CHAPTER 4

3525 Words
THIRD PERSON POV Marahang nilapitan ni Soledad ang kapatid na si Gustavo habang binabantayan nito ang proseso ng produksyon ng bottled local products ng negosyo ng mga Jarandilla. Gusto niyang kausapin ito tungkol sa dati niyang kaibigan na si Harmony. Soledad: Kuya. Pabulong na tinawag ni Soledad ang kanyang kapatid para hindi makatawag ng atensyon ng mga nagtatrabahong tauhan. Kaagad naman siyang nilingon ng kanyang kapatid. Gustavo: Ikaw pala, Soledad. Anong kailangan mo? May problema ba sa usaping financial ng negosyo? Si Soledad ang tumatayong bookkeeper ng negosyong ipinamana ng kanyang biyenang lalaki sa asawa niyang si Aaron at bayaw na si Lander. Soledad: Wala naman at kung mayroon man ay madali ko naman iyong masosolusyonan. Ang iniisip ko ngayon ay si Harmony. Nakita ni Soledad ang pagkunot ng noo ng kanyang kapatid nang marinig ang kanyang sinabi. Gustavo: Bakit? Anong nangyari kay Harmony? Bahagyang nagtaka si Soledad sa nahimigang pag-aalala sa tinig ng boses ng kanyang panganay na kapatid. Soledad: Mukhang concerned ka sa kanya, Kuya, ah. Alam kong mahal mo pa rin siya pero isipin mo rin na siya ang dahilan kung bakit muntikan nang masira ang buhay mo noon. Umiwas ng tingin si Gustavo sa kanya at hinayon ng tingin ang production crew. Sinundan niya ng tingin ang mga taong pinagmamasdan ng kanyang kapatid. Naroon ang mga naghuhugas at nagsa-sanitize ng mga bote at makikita rin ang mga tauhang nagmi-mix ng ingredients. Ang ibang tauhan naman ay ang mga nagluluto o nagpi-prepare ng product. Ang iba ay ang nagbo-bottle nang mano-mano sa halip na gumamit ng machine. Sa isang panig naman ng produksyon ay ang mga staff na nagsi-seal at naglalagay ng label. Narinig ni Soledad ang paghugot ng malalim na paghinga ni Gustavo. Gustavo: Huwag mong ibunton ang sisi kay Harmony sa kung ano ang nangyari sa akin matapos siyang hindi sumipot sa aming kasal, Soledad. Naroon ang pait sa tinig ng boses ng kanyang kapatid kaya walang dudang nasasaktan pa rin ito dahil sa ginawang pag-iwan dito ng kanyang dating kaibigan. Soledad: At sino ang dapat kong sisihin, Kuya? Ikaw? Ikaw na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Pero ano ang iginanti niya sa iyo? Isang malaking kahihiyan sa pagkatao mo. Ipinahiya ka niya. Kung wala lamang sila sa presensya ng mga trabahante ay baka tumaas na ang tono ng boses ni Soledad dahil sa kinikimkim niyang galit para kay Harmony. Gustavo: Sinabi ko na sa iyo, Soledad. Huwag mong ibunton ang lahat ng sisi kay Harmony. Sa puntong iyon ay muli siyang hinarap ng kanyang kapatid. Gustavo: Hindi natin alam kung ano ang dahilan niya kung bakit ginawa niya ang bagay na iyon. Oo, nasaktan niya ako. Pero siya, alam ba natin kung ano ang pinagdaanan niya kung bakit siya humantong sa ganoong desisyon? May pakiramdam si Soledad na katulad niya ay pinipigilan lamang ng kanyang kapatid ang sarili nito para magtaas ng boses. Hindi alam ni Soledad kung bakit parang pinoprotektahan pa ng kanyang kapatid ang dati niyang kaibigan gayong si Harmony ang may kasalanan sa kanyang kapatid. Soledad: I can’t believe na naririnig ko mula sa iyo iyan, Kuya. Halos masira ang buhay mo dahil sa hindi natuloy ang kasal ninyong dalawa. Pero ang gusto mo ay intindihin ko si Harmony? Intindihin natin ang babaeng sa tingin ko ay hindi naman inisip kung ano ang mararamdaman natin sa desisyon niyang iyon? Ilang sandaling ikinalma ni Soledad ang kanyang sarili bago nagpatuloy sa pagsasalita. Soledad: Kung anuman ang dahilan ni Harmony, I have a feeling that it was because of a selfish reason. O pwede ring naudyukan siya ng mother niya para hindi ka na pakasalan. Sandaling ibinaling ni Soledad ang tingin sa mga tauhan ng produksyon bago muling tiningnan ang kanyang kapatid. Soledad: Ni hindi nga siya humingi ng tawad sa iyo. Wala na tayong narinig sa kanya mula nang hindi siya dumating sa araw ng kasal ninyo. Wala man lamang paramdam sa mga nakalipas na taon. Nawalang parang bula. Ilang sandaling nakatitig lamang ang kanyang kapatid sa kanya bago ito yumuko at umiling. Gustavo: Wala nang saysay na pag-usapan pa natin ito, Soledad. Wala namang magbabago. Ikakasal na siya sa ibang lalaki. Hindi na siya mapapasaakin kailanman. Hindi maikakaila ang nahimigang kalungkutan ni Soledad sa tinig ng boses ng kanyang kapatid. Nang mag-angat ito ng ulo ay itinuon na nito ang buong atensyon sa mga abalang tauhan ng negosyo. At nang akma siyang magsasalita ay lumakad na ito palayo sa kanya. Napabuntung-hininga at umiling na lamang si Soledad habang pinagmamasdan ang papalayong kapatid. Sigurado siyang hindi madali para rito na nakikita ang dating fiancée sa piling ng ibang lalaki. ---------- Habang papalapit sa nag-iisang simbahan sa Pueblo Luntian ay humigpit ang kapit ni Lander sa manibela ng kanyang sasakyan nang marinig ang sinabi ng kanyang fiancée. Lander: Tama ba iyong narinig kong sinabi mo, hon? O nagkamali lang ako ng dinig? Sandaling niyang nilingon si Harmony na nakaupo sa passenger seat bago muling ibinalik sa kalsada ang kanyang atensyon. Harmony: Well, naisip ko lang na mas convenient para sa atin kung doon na lang sa garden ng mansyon ganapin ang kasal. Tutal, malawak naman doon. Nag-igting ang mga panga ni Lander ngunit nagpakawala pa rin siya ng isang ngiti nang muling nagsalita habang patuloy sa pagmamaneho. Lander: Pero mas pormal ang seremonyas kung sa loob ng simbahan gaganapin ang wedding, Harmony. Hindi ba? Pinipilit ni Lander ang maging mahinahon kahit parang gusto niyang magwala dahil sa suhestiyon na iyon ni Harmony. Lander: Hindi nababagay para sa isang garden wedding ang bridal gown na isusuot mo. It deserves a grand venue. Isang lugar na sagrado at hindi kung saan-saan lang. Muling nilingon ni Lander ang kanyang fiancée at nginitian ito bago nagpatuloy sa pagmamaneho patungong simbahan. Harmony: Ang sa akin lang naman ay mas magiging accessible para sa lahat ng tauhan ng negosyo ninyo kung doon na lamang tayo sa garden. Hindi na sila maha-hassle--- Pinutol ni Lander ang pagsasalita ng babaeng nasa loob ng kotse nang isang tawa ang kanyang pinakawalan. Lander: Hassle? Inihinto niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ito ang sasakyan niyang tumirik sa harap ng sangang-daan noong araw na dumating siya at si Harmony sa Pueblo Luntian. Kahapon ay nagawang ayusin ni Gustavo ang anumang sira sa makina ng kotse. Humugot ng malalim na paghinga si Lander bago nilingon si Harmony. Isang ngiti ang pinakawalan niya at inabot ang kanang kamay ng babae. Lander: Hon, mukhang nakalimutan mo yata na you’re talking to Lander Jarandilla. Walang bagay ang hindi ko naaayos. I always make sure everything is in order. Naglandas ang mga daliri ng kanyang kanang kamay sa kanang pisngi ng fiancée. Lander: Kaya kung iniisip mo na mahihirapan ang mga tauhan sa pagpunta sa simbahan, nagkakamali ka. Planado ko na ang lahat. Tinawid ni Lander ang distansya sa pagitan ng kanilang mga labi ni Harmony at masuyong hinalikan ang kasintahan. Maya-maya pa ay nararamdaman na niyang lumalalim ang mga halik na itinutugon sa kanya ni Harmony. Nang maramdaman ang paggapang ng kaliwang kamay nito sa kanyang kanang hita ay kaagad niyang inilayo ang kanyang katawan mula rito. Pareho pa silang humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga bibig. Lander: Wait, hon. Huwag tayong magpadalos-dalos. Tiningnan niya si Harmony at nakita niyang parang napahiya ito sa ginawa niyang pag-atras mula rito. Lander: Believe me, gusto ko ring gawin natin ang bagay na iyon, hon. Pero hindi ko gustong mapahiya sa harapan ng ibang tao kung ang ihaharap kong babae sa altar ay hindi na malinis, hindi ba? Tingin ni Lander ay parang natigilan ang kanyang fiancée sa kanyang sinabi ngunit hindi rin siya sigurado dahil ilang sandali pa ay nakakaunawang tumango na ito sa kanya. Lander: Gusto ko lang na hindi mabahiran ng anumang hindi magandang balita ang reputasyon ko, hon. Pagkasabi niyon ay nagsimula na siyang muling paandarin ang sasakyan patungo sa simbahan na gusto niyang maging saksi ng kanilang kasal ni Harmony. ---------- Pinagmamasdan ni Gustavo ang paghahatid ng tanaw ni Harmony sa fiancé nito paakyat ng grand staircase ng Jarandilla mansion. Kararating lamang ng magkasintahan mula sa malaking simbahan ng Pueblo Luntian at narinig niyang magpapahinga muna ang kapatid ng kanyang bayaw. Nang biglang lumingon sa kanyang direksyon si Harmony ay hindi niya kaagad iniwas ang mga mata mula rito. Maging ang babae ay para ring natigilan at nakatitig lamang sa kanya. Gusto niyang lapitan ito at kausapin ngunit pinangungunahan siya ng takot. Hindi niya alam kung ano ang kanyang maririnig mula rito kapag itinanong na niya kung bakit hindi ito dumating sa araw ng kanilang kasal noon. Nais niyang muling ikulong sa kanyang mga bisig ang nag-iisang babaeng minahal niya sa kanyang tanang buhay. Ang babaeng hanggang ngayon ay siya pa ring nagmamay-ari ng kanyang puso. Napapitlag siya nang marinig ang malakas na pagsara ng backdoor sa kusina. Kaagad niyang nilingon kung sino ang taong pumasok mula sa loob ng mansyon. Ang bayaw niyang si Aaron. Mababakas sa mukha ng lalaki ang labis na galit at may ideya na si Gustavo kung bakit namumula ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. Aaron: Masaya ka na? Ha? Ano ang pakiramdam na ikaw na ang Manager ng negosyong wala ka namang karapatan? Ha?! Magsalita ka! Walang plano si Gustavo na gantihan ang init ng ulo ng kanyang bayaw kaya umiwas siya ng tingin dito. Sa ginawa niyang iyon ay nakita niyang nakatuon na sa kanilang dalawa ni Aaron ang atensyon ni Harmony na nakatayo sa foyer ng mansion. Naroon sila sa entrada ng kusina kaya malaya ang babae na pagmasdan silang dalawa ni Aaron. Nagsalubong ang kanilang mga mata ni Harmony at sa sandaling pagtatagpo ng kanilang mga paningin ay may pakiramdam si Gustavo na katulad niya rito ay nangungulila rin ang babae sa kanya. At kahit narinig niyang patuloy pa rin sa pagsasalita si Aaron ay nanatili pa rin siyang nakatitig sa babae. Aaron: Kausapin mo ko, Gustavo! Natutuwa ka ba na parang itsapwera na lamang ako sa pamamahay na ito? Na wala akong boses kumpara sa kapatid ko?! Sino ba ang tinitingnan mo riyan, lintik ka? Sa tanong na iyon ng kanyang bayaw ay tuluyan nang bumalik ang atensyon ni Gustavo kay Aaron. Nang lingunin niya ang asawa ng kanyang kapatid ay nakita niya ang ngising sumilay sa mga labi ng kanyang bayaw nang nilingon nito ang dati niyang fiancée. Wala siyang ideya kung para saan ang ngising iyon. Aaron: Ah, kaya pala. Kumunot ang noo ni Gustavo dahil hindi niya maintindihan kung may laman ang sinabing iyon ni Aaron bago siya nito bigyan ng isang nakakalokong ngiti at lumabas sa backdoor ng kusina. Muling bumalik ang tingin niya sa babaeng nasa foyer ngunit wala na ito roon. ---------- Kinagabihan ay iniisip pa rin ni Aaron ang nahuli niyang pagtitig ng kanyang bayaw sa fiancée ng kanyang kapatid. Sa tingin niya ay may lalim sa paraan ng pagsulyap ni Gustavo sa mapapangasawa ng kanyang panganay na kapatid. Kung totoo ang hinala niya, may naiisip na siyang paraan kung paano makagaganti sa kanyang kapatid dahil sa ginawa nitong pagde-demote sa kanya sa mismong negosyo ng kanilang pamilya. Habang nakahiga sa kama nilang mag-asawa ay nilingon ni Aaron ang kanyang misis na nagpapatuyo ng basa nitong buhok mula sa shower gamit ang hairdryer. Wala pa itong ideya sa ginawa niyang pagkompronta sa kapatid nito kanina. Aaron: Babe, matanong ko lang. Nakita ko si Gustavo kanina, hindi ako sigurado pero parang nakatitig siya kay Harmony. Hindi ba nasabi mong ex-fiancée niya ang fiancée ni Kuya? Tingin mo may feelings pa rin siya para roon sa babae? Napansin niyang natigilan ang kanyang asawa dahil sa tanong niyang iyon. Ngunit maya-maya ay ipinagpatuloy na nito ang pagpapatuyo ng mahabang buhok at sinagot ang kanyang tanong. Soledad: Hindi ko alam kung anong mayroon sa babaeng iyon at hindi magawang magalit sa kanya ng kapatid ko. Hindi man direktang sinagot ng kanyang misis ang kanyang tanong ay sapat na iyon para mas tumindi ang hinala ni Aaron na mahal pa rin ng kanyang bayaw si Harmony. At nang sumagi ang pangalang Harmony sa kanyang isipan ay muli niyang naalala ang naging eksena sa pagitan nilang dalawa sa loob ng kusina ng mansyon kagabi. Hindi sigurado si Aaron pero parang nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila ng babaeng mapapangasawa ng kanyang kapatid. Iniisip niya kung dahil iyon sa pakiramdam niya na kahit paano ay may nakakaintindi sa kanyang nararamdaman na parang hindi malaya sa loob ng malaking bahay na iyon. At kung sasagutin niya ang sinabi ng kanyang misis ay may ideya ang kanyang rebeldeng utak kung ano iyon. Ano ang mayroon kay Harmony? Kung ano ang kahinaan ng karamihan sa mga kalalakihan pagdating sa mga babae. Parang gustong mapangisi ni Aaron nang marinig ang sagot na iyon ng kanyang isipan. Muli niyang naalala ang kanyang nakita sa ilalim ng suot na silk robe ni Harmony kagabi. Kahit madilim sa loob ng kusina ay hindi naging hadlang iyon para masilip ang tanawing hindi nito sinasadyang maipakita sa kanya. Malinaw sa kanyang isipan ang malamang hinaharap ng babae na halos hindi kayanin ng suot nitong brassiere. At nang bumaba ang kanyang paningin ay nasilayan niya ang manipis na lacy fabric na tumatakip sa maselang parte ng katawan nito. Iyon ang uri ng pang-ilalim na kailanman ay hindi niya nakitang isinuot ng kanyang asawa. Manipis na tela na tanging ang maliit na hiwa sa pagitan ng mga hita ng babae ang tinatakpan. Base sa karanasan ni Aaron ay thong ang tawag sa kasuotang iyon. Sa kaisipang iyon ay nakaramdam ng paninikip ng kanyang suot na boxer briefs si Aaron. Parang may kung anong init na kumakalat sa kanyang buong sistema. Kaagad niyang nilingon ang kanyang asawa at nakita niyang tapos na itong magpatuyo ng buhok. Nang lumingon ito sa kanya ay para siyang isang tigre na kaagad itong dinaluhong. Kaagad na pumalibot ang kanyang kanang bisig sa baywang ni Soledad at humawak naman ang kanyang kaliwang palad sa ulo ng kanyang asawa. Isang mapusok na halik ang iginawad ni Aaron sa kanyang kabiyak na alam niyang ikinagulat nito sa una. Ngunit nang simulan niyang ibuka ang bibig nito gamit ang malikot niyang dila ay unti-unti na itong tumugon sa kanyang mga halik. Napapikit si Aaron at nang tuluyang makapasok ang kanyang mahabang dila sa loob ng bibig ng asawa ay isang mahinang ungol ang narinig niya mula rito. Ang tunog na iyon ay parang langis na nagpaliyab sa nag-aalab na apoy sa pagitan ng mga hita ni Aaron. Mas naging mapang-akin ang kanyang mga labi at nagsimula nang maglumikot sa katawan ng kanyang asawa ang kanyang kanang kamay. Nang maglandas ang kanyang kamay sa makinis na hita ng kanyang asawa pataas sa nakatagong kayamanan sa pagitan ng mga hita nito ay ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang malakas siyang itulak ng kanyang asawa. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Aaron at nakaramdam ng pagkairita sa ginawa ng kanyang asawa. Soledad: I-I’m sorry, babe. Pagod ako. Marami akong inayos na ledger kanina. Hinihingal man dahil sa naramdamang pagkabitin ay hindi naging dahilan iyon para hindi mapatiim-bagang si Aaron nang marinig ang dahilan ng kanyang asawa. Aaron: Ah, so dahil sa lintik na negosyo na naman na iyan kaya hindi mo ako mapagbigyan. Puro na lang hindi magandang bagay ang idinudulot sa akin ng hayop na negosyong iyan! Nakita ni Aaron ang pagkagulat sa mukha ni Soledad dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Nangingibabaw ang inis sa kanyang puso ngayon at katulad nang madalas niyang ginagawa sa tuwing hindi nakukuha ang gusto ay nakararamdam siya ng pagrerebelde. Isang masamang titig ang ipinukol niya kay Soledad bago bumaba ng kama. Pahablot niyang inabot ang kanyang silk robe at kasabay nang pag-iinit ng kanyang ulo ay ang hindi pa rin humuhupang init sa pagitan ng kanyang mga hita. ---------- Sa loob ng kuwarto ni Harmony ay hindi siya dinadalaw ng antok. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga narinig na salita mula kay Aaron nang kausapin nito si Gustavo kanina. Aaron: Kausapin mo ko, Gustavo! Natutuwa ka ba na parang itsapwera na lamang ako sa pamamahay na ito? Na wala akong boses kumpara sa kapatid ko?! Katulad ni Aaron ay ganoon din ang nararamdaman ni Harmony. Para sa kanya ay nawawalan siya ng kontrol sa sarili niyang buhay nang dahil sa kapatid ni Aaron na si Lander, ang kanyang fiancé. Pakiramdam niya ay parang kailangan niyang sundin ang lahat ng sasabihin nito at wala siyang karapatang tumanggi. Gusto niyang sisihin ang kanyang sarili dahil hinayaan niyang maging sunud-sunuran dito nang dahil sa kabutihang ginawa nito para sa kanya. Ngunit nang marinig niya si Aaron kanina at makita ang galit sa mga mata nito ay parang nakita niya ang kanyang sarili rito. Ang pagkakaiba lamang ay naipahahayag nito ang tunay nitong saloobin. Samantalang siya ay tikom ang bibig sa lahat ng bagay. Kahit pagdating sa misis ni Aaron na si Soledad ay hindi niya maipahayag ang kanyang totoong mga hinaing na may kinalaman sa hindi natuloy na kasal nilang dalawa ni Gustavo. Si Gustavo na siyang mahal pa rin niya hanggang ngayon. Naalala niya ang pagsasalubong ng mga mata nila ng dati niyang fiancé kanina at aaminin niyang bumilis ang t***k ng kanyang puso nang dahil doon. Dahil sa mga titig na ipinukol sa kanya ni Gustavo ay nakaramdam siya ng matinding nostalgia. Ibinalik siya sa mga panahong masaya silang dalawa sa piling ng isa’t isa. Ang mga taong pinagsamahan nilang dalawa ni Gustavo ang maituturing niyang pinakamasayang parte ng kanyang buhay. Sa ibabaw ng kanyang kama ay bumabalik sa kanyang alaala ang mga maiinit na sandali kasama ang lalaking iniibig. Hindi man sila umabot ni Gustavo sa pag-iisa ng katawan dahil sa malaking respeto sa kanya ng dating kasintahan ay hindi naman matatawaran ang mainit na sensasyong naranasan niya mula sa mga haplos ng mga kamay ng lalaki at sa pag-aangkin ng mga labi nito sa kanyang sariling mga labi. Dahan-dahang naglakbay ang kanang kamay ni Harmony patungo sa nagsisimula nang mamasa na kanyang perlas habang ang kaliwa niyang kamay ay salitang pinaglalaruan na ang tuktok ng kanyang dalawang bundok. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Sa kanyang isipan ay naroon ang isang nakatalikod na hubo’t hubad na lalaki. Ang mga mata niya sa kanyang isipan ay humagod mula sa basang talampakan ng lalaki patungo sa matigas nitong mga binti. Umakyat ang kanyang paningin sa siksik sa laman nitong mga hita. Nang umangat ang kanyang mga mata patungo sa malamang pang-upo ng lalaki sa kanyang isipan ay napaliyad ang nakahiga niyang katawan sa kama kasabay nang pagpasok ng kanyang dalawang daliri sa loob ng kanyang nag-iinit nang b****a. Habang pinagmamasdan ng mga mata niya ang mapang-akit na hiwa sa pagitan ng magandang porma ng dalawang pisngi ng pang-upo ng lalaki sa kanyang isipan ay napabuka ang kanyang bibig at lumabas doon ang isang mahinang ungol. At sa kanyang isipan, nang umangat ang kanyang titig sa malapad na likuran ng lalaki patungo sa mukha nitong nakatunghay sa kanya ay ganoon na lamang ang bilis nang paghatak niya ng kanyang mga daliring nakabaon sa loob ng kanyang kuweba palabas nito at parang sinampal siya at mabilis na idinilat ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang kadiliman ng buong paligid sa loob ng kanyang silid. Mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga si Harmony at hinahabol ang hiningang sumandal sa headboard ng kama. Ang akala niya ay si Gustavo ang lalaki sa kanyang isipan ngunit ang mukha na nakita ng kanyang mga mata sa kanyang diwa ay ang lalaking naabutan niyang walang suot na anumang saplot sa gilid ng malaking pool ng mga Jarandilla noong isang gabi. Ang bunsong kapatid ng kanyang fiancé at mister ng kanyang kaibigang si Soledad. Si Aaron Jarandilla. Parang gustong sabunutan ni Harmony ang kanyang sarili dahil ang pakiramdam niya ay nagtaksil siya. Kung kanino ay hindi siya sigurado. Pagkakanulo sa kanyang fiancé o pagtataksil sa pagmamahal na nararamdaman niya para kay Gustavo? Harmony, ano ba ang nangyayari sa iyo? Parang sumasakit ang ulo ni Harmony habang kinakausap ang kanyang sarili. Marahan siyang tumayo mula sa kama at inabot ang silk robe para ipatong sa suot niyang black brassiere at thong. Matapos ibuhol ang tali ng robe ay lumabas na siya ng kwarto. Natigilan si Harmony nang sa kanyang paglabas ay naroon din sa pasilyo ng ikalawang palapag ng mansyon ang lalaking kanina lamang ay nasa kanyang isipan. Wala sa loob na napatitig siya sa agaw-atensyong bukol na nasa loob ng suot nitong boxer briefs. Napasinghap siya at ibinaling sa iba ang kanyang mga mata ngunit dumapo lamang iyon sa magkabilang linya sa itaas ng garter ng boxer briefs ng lalaki. Halos humantad na sa kanyang mga mata ang kabuuan ng dalawang linya dahil sa pagkakahatak pababa ng boxer briefs dulot ng katigasang pilit pa ring tinatakpan ng tela. Napalunok ng laway si Harmony at parang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Nang tumitig siya sa mga mata ng lalaki ay alam niyang nahuli siya nitong nakatitig sa kahindikan ng parteng iyon ng katawan nito. At sa kung anong kadahilanan ay parang nakaramdam ng kuryente si Harmony patungo sa pagitan ng kanyang mga hita habang nakatitig sa mga mata ni Aaron. Mali ito. Maling-mali. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD