Kabanata 1
Monday sucks ! Panibagong linggo na naman ng pakikipag-plastikan ko sa mga slapsoil sa campus na pinapasukan ko. Hindi nga sapat ang dalawang araw na pahinga dahil kahit weekends ay pinuputakte nila ako, like the hell?! They always ask me via chat, kung pa'no daw ang gagawin dito, sa ganyan, doon. Jukso ! Hindi ba nila alam ang ibigsabihin ng salitang 'pahinga'? Baka naman mataasan na nila ang IQ level ni einstein, dahil kahit weekends ay pinupupog nila ang sarili nila sa pag-aaral.
Bored akong lumabas ng kwarto ko saka bumaba sa kitchen para kumain ng breakfast. Ako lang ang tao dito sa bahay, maliban sa mga maids ko at kay kuya jeff na driver ko. Meron akong aso dito sa bahay, kaso nga lang ang sabi nila ay pinsan ko daw ang askal na 'yun. Nakakadiri.
Lahat ng tao dito ay kaclose ko. Syempre, para naman gumaan ang pakiramdam nila habang nagtra-trabaho. For me kasi, hindi magiging maayos ang pagtratrabaho nila kung may kinakatakutan sila dito sa loob ng bahay KO. Diinan natin sa word 'ko' para naman magmukha akong legit mayaman, charz
"Goodmorning madame. Ang aga mo naman yata gumising ngayon." Sarkastikong sabi ni george pagkababa ko ng hagdan.
Napairap naman ako nang marinig ko ang panget na boses ng hampaslupang bakla, na kinupkop ng aking askal na pinsan. 'Di ko nga alam kung ano ang ginagawa n'yan dito sa loob ng bahay KO, gayung bawal ang alagang HAYOP dito sa loob ng bahay ko.
"Morning. Kamusta naman ang pag-subo mo kagabi?" Walang gana kong tanong sa kanya.
Taas kilay ko s'yang nilingon.
"H-huh? P-pinagsasabi mo ha?" Utal n'yang sabi. Napangisi naman ako dahil mukhang hindi nya alam na nakita ko ang kababalaghan na ginawa nila ng hardero ko, kagabi. Medyo nandidiri pa nga ako no'ng nakita ko silang may ginagawang kababalaghan. Im gay, but Im not into s*x. My virginity is my dignity. Kaya hindi ko 'yun kadali ibibigay kanino man.
"C'mon ghorl. Wag ka ng magmaang-maangan d'yan. Nakita ko kung pa'no mo inenjoy ang alaga ni vince kagabi." Natatawang sabi ko saka sya iniripan. Well, hindi ko naman sya masisisi kung nais nya talagang matikman ang hardero ko.
Vince is such a good and sweet guy. He also have a good body na kahit sino naman ay maattract. Kahit naman ako no'ng una ay naattract sa body n'ya pero since magkaibigan kaming dalawa. Nawala na 'yung atraksyon na 'yun pagtagal.
Umupo na ako sa harap ng lamesa para kumain pero bago 'yun ay nilingon ko muna si george ng nakataas ang aking isang kilay.
"George. Gusto ko lang sabihin na hindi porket inampon ka ng aso kong pinsan ay maari mo ng gawin ang gusto mo. You're just a piece of trash here in my house. So you better know your limitations before I drag you out of my house." Nginitian ko s'ya ng matamis bago ko s'ya inirapan. Ofcourse, plastik lang ang ngiti na 'yun. Kahit kailan ay hindi ako ngingiti ng totoo sa mga basura.
"Im full." Sabi ko saka tumayo na.
"Pero hindi mo pa nga nagagalaw ang pagkain mo."
"Pake mo? Edi ikaw ang kumain n'yan." Mataray na sabi ko
"tabi. Napakalaking basura." Taas noo kong sabi saka sya binanga. Narinig ko naman s'yang napa-aray, pero pake ko? He deserved that. Nakaharang s'ya sa dadaanan ko e.
-
Pagkapasok ko sa hallway ng school ay agad kong narinig ang mga bulong bulungan nila. See? ganyan sila ka-stupid. Yung bulong nila, naririnig ko kahit malayo sila sa'kin. Well, sanay na rin naman ako sa gan'tong scene. Araw araw ba naman na nangyayari sa'kin 'to. Tignan nalang natin kung 'di ako maumay.
"Oh anong tinitingin tingin n'yo d'yan?" Mataray na sabi ko sa isang group ng babae na matalim ang tingin sa'kin. Ganya ganyan pa sila makatingin akala mo naman uubra sila sa'kin.
"Ano? Wala kayong balak sumagot? Pipe ba kayo? SAGOT !" Bulyaw ko sa kanila.
"W-wala po." Utal na sabi nila. Napairap nalang ako dahil wala din naman pala silang binatbat. Ang lakas nilang tignan ako ng masama, di naman pala nila ako kayang kalabanin.
"Next time na titignan n'yo ko ng masama. Ayusin n'yong kaya n'yo kong kalabanin. Mga hampaslupang daga." Sabi ko saka sila pinandilatan ng mata. Nag-nod naman sila sabay takbo ng mabilis. Tsk, hindi ko pa nga sila nahahawakan pero para na silang takot na daga.
"Ano ba 'yan akii. Sila lang ba talaga ang kaya mong kalabanin." Sabi ng babae sa aking likuran. Napangisi naman ako dahil mukhang magiging maganda ang umpisa ng araw ko.
"Oh, Ikaw pala pinsan kong askal. . . I mean, pinsan kong mahal." Sabi ko pagkalingon ko sa kanya.
She's Paige nathania monteverde. Ang pinsan kong askal s***h bida bida s***h kulang sa aruga s***h ampon s***h palamunin na napulot lang naman sa imburnal na malapit sa bahay nila tita A, ang kanyang kinikilalang ina.
No'ng una ay tinuturing ko pa s'yang pinsan pero pagtagal. Nandidiri nalang ako sa kanya. Nagsimula ang lahat no'ng highschool days naming dalawa. Naging kami kasi nung crush n'yang lalaki. Dahil nga sa inggit at galit ay kinamuhian n'ya ako. she always bully me way back then. Pero no'ng na realize ko na kaya ko naman s'yang kalabanin. Do'n na nagsimula ang aso't pusa naming pag-aaway.
"Nagkita ulit tayo. . . Pinsan kong mang-aagaw." Nakangising sabi nya.
Tinawanan ko lang sya dahil sa sinabi nya.
Ako mang-aagaw? ano ba ang inagaw ko sa kanya? ay mali.
Ano ba ang maagaw sa kanya? She's just a piece of sht for me. Nothing special on her kaya bakit ko naman sya aagawan? Hindi ako tanga at walang awa para mang-agaw pa ng isang bagay mula sa isang pulubing katulad nya. Pathetic.
"Myghad insan ! You really make me laugh. Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ka padin nakaka move on?." Halakhak ko.
"Pa'no ako makakamove kung hanggang ngayon kayo pa din ni luke, na masaya pa din kayo sa isa't isa." Seryosong sabi n'ya.
Dalawang taon na ang lumipas simula no'ng naging kami ni luke, kaya dalawang taon na din kaming nag-aaway ni paige. Hindi ko alam kung bakit hindi n'ya matanggap na mas better ako kaysa sa kanya. It's not my fault, kung sa'kin nainlove si luke at hindi sa kanya. Also, hindi ko rin kasalanan kung mas maganda ako kaysa sa kanya.
"Sis. It is not that hard to accept the truth." Seryosong sabi ko saka dahan dahan syang nilapitan.
Kumunot naman ang noo nya.
"what do you mean?" Tanong nya
"Its not hard to accept that. . . I am more beautiful than you, that I am much better than you. Cause you're just a piece of s**t. A s**t, with a trashy attitude and toxic mindset. "
"How dare you !!" Bulyaw n'ya sa'kin. Akmang sasambunutan n'ya 'ko ng bigla nalang may humarang na kamay sa kanya. Sabay kaming napatingin ni paige sa taong iyun.
"luke?" Sabay naming sabi ni paige.
"Paige. Ano na naman ba 'tong ginagawa mo?" Kalmadong tanong ni luke habang seryoso na nakatingin sa pinsan kong askal.
"Pinapakita ko lang naman d'yan sa bakla mong jowa. Kung sino ba talaga ang mas better sa'ming dalawa." Sabi nya saka ngumisi. HAHAHA I can't believe her. Sa ganitong paraan, ipapakita n'ya kung sino ang mas better sa'ming dalawa? Jusko. Susuko na lang ako kung ganito naman pala ang criteria para masabihan lang ng 'mas better'
"You know what paige. Mas pinapakita mo lang ngayon sa harapan namin ni luke na you're a lowclass person. Imagine. Sa pamamagitan ng pananambunot malalaman mo ang mas better sa'ting dalawa?"
"Alam mo. Susuko nalang ako. I would rather be a loser than fight with an uneducated woman.like you." Dagdag ko pa saka sya inirapan.
"Alam mo, kahit hindi ka na sumuko. Loser ka pa din sa paningin ko. Tandaan mo yan !" Asik nya sa'kin.
"Wala naman akong pake kung loser ako or hindi sa paningin mo. Dahil unang una, hindi ko ikakaunlad 'yang paningin mo. Pangalawa. Wala akong pake sa'yo dahil wala ka namang dulot sa lipunan."
"at pangatlo, The hell I care on your stupid lines. Ang dami mong sinasabi, apakabaho naman ng hininga mo."Nakangising sabi ko.
"halika na lucas, nagsasayang nalang tayo ng oras dito." Nginitian ko naman ng matamis si paige bago namin sya talikuran ni luke. Poor paige.
"Ang dami mong sinasabi akii. Tandaan mo 'to ! Darating ang araw na ako naman ang gaganti sayo !" Sigaw ni paige. Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sigaw n'ya. Seriously? bakit kailangang sumigaw? We're not deaf ! Myghad !
"Luke babalik ako." Nakangiting sabi ko kay luke. Binalikan ko si paige pagkatapos mag-nod ni luke. Hindi ko alam kung saan ba nagkulang si tita A at ganito ang kinalabasan ng isang 'to. Mas lalo n'ya lang pinapakita sa'kin na, she doesn't deserve to be part of our family. Hindi nya deserve ang montemayor na apilyido, dahil walang bobo at tanga sa pamilyang montemayor.
"Para sa'n 'to?" Tanong sa'kin ni paige pagkalapit ko sa kanya. Binigyan ko kasi sya ng isang libo. Wala kasi akong barya saka hindi naman ako mahilig sa cash. Mas gusto ko pa din yung naka card para nalalagay ko sa wallet ko ng maayos.
"Punta ka sa barangay. Do'n mo ilabas lahat ng stupid rants mo. Pasensya ka na ha? Wala kasi akong panahon para pagtuunan ng pansin ang mga asong tahol ng tahol katulad mo."
Tinalikuran ko na s'ya at naglakad ulit palapit kay luke.
Akii is my name and hating that dumb b***h is my game
face me now, kneel down later
Someone's Point of view
"Galing mo talaga kumanta pare." Sabi sa akin ni cloud pagkababa ko ng stage.
Malapit na kasi ang intrams ng school na pinapasukan ko kaya s'yempre kaming mga nasa music club ang inaasahan sa mga performance sa opening ng intrams, kasama na rin ang mga estudyanteng nasa dance club.
"Bolero." Nakangising sabi ko saka binatukan si cloud. Napahawak naman s'ya sa likuran ng ulo n'ya saka ako tinignan ng masama. Tinawanan ko lang s'ya dahil ang panget n'ya talaga sa t'wing nagkakasalubong ang kan'yang mga kilay.
"pupunta ka na sa room?" Tanong sa akin ni cloud habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag.
Sinukbit ko na ang bag ko sa aking kaliwang balikat saka tinignan si cloud.
"Malamang, alangan naman umabsent ako."
Nagsimula na ako sa paglalakad palabas ng gym, si cloud naman ay nasa gilid ko lang habang kinakalikot ang kan'yang cellphone.
Pagkalabas na pagkalabas namin ng gym ay may bumungad sa amin na dalawang babae. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa babae na ngayon ay may ngisi sa kan'yang labi.
"Myghad insan ! You really make me laugh. Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka move on?" Natatawang sabi n'ya.
"Pa'no ako makakamove kung hanggang ngayon kayo pa rin ni luke, na masaya pa rin kayo sa isa't isa" Sagot naman nung tinawag n'yang pinsan.
"Sis. It is not that hard to accept the truth"
Bigla naman akong napa-urong ng kaunti paharap dahil bumangga sa aking likuran si cloud
"Bakit ba lagi ka na lang bigla bigla humihinto, zwei?!" Bulyaw sa akin ni cloud. Ngunit hindi ko s'ya nilingon o sinagot man lang dahil tutok na tutok ako roon sa babae na chill lang sa pagbibitaw ng mga salita sa tinatawag n'yang 'pinsan'
"Hmm. Tutok na tutok kay akii ah." Napatingin ako bigla kay cloud ng bigla s'yang nagbanggit ng pangalan.
"akii? lalaki s'ya?" Takang tanong ko
Tumango si cloud.
"Oo. akii ang pangalan ng bakla na 'yan. Kilala 'yan sa buong campus dahil sa kamalditahan n'ya." Paliwanag ni Cloud. Napatango naman ako dahil sa sinabi ni cloud.
Kung titignan mo nga naman s'ya physical ay bagay na bagay sa kan'ya ang pagiging maldita. I mean, mukha s'yang mayaman at may class. Kaya sa tingin ko ay bagay s'ya sa akin... I mean sa pagiging maldita n'ya.
"He's cute." Biglang sabi ko habang nakangiti at nakatingin pa rin kay akii.
"Whoah whoah whoah."
"Don't tell me pre, nain-love ka na sa demonyitang 'yan." Sabi ni cloud saka pumunta sa harapan ko.
"Why not? He's cute and adorable. Wala akong nakikitang kahit ano para ayawan s'ya."
"dude, demonyita 'yan. Kung alam mo lang kung gaano katalas ang dila n'yan pagrating sa paghuhusga ng ibang tao."
Napatingin ako kay cloud
"Pre. Lahat ng bakla o babae, miski maldita pa 'yan. May bait pa rin na natitira sa kanila. Imposible naman kasi na naging maldita s'ya ng walang dahilan." Pagpapaliwanag ko kay cloud.
Gano'n naman kasi talaga ang mga tao 'di ba? Nagbabago sila dahil may nangyari sa kanila na hindi talaga nila nagustuhan. Kaya as a revenge, they change their self into a person na alam nilang kakatakutan ng iba.
"You're so unbelievable." Hindi makapaniwalang sabi ni cloud.
Napatingin naman ako muli kay akii pero this time ay bigla na lang ako nalungkot sa nakita ko.
Naka-kapit s'ya sa braso ng isang lalaki habang naglalakad na palayo.
"Sino 'yung lalaking 'yun?" Tanong ko kay cloud habang nakatingin pa rin kila akii.
"He's luke. akii's boyfriend. Sila ang pinag-aawayan nilang mag-pinsan." Bigla naman akong napatingin kay cloud dahil sa sinabi n'ya. The fck? Sinisira nila ang pagiging mag-pinsan nila dahil sa iisang lalaki lang?"
"Bakit naman?" Tanong ko
"Well, si paige kasi, pinsan ni akii. Matagal nang may gusto kay luke pero dahil nga si akii ang mahal ni luke. Nagalit si paige at binully n'ya ito no'ng shs days." Sunod sunod na sabi ni cloud.
Hindi nga ako nagkamali. Alam kong mabait si akii, nararamdaman ko 'yun.
"Hoy zwei, halika na baka malate pa tayo sa klase." Napapitlag naman ako sa biglang pagsasalita ni cloud. Napatingin ako sa kan'ya saka tumango.
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad ni cloud papunta sa room namin, at habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil naalala ko na naman ang kan'yang maamo at magandang mukha.
"akii." Bulong ko habang nakangiti.
Ang ganda talaga ng pangalan n'ya, parang s'ya. Pero mas gaganda pa 'yun pag dinugtungan ko na ng apilyido ko hahaha.