THIRD PERSON POV
Muling sinipat ni Soledad kung nai-lock niya nang mabuti ang pintuan ng kanyang opisina bago ibinaba ang blinds sa harap ng nakasaradong bintana ng silid.
Matapos masiguradong walang ibang makakakita ng kanyang gagawin ay muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair na nasa likod ng malaking desk sa kanyang harapan.
Kinuha niya mula sa bottom drawer ng desk ang susi para sa filing cabinet. Pagkakuha rito ay muli siyang tumayo at naglakad patungo sa isa sa tatlong filing cabinets na nasa isang bahagi ng kwarto.
Binuksan niya ang isa sa drawers gamit ang hawak na susi at mula roon ay kinuha ang itinago niyang larawan. Ang photo na ibinigay sa kanya ng kaibigang si Coreen.
Ang picture kung saan naroon ang imahe ng pagmamay-aring sasakyan ng dati niyang bilas na si Regina Jarandilla.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Soledad na may hawak na kopya ng photo na iyon si Coreen. Nasa kanya ang original copy niyon at kahit kailan ay hindi siya nagpagawa ng duplicate copies para roon.
Isa pa ay kahit mag-produce siya ng maraming kopya ng imaheng iyon ay hindi papasok sa kanyang isipan na bigyan ng copy ang kaibigang nanggaling sa bilangguan.
Mula nang mapasakamay niya ang kopya ng larawang nanggaling sa kaibigan niyang si Coreen ay ilang beses nang pumasok sa kanyang isipan kung sino ang taong maaaring magbigay dito ng bagay na iyon.
Si Soledad lamang ang may access sa original photo at wala nang iba pa. Bukod doon ay malabong ipaalam niya kay Coreen ang tungkol sa totoong nangyari sa dating asawa ng kanyang bayaw na si Lander Jarandilla.
Unang-una ay hindi naman kilala nang personal ng kanyang kaibigan ang dati niyang bilas. Ikalawa ay nasa loob na ng bilangguan ang dating kasintahan ng kanyang asawa nang mawala si Regina.
At ikahuli ay hindi pa naman nasisiraan ng ulo si Soledad para may pagsabihang ibang tao tungkol sa malagim na sinapit ng babaeng siyang owner ng kotseng nasa photo.
Soledad: Wala ka na nga sa mundo pero ginugulo mo pa rin ang buhay ko, Regina.
May halong panggigigil sa tinig ng boses ni Soledad nang mariin niyang ibinulong sa hangin ang mga salitang iyon.
Kung sinuman ang taong nagbigay ng kopya ng larawang iyon kay Coreen ay sigurado siyang malaki ang galit sa kanya. Dahil ngayon ay ginigipit na siya ng kanyang kaibigan kapalit ng pananahimik nito.
Lalo siyang nanggigil sa galit nang muling maalala ang eksaktong mga salitang lumabas mula sa bibig ng kanyang kaibigan nang huli silang magkausap nito sa isang coffee shop sa bayan ng Pueblo Luntian ilang araw na ang nakararaan.
Coreen: Kung gusto mo akong manahimik, Soledad, bibigyan kita ng tatlong linggo para maibigay sa akin ang hinihiling ko. Two million pesos. Siguro naman ay hindi iyan kalabisan sa pagpapakasal mo sa dati kong boyfriend na alam mong mayaman.
Habang naririnig niya sa kanyang isipan ang mga katagang iyon ay nagsimula na rin si Soledad na punitin ang larawang nasa kanyang kamay.
Sa ginawang pagpipiraso-piraso sa imahe ay doon niya inilabas ang kanyang pagkasuklam sa dating asawa ng kanyang bayaw. Dito niya isinisisi kung bakit nasa isang alanganin siyang sitwasyon ngayon.
Nang itapon niya sa loob ng trash bin ang pira-pirasong larawan ay saka pa lamang niyang narinig na bumukas ang pintuan ng maliit na banyo na nasa loob ng kanyang opisina. Kaagad niyang sinalubong ng tingin ang lalaking lumabas mula roon.
Si Dion, ang mister ng isa sa mga kasambahay ng mga Jarandilla at isa rin sa mga tauhan sa pabrika.
Soledad: Ang tagal mo sa loob, ah. Talaga bang naghugas ka lang ng mga kamay?
May himig ng panunukso sa tinig ng kanyang boses.
Parang mahikang biglang nawala ang init ng ulo ni Soledad nang makita ang nakangiting mukha ng gwapong lalaki.
Dion: Ikaw naman, sandali lang akong nawala, na-miss mo na kaagad ako. Sabi ni misis, gusto mo raw magpa-massage dahil stressed out ka ngayon. Totoo ba?
Sa sinabing iyon ng lalaki ay muli na naman niyang naalala ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay palaging mainit ang kanyang ulo nitong mga nakalipas na araw.
Soledad: Well, maraming inaasikaso sa negosyo. Kaya kailangan kong mag-relax. At sigurado akong ang masahe mo ang sagot sa mga pangangailangan ko.
Isang makahulugang ngiti ang iginawad ni Soledad sa asawa ng kasambahay na madalas niyang utusan para mamili ng mga sangkap ng pagkaing kanyang ipapaluto.
Mula nang malaman niyang magaling sa pagma-massage ang mister nito ay palagi na niyang kinukuha ang serbisyo ng lalaki para makaramdam siya ng relaxation.
Nang muli siyang umupo sa swivel chair ay awtomatikong pumatong ang dalawang malaking palad ng lalaki sa kanyang magkabilang balikat. Inilapit nito ang mga labi sa kanyang kanang tainga.
Dion: Ano ba ang hanap mo ngayon? Soft massage o hard?
Umangat ang kanang kamay ni Soledad at naglandas iyon sa mga daliri ng kanang kamay ng lalaki na nakapatong sa kanyang balikat.
Nang muli siyang magsalita ay halos pabulong na lamang iyon. Sapat para silang dalawa lamang ng lalaki ang makarinig.
Soledad: Alam mo naman kung ano ang gusto ko mula sa mga daliri mo, hindi ba?
Isang malalim na tawa mula sa lalaki ang umalingawngaw sa loob ng kanyang opisina.
Isang halakhak na tanging si Soledad at ang lalaking si Dion ang nakakalam kung ano ang ibig sabihin.
----------
Sa mga oras na iyon sa labas ng pabrika ay marahang umakbay si Lander sa kanyang fiancée na si Harmony habang inihahatid ito papasok sa isa sa mga van na ginagamit para sa pagde-deliver ng orders ng kanilang bottled local products sa iba’t ibang sari-sari at grocery stores na matatagpuan sa Pueblo Luntian.
Harmony: Hon, sigurado ka ba talagang hindi mo gustong sumama sa akin?
Inalalayan niya munang makaupo nang maayos ang kanyang kasintahan sa gitnang bahagi ng van bago sinagot ang tanong nito.
Lander: I want to, hon. Pero maraming concern sa consultancy firm ang itinawag sa akin ng secretary ko. I need to address them now bago pa lumala.
Nakita niyang nakakaunawang tumango ang kanyang mapapangasawa.
Ngumiti siya rito at hinawi ang buhok nito. Isang masuyong haplos ang kanyang iginawad sa kaliwang pisngi ng babae.
Lander: Don’t worry, hon. I’ll make it up to you. Sa ngayon, gusto kong mag-enjoy ka sa paglilibot sa Pueblo Luntian.
Inabot ni Lander ang kanang palad ni Harmony at marahang pinisil iyon.
Lander: Alam kong gusto mong mamasyal sa magagandang lugar dito and I think makakatulong ang pagsama mo sa pag-deliver ng items para makita ang mga magagandang tanawin sa lugar na ito.
Pagkatapos sabihin iyon ay itinuon niya ang kanyang atensyon sa lalaking nakaupo sa driver seat ng sasakyan.
Si Gustavo, ang kapatid ng kanyang hipag na si Soledad.
Lander: Pasensya ka na, Gustavo, kung ikaw ang kailangang mag-deliver ng items ngayon. Nagkasakit si Aaron kaya kailangang magpahinga. Kayo na ni Raymart ang bahala rito sa fiancée ko.
Tumingin sa kanya si Gustavo through rearview mirror ng sasakyan at may payak na ngiti sa mukha nito nang tumango sa kanya.
Narinig naman niyang sumagot mula sa passenger seat si Raymart, ang isa sa mga tauhan sa kanilang pabrika.
Raymart: Basta nandiyan si Sir Gustavo, Sir Lander, wala kayong magiging problema. Protektado rin niyan si Miss Harmony.
Natawa si Lander sa sinabi ng staff ngunit kaagad ding tumigil iyon.
Naramdaman niyang parang nanigas ang kamay ng kanyang fiancée na kanyang hawak. Muli niyang ibinaling ang kanyang atensyon dito.
Lander: Are you okay? Nilalamig ka ba?
Sunud-sunod ang ginawang pag-iling ng kanyang fiancée sa kanyang harapan.
Harmony: No, hon. M-maybe kinakabahan lang ako dahil first time kong makikihalubilo sa mga tao rito. Sana magustuhan nila ako.
Inangat ni Lander ang kanang kamay ng babae at isang masuyong halik ang kanyang iginawad doon.
Lander: Don’t worry, hon. People here in Pueblo Luntian will see how beautiful you are inside and out. Tingnan mo nga, madali mong nakasundo ang mga tao sa pabrika. Hindi ba, Raymart?
Isang tawa ang iginanti niya nang lumingon sa kanya ang lalaki mula sa passenger seat at nag-thumbs up.
Ngumiti naman ang fiancée ni Lander ngunit napansin niyang parang hindi umabot sa mga mata ni Harmony ang ngiting iyon. Ngunit naisip niyang marahil ay kinakabahan lamang ito.
Lander: Sige na, Gustavo. Mauna na kayo para umabot on time ang orders ng mga kliyente. Mag-ingat kayo.
Bago niya isinara ang pinto ng van ay kinintalan muna niya ng isang mabilis na halik ang mga labi ng kanyang fiancée na ginantihan naman nito.
Maya-maya ay hinahatid na ni Lander ng tanaw palabas ng driveway ang van. Nang tuluyan na iyong mawala sa kanyang paningin ay tumalikod na siya para pumasok sa loob ng mansyon.
Bago tuluyang makapanhik sa mataas na hagdan patungo sa main entrance door ng kanilang malaking bahay ay may naramdaman siyang presensya mula sa itaas. Nang umangat ang kanyang ulo ay napansin niyang gumagalaw ang kurtina mula sa loob ng family room sa ikalawang palapag ng bahay.
Ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Lander dahil ang totoo ay nasasabik na siya sa kanyang susunod na gagawin.
Idinahilan lamang niya sa kanyang fiancée ang negosyong pansamantalang iniwan sa Manila para hindi sumama sa pamamasyal nito sa bayan. Ang totoo ay mayroon siyang dadalawin para sa araw na iyon.
Iyon ay ang madalas puntahan ni Lander sa loob ng storm cellar ng Jarandilla mansion.
----------
Sa loob ng closed van na minamaneho ni Gustavo ay panaka-naka siyang sumisilip sa rearview mirror para magnakaw ng sulyap sa babaeng siya pa ring itinitibok ng kanyang puso.
Si Harmony.
Napansin niyang nakatanaw lamang ito sa labas ng bintana habang sinusuyod ng tingin ang bawat lugar na kanilang madadaanan.
Gusto niyang kausapin ito ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula.
Hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagsasalubong ng kanilang mga mata noong nasa balcony ito ng mansyon. Nakita niya sa mga mata nito ang kalungkutan kaya nais sana niya itong kumustahin.
Ngunit nangingibabaw sa kanyang puso ang pag-aalinlangan. Ilang taon na ang lumipas mula nang huli silang nagkausap at sigurado siyang magiging awkward ang lahat sa pagitan nilang dalawa lalo na nga at hindi naging maganda ang paghihiwalay ng kanilang mga landas.
Ilang sandali pa ay parang humiwalay sa kanyang katawan ang kanyang kaluluwa nang mula sa kung saan ay bigla na lamang sumulpot sa kanilang daraanan ang limang lalaking nakasakay sa kanya-kanyang motorsiklo. Kaagad siyang nag-preno.
Kaagad niyang nilingon si Harmony at nakita niyang nakatitig ito sa kanya.
Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ng isa sa kanyang mga tauhan sa pabrika na si Raymart.
Raymart: Ayos lang po ba kayo, Miss Harmony?
Nakatitig pa rin sa kanya ang babae habang marahan itong tumatango.
Harmony: Y-yes, okay lang ako. Huwag kayong mag-alala.
Muling ibinaling ni Gustavo ang paningin sa limang lalaki na nakaharang sa daan.
Hindi niya makita ang mukha ng mga ito dahil sa suot na helmet. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin na may hawak na matigas na bagay ang bawat isa sa mga lalaki.
Raymart: Loko itong mga ito, ah. Mukhang tayo ang napag-trip-an ng grupo nila Hades. Kahit may takip sa mukha, sigurado akong sila iyan.
Muling nilingon ni Gustavo si Harmony at nakita niya mula sa mga mata nito ang takot.
Gustavo: Huwag kang mag-alala. Hindi ka nila sasaktan.
Walang siyang ideya kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para kausapin ang dating fiancée.
Ngunit nang marahang tumango sa kanya ang babae habang kitang-kita niya ang kaba sa mukha nito ay mas naging determinado siyang protektahan ito.
Itinuon niya ang kanyang atensyon sa manibela at akmang imamaniobra pabalik ang sasakyan nang biglang humarurot ang dalawang motor papunta sa likod ng van.
Nanlaki ang mga mata ni Gustavo nang bumaba ang dalawa sa limang lalaki at simulang paghahampasin ang kanilang sinasakyan gamit ang hawak na matigas na kahoy at baseball bat.
Raymart: Lagot tayo nito, Sir Gustavo. Mamahalin pa naman itong sasakyan.
Nainis si Gustavo sa narinig na iyon mula sa lalaki kaya hindi niya napigilang singhalan ito.
Gustavo: Mapapahamak na tayo, mas iniisip mo pa ang mangyayari sa lintik na sasakyan na ito!
Napansin niyang nagulat si Raymart ngunit itinaas lamang nito ang dalawang kamay para sabihing hindi nito gustong makipagtalo.
Raymart: Relax ka lang, Sir Gustavo. Wala akong masamang intensyon sa sinabi ko. Kung gusto mo, Sir, kausapin mo sila. Itanong niyo po kung ano ang kailangan. Minsan naman nanghihingi lang ng pera ang grupo ng mga iyan.
Napaisip siya sa sinabing iyon ng tauhan at naalala niya rin na may mga item sila na kailangang mai-deliver sa tamang oras.
Hindi pwedeng mag-aksaya sila ng panahon. Kaya kahit hindi siya sigurado sa kanyang gagawin ay isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip.
Gustavo: Raymart, samahan mo rito si Harmony. Bababa ako. Kakausapin ko sila.
Nang lingunin ni Gustavo si Harmony ay nakita niya mula sa mga mata nito ang matinding pagtutol.
Harmony: No. You don’t have to do that. Pwede tayong tumawag ng pulis. Tatawagan ko si Lander.
Akmang kukunin na ng babae mula sa loob ng handbag ang cellphone nito nang awatin niya ito.
Gustavo: Huwag na, Harmony. Matagal pa bago dumating ang mga pulis. Kailangang ma-deliver natin ang items on time. Kaya, sige na, kakausapin ko na sila. Don’t worry. Babalik ako.
Sinubukan ngumiti ni Gustavo sa babaeng mahal niya kahit sa kaloob-looban niya ay matinding kaba ang kanyang nararamdaman.
Nilingon niya ang lalaking nakaupo sa passenger seat.
Gustavo: Raymart, ikaw na ang bahala rito.
Isang tingin pa ang ipinukol niya sa babae bago nagmamadaling lumabas ng sasakyan.
Pagkalabas niya ng van ay kaagad na tumigil ang dalawang lalaki sa paghampas ng sasakyan.
Gustavo: Mga pare, hindi ako lalaban. Mag-isa lang ako. Sabihin ninyo sa akin kung ano ang kailangan ninyo. Hindi kami magsusumbong sa mga pulis.
Napansin niyang ang dalawang lalaking nasa likod ng van ay bumaba na rin ng motorsiklo ng mga ito at dahan-dahang naglalakad palapit sa kanya.
Ang lalaking nanatiling nakaupo sa motor nito ay narinig niyang nagsalita. May pakiramdam siyang si Hades iyon, ang leader ng grupo.
Hades: Wala kaming kailangan mula sa iyo. Sumusunod lang kami sa napag-usapan.
Napakunot ang noo ni Gustavo sa narinig niyang iyon.
Gustavo: M-may nag-utos sa inyo?
Nakita niyang bumaba na ng motorsiklo nito ang lalaking parang tumatayong leader ng grupo.
Hades: Ang dami mong sinasabi. Ito ang para sa iyo!
Pakiramdam ni Gustavo ay parang naubos ang lahat ng hangin sa kanyang katawan nang maramdamg tumama sa kanyang tiyan ang isang malakas na paghataw mula sa bakal na hawak ni Hades.
Kaagad siyang napaluhod sa sementadong lupa habang nakayakap ang kanang bisig sa kanyang tiyan.
Ilang sandali pa ay naramdaman na lamang niyang tumatama na sa kanyang katawan ang mga hawak na matigas na kagamitan ng limang lalaki.
Sinubukan niyang tumayo at lumaban ngunit nag-iisa lamang siya at lima ang taong nananakit sa kanya.
Bago tuluyang magdilim ang kanyang paningin ay narinig pa niya ang isang sigaw mula kay Harmony.
Harmony: Gustavo!
----------
Maya-maya sa loob ng kwarto ng mag-asawang Aaron at Soledad sa Jarandilla mansion ay isang mala-demonyong ngisi ang sumilay sa mga labi ni Aaron nang makatanggap ng tawag mula sa isa sa mga tauhan ng kanilang negosyo.
Si Raymart.
Aaron: Ano? Naturuan ba ng leksyon ang nagmamagaling na si Gustavo?
Isang malakas na tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya.
Raymart: Hayun. Dinala na ni Miss Harmony sa hospital. Malalamog sana ang katawan kung hindi nakialam ang fiancée ng kapatid mo.
Narinig niya pang pumalatak mula sa kabilang linya ang kausap.
Raymart: Sinabi mong si Sir Gustavo lang ang sasaktan kaya nagpulasan na ang grupo nila Hades noong lumapit sa kanila si Miss Harmony.
Napahimas si Aaron sa kanyang bigote at tumango-tango sa harapan ng isang malaking salamin.
Umaayon sa kanyang plano ang mga nangyayari.
Mula nang gabing madarang sa tukso niyang hatid ang katawan ng fiancée ng kanyang Kuya Lander at maglandas sa natatakpang hiwa ng malamang pang-upo nito ang hubad niyang kargada ay kapansin-pansing iniiwasan na siya nito.
Inasahan na ni Aaron na mangyayari iyon kaya hindi na siya nagulat. Marami na siyang nakilalang babae na katulad nito.
Umiiwas kapag naramdamang may nagawang mali.
Ngunit nitong mga huling araw, sa tuwing matiim niyang tinititigan ang babae ay nakikita niya mula sa mga mata nito ang iniwan niyang epekto sa katawan nito.
Hindi maitatago ni Harmony mula sa kanya ang apoy ng pagnanasa sa tuwing ibinabalik nito ang tingin sa kanya. Sigurado siyang may pangangailangan ito bilang isang babae na hindi natutugunan ng kanyang kapatid.
Knowing his older brother, alam niyang gusto nitong birhen ang babaeng ihaharap sa altar.
At doon niya tatalunin ang kanyang kapatid.
Sa pamamagitan ng fiancée nitong si Harmony ay ipararanas ni Aaron sa kanyang kapatid kung ano ang pakiramdam ng isang talunan.
Kapag siya ang nakakuha ng pinakainiingatang hiyas ng babaeng pakakasalan ng kanyang kapatid, paniguradong isang malakas na dagok iyon sa ego ng kanyang Kuya Lander.
Ngunit hindi lamang ang kanyang kapatid ang gusto niyang matalo, kundi maging ang kanyang bayaw na si Gustavo.
Nais niyang mawala sa kanyang landas ang lalaking labis na pinagkakatiwalaan ng kanyang kapatid pagdating sa negosyo ng kanilang pamilya.
At ang pinakamabisang paraan para mangyari iyon ay kapag nalaman ng kanyang nakatatandang kapatid ang dating relasyon ng fiancée nito sa taong ipinalit nito kay Aaron bilang Manager ng kanilang family business.
Kaya naman isang plano ang nabuo sa kanyang isipan.
Nagsinungaling siyang mayroon siyang sakit para si Gustavo ang mag-deliver ng bottled local products kasama si Harmony. Kapalit ng malaking halaga ng pera ay inutusan niya si Raymart na kausapin ang notorious gang sa kanilang lugar para harangin ang sasakyan nilang van at saktan si Gustavo.
Alam niyang mag-aalala ang babae para sa kanyang bayaw kapag nakita nitong nasasaktan ang lalaki.
Ilang beses na niyang nasaksihan kung paanong magtitigan ang mga ito kapag nagtatagpo ang mga mata kaya walang duda sa kanyang isipan na mahal pa rin nina Harmony at Gustavo ang isa’t isa.
Oras na makita ng kanyang kapatid kung paanong mag-alala ang fiancée nito kay Gustavo, siguradong magdududa ito. Matalino ang kanyang Kuya Lander kaya alam niyang matutuklasan din nito ang katotohanan sa huli.
Kailangan lang nitong makakita ng senyales.
At iyon ang ginawa ni Aaron.
Aaron: Magaling, Raymart. Abangan mo na lang ang perang ipadadala ko sa account mo.
Matapos ang tawag ay muli na namang gumalaw ang kanyang isip para sa isang bagong plano.
----------
Sa mga oras na iyon, sa loob ng isang hospital sa bayan ng Pueblo Luntian ay hindi mapalagay si Harmony habang naghihintay sa labas ng Emergency Room. Labis siyang nag-aalala para sa dati niyang kasintahan na si Gustavo.
Halos madurog ang kanyang puso nang makita ang mga malalaking pasa sa magkabilang braso at hita nito dahil sa ginawang paghampas dito ng limang kalalakihang nakasuot ng helmet.
Napaluha rin siya nang makita ang mga natamong sugat at gasgas sa mukha at katawan ng lalaki. Kung hindi pa niya inawat ang limang lalaking humarang sa sinasakyan nilang van kanina ay baka mas malala pa ang inabot nito.
Sinubukan niyang tawagan ang kanyang fiancé na si Lander matapos siyang tumawag sa pinakamalapit na hospital kanina ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag.
Kaya naman sa huli ay ang kapatid na lamang ni Gustavo ang kanyang tinawagan. Kinuha niya ang numero ng kapatid nitong si Soledad mula sa tauhan ng pabrika ng mga Jarandilla na kasama nila ng lalaki nang mangyari ang pananambang.
Hindi na siya nagpasama sa tauhan ng pabrika na si Raymart patungong hospital nang dumating ang ambulansiya para maihatid pa rin nito sa mga kliyente ang ordered bottled local products on time.
Ilang minuto na ang lumipas mula nang maipasok sa loob ng ER ang dati niyang fiancé ngunit wala pa rin siyang naririnig na balita mula sa doktor na sumusuri rito.
Ang akala ni Harmony ay wala nang mas sasakit pa sa naramdaman niya noong hindi siya sumipot sa araw ng kanilang kasal ni Gustavo.
Ngunit nang makita niyang nakahandusay ang walang malay na katawan ng lalaki sa sementadong lupa ay parang mawawarak ang kanyang puso.
Ang nasa isip niya nang mga sandaling iyon ay maaaring iyon na ang katapusan ng taong mahal niya. Kaya naman simula kanina hanggang ngayon ay hindi siya mapakali habang hindi pa nasisigurado na ligtas na mula sa kapahamakan si Gustavo.
Napaangat ang kanyang ulo nang maramdamang may papalapit na presensya sa kanyang kinatatayuan.
Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman habang nakikita ang galit mula sa mga mata ng papalapit na babae.
Harmony: Soledad---
Bago pa matapos ang kanyang sasabihin ay bigla na lamang dumapo sa kanyang kaliwang pisngi ang kanang palad ng babaeng itinuturing niya pa ring matalik na kaibigan.
----------
to be continued...
----------
Holiday Greeting from Harmony Fabellana:
“Sana sa mga araw na ito ng pahinga at pagninilay, may oras kang huminto at tanungin ang sarili mo kung ano na talaga ang pinipili mo ngayon. Hindi dahil inaasahan ng iba, kundi dahil tahimik ka nang sigurado. Hindi lahat ng pag-alis ay kahinaan. Minsan, iyon mismo ang bravest decision na magagawa ng isang tao.
May mga pagkakataon sa buhay na akala natin ay may karapatan tayong angkinin ang isang bagay o isang tao dahil matagal na, dahil minsan nang pinangarap, o dahil minsan nang ipinangako. Pero habang tumatagal, mas nauunawaan natin na ang tunay na pagmamahal hindi nang-aangkin. Hindi kumukuha ng hindi kusang ibinibigay.
This holiday season, sana bigyan mo ang sarili mo ng grace. Grace para sa mga desisyong ginawa mo noon kahit hindi ka pa sigurado. Grace para sa mga bagong simula na minsan may kasamang takot at guilt. At higit sa lahat, grace para tanggapin na may mga bagay na mas mabuting manatili sa nakaraan, kahit pa minsan ay kumakatok ulit.
I hope you allow yourself to choose again with clearer boundaries, a braver heart, and a deeper respect for what truly belongs to you. Hindi lahat ng nawawala ay kawalan. Minsan, space lang siya para sa mas tama.
Warm holiday wishes sa inyo, para sa kapayapaang hindi mo kailangang ipaglaban, at pagmamahal na hindi mo kailangang agawin.”