CHAPTER 6

3158 Words
THIRD PERSON POV Nawala ang atensyon ni Soledad sa mga ledger na nasa ibabaw ng kanyang desk nang marinig ang pagtunog ng kanyang phone. Kumunot ang kanyang noo nang makitang numero lamang ang nakarehistro sa screen ng aparatong nasa tabi ng flower vase sa ibabaw ng kanyang mesa. Naisip niyang maaaring isa iyon sa suppliers ng negosyo ng pamilya o pwede rin namang customer na magre-request ng bulk order. Kaagad na nagningning ang kanyang mga mata nang maisip na posibleng malaking kliyente ang taong tumatawag. Soledad: Kung kliyente ito, bakit sa personal number ko naman tatawag? Ilang sandali siyang nakatitig sa kanyang phone nang maisip na baka may isa sa mga tauhan ng pabrika ang nagkamali ng naibigay na numero sa isang potential client. Malimit mangyari iyon dahil paminsan-minsan ay nagagamit niya ang kanyang personal na numero sa tuwing tatawagan ang ibang tauhan kapag may itatanong siya sa mga ito na may kinalaman sa ibang concerns sa bottled local product business. Sa huli ay naisipan niyang sagutin ang tawag. Tumikhim muna siya bago masiglang sinagot ang tawag. Soledad: Hello. Good afternoon. Nakapaskil ang ngiti sa kanyang mga labi habang hinihintay na magsalita ang taong nasa kabilang linya. Umaasa siyang sana ay bagong kliyente ng negosyo ang nagmamay-ari ng numerong iyon. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha nang marinig ang nakakalokong tawa mula sa taong tumawag sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa sa kanyang sinabi. Akma siyang magsasalita nang bigla niyang marinig ang tinig ng boses ng taong nasa kabilang linya. Babae ito. At pamilyar ang boses nito sa pandinig ni Soledad. Wala sa loob na napahawak ang kanyang kaliwang kamay sa gilid ng malaking mesa. Humigpit ang pagkakahawak niya sa phone. Kung hindi siya nagkakamali ay kilala niya ang babaeng iyon base sa malamyos na tinig ng boses nito. Ang kaibigan niyang si Coreen. Coreen: My, my, my, Soledad. Hindi ka pa rin pala nagpapalit ng number. Kumusta na? Pakiramdam ni Soledad ay parang unti-unting hinihigop ng kung anong malakas na pwersa ang hangin mula sa kanyang katawan. Bumibilis ang pintig ng kanyang puso nang dahil sa babaeng bigla na lamang nagparamdam makalipas ang ilang taon. Soledad: N-nakalabas ka na ng kulungan? Muli na namang tumawa ito habang ang kanyang mga mata ay mabilis na ch-in-eck kung naka-lock ang pinto ng opisina. Coreen: O, bakit parang hindi ka naman yata masaya na ikaw ang una kong tinawagan pagkalabas ng kulungan? Hindi mo ba ako na-miss? Kasi ako, ikaw palagi ang naiisip ko bago ako matulog sa gabi. Nahimigan ni Soledad na sa puntong iyon ay seryoso na ang tinig ng boses ng kanyang kaibigan. Coreen: Grabe ka. Hindi mo man lang ako naisipang dalawin sa bilangguan. Kahit man lang isang beses. Sobrang busy ba ng buhay mo kasama ang dati kong boyfriend? Nanginginig ang mga kamay ni Soledad nang sagutin niya ang tanong ng kaibigan. Soledad: M-maayos na ang buhay namin ni Aaron, Coreen. Huwag mo na sanang guluhin pa. Isang tawang puno ng sarkasmo mula sa babae ang halos magpabingi kay Soledad. Coreen: Gulo? Ako pa talaga ang manggugulo? Sure ka ba riyan, Soledad? Gusto ko lang namang bisitahin ang kaibigan kong pinakasalan ang ex-boyfriend ko. Wala namang masama roon, hindi ba? Halos bumaon na ang kanyang mga daliri sa gilid ng mesa dahil sa diin nang pagkakakapit niya roon. Coreen: Gusto lang naman kitang i-inform na papunta na ako riyan sa Pueblo Luntian. Kaya naman, see you, Soledad. Pakiramdam ni Soledad ay umiikot ang kanyang paningin habang naririnig ang matinis na tawa ng kanyang kaibigan mula sa kabilang linya. Pinagpapawisan siya dahil sa matinding kaba. No. This isn’t happening. Hindi pwedeng mapunta sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan ko. ---------- Lumingon muna sa pintuan ng home library si Lander bago dahan-dahang binuksan ang trapdoor na nasa sahig. Madalas niyang tinatakpan ng carpet ang pintuang ito para wala nang sinuman ang makaisip na pumasok sa loob niyon. Inabot ng kanyang kaliwang kamay ang basket na naglalaman ng mga prutas at pagkatapos ay humakbang sa pinakataas na baitang ng hagdan patungo sa lumang storm cellar. Marahan niyang isinasara ang pinto habang bumababa sa staircase patungo sa underground room. Kinapa ni Lander ang switch ng ilaw at nang lumiwanag sa loob ay napangiti siya nang makita ang babaeng nakaupo sa dulo ng sofa na nakapwesto sa gitna ng kwarto. Na-miss niya ang babae habang naroon siya sa Manila. Kaya naman sabik na sabik na siyang mayakap itong muli. Ibinaba niya ang basket na naglalaman ng mga paboritong prutas ng babae sa malaking mesa na nasa isang sulok ng silid na iyon. Lander: How are you, mahal ko? Dala ko ang favorite fruits mo. Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa iyo. Nagtrabaho ako sa Manila at doon ay may nakilala akong isang babae. Sinilip niya ang babae at nakangiti siyang umiling nang makitang hindi man lang siya nilingon nito ngunit may ngiti namang nakapaskil sa mukha nito. Lander: Ang dami ninyong similarities kaya naman hindi malabong nahulog din ang loob ko sa kanya. Inikot niya ang kanyang paningin sa paligid ng buong kwarto. Napangiti siya nang makitang naroon pa rin ang shelves kung saan nakalagay ang mga paboritong basahin na libro ng babae. Lander: Ang tagal kong nawala, mahal ko, pero wala man lang pagbabago sa ayos nitong kwarto. Ganitong-ganito rin ang hitsura nito nang huli kitang bisitahin. Tiningnan niya ang babaeng nakaupo sa sofa at pinagmasdan ang mukha nito. Tumuon ang kanyang mga mata sa mga perpektong pilikmata ng babae, pababa sa kulay ng mga labi nitong hindi kumukupas, at hanggang sa balat nitong walang pores at imperfection. Napailing si Lander nang mapansin ang kaunting alikabok na kumapit sa suot na red dress ng babae. Ito ang pinakapaborito nito sa lahat ng kanyang mga iniregalo sa babae. Lander: Ikaw talaga, mahal ko. Hinintay mo pa ako para lang alisin itong mga alikabok na ito. Marahang pinagpag ni Lander ang mga kumapit na dumi sa suot ng babae. Nang umangat ang kanyang tingin at mapansin ang mga alikabok sa buhok nito ay napalatak na lamang si Lander. Lander: O, tingnan mo itong buhok mo. Marumi na rin. Hay, mahal ko. Nawala lang ako nang halos dalawang taon pero hindi mo na kayang alagaaan ang sarili mo. Tinanggal niya ang duming nakita sa buhok ng babae at pagkatapos ay umupo sa tabi nito. Muli niyang inikot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kwarto at nagpapasalamat na walang bintana sa loob niyon. Lander: Tama lang na rito kita inilagay, mahal ko. Unti-unting lumapit si Lander sa babae hanggang sa magkadikit ang kanilang mga balat. Naramdaman niya ang makinis nitong balat at ang bahagyang sheen na kumapit doon. Lander: Ang tahimik mo, mahal ko. Ang dami ko nang sinabi pero hindi ka man lang sumasagot. Maya-maya ay yumakap siya sa babae at inihilig ang kanyang ulo sa kanang balikat nito. Lander: Huwag ka sanang malulungkot kung magpapakasal ako sa ibang babae, mahal ko. Anuman ang mangyari ay hindi ka mawawala sa puso ko, Regina. ---------- Sa labas ng mansyon ay pinag-merienda muna ni Gustavo ang ilan sa mga tauhan. Bumili siya ng limang bilao ng biko at ipinakain sa mga ito. Gustavo: O, magtira kayo para sa ibang hindi pa nakakakuha. Marami iyan kaya magpakabusog kayong lahat. Masayang nagpasalamat kay Gustavo ang mga tauhan habang ang iba ay pinupuri pa siya. “Salamat sa pakain, Sir Gustavo.” “The best talaga itong si Sir, eh. Kaya loyal ako rito. Kasundo pa nating lahat.” “Buti na lang siya na ang Manager. Siguradong hindi na tayo made-delay.” Nang mapansin ni Gustavo ang pagdating ni Aaron sa umpukan ng mga tauhan ay biglang natahimik ang masayang upuan ng mga ito. Nakita niyang yumuko pa ang ilan sa mga empleyado. Marahil ay nahihiya dahil sa mga pahaging na sinabi patungkol sa dating manager ng negosyo. Aaron: O, bakit biglang tumahimik? Ang pa-plastic niyo rin, ano? Ano? Pakitang-tao lang iyong pagrespeto ninyo sa akin dati? Ngayong hindi niyo na ako manager ay kung anu-ano na ang mga sinasabi ninyo sa akin. Napailing na lamang si Gustavo at nang akmang iibahin na niya ang usapan ay nilingon siya ni Aaron. Aaron: Uy, Manager! Sumaludo pa ito sa kanya at nakakalokong nag-bow sa kanyang harapan. Aaron: Biko? Pakain? Ilang araw ka pa lang nagiging Manager pero ipinamumukha mo na? Sabagay, matagal mo nga rin palang inasam ang posisyon na iyan. Ginapang mo. Galawang ahas! Mabilis na iniwas ni Gustavo ang kanyang paningin mula sa kanyang bayaw at ikinuyom ang kanyang dalawang kamao. Pinipigilan niyang umigkas ang kanyang kamao papunta sa mukha ng asawa ng kanyang kapatid. Kahit paano ay nakababatang kapatid pa rin ito ng lalaking nagpapasahod sa kanya at mister ito ng kapatid niyang si Soledad. Siya na lamang ang magpapasensya sa ugali nito. Gustavo: Hindi ko gusto ng gulo, Aaron. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakahalukipkip si Aaron at maangas ang tinging ipinupukol sa kanya. Aaron: Eh, paano kung gusto ko ng gulo? Ha? Anong gagawin mo? Malalim siyang nagbuntung-hininga para pakalmahin ang sarili dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka kung ano ang magawa niya sa lalaking nasa kanyang harapan na maaari niyang pagsisihan. Akma siyang magsasalita nang biglang maagaw ang kanyang atensyon ng babaeng dumating at may dalawang tray na naglalaman ng malaking pitcher at maraming baso. Ang dati niyang kasintahan na si Harmony. Harmony: Narinig kong nagkakasiyahan kayo rito. Nagtimpla ako ng pineapple juice para mayroon kayong panulak. Mabigat sa tiyan ang biko kaya dahan-dahan lang sa pagkain. Napatulala na lamang si Gustavo habang pinagmamasdan kung paanong marahang inilalapag ng babaeng iniibig ang mga baso at pitsel sa ibabaw ng mahabang mesa na nakalaan para sa mga tauhan. Gusto niyang magpasalamat dito dahil sa pagdating nito ay bahagyang humupa ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Aaron at ng mga tauhan sa pabrika. Harmony: Sana magustuhan ninyo. Marami pa sa loob. Magsabi lang kayo. Narinig niyang nagpasalamat ang mga tauhan kay Harmony na ginantihan nito ng isang nakangiting tango. Harmony: Walang anuman. Maliit na pasasalamat para sa sipag at dedikasyon ninyo sa negosyo ng pamilya ng mapapangasawa ko. Bahagyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Gustavo nang marinig ang sinabi ng babae. Mapapangasawa. Kung hindi ito tumalikod sa kanilang kasal noon ay baka masaya na silang nagsasama ngayon bilang mag-asawa at mayroon na rin sigurong mga anak. Nakatitig pa rin siya rito habang kinakausap ang mga tauhan nang bigla itong lumingon sa kanyang direksyon. Parang nanigas si Gustavo sa kanyang kinatatayuan nang muling magtama ang kanilang mga mata ni Harmony. Ilang beses nang nangyayari iyon simula nang dumating ang babae sa Pueblo Luntian. Kaagad ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso na parang lulundag na iyon palabas ng kanyang dibdib. Nanlalamig ang kanyang mga kamay kahit nakakuyom ang dalawang kamao. Nararamdaman niya ang pagpapawis ng kanyang sentido dahil sa matinding kabang bumabalot sa kanyang puso sa mga sandaling iyon. Gustung-gusto niyang abutin ang babae at ikulong ito sa kanyang mga bisig. Nais niyang ihilig ang ulo nito sa kanyang malapad na dibdib habang hinihimas ang mahaba nitong buhok. Ngunit hindi maaari. Pag-aari na ng ibang lalaki ang babaeng iniibig niya. Nahagip ng kanyang mga mata ang marahang paglunok ni Harmony habang nakatitig sa kanya. Nang iiwas nito ang mga mata mula sa kanya ay mabilis itong naglakad paalis sa lugar na iyon. Ngunit marahil sa pagmamadali kaya hindi nito napansin ang malaking bato sa kanyang tabi kaya natapilok ito. Mabuti na lamang ay pinagmamasdan niya pa rin ito sa gilid ng kanyang mga mata kaya kaagad na nasalo ni Gustavo ang katawan ni Harmony bago pa ito tuluyang bumagsak sa lupa. Nang kumapit ang dalawang kamay nito sa kanyang magkabilang braso kasabay nang muling pagtatama ng kanilang mga mata ay kaagad na naglakbay ang kuryente sa kanyang buong sistema. Gustavo: Harmony... ---------- Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Aaron nang makita kung paanong saluhin ng kanyang bayaw na si Gustavo ang katawan ng future sister-in-law niyang si Harmony bago pa ito tuluyang sumubsob sa lupa. Hindi siya kailangang maging eksperto sa pag-ibig para hindi maintindihan ang klase ng tinginang ipinupukol ng dalawa sa bawat isa. Sigurado siyang mahal pa rin ng dating magkarelasyon ang isa’t isa. Isang nakakatawang realisasyon ang pumasok sa kanyang isipan. Kawawang Kuya Lander. Mukhang siya pa ang magiging dahilan para muling magkalapit ang dating magkasintahan. Kung wala lamang sina Harmony at Gustavo, pati ang mga tauhan ng kanilang negosyo, sa kanyang harapan ay baka tumatawa na nang malakas si Aaron dahil sa mga nangyayari. Nasa mga kamay niya ngayon kung ipapaalam niya sa kanyang kapatid ang tungkol sa nakaraan nina Harmony at Gustavo o mananatiling tahimik. Kapag sinabi niya sa kanyang nakatatandang kapatid ang katotohanan, paniguradong hindi nito iyon magugustuhan at maaaring tanggalin pa sa posisyon nito sa kanilang negosyo si Gustavo. Kapag nangyari iyon ay posibleng ibalik siya ng kanyang kapatid bilang Manager ng kanilang family business at tuluyan na niyang matatalo si Gustavo. Ngunit hindi ganoon ang gusto ng nagrerebeldeng puso ni Aaron. Hindi sapat sa kanya na si Gustavo lamang ang matalo. Gusto niya ring maranasan kung paanong malamangan ang isang Lander Jarandilla. Palagi na lang ikaw ang panalo, Kuya Lander. Ni minsan ay hindi ka man lang bumaba sa pedestal na kinalalagyan mo. Kumuyom ang kanyang kanang kamao dahil sa ibinulong na iyon ng kanyang isipan. Pumasok sa kanyang isipan ang pinakamatinding ginawa ng kanyang kapatid na naging dahilan para maramdaman niyang kailanman ay hindi niya ito mahihigitan. Nang makita niyang naglakad palayo si Harmony mula sa umpukan ng mga trabahador ng pabrika ay napansin pa niyang sinundan ito ng tingin ng kanyang brother-in-law. Isang mala-demonyong ngiti ang naglaro sa kanyang mga labi nang magsimulang kumain ang mga tauhan ng bikong binili ni Gustavo para sa mga ito. Nagpapasalamat siyang dumating sa buhay ng kanyang kapatid si Harmony. Dahil ngayon ay may paraan na para maiparamdam sa kanyang kapatid na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya nitong kontrolin ang lahat. Katulad niya ay sigurado siyang nakararamdam din si Harmony ng pagkasakal sa pagiging control freak ng kanyang kapatid. At ang kagustuhang makalaya mula sa hawlang kinapapalooban nito ang gagamitin niya para makuha ang loob ni Harmony. Isa pa ay ilang beses na niyang nakita mula sa mga mata nito ang init na kanyang binubuhay sa sistema nito. Patunay na nga ang ginawa nitong pagtitig sa ginawa niyang paglalaro ng kanyang sariling kargada habang nakatayo siya sa tabi ng bintana ng kwarto nilang mag-asawa. Malakas ang pakiramdam niyang sabik sa tawag ng laman ang babaeng inuwi ng kanyang kapatid sa kanilang mansyon para pakasalan. Gagamitin niya ang pagnanasang iyon para tuluyang matalo sina Gustavo at Lander. Kapag tuluyan na niyang naangkin ang babaeng iniibig ng dalawang lalaki ay sigurado siyang masisira ang ulo ng mga ito. Walang duda sa isipan ni Aaron na kapag natuklasan ng mga ito na nadaig sila ng lalaking hindi nila inakalang kaya silang lagpasan ay manliliit ang mga ito sa kanilang mga sarili. Oras na para ako naman ang umangat sa larong ito. ---------- Kinagabihan sa loob ng en suite bathroom ng silid-tulugang inookupa ni Harmony sa loob ng mansyon ng mga Jarandilla ay malalim ang kanyang iniisip habang tumatama sa kanyang hubad na katawan ang tubig na nagmumula sa showerhead. Hindi mawala sa kanyang isipan ang nangyaring pagdidikit ng kanilang mga katawan ng dating kasintahang si Gustavo. Aminado si Harmony na nakararamdam siya ng pangungulila sa tuwing naaalala ang mga panahong kayakap niya ang dating fiancé. Sa mga bisig lamang ni Gustavo niya naramdaman ang kapayapaang hinahanap ng kanyang puso noon. Ang init ng katawan nito ang madalas na nagpapaalala kay Harmony noon na kahit anong mangyari ay mayroon siyang kaagapay sa katauhan ng lalaki. Ang mga halik ni Gustavo ang naglalagay ng ngiti sa kanyang mga labi noong mga panahong magkarelasyon pa silang dalawa. Ang mga labing iyon ng lalaki ang minsang naiisip ni Harmony sa tuwing hinahagkan siya ng kanyang fiancé ngayon na si Lander. Nami-miss niya ang halos lahat sa kanyang dating fiancé lalo na ang pagmamahal nito para sa kanya. Nang saluhin nito ang kanyang katawan mula sa tuluyang pagkakahulog sa lupa ay naramdaman kaagad niya ang pagdaloy ng pamilyar na kuryente sa kanyang buong katawan. At nang magtama ang kanilang mga mata at marinig niya mula sa bibig ng lalaki ang kanyang pangalan ay ganoon na lamang ang pagpipigil niya sa kanyang sarili na huwag kuyumusin ng halik ang mga labi nitong kinapananabikan niya. Tumingala si Harmony at ninamnam ang pagtama ng tubig sa kanyang mukha. Nakapikit siyang pinaglandas ang kanyang mga kamay sa kanyang makurbang katawan. Sa kanyang isipan ay ini-imagine na mga kamay ni Gustavo ang naglalakbay sa kanyang dalawang malaking hinaharap. Pinisil ng dalawa niyang palad ang malalambot na bolang nasa kanyang harapan. Marahan niyang nilapirot ang tuktok ng bawat bola. Isang halinghing ang kumawala mula sa kanyang bibig habang nararamdaman niyang unti-unti nang namamasa ang nakapikit na perlas sa pagitan ng kanyang mga hita. Marahang dumausdos pababa ang kanyang mga kamay patungo sa nakatagong hiyas. Nang lumapat ang kanyang mga daliri sa maliit na linya ay nag-pantasya siyang ang dulo ng dila ni Gustavo ang kumakalabit sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas na halinghing ang narinig mula sa kanya. Nang magsimulang sundutin ng isa niyang daliri ang nagtutubig na bukal ay isang imahe ang pumasok sa kanyang isipan. Imahe ng isang lalaking nagtataas-baba ang kanang kamay sa mahaba nitong alaga. Kasabay nang pagdaloy ng imaheng iyon sa kanyang diwa ay ang pagpaloob ng isa niyang daliri sa loob ng pintuan patungong langit. Napabuka ang bibig ni Harmony at isang nasasarapang ungol ang umalingawngaw sa loob ng banyo. Nang makita ng mga mata sa kanyang isipan ang ulo ng matabang alaga ng lalaki ay isa pang bahagi ng kanyang kamay ang sumiksik papasok sa pintuan na maghahatid sa kanya sa katiwasayan. Marahas na isinandal ni Harmony ang kanyang kaliwang palad sa dingding ng shower area bilang suporta sa kanyang nanlalambot na mga tuhod. Nang masilip ng mga mata sa kanyang isipan ang dalawang naglalakihang bilog sa ilalim ng matigas na alaga ng lalaki ay lumaki ang pagkakabukaka ng dalawang niyang hita. Bumilis din ang pag-andar ng kanyang mga kamay na parang sinasabayan ang pagbilis ng galaw ng kanang kamay ng lalaki. Pabilis nang pabilis na parang may hinahabol. At nang tuluyang tumalsik sa salamin ng bintanang nasa kanyang isipan ang dagtang idinura ng ulo ng alaga ng lalaki ay nagkasunud-sunod din ang pagbulwak ng malapot na likido palabas ng kanyang b****a. Nanghihinang napaluhod si Harmony sa tiled floor ng shower area habang nakapikit na umiiling. Kasabay ng mga tubig na dumadaloy sa sahig ay ang paglandas ng malapot na likido sa kanyang mga hita. Muli na namang naramdaman ni Harmony ang panghuhusga sa kanyang sarili. Nakita na naman niya sa kanyang diwa ang lalaking hindi niya dapat iniisip. Lumayo ka sa kasalanan, Harmony. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD