na naman akong ma-bored dito sa bahay ko. Wala kasi kaming pasok every tuesday kaya eto, nakahilata ako buong araw sa higaan ko. Tapos ko na rin naman kasi ang mga school works ko, kaya wala na akong ibang gagawin pa kundi panoorin ang mga mahaharot na butiki sa kisame ng kwarto ko.
"Ma'am. si ma'am paige po, asa baba." Sabi ng isa sa mga katulong ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto. Myghad ! ano na naman ba ang ginagawa ng asong 'yun dito sa pamamahay ko?! Hindi ba s'ya nagsasawa na guluhin ang MAGANDA kong buhay?! 'Di n'ya ba alam ang salitang pahinga? Actually hindi ko naman ine-expect ang bagay na 'yun. Knowing paige? Baka ikamatay n'ya pa, pag hindi n'ya ako nakaharap.
Bumangon na ako mula sa pagkakahilata sa malambot kong kama, saka ako taas noo naglakad pababa sa sala. Syempre kahit wala tayong make up, dapat mag mukha pa din tayong may class. Unlike paige, kahit kasing kapal na ng libro namin ang foundation na iligay n'ya sa mukha nya, ay wala pa din mangyayari. Mukha pa din syang askal.
Pagkadating ko sa sala ay tumambad sa'kin si paige na nakataas pa ang mga paa habang nanonood ng tv. Wow ! just wow ! feel at home ang loka. Mukha bang dog house ang bahay ko, para dito nya gawin ang mga gawain ng katulad n'yang aso? Myghad !
"Ganda ng tambay na'tin ah." Sabi ko. Lumingon naman s'ya sa'kin saka ako nginitian. Yak ! apaka plastik ! kung makangiti sa'kin akala mo naman talaga super close naming dalawa. Iw
"Ang lambot kasi ng sofa mo." Nakangiti n'yang sabi.
"First time to sit in a soft couch huh? well ano pa nga ba ang inaasahan ko sa mga hampaslupang kagaya mo." Nakangising sabi ko. Tumayo si paige habang tumatawa. Hindi ko maiwasan mapangiwi dahil sa ginawa n'ya. Para syang baliw, ay no. Matagal na pala s'yang baliw.
"Akii. Baka nakakalimutan mo? mas mayaman si mommy A kaysa sa'yo. Kaya ibigsabihin, mas mayaman ako sa'yo" Natatawang sabi n'ya.
Kahit kailan talaga hindi nagmimintis ang isang 'to sa pagpapatawa sa'kin. Nahihibang na ba s'ya? HAHAHAHA Mukha kasing nakalimutan ng isang 'to kung sino ang sinabihan n'ya.
"Paige. Kailan mo ba balak i-update 'yang utak mo? Puro lumot na kasi." Halakhak ko
"First of all, mas mayaman kami kaysa kay tita A. Pangalawa, wag mong ipanlalaban sa'kin ang pera n'yo dahil una sa lahat, barya lang 'yan sa'kin. At panghuli, pera lang ni tita A 'yun. Wag kang feeling, Ampon ka lang baka nakakalimutan mo?" Sunod sunod kong sabi sa'ka s'ya inirapan.
Pera daw nila HAHAHAHHA.As far as I know, ni piso nga ay wala syang naambag sa sinasabi n'yang pera daw 'nila' ni tita A. Binibigyan s'ya ni tita A ng pera pero hindi 'yun kalakihan. Alam kasi ni tita A na mapupunta lang sa wala ang pinaghirapan n'yang pera.
Naawa nga ako kay tita e. Nagmagandang loob s'yang ampunin ang aso na 'to, pero tignan n'yo kung pa'no gantihan ni paige ang kabaitan ni tita A sa kanya. Apaka walang kwenta talaga. Buti pa nga 'yung totoong aso may silbi. S'ya kahit isa, wala.
"Such a clown." Natatawang sabi ni paige saka muling umupo sa sofa ko. Umupo na din ako sa sofa saka sya tinitigan ng may ngisi sa'king labi.
"P'wede mo bang alisin 'yang paa mo sa table ko? baka kasi madumihan mo. Magkasakit pa ako." Mataray na sabi ko. Tumingin naman sa'kin si paige saka ako tinarayan. POOR !. Apakahina n'ya magmaldita. Hindi talaga s'ya bagay maging isang montemayor.
Tinabig ko ang paa n'ya na nakatungtong sa table na nasa harapan nya. Galit s'yang napatingin sa'kin saka ako tinaasan ng kilay.
"Ano bang ginagawa mo akii? ha ?!" Asik sa'kin ni paige. Tumingin naman ako sa kanya saka nagmaang maangan na para bang hindi ko alam kung ano ang sinasabi n'ya.
"Naka-upo. Bulag ba you?" Sarkastikong sabi ko.
"Bakit mo tinabig ang paa ko ! ang ganda ganda ng pagkakaupo ko dito e."
"Buti pa 'yung pagkakaupo mo, maganda. Eh ikaw? kailan mo balak maging maganda?"
"ay no ! wala ka na pala talagang pag-asa maging maganda HAHAHAHAHHA kaya kung ako sayo, tatahol nalang ako do'n sa labas. . . Katulad ng normal na ginagawa ng isang asong kagaya mo" Dagdag ko pa saka s'ya tinawanan ng malakas.
"Napaka sama mo na akii." Seryosong sabi sa'kin ni paige. Napatigil naman ako sa pagtawa dahil sa sinabi n'ya. Ako pa talaga ang naging masama ngayon ha? grabe ! ano 'yan? paawa effect? too late dahil wala na akong awa na natitira pa sa katawan ko. Matagal na 'yun nawala, at dahil sa kanya 'yun
"Pardon? Baka nakakalimutan mo, na ikaw ang dahilan kung ba't ako naging gan'to. Kaya, you have no rights to call me bad. Dahil simula palang no'ng una, ikaw na ang may kasalanan nito. Ginaya lang kita. Kaya wag mo 'ko sasabihan n'yan."
"Sabagay, tama ka. Saka deserved mo din naman talaga yung pambubully ko sa'yo noon. Dahil isa kang mangaagaw. salot. at malanding bakla." May diin na sabi nya. Humikab naman ako saka walang gana s'yang tinignan. Bigla nalang ako nabagot dahil sa mga sinasabi n'ya. Masyado na kasing gasgas.
"Are you finish saying your nonsense rants? If you are. Then leave my house. I don't need another garbage here. George is too much." Mataray na sabi ko. Sa totoo lang hindi ako komportable na nandito si paige. Maliban sa ayoko sa kanya, lagi nalang ako nawawala sa mood sa t'wing nakikita ko ang pagmumukha n'ya. Para s'yang sumpa sa'kin, sa totoo lang.
"Why would I? Hindi mo ba na nakikita na nanonood ako ng Tv?" Sabi nya habang nakangiting aso.
"Oh I forgot. Slapsoil ka nga pala. Sige manood ka lang d'yan ha? Enjoy ! Alam ko namang walang tv sa bundok. Kaya sulitin mo na." Kinindatan ko s'ya saka tumayo na. Taas kilay ko muna s'yang tinignan bago ako naglakad paakyat sa kwarto ko.
I would rather stay in my room all day, than stay for an hour next to her. Mahirap na at baka magkasipon pa ako dahil sa dala n'yang mabahong amoy.
Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama ko.
4:00 palang ng hapon pero halos mamatay na ako sa sobrang kaboringan. I still have 6 hours bago ako matulog. Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa loob ng gano'ng katagal na oras. Bisitahin ko nalang kaya si satanas sa impyerno? Wag nalang pala baka patalsikin lang ako n'on.
Umupo ako sa higaan ko saka kinuha ang phone ko na nasa side table ng kama ko. Magoonline nalang siguro ako sa mga social media accounts ko. Its been months na din naman simula no'ng huling binuksan ko ang mga 'yun. Malay natin. Inadd na pala ako ng future ko. Ehee
Lumipas ang ilang minuto ay wala pa din akong napapala sa mga social media accounts ko. I found them boring. Hindi na sila katulad dati na laging nay rants, issue at iba pa. Well ano pa nga ba ang aasahan ko eh nauso naman na ng salitang 'kaplastikan'
Binalik ko na ang phone ko sa side table ng kama ko. Siguro sign na 'to na dapat nalang ako matulog. Humiga ako sa kama ko at muling pinagmasdan ang kulay pink na kisame ng kwarto ko.
"Hayst. . . boring."