THIRD PERSON POV
Marahang ibinaba ni Soledad sa ibabaw ng isang platito ang tasang naglalaman ng kapeng in-order niya sa coffee shop na kanyang kinaroroonan nang mga sandaling iyon.
Iyon ang napili niyang lugar para i-meet ang kaibigang kalalabas lamang ng bilangguan.
Si Coreen Salviejes.
Halos tatlong taon din itong napiit sa loob ng kulungan dahil sa isang kasalanang alam niya sa kanyang sarili ay hindi naman nito ginawa.
Ngunit hindi niya gustong ipaalam pa iyon sa babae para hindi na rin maungkat ang mga kaganapan mula sa nakaraan.
Pasimple niyang inilibot ang paningin sa loob ng coffee shop na iyon sa bayan ng Pueblo Luntian. Kaunti lamang ang mga tao sa mga oras na iyon.
Ang pinili niyang pwesto ay ang mesang nasa sulok na bahagi ng shop. Umaasa siyang walang makakakita sa kanyang isang kakilala sa parteng iyon ng establisyimento.
Nagsuot din siya ng isang malaking black shades para masiguradong walang makakaalam ng kanyang pagkakakilanlan habang kausap ang babaeng kikitain sa pook na iyon.
Muling bumaling ang kanyang mga mata sa screen ng phone na nasa ibabaw ng round table sa kanyang harapan. Wala pa ring mensahe mula kay Coreen.
Pagkatapos nang naging pag-uusap nilang dalawa noong araw na nakalaya ito ay hindi na nawala ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa kaisipang muli na namang magtatagpo ang kanilang landas ng babaeng iyon.
Kaagad siyang umisip ng paraan para maantala ang pagdating nito sa mansyon ng mga Jarandilla. Nang makaisip siya ng isang kasinungalingan ay kaagad niya itong tinawagan.
Noong isang araw pa dumating si Coreen sa Pueblo Luntian ngunit hindi ito dumiretso sa Jarandilla mansion dahil sinabi niya ritong kasalukuyang hindi maganda ang lagay ng relasyon nilang dalawa ng asawang si Aaron.
Idinagdag pa ni Soledad sa kanyang kasinungalingan na ilang linggo na silang hindi nag-uusap ng kanyang mister dahil sa mga problemang dinadala nito, hindi lamang sa kanilang pagsasama kundi pati na rin sa negosyo ng pamilya.
Umiyak pa siya habang kausap sa phone ang kanyang kaibigan upang mas maging kapani-paniwala sa pandinig nito ang inimbento niyang kwento.
Kaya naman sa halip na sa malaking bahay ng pamilya Jarandilla tumuloy si Coreen ay sa isang mamahaling hotel sa bayan ito nag-check in. Kilala pagdating sa mga turistang nagtutungo sa Pueblo Luntian ang luxurious hotel na iyon.
Sinagot ni Soledad ang lahat ng bill para sa ilang araw na pananatili ng kanyang kaibigan sa malaking gusaling iyon.
Gamit ang pangalan ng mga Jarandilla ay sinigurado niyang ang pinakamalaking suite sa loob ng hotel ang mapunta kay Coreen. Sinabihan din niya ang lahat ng staff na ibigay dito ang isang VIP treatment.
Ang gusto ni Soledad ay walang masabi ang kanyang kaibigan tungkol sa serbisyo ng hotel. Hanggang maaari ay nais niyang mag-enjoy ito sa lahat ng amenities na naroon para hindi na nito gustuhin pang pumunta sa mansyon ng mga Jarandilla.
Dahil ang totoo ay hindi niya gustong muling magtagpo pa ang landas ng kanyang esposo at ng kanyang kaibigang ilang taon din niyang hindi nakasama.
May takot sa kanyang puso habang iniisip ang posibilidad na kapag muling nakita ng kanyang mister ang dati nitong kasintahan ay muling bumalik sa alaala at puso nito ang mga panahong pinagsamahan nito at ni Coreen.
Kapag nangyari iyon ay baka maungkat pa ang ilang mga pangyayari sa nakaraan na matagal nang nakabaon sa lupa.
Hindi kakayanin ni Soledad kapag nawala sa kanyang mga kamay ang mga bagay na kanyang pinaghirapan.
Kaya naman gumagawa siya ng paraan para hindi na muling magkita ang dating magkasintahan.
Wala sa loob na umangat ang paningin ni Soledad sa direksyon ng main entrance door ng coffee shop nang marinig na tumunog ang wind chime na nakasabit sa entrada.
Naramdaman niya ang bahagyang pagbilis ng t***k ng kanyang puso nang masilayan ang mukha ng isang babae.
Nanlalamig ang mga palad ni Soledad habang pinagmamasdan kung paanong luminga-linga sa kabuuan ng shop ang bagong dating. Marahil ay hinahahap siya.
Nang tumapat ang tingin nito sa kanyang direksyon ay napansin niyang kumunot ang noo ng babae. Marahil ay namukhaan na siya nito.
Ilang taon din silang naging magkaibigan ni Coreen kaya hindi na siya magugulat kung makilala man siya nito kahit may suot siyang malaking shades.
Isang simpleng ngiti lamang ang iginawad niya sa kaibigan nang hindi umalis ang mga mata nito mula sa pagkakatitig sa kanya. Maya-maya pa ay dahan-dahan na itong naglakad palapit sa kanyang table.
Nagpapasalamat si Soledad na nakaupo siya sa isang one-seater sofa sa mga sandaling iyon dahil habang lumiliit ang distansya sa pagitan nilang dalawa ni Coreen ay ganoon na lamang ang labis na pangangatog ng kanyang mga tuhod.
Ganoon din ang kanyang naramdaman noong isang araw nang muli silang magkitang dalawa pagkatapos nang ilang taong nakulong ito. Pakiramdam niya ay parang mawawala ang lahat mula sa kanya dahil sa pagkikitang iyon.
Nang tumigil sa kabilang bahagi ng mesa si Coreen ay isang nakakalokong ngiti ang iginawad nito sa kanya. Wala siyang ideya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.
Sa ipinadala nitong mensahe sa kanya kaninang umaga ay sinabi nitong magkita silang dalawa dahil may sasabihin daw ito sa kanya. Hanggang nang mga sandaling iyon ay wala pa rin siyang maisip kung ano ang posibleng mahalagang bagay na sasabihin sa kanya ng babaeng kaharap.
Coreen: Good morning, Soledad.
Isang tipid na tango lamang ang iginanti ni Soledad sa kanyang kaibigan habang pinagmamasdan ang pag-upo nito sa one-seater sofa na nasa kanyang tapat.
Coreen: Ang tahimik mo, ah. Hindi nga siguro kayo okay ng asawa mo.
Humugot siya ng isang malalim na paghinga bago nagsalita.
Soledad: Coreen, ano ang mahalaga mong sasabihin sa akin? Gustuhin ko mang makipagkwentuhan sa iyo pero hindi ako pwedeng magtagal. May kailangan din akong asikasuhin sa business ng pamilya.
Hindi nakawala sa pandinig ni Soledad ang isang mapang-uyam na tawa mula sa bibig ni Coreen.
Coreen: Oh, nakalimutan ko. Nakapangasawa ka nga pala ng mayaman. Kaya naman napaka-busy mong tao.
Kumuyom ang kanyang dalawang kamao sa ilalim ng mesa nang mahimigan mula sa tinig ng boses ng kanyang kaibigan ang sarkasmo.
Pilit na pinapakalma niya ang kanyang sarili para huwag nang patulan ang pagpo-provoke ni Coreen sa kanya.
Soledad: Coreen, sabihin mo na sa akin kung tungkol saan ang pag-uusapan nating dalawa ngayon.
Isa mahinang tawa ang pinakawalan ni Coreen habang umiiling ito sa kanyang harapan.
Maya-maya ay nakita niyang may kinuha ito mula sa loob ng hawak nitong handbag. Nang umangat ang kanang kamay nito ay may hawak na iyong isang larawan.
Nakangising inabot sa kanya ni Coreen ang photo. Nang abutin niya iyon mula sa kamay nito ay bahagya pang nanginig ang kanyang mga daliri.
Ilang sandaling tinitigan muna niya si Coreen bago dahan-dahang niyuko ang picture na nasa kanyang kanang palad.
Ganoon na lamang ang malakas na singhap na kumawala mula sa bibig ni Soledad nang mapagmasdan ang larawan.
Imahe iyon ng isang itim na sasakyan na nakabaligtad sa paanan ng isang bangin.
Nang muling magsalita si Coreen ay halos layasan ng ulirat si Soledad.
Coreen: The untimely death of Regina Jarandilla.
----------
Sa mga oras na iyon sa mansyon ng mga Jarandilla ay pinipigilan ni Lander ang sariling mapangiwi habang pinapakinggan ang mga pagkaing binabanggit ng kanyang bride-to-be na si Harmony.
Being disagreeable sa mga pinipili nitong dish na isasama sa final list ng menu na ihahanda sa kanilang wedding reception ay isang understatement sa kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.
Hindi niya alam kung paborito lamang ni Harmony ang mga pagkaing iyon o gusto nitong mapahiya silang dalawa sa harapan ng magiging attendees at bisita ng kanilang kasal.
Isang pilit na matamis na ngiti ang pumaskil sa kanyang mga labi matapos magsalita ng babaeng kanyang pakakasalan. Hinarap niya ito at ganoon na lamang ang kanyang pagpipigil para hindi makita sa kanyang mukha ang nararamdaman niyang pagkadismaya.
Lander: Hon, remember that we are choosing dishes for our grand wedding. A grandiose ceremony. Not just a family gathering.
Mahina lamang na ibinulong niya iyon sa kanang tainga ng kasintahan ngunit may diin sa pagbigkas niya sa bawat salita.
Sandaling inilibot ni Lander ang mga mata sa mga taong naroon sa loob ng malawak na dining hall ng Jarandilla mansion.
Doon ginaganap ang food tasting para sa menu na gagamitin sa wedding reception ng kanilang kasal ng fiancée na si Harmony.
Naroon ang kinuha ni Lander na Catering Coordinator kasama ang catering team nito. Nang dumating ang mga ito kanina ay dala ng mga ito ang napakaraming thermal containers, chafing dishes, at plated sample portions ng iba’t ibang uri ng dish.
May dala rin ang mga ito na portable burners, tasting plates, at printed menu cards. In short, full professional setup.
Kasama rin sa hapag ang inimbitahan niyang Head Chef para tumulong sa food decisions. Hindi rin mawawala ang Event Coordinator na si Alexis Ricafrente na recommended ng kanilang family friend, ang mga Guerrero.
Harmony: I know, hon. Pero karamihan sa guests ay employees ng family ninyo. Gusto ko lang na maging pasok sa panlasa nila ang matitikman nilang food sa reception. Kumbaga, pang-masa.
Mahinang tumawa si Lander sa tabi ni Harmony dahil hindi niya alam kung dapat ba siyang mainsulto sa sinabi ng mapapangasawa o hindi.
Lander: Hon, the most important people of that wedding, my wedding, aren’t the guests. But the groom and the bride. Do you understand?
Hindi niya napansin na bahagyang lumakas ang tinig ng kanyang boses sa puntong iyon.
Naramdaman na lamang niyang nakatuon sa kanya ang atensyon ng lahat ng taong naroon sa loob ng malaking dining hall.
Nanginginig ang mga labing ngumiti si Lander at pagkatapos ay muling hinarap ang kanyang kasintahan. Hinawi ng kanyang kanang kamay ang buhok nito.
Lander: Hon, I know where you are coming from. But don’t forget that you’re not just getting married to a Jarandilla, but to the Lander Jarandilla. Not a Lander Jarandilla, but the Lander Jarandilla.
Marahan niyang hinaplos ang kaliwang pisngi ni Harmony at pagkatapos ay muling itinuon ang mga mata sa menu card.
Lander: We need to impress the high-profile guests so hindi pwedeng ilatag sa reception ang napili mong foods. No chicken adobo, pork menudo, beef caldereta, and even those fried chickens. At lalong walang pancit bihon.
Nilingon ni Lander si Harmony at nakita niya sa ekspresyon ng mukha nito na parang hindi ito sang-ayon sa kanyang sinabi.
Ngunit sa huli ay wala naman siyang narinig na reklamo mula rito.
Harmony: Uhm, kung iyan ang tingin mong makabubuti, then hahayaan kita sa desisyon mo, hon.
Nakangiting tumango si Lander sa kanyang fiancée bago ibinalik ang atensyon sa dalang menu ng Catering Coordinator.
Lander: For the final menu, I have decided to include roast beef with gravy, herb-crusted salmon, lengua in white sauce, garlic butter shrimp, and chicken cordon bleu for main courses.
Muli niyang nilingon ang kanyang fiancée para tingnan kung may sasabihin ito ngunit isang simpleng ngiti lamang ang nakita niya mula sa mukha nito.
Nang wala siyang narinig mula rito ay nagpatuloy siya sa pagbanggit ng mga pagkaing gusto niyang makita sa final menu for the wedding reception.
Isa-isa niyang binanggit ang expensive-looking foods na nais niyang isali para sa appetizers, soup or starter, carving or live station, sides, desserts, and drinks.
Kinuha niya ang opinyon ng Head Chef para sa kanyang mga napiling dish for the wedding reception. Sumang-ayon naman ito sa halos lahat ng kanyang kinuha.
Isang napakalaking ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Lander nang kausapin niya ang Event Coordinator.
Lander: Miss Ricafrente, I hope you’ve been taking down notes.
Tumango sa kanya si Alexis bago ito nagsalita.
Alexis: Mister Jarandilla, I think it would be better if we mix your bride-to-be’s food choices with the dishes of your personal choice. That way, the guests would have more foods to choose from depending on their preference.
Ilang sandaling tinitigan ni Lander ang babaeng Event Coordinator habang pilit na nakangiti rito at nakakuyom ang kanang kamao sa ilalim ng mahabang table.
Lander: Miss Ricafrente, not trying to offend you, but you’re being paid to listen to what your clients have to say and jot them all down to that tablet of yours. You don’t need to voice out your opinions, especially if you’re not being asked.
Naroon pa rin ang ngiti sa kanyang mukha matapos sabihin iyon sa taong in-charge para sa overall preparation ng kanilang kasal ni Harmony.
Napansin niyang bumuka ang bibig ni Alexis ngunit sa huli ay pinili na lamang na huwag magsalita.
Muli siyang tumingin sa kanyang fiancée at inabot ang kanang kamay nito gamit ang kanyang kaliwang kamay.
Lander: Hon, just trust me on this one, okay? You know that with me by your side, everything will fall into their proper places.
Sa harapan ng maraming tao ay masuyo niyang hinalikan ang kanang kamay ni Harmony.
Nang tingnan ni Lander ang mukha ng babae ay napansin niya ang isang alanganing ngiti mula roon. Bahagya siyang nakaramdam ng inis ngunit hindi niya pinahalata.
Sa ekspresyon ng mukha ni Harmony ay parang hindi buo ang loob nito para sang-ayunan ang kanyang plano.
At iyon ang isa sa mga bagay na hindi gusto ni Lander.
Ang may sumalungat sa mga bagay na gusto niyang mangyari.
----------
Kinagabihan, papasok na sana sa loob ng Jarandilla mansion si Gustavo nang mapansin niya ang isang presensya mula sa balcony sa ikalawang palapag ng malaking bahay.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang masilayan ang malungkot na ekspresyon sa magandang mukha ng dati niyang fiancée.
Si Harmony.
Mula sa liwanag na dala ng mga bituin sa kalangitan ay malinaw niyang nakikita na hindi masaya ang mga mata nito habang nakatanaw sa kawalan.
Malakas ang pakiramdam niyang marami itong iniisip dahil hindi na bago sa kanya ang ganoong ekspresyon sa mukha ng babae.
Noong mga panahong magkarelasyon pa silang dalawa ni Harmony ay hindi iilang beses na nakita ni Gustavo ang lungkot sa mukha nito sa tuwing napag-uusapan nila ang tungkol sa pamilya nito, partikular na ang ina nitong si Yvonne.
Kung pakikinggan niya ang ibinubulong ng kanyang puso ay gusto niyang puntahan ito sa balkonaheng iyon at tanungin kung ano o sino ang gumugulo sa isip nito.
Gusto niyang iparamdam kay Harmony na may handang dumamay at makinig dito sa oras na kailangan nito ng kausap.
Nais niyang maging tainga sa mga hinaing nito sa buhay.
Kung susundin lamang niya ang iniuutos ng kanyang katawan ay yayakapin niya ito para pagaanin ang anumang bigat na dinadala nito.
Muli niyang naalala ang nangyari noong nakaraang araw. Nang saluhin niya ang katawan ni Harmony mula sa tuluyang pagkakabagsak niyon sa lupa.
Aminado si Gustavo na nakaramdam siya ng matinding pag-iinit habang nakadikit ang kanyang sariling katawan sa malambot na alindog ng dating kasintahan.
Nang magtama ang kanilang mga mata ni Harmony nang araw na iyon ay muli niyang naramdaman ang pamilyar na kuryenteng kumalat sa kanyang buong sistema.
May kung anong bumulong sa kanyang isipan na ikulong ang mga labi ng babae sa kanyang bibig habang nakapalibot sa katawan nito ang kanyang mga bisig.
Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Isang matinding pag-control sa sariling katawan ang kinailangan niyang gawin para hindi masira ang tiwala ng taong nagbigay sa kanya ng pagkakataon para muling ibangon ang sarili.
Ang lalaking siyang bagong fiancé ng dati niyang girlfriend.
Nasa ganoong pag-iisip si Gustavo nang mapansin niyang gumalaw ang pigura na nasa balkonahe.
Huli na para iiwas niya ang kanyang tingin mula rito. Nakita na ng babae na pinagmamasdan niya ito.
Ilang sandaling nakatitig lamang si Gustavo sa mga mata ni Harmony at ganoon din ang babae sa kanya.
Sa pakiwari niya ay parang napakaraming bagay ang gustong sabihin ng babae dahil sa uri ng tinging ipinupukol nito sa kanya.
Ngunit marahil katulad niya ay hindi nito alam kung saan at kung kailan ang tamang lugar at panahon para sa isang masinsinang pag-uusap.
Kailan kita muling makakausap, Harmony?
----------
Nang lumalim ang gabi sa loob ng isa sa mga silid ng mansyon ay napakunot ang noo ng hubo’t hubad na si Aaron nang maramdamang bumangon mula sa pagkakahiga ang misis niyang si Soledad nang tumunog ang cellphone nito.
Kanina pa siya hindi makatulog dahil nagpaplano siya kung paano matatalo kahit isang beses ang sarili niyang kapatid gamit ang fiancée nitong si Harmony.
Hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niyang inis para sa kanyang Kuya Lander dahil sa ginawa nitong pagde-demote sa kanya sa kanilang sariling negosyo.
Natamaan ang kanyang ego at pride dahil sa ginawa nitong iyon.
Ngunit isa lamang iyon sa mga ginawa ng kanyang nakatatandang kapatid na halos ikadurog niya bilang isang lalaki.
Naramdaman ni Aaron na parang may nakamasid sa kanyang likuran. Sa tingin niya ay tinitingnan ng kanyang misis kung natutulog na siya.
Pinili niyang manatiling nakatalikod sa direksyon nito at ipinikit ang kanyang mga mata.
Nang maramdaman niyang lumundo ang malambot na kamang kanyang kinahihigaan ay hinintay niya muna kung saan tutungo ang esposang si Soledad.
Narinig niyang nag-flip ang switch ng ilaw ng en suite bathroom ng kanilang kwarto kaya sigurado siyang nasa loob ng banyo ang kanyang asawa.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata nang marinig na isinarado nito ang pintuan ng banyo habang dala nito sa loob niyon ang nag-iingay nitong phone.
Nabalot ng kuryosidad ang isip ni Aaron at marahang bumangon mula sa pagkakahiga.
Inabot niya ang kanyang silk robe at hindi na nag-abala pang magsuot ng boxer briefs.
Unti-unti siyang lumapit sa nakasaradong pinto ng banyo. Hindi na niya naririnig na tumutunog ang phone ng misis na si Soledad.
Idinikit niya ang kanyang kanang tainga sa pintuan at pilit na pinakikinggan ang pakikipag-usap ng kanyang asawa sa sinumang tumawag dito.
Nakabukas ang faucet sa loob ng bathroom kaya hindi niya masyadong maulinigan ang sinasabi nito.
Ilang mga salita lamang ang naririnig ni Aaron mula sa kanyang asawa.
Soledad: Hindi... Magkita... Aaron... Regina... Coreen...
Lumalim ang kunot sa kanyang noo nang marinig ang mga pangalan ng dati niyang hipag at ang babaeng inakala niyang magpapabago sa kanyang pagiging rebelde.
Hindi maintindihan ni Aaron kung bakit nanggaling mula sa bibig ng kanyang asawa ang mga pangalang iyon.
Wala rin siyang ideya kung sino ang kausap nito sa kabilang linya.
Naisip ni Aaron na maaaring may inililihim sa kanya ang asawang si Soledad. Dahil kung wala ay bakit sa loob pa ng banyo nito sinagot ang tawag na iyon.
Sa kaisipang iyon ay awtomatikong kumuyom ang kanyang kanang kamao at muling nakaramdam ng pagrerebelde.
Ano ang inililihim mo mula sa akin, Soledad?
----------
Sa mga sandaling iyon ay nasa balcony pa rin ng Jarandilla mansion si Harmony. Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok dahil sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan.
Habang papalapit ang araw ng kanilang kasal ng fiancé niyang si Lander ay lalong lumalakas ang bulong sa kanyang isip na huwag ituloy ang pagpapakasal sa lalaking iyon.
Iniisip niya kung tamang rason ang utang-na-loob para pakisamahan habang-buhay ang isang tao sa ilalim ng iisang bubong.
Tama nga bang magpakasal sa taong hindi niya mahal?
Sa bawat araw na dumaraan ay mas nakikita niya ang pagiging controlling ni Lander. Hindi siya sigurado kung kakayanin niyang mamuhay sa mahabang panahon kasama ang ganoong uri ng lalaki.
Isang lalaki na kulang na lamang ay kontrolin ang kanyang bawat paghinga.
Isa rin sa mga gumugulo sa isipan ni Harmony ay ang lalaking dating nagmamay-ari ng kanyang puso.
Dati at magpasahanggang-ngayon.
Kilala niya ang kanyang sarili kaya kahit gusto niyang itanggi kung ano ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa tuwing nasa malapit lamang si Gustavo ay hindi niya magawa.
Isang malaking kasinungalingan kung sasabihin niyang hindi na ito ang lalaking isinisigaw ng kanyang puso.
Dahil ang totoo, sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ng dating fiancé ay gusto niya itong lapitan at hagkan.
Nais niyang muling maramdaman ang init ng pagmamahal nito.
Gusto niyang muling lumigaya sa piling ng lalaking nagparamdam sa kanya ng totoong pag-ibig.
Nang umihip ang isang malamig na simoy ng hangin ay wala sa loob na napayakap si Harmony sa kanyang sariling katawan.
Parang gusto niyang pagsisihan na tanging silk robe, tiny brassiere, at minuscule thong ang kanyang suot nang pumunta sa balkonaheng iyon.
Ngunit ang lamig na nanunuot sa kalamnan ni Harmony ay biglang napalitan ng init nang maramdaman ang pagdikit ng isang mainit na bulto sa kanyang likuran.
Isang mahinang pagsinghap ang kumawala mula sa kanyang bibig nang makita ang dalawang makisig na bisig sa kanyang magkabilang gilid. Ang malaking mga kamay ng taong iyon ay mahigpit na kumapit sa handrail ng balcony.
Kahit hindi lingunin ni Harmony kung sino ang mapangahas na tao sa kanyang likuran ay malakas ang kanyang pakiramdam kung sino iyon.
Iyon ang lalaking isa pang gumugulo sa kanyang isipan dahil sa kakaibang init na idinudulot nito sa kanyang buong sistema.
Ang lalaking nagpaparamdam sa kanya ng kakaibang uri ng kalayaan.
Si Aaron Jarandilla.
Muli niyang naalala kung paanong nagparaos ito sa loob ng kwarto nito at ng misis nitong itinuturing niya pa ring matalik na kaibigan ilang gabi na ang nakararaan.
Wala man lamang itong pakialam kahit nakita nitong nakatanaw siya habang pinapaligaya nito ang sariling katawan nang gabing iyon.
Napahigpit ang pagkakayakap ni Harmony sa kanyang katawan nang marinig na bumulong ang lalaki sa kanyang kanang tainga.
Aaron: Malamig?
Naglandas sa kanyang balat ang mainit na hininga ng kanyang future brother-in-law.
Naramdaman niya ang isang pamilyar na kuryenteng naglakbay patungo sa sentrong bahagi ng kanyang katawan.
Kasunod niyon ay naramdaman niyang kumislot ang isang matigas na bagay sa likod ng kaliwang pisngi ng kanyang bilugang pang-upo.
Hindi siya inosente para hindi malaman kung ano iyon.
Bilang isang babaeng ikakasal na ay dapat umiwas na siya sa ganoong uri ng tukso. Ngunit nabigla siya sa kanyang sarili nang hindi man lamang siya lumayo sa naramdaman niyang kahabaan na iyon.
Bagkus ay isang aksyon ang kanyang ginawa na alam niyang maaari niyang pagsisihan sa huli.
Gamit ang kanyang dalawang kamay ay mas hinigpitan niya ang pagkakatali ng kanyang suot na silk robe. Alam niyang bumabakat na sa manipis na tela ang kanyang malamang pang-upo.
Humugot si Harmony ng isang malalim na paghinga bago dahan-dahang tumuwad at isinandal ang mga kamay sa railing sa kanyang harapan.
Hindi nakawala sa kanyang pandinig ang isang impit na halinghing mula sa kanyang lalamunan at ang halos garalgal na ungol mula sa mister ng nag-iisang babaeng itinuring niyang best friend.
Pumaloob sa gitna ng kanyang nababalutang pang-upo ang unti-unti nang nabubuhay na laman sa kanyang likuran.
Kung ganito ang pakiramdam ng isang taong malaya, parang hindi ko na gustong matapos pa ito.
----------
to be continued...