THIRD PERSON POV
Napalingon si Soledad sa nakabukas na pintuan ng kwarto ng kanyang bayaw na si Lander nang mahagip ng kanyang peripheral vision ang paggalaw mula roon. Nakita niyang may hawak itong isang bridal gown sa mga kamay nito.
Napakunot ang kanyang noo at wala sa loob na humakbang palapit sa nakabukas na kwarto.
Iniisip niya kung iyon na ba ang bridal gown na isusuot ni Harmony para sa napipinto nitong kasal sa kanyang bayaw.
Bahagyang nagulat si Soledad nang gumawi sa kanyang direksyon ang paningin ng lalaki na nasa loob ng silid. Marahil ay naramdaman nitong may mga matang nakamasid dito.
Soledad: I-I'm sorry, Kuya. Nagandahan lang ako sa design ng gown. I hope you don't mind.
Isang malawak na ngiti ang isinukli sa kanya ng kapatid ng kanyang asawa.
Lander: Of course not, hipag. Hindi ka na iba sa akin. Look. Tingin mo ba ay babagay ito sa iyong kababata?
Kababata.
Parang gustong matawa ni Soledad sa kanyang isipan habang ipinapakita sa kanyang harapan ni Lander ang hawak nitong trumpet wedding dress.
Hanggang ngayon ay iniisip pa rin ng kanyang bayaw na kababata nilang dalawa ng kanyang kapatid ang mapapangasawa nitong si Harmony.
Wala itong kaalam-alam na ang babaeng pakakasalan nito ay ang babaeng dumurog sa puso ng kanyang Kuya Gustavo.
Pinilit ni Soledad ang sarili na ngumiti habang tumatango-tango sa kanyang bayaw.
Soledad: Fit ito para sa hourglass figure ni Harmony. P-paniguradong magugustuhan niya.
Gustong niyang pagalitan ang sarili dahil nabulol pa siya sa harapan ng kanyang bayaw.
Talagang hindi madali ang magpanggap na masaya siya para sa magaganap na kasalang ito sa pagitan ng kanyang bayaw at ng babaeng nanakit sa damdamin ng kanyang kapatid.
Para kay Soledad ay hindi karapat-dapat na sumaya ang kanyang dating kaibigan sa piling ng ibang lalaki dahil sa ginawa nitong pagsira sa buhay ng kanyang kapatid.
Lander: Good to hear that, hipag. Alam mo bang ito ang wedding dress na isinuot ng una kong asawa sa aming kasal? Regina chose this gown herself.
Bahagyang natigilan si Soledad at kaagad na nawala ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang pangalan ng dating bilas.
Sa ilang buwang pagsasama nila ni Regina sa ilalim ng bubong ng mansyon ng mga Jarandilla ay hindi niya nakagaanan ng loob ang babae. Idagdag pa roon ang madalas nitong pakikipag-alitan sa asawa niyang si Aaron.
Isa sa mga natatandaan niyang pag-uusap nilang dalawa ni Regina ay noong araw bago ito maaksidente.
Ang araw kung kailan ipinagtapat nito sa kanya ang tungkol sa kondisyon ng kanyang mister.
Dinadama ni Soledad ang pang-gabing hangin na tumatama sa kanyang mukha habang nagpapahangin siya sa balkonahe ng ikalawang palapag ng Jarandilla mansion nang maramdaman niya ang isang presensya sa kanyang likuran.
Humahalo sa hangin ang amoy ng isang pambabaeng pabango na madalas gamitin ng isang tao sa loob ng pamamahay na iyon.
Walang duda sa kanyang isipan na si Regina ang gumambala sa kanyang pagmumuni-muni nang mga sandaling iyon.
Soledad: Wala rito ang asawa mo kung siya ang hinahanap mo.
Hindi siya humaharap sa presensyang nasa kanyang likuran habang nakatuon ang kanyang mga mata sa madilim na kalangitan.
Walang mga bituin nang gabing iyon at nang tumanaw siya sa labas ng mansyon ay halos hindi niya maaninag ang mga anino sa paligid.
Nang marinig niyang nagsalita ang tao sa kanyang likuran ay kinumpirma lamang niyon na tama ang kanyang hinala.
Si Regina Jarandilla.
Regina: Who said I'm looking for my husband? Minsan ay gusto ko ring makalaya mula sa mga bakal na kamay ng bayaw mo, Soledad.
Sa pagkakataong iyon ay gustong sumang-ayon ni Soledad sa sinasabi nito ngunit wala sa kanyang bokabularyo ang suportahan ang babaeng ito.
Marahan niyang pinaglandas ang kanyang mga daliri sa handrail ng balkonahe.
Soledad: Bakit hindi mo na lang lisanin ang lugar na ito para tuluyan ka nang makalaya mula sa kanya? Bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo?
Pakiramdam ni Soledad ay pinipigilan niya ang kanyang paghinga habang hinihintay ang magiging kasagutan ng kanyang bilas.
Regina: My choice, Soledad. My choice. Minsan ay kailangan nating piliin ang isang bagay kahit alam nating masasaktan tayo dahil iyon din ang bagay na makapagpapasaya sa atin.
Wala sa loob na napakapit ang kanyang dalawang kamay sa handrail at humugot ng malalim na paghinga.
Hindi nagustuhan ng kanyang pandinig ang mga salitang namutawi mula sa bibig ng babae sa kanyang likuran.
Regina: I guess this is the right time para malaman mo ang sikreto ng asawa mo.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Soledad dahil sa tinurang iyon ng misis ng kanyang bayaw.
Pilit na pinapakalma niya ang sarili ngunit hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa labis na galit na kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
Regina: Walang kakayahan si Aaron na mabigyan ka ng isang masaya at buong pamilya, Soledad. Your husband is sterile.
Pakiramdam ni Soledad ay parang pangangapusan siya ng hangin sa katawan dahil sa natuklasang iyon mula sa babaeng alam niyang malaki rin ang galit sa kanya.
Sigurado siyang kahit kalmado ang tinig ng boses nito habang kinakausap siya ay may naglalarong ngisi sa mga labi nito.
Halos mabali ang kanyang mga daliri sa higpit ng kanyang pagkakakapit sa balcony railings para huwag lamang tumama ang kanyang palad sa pisngi ni Regina.
Parang binuhusan ng tubig si Soledad at nagbalik sa kasalukuyan ang kanyang isipan nang marinig ang pag-untag sa kanya ng bayaw na si Lander.
Lander: Hey, Soledad. I guess your reaction says it all. A perfect wedding gown for a perfect bride.
Isang alanganing ngiti ang iginanti ni Soledad sa nakikita niyang proud smile sa mukha ng kanyang bayaw.
Perfect?
Iyon ang huling salitang ikakabit niya sa dating kaibigang si Harmony.
----------
Maya-maya ay sumunod na si Lander sa kanyang fiancée na si Harmony sa loob ng kanilang pabrika kung saan ginagawa ang proseso para sa kanilang bottled local products.
Nagsabi ang babae sa kanya kanina na gusto nitong makita kung paano isinasagawa ang mga items na kanilang ibinibenta. Pinagmasdan niya ang babae habang mataman itong nakatingin sa mga staff ng pabrika.
Isang ngiti ang iginawad niya kay Harmony nang malingunan siya nito.
Lander: Hi, hon. So, how's the view so far?
Natawa ang kanyang mapapangasawa dahil sa tanong niyang iyon.
Harmony: Alam mo, hon, sigurado akong pagbalik natin sa Manila ay kailangang bigyan ko ng pasalubong ang mga staff ko sa salon. There's no doubt in my mind na magugustuhan nila ang products ninyo.
Umakbay si Lander sa kaliwang balikat ng kanyang fiancée at tinitigan itong mabuti.
Lander: Natin. Produkto natin. Ang lahat ng akin ay magiging iyo na rin oras na makasal tayo, hon. At hindi na ako makapaghintay na dalhin mo ang aking apelyido.
Malambing na pinisil niya ang tungki ng ilong ni Harmony at ilang sandali pa ay pinanggigilan iyon.
Natatawang hinawi nito ang kanyang kamay ngunit hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatuon ng kanyang mga mata rito.
Lander: I can't wait to call you Misis Harmony Fabellana-Jarandilla. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung gaano karami ang ating magiging mga anak.
Isang nangangarap na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang marahang kinabig ang kanyang fiancée palapit sa kanyang katawan.
Lander: Sana ay matagal kitang makasama, Harmony. I hope hindi mo ako iwan kaagad katulad nang nangyari sa dati kong asawa.
Naramdaman ni Lander ang pamamasa ng kanyang mga mata matapos sabihin iyon.
Kaagad niyang iniwas ang kanyang tingin mula kay Harmony at hinayon ang mga taong nagtatrabaho sa loob ng pabrika.
Lander: Mahal na mahal kita, Harmony. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin.
Masuyong pinisil niya ang kaliwang balikat ng babae at pagkatapos ay muli itong tinitigan.
Lander: Ikaw at ako. Tayong dalawa sa huli, hon.
Ilang segundong nakatitig lamang siya sa mukha ni Harmony habang hinihintay ang magiging sagot nito.
Sa tingin niya ay parang pinag-isipan pa nito ang isasagot sa kanya.
Ngunit naisip ni Lander na baka nagkamali lamang siya ng hinala dahil nang muli itong magsalita ay may parte ng kanyang puso ang nagsasabing sincere si Harmony sa mga salitang binitiwan nito.
Harmony: You're the man every woman could hope for. Wala na akong ibang mahihiling pa.
Parang lumundag ang puso ni Lander dahil sa sinabing iyon ni Harmony at kung wala lamang sa paligid ang mga empleyado ng kanilang negosyo ay siguradong nakayakap na siya rito at ipinararamdam sa mga labi nito ang kanyang pagmamahal.
----------
Nakaramdam ng matinding pagseselos si Gustavo nang makita ang masayang ngiti sa mukha ni Harmony habang kausap si Lander. Kaagad niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa mga trabahador ng pabrika.
Hindi pa rin siya makapaniwalang abot-tanaw na niyang muli ang dating kasintahan.
Sa mga nakalipas na taon ay hindi nawala si Harmony sa kanyang isipan at ito pa rin ang itinitibok ng kanyang puso sa kabila ng mga malulungkot na pangyayari sa pagitan nilang dalawa.
Kahit gustuhin niyang magalit dito dahil sa ginawa nitong hindi pagsulpot sa araw ng kanilang kasal ay hindi niya magawa.
Mas nangingibabaw pa rin ang nararamdaman niyang pagmamahal para sa babae kahit napakaraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan.
Kahit nais niyang malaman kung bakit ito humantong sa isang desisyon na huwag nang ituloy ang pagpapakasal sa kanya ay mas gusto pa rin niyang intindihin ito at ibigay ang buong pang-unawa niya rito.
Hindi nabawasan ang pag-ibig na nakaukit sa kanyang puso para kay Harmony sa paglipas ng mga taon.
Totoong labis na sakit ang idinulot sa kanyang puso ng biglaang paglayo ni Harmony mula sa kanya ngunit kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng galit para rito.
Naniniwala si Gustavo na may malalim na dahilan ang babae kung bakit nagawa nitong hindi siya samahan sa harap ng altar.
Alam niya kung gaano siya minahal ng babae noon at kung ilang beses siyang ipinaglaban nito mula sa sariling ina.
Malinaw pa sa alaala ni Gustavo ang isang beses na narinig niyang nagtatalo si Harmony at ang ina nito nang dahil sa kanya.
Walang ingay na pumasok si Gustavo sa loob ng munting bahay ni Harmony katulad nang parati niyang ginagawa sa tuwing bibisitahin ang kanyang fiancée.
Sanay na ang kanyang kasintahan sa tuwing dadalawin niya ito mula sa maghapong pagtatrabaho sa shoe repair shop na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanyang ama.
Madalas na pinupuntahan ni Gustavo ang nobyang si Harmony dahil sa tuwing nakikita niya ang magandang mukha ng babae at nakikita ang ngiti sa mga labi nito ay napapawi ang nararamdaman niyang pagod.
Alam ni Gustavo na mali ang pumasok sa bahay ng kanyang nobya nang walang paalam ngunit ang babae mismo ang nagbigay ng pahintulot sa kanya lalo pa nga at binigyan siya nito ng kopya ng susi ng bahay.
Sinabi pa sa kanya ni Harmony na mas mabuti nang masanay siya sa paglabas-masok sa bahay nito dahil pagkatapos ng kasal nilang dalawa ay doon din naman sila maninirahan.
Eksaktong pagkasara ni Gustavo ng main entrance door ay nawala ang excited na ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang dalawang tinig ng boses na parang nagtatalo sa loob ng kusina ng bahay.
Sigurado siyang ang kanyang fiancée ito at ang kanyang future mother-in-law na si Yvonne Fabellana.
Wala sana siyang balak pakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa kung hindi lamang niya narinig na binanggit ng ina ni Harmony ang kanyang pangalan.
Yvonne: Sinasabi ko sa iyo, anak. Mali ang gagawin mong pagpapakasal kay Gustavo. Ni hindi niya kayang umupa ng bahay para sa inyong dalawa.
Nakaramdam ng panliliit si Gustavo sa narinig na iyon mula kay Yvonne.
Harmony: Ma, sinabi ko na sa inyo. Dito titira si Gustavo sa bahay ko. Magiging mag-asawa na kami kaya kung ano ang pag-aari ko, magiging kanya rin. Pagtutulungan namin ang lahat ng bagay.
Narinig niya ang malakas na pagmumura ng matandang babae.
Yvonne: Boba ka talagang babae ka! Hindi ka nag-iisip. Ang dami mong manliligaw na de-kotse, mga professional, hindi hamak na mas disente kaysa kay Gustavo. Pero ano ang nangyari? Bumagsak ka sa lalaking nag-aayos ng mga sirang sapatos!
Wala sa loob na kumuyom ang dalawang kamao ni Gustavo dahil sa narinig.
Masakit pakinggan na hinahamak ng ina ng kanyang fiancée ang trabahong nakapagpaaral sa kanilang dalawa ng kanyang kapatid na si Soledad.
Harmony: Ma! Naririnig niyo ba iyang sinasabi ninyo? Hindi naman nalalayo ang nakagisnan nating buhay sa buhay na mayroon ang pamilya nila Gustavo. Naging matadero si Papa noon at kayo, hindi ba, hindi ba---
Nahimigan ni Gustavo ang pag-aalinlangan sa tinig ng boses ng kanyang kasintahan at kasunod niyon ay ang tunog ng parang isang bagay na tumama sa pisngi ng isang tao at ang malakas na mura mula sa bibig ni Yvonne.
Yvonne: Bastos kang babae ka! Gusto mo pang balikan ang ginawa ko noon para lang maiahon ang buhay natin mula sa kahirapan! Gagawin mo iyan dahil lang sa Gustavo na iyon!
Matinding pagpipigil sa sarili ang ginagawa ni Gustavo para lamang huwag sumugod sa loob ng kusina at ipagtanggol si Harmony mula sa ina nito.
Alam niyang hindi magiging maganda ang resulta kapag nagpakita siya sa ina ng babae.
Harmony: Kahit ano pa ang sabihin ninyo, Mama, hindi na magbabago pa ang desisyon ko. Pakakasalan ko si Gustavo dahil mahal ko siya. Kung hindi mo gustong makitang ikasal ako sa kanya, hindi ko po kayo pipiliting pumunta ng simbahan.
Hindi napigilan ni Gustavo ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ng kasintahan.
Ipinaglaban siya nito sa sarili nitong ina dahil sa pagmamahal ng babae para sa kanya.
Totoong iniibig siya ng babaeng pinili niyang iharap sa altar.
Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Gustavo nang marinig ang isang malakas na halakhak mula kay Lander.
Mukhang may sinabi rito si Harmony na labis nitong ikinatuwa.
Puno ng pait na muling hinayon ni Gustavo ang direksyon ng magkasintahan. Nagulat pa siya nang sa kanyang paglingon ay nakatingin sa kanyang kinatatayuan ang dating kasintahan.
Panandaliang nagkasalubong ang kanilang mga mata ni Harmony ngunit kaagad din nitong binawi ang tingin mula sa kanya.
Sa ilang segundong nagtama ang kanilang mga paningin ay parang nasilip niya sa mga mata nito ang pangungulila.
----------
Kinagabihan ay nahihirapang makatulog si Aaron nang dahil sa init ng katawan na kanyang nararamdaman. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang naging tagpo sa pagitan nilang dalawa ng fiancée ng kanyang kapatid kagabi.
Kitang-kita niya mula sa mga mata ng babae ang apoy ng pagnanasa habang nakatitig ito sa nilikhang bukol ng kanyang matabang alaga sa suot na masikip na tela.
Dahil doon kaya mas nag-init ang kanyang pakiramdam nang nagdaang gabi. Dumagdag sa pagkabitin na ipinadama sa kanya ng asawang si Soledad nang hindi siya nito pinagbigyan na may mangyari sa kanilang dalawa sa ibabaw ng kama.
Nang maalala ang ginawang pagtanggi sa kanya ng misis kagabi ay inis na bumangon si Aaron mula sa pagkakahiga sa kama at hubo't hubad na naglakad patungo sa French window ng kwarto nilang mag-asawa.
Sa tuwing tinatanggihan siya ng kanyang asawa na magtalik silang dalawa ay matindi ang epekto niyon sa ego ni Aaron lalo pa nga at alam niyang may problema sa kanyang kakayahan na magkaanak.
Ang kondisyon niyang iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit minsan ay nakararamdam siya ng labis na insecurity sa kanyang sarili.
Hinawi niya ang kurtina at sinanay ang mga mata sa dilim na bumabalot sa kapaligiran sa labas ng bintana.
Napakunot ang kanyang noo nang maaninag na may taong lumalangoy sa malaking swimming pool ng mga Jarandilla.
Kaagad na nawala ang kunot sa kanyang noo at kumawala ang isang ngisi sa kanyang mga labi nang mapagtantong ang fiancée ng kanyang kapatid na may magandang hubog ng katawan ang nagpapalipas ng oras nito sa malawak na pool na iyon.
Base sa nakikita niyang kasuotan ng babae sa tuwing kasama ang kanyang kapatid ay sigurado siyang hindi pa nakikita ng kanyang Kuya Lander ang kabuuan ng seksing katawan ni Harmony.
May pakiramdam siyang kino-control ng kanyang nakatatandang kapatid ang pananamit ng fiancée nito. Aware siya kung gaano ka-conservative ang kanyang Kuya Lander pagdating sa pananamit ng mga nakakarelasyon nito.
Hindi na siya magugulat kung totoo ang kanyang hinala dahil gustung-gusto naman talaga ng kanyang kapatid na kino-control ang mga tao at mga bagay sa paligid nito.
Sa nakita niyang pagnanasa mula sa mga mata ng babae nang magtama ang kanilang mga mata sa hallway ng ikalawang palapag ng mansyon kagabi at sa nasisipat niyang suot nito ngayon na isang pares ng pulang string bikini brassiere at thong ay sigurado siyang may itinatago itong matinding kulo sa katawan.
Pumitik sa hangin ang unti-unti nang nabubuhay na alaga ni Aaron dahil sa ideyang mas marami pa siyang nakitang parte ng balat ni Harmony kaysa sa fiancé nito.
Isang masamang ideya ang pumasok sa isipan ni Aaron habang pinagmamasdan ang makinis na balat ni Harmony na naglulunoy sa pool.
Ano ba ang pakiramdam na matalo ka kahit isang beses, Kuya Lander?
Kasabay ng bulong na iyon sa kanyang isipan ay muli na naman niyang naalala ang ginawang pag-demote sa kanya ng sariling kapatid sa mismong negosyo ng kanilang pamilya.
Dahil sa nararamdamang inis sa asawa at kapatid kaya nabubuhay na naman ang pagrerebelde sa sistema ni Aaron.
Nilakihan niya ang pagkakabukas ng kurtina habang nakatayo ang hubo't hubad niyang katawan sa tabi ng malaking bintana.
Pumaikot ang kanyang kanang palad sa naghuhumindig na alaga at sinimulan ang pagtataas-baba niyon.
Titingnan niya kung kakayanin niyang matalo ang sariling kapatid.
----------
Nakapikit na lumulutang si Harmony sa tubig ng swimming pool habang bumabalik sa kanyang isipan ang pagsasalubong ng kanilang mga mata ni Gustavo kanina.
Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang nasilip sa parteng iyon ng mukha ng lalaki. Dahil ganoon din ang kanyang nakikita sa sariling mga mata sa tuwing humaharap sa salamin at inaalala ang kanilang nakaraan ni Gustavo.
Pangungulila at isang pamilyar na emosyon.
Ang pagmamahal.
Pakiramdam niya kahit ngayong abot-kamay na niya ang dating fiancé ay mas naging malayo pa ito sa kanya.
Hindi niya magawang hawakan at yakapin ito. Dahil maliban sa nakatali na siya sa ibang lalaki ay alam niyang may hinanakit sa kanya si Gustavo dahil sa ginawa niyang pag-iwan dito sa mismong araw ng kanilang kasal noon.
Ilang minuto pa siyang nagbabad sa tubig bago naisipang umahon na mula sa pool. Nang tuluyang makaahon ay malalim siyang nagbuntung-hininga at nilanghap ang sariwang amoy ng panggabing hangin.
Gusto niya ang mga ganitong pagkakataon na nag-iisa siya at malayang nayayakap ang sariling sekswalidad.
Ipinagmamalaki niya ang magandang porma ng kanyang katawan na siyang resulta ng ilang taong disiplina sa pagwo-workout at ehersisyo.
Hindi niya ito nagagawa sa tuwing kailangan niyang suotin ang mga damit na ipinasusuot ng kanyang fiancé. Dahil doon kaya nakararamdam siya na parang hindi proud si Lander sa matatawag niyang assets ng kanyang katawan.
Inabot niya ang tuwalya na nakapatong sa chaise lounge chair malapit sa pool. Sa kung anong kadahilanan ay naramdaman niyang parang may mga matang nakatitig sa kanya mula sa itaas.
Sandali siyang tumigil at nag-isip. Alam niya kung kaninong miyembro ng pamilya ang bintana ng kwartong nakatapat sa direksyon ng swimming pool.
May kung anong init na dumaloy sa katawan ni Harmony nang maisip kung sino ang posibleng nakatitig sa kanya nang mga sandaling iyon.
Naalala niya ang eksena sa pagitan nilang dalawa ng kanyang future brother-in-law sa pasilyo ng ikalawang palapag ng mansyon kagabi.
Muling pumasok sa kanyang isipan ang nasilayang matipunong pangangatawan ni Aaron. Ang makisig na katawan nitong una niyang napansin nang hindi sinasadyang makita niya itong hubo’t hubad sa gilid ng pool noong isang gabi.
Ang ideyang may nakatitig sa kanya sa ganoong ayos kung saan halos nakahubad na siya ay nagdadala ng pagkasabik sa kanyang katawan.
Katulad ng ibang babae ay gusto niya ring makaramdam na may lalaking nakaka-appreciate ng magandang hubog ng kanyang katawan. Isang bagay na hindi niya maramdaman mula kay Lander.
Malayong-malayo si Lander sa ex-fiancé niyang si Gustavo na palaging sinusuyod ng mga kamay nito ang kanyang katawan. Ngunit dahil sa labis nitong pagrespeto sa kanya kaya kahit kailan ay hindi sila humantong ni Gustavo sa pagtatalik.
Kaya naman na-miss din ni Harmony ang ganitong pakiramdam. Na may mga matang sumusuyod sa kanyang makurbang katawan.
Sinadya ni Harmony na bagalan ang pagpunas sa mga butil ng tubig na naglalandas sa kanyang buhok at katawan.
Nais niyang patagalin ang kasabikang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Kahit sandali lamang ay maramdaman niyang siya ay malaya.
Maya-maya pa ay senswal siyang tumuwad para muling ilapag ang tuwalya sa ibabaw ng chaise lounge chair. Unti-unti nang gumagapang ang init patungo sa sentrong bahagi ng kanyang katawan.
Labis ang kabang naramdaman niya kasabay ng excitement dahil sa kanyang ginawa. Hindi niya alam ngunit parang gusto niyang mas patagalin pa ang malayang damdamin na nararanasan niya nang gabing iyon.
Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa init na lumulukob sa kanyang buong sistema.
Wala sa loob na umikot siya paharap sa direksyon ng mansyon. Hinahabol niya ang kanyang paghinga nang tumingala siya sa bintanang nasa ikalawang palapag.
Pakiramdam ni Harmony ay nanlambot ang kanyang mga tuhod nang makitang nakahawi ang kurtina sa tabi ng French window. Kitang-kita niya ang pigura ng isang lalaki na naroon.
Nagsalubong ang mga mata nila ng mister ng babaeng itinuturing niya pa ring matalik na kaibigan.
Nakakapit ang kaliwang kamay ng lalaki sa curtain rail habang ang kanang kamay nito ay nagtataas-baba sa pribadong parte ng katawan nito.
Isang malakas na pagsinghap ang kumawala mula sa bibig ni Harmony at kasabay niyon ay ang pamilyar na pamamasa sa pagitan ng kanyang mga hita.
No. Hindi pwede ito. Isang malaking pagkakasala.
----------
to be continued...