Five

1928 Words
Third Person's Point of View Binuksan ni Adrian ang bintana niya mula sa labas. Nakatayo siya sa sanga ng punong mangga. Maayos naman siyang nakapasok sa loob.  "May tinatakbuhan ka ba?"  Muntik na siyang mapatalon nang may magsalita sa loob ng silid niya. Sa sulok ng silid ay nakita niya ang nakatatatanda niyang kapatid na si Arkin. Nakaupo sa single sofa habang tahimik na iniinom ang ice beer.  "What are you doing here?" takang tanong ni Adrian.  Pilyong ngumiti sa kaniya si Arkin.  "I saw what you did," anito. Kumunot naman ang noo ni Adrian ngunit nanatili siyang tahimik.  Tumayo si Arkin at nagtungo sa harap ng malaking painting. Isa iyong mukha ng babaeng labi at ilong lang ang nakikita.  "She's pretty, isn't she?" tanong ni Arkin.  "Get lost," tanging tugon lang ni Adrian. Nagtungo siya sa labas walk in closet niya para magpalit ng damit.  "Ho-ho! After what happened earlier? You're mean!"  Mas lalong dumilim ang mukha ni Adrian.  Earlier... Palubog na ang araw ngunit hindi pa rin nahahagilap ng paningin ni Adrian si Charissa. Hindi rin niya matawagan si Dominique. Unattended.  Napatiim bagang siya. Tumingin kay Song na nasa tabi lang niyang nakasandal sa motor nito habang naglalaro ng video game sa phone nito.  "Where's your car?" kunot-noong tanong ni Adrian.  "Nabangga ko," parang wala lang na saad ni Song. Parang noong isang araw lang ay gamit pa niya ito.  "Do you want to ride my little babe?" suhestiyon nito at hinawakan ang motor na sinasandalan nito.  "Give me."  "Pakiingatan na lang, Pare. Ito lang ang sasakyan ko ngayon." Ibinigay ni Song ang susi ng motor nito kay Adrian matapos niyang umalis sa pagkakasandal.  Tanging sulyap lang ang nagawa niya habang papalayo si Adrian kasama ang motor niya. Napabuntong hininga na lang kasabay ng pagsilay ng ngisi sa labi.  "Mukhang sasakay na naman ako ng MRT ngayong araw." Napatingin si Arkin sa pintuan nang marinig ang malakas na ingay ng motor sa labas. Dumating na ba sila?  Nagtaka siya nang makitang pumasok ang nakakabatang kapatid ngunit hindi kasama ang pinsan. Pulang-pula ang mukha nito. Halatang galit.  Gusto sana niyang matawa ngunit baka masapak pa siya ng hinayupak. Adrian had a disorder. Hindi nito kayang pigilan ang galit nito. But that was 2 years ago. Hindi na niya nakita pang magalit si Adrian simula ng ipa-rehab ng mga magulang nila, maliban ngayon. Sa tinagal-tagal nang nakasama ni Kin ang kapatid, alam na niya kung ano ang ugali nito. Sigurado siya ngayon na may nangyaring hindi kaaya-aya sa paningin nito.  "Rin?!" tawag ni Kin dito ngunit hindi siya pinansin. Padabog lang itong dumiretso sa silid nito.  Kin looked outside, umaasa siyang makikita si Charissa. Napakunot na lamang siya nang makitang mag-isa lang umuwi si Adrian. Where is Charissa?  Masama ito! Agad siyang sumunod sa taas. Pagdating niya sa kwarto ni Adrian ay ganu'n na lamang ang pagkagulat nang madatnan ang kapatid na ibinabato ang lahat ng mahawakan niya.  "Rin!" Sinubukan niyang pakalmahin si Adrian ngunit mas lalo pa atang lumala ang galit nito. Nasuntok pa siya nang wala sa oras. Peste!  He had no other choice. Hinanda niya ang kamao niya at sinuntok rin si Adrian ng walang alinlangan. It was not a counter attack but he always do this everytime Adrian was not on his mind. Eventually, it works. Kumalma si Adrian. "Rin, are you now in yourself?" Ma-awtoridad na tanong ni Kin. "Rin? Are you okay now?" muling tanong niya. Unti-unti namang naging normal ang paghinga ni Adrian at tumango. "Good. Now, tell me what happened? Where's Charissa?" "She's... She's with Dominique," iwas tinging tugon ng nakakabatang kapatid. Napaismid si Kin. Tila naiintindihan na niya kung bakit nagkakaganito ang kapatid.  Napatingin si Kin sa pader ng kwarto ng kapatid. Puno ito ng painting. Adrian is a good painter. He could say that it is now part of Adrian's life. Pangarap pa lang nito noon pa na magtayo ng sariling exhibit para ipakita ang mga likha nito.  "Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko. Isa lang ang sigurado ko rito." Tumigil si Kin at tumingin sa kapatid. "It's her, right?"  Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa pagitan nilang dalawa. Ilang saglit pa ay napangisi si Kin.  "Who would be thought that she'll come to your life... As your cousin?" --- Charissa's Point of View Wala pa rin ako sa sariling nakatulala habang tinatahak ang daan patungo sa silid ko. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga nangyari kanina.  Who was that guy?  Anong balak niya dito maliban sa ginawa niya?  Iniisip ko na baka isa siyang magnanakaw o masamang loob na pumasok sa bahay. Hindi ko alam. Tila wala namang nawawala sa bahay. Kung meron man ay malalaman ko rin iyon. I won't tell this to Tita hangga't wala pang gulo na lumalabas. Ayoko lang na mag-alala sila.  Napatingin ako sa silid ni Adrian matapos kong marating ang silid ko. Muling nanumbalik sa akin ang mata niyang puno ng pagkadisgusto sa akin. Alam kong ayaw niya akong nakikihati rito. Kung may pwede lang akong takbuhan maliban sa kanila ay matagal na akong umalis. Ngunit wala, wala akong kilalang taong matatakbuhan.  Napakurap ako nang bumukas ang pinto niya. Ganu'n na lamang ang pagtataka ko nang makita si kuya Kin na palabas sa silid ni Adrian.  "Yo!" masiglang bati niya nang makita ako.  "Kuya." Taka siyang lumapit sa akin at hinawakan ang baba ko. "Anong nangyari sa labi mo?" takang tanong niya. Mabilis akong lumayo sa kaniya.  "N-Nakagat ko," tugon ko.  "Nakagat o may kumagat?" pilyong tanong nito. Agad naman akong namula.  "A-Ano ba ang sinasabi mo?" Nag-iwas ako ng tingin. Baka mahalata niyang nagsisinungaling lang ako.  "Balita ko kasama mo si Dom buong araw. How is he?"  "Huh?" takang tanong ko sa kaniya.  "Is he okay? Tumitibok ba ang puso mo? Gwapo ba siya?" sunod-sunod niyang tanong.  Bago ko pa man siya masagot ay sumulpot si Adrian mula sa silid niya. Mahina niyang itinulak si kuya Arkin saka binagtas ang daan pababa sa hagdan.  Wala naman sa sarili ko siyang sinundan ng tingin.  "Ah, don't mind him. Mainit lang ang ulo niya." Tahimik lang kaming naghapunan. Pagkatapos ay sabay kaming nagtungo sa kanya-kaniya naming silid. Nasa likod ko siya ngunit ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.  Akmang papasok na ako sa silid ko nang bigla niya akong higitin.  Tila tumigil ang oras nang maramdaman ang labi niya sa leeg ko. Nanatili kami sa ganu'ng sitwasyon hanggang sa siya na mismo ang lumayo.  "A-Anong ginawa mo?" nauutal na saad ko. Mabilis kong hinawakan ang leeg kung saan niya hinalikan.  "A proof that you are belong to me." KINABUKASAN... Antok akong lumabas sa silid ko. Napatingin ako sa kapit-silid ko nang marinig ang pagbukas din nito.  Napalunok na lang ako nang makitang wala itong damit pang-itaas. Pawisin na animo'y kakagaling lang sa work-out. Gustuhin ko mang sitahin siya na magdamit man lang sa tuwing lalabas siya ng silid niya ay hindi ko na ginawa. Oo nga pala at bahay nila ito. He can do whatever he wants.  Tumalim ang tingin niya sa akin nang makitang nakatingin ako sa kaniya.  "Where are you looking at?" untag niya.  Marahan kong pinilig ang ulo ko. "Wala."  Muli akong napasulyap sa katawan niya. I can't help it. Masyadong perpekto ang pagkakagawa. Ano ba ang ginagawa niya para maging ganito ang katawan niya. "If you wanna touch it, be my guest," aniya na siyang ikinalaki ng mga mata ko.  "H-Hindi naman ako nakatingin!" giit ko. Babalik sana ako sa silid ko nang muli siyang magsalita.  "Bakit gabi ka na nakauwi kahapon?" seryoso niyang tanong na siya namang muling ikinalingon ko sa direksyon niya. "B-Bakit? Why do you even care?" matapang kong tanong.  Lumapit siya sa akin habang hindi pinuputol ang tingin niya sa mga mata ko.  "Ipapaalala ko sa iyo na nakikitira ka sa bahay ko. You should follow my own rules, woman," bulong niya.  For some reason, naalala ko ang nangyari kahapon.  "I-Ikaw..."  Napaatras ako habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya. Dumilim naman ang mukha niya dahil sa inaasal ko.  "What?" "I-Ikaw ang lalaking iyon..."  Lumayo siya sa akin habang kunot na kunot pa rin ang noo.  "What the hell are you talking about?" anito. Para bang walang kaide-ideya sa mga sinasabi ko.  Tinignan ko siya sa mga mata niya ngunit wala akong makitang kahit anong senyales na may alam siya sa nangyari kahapon. Hindi ba talaga siya ang lalaking iyon?  Hindi na ako muling nakapagsalita nang bumalik siya sa silid niya. Naiwan akong nakatayo sa harap ng silid ko at wala sa sariling nakatingin sa pintuan niya.  Mag-uumaga na nang dalawin muli ako ng antok dahil sa nangyari kahapon. Iniisip ko pa rin kung sino ang misteryosong lalaking iyon. Dumagdag pa ang ginawa ni Adrian sa akin.  "A proof that you are belong to me." Anong ibig niyang sabihin? --- Matapos naming magbihis ay sabay-sabay kaming nag-almusal kasama sina Tita at kuya Kin. Gaya nang dati ay wala na naman sina kuya Andrei at tito Karlos.  "Hija, okay ka lang ba?" Napatingin ako kay tita nang magtanong ito. Nag-iwas ako ng tingin nang makuha ko rin ang atensyon ng iba. Lalo na si Adrian na tahimik na nilalaro ang pagkain niya.  "O-Okay lang po," naiilang kong tugon.  "Your lips, did you put some ointment? Para madaling gumaling."  Tumango naman ako bilang tugon. Napatingin ako kay Adrian nang mapansing nakatingin sa akin. Ngayon ko lang napansing hindi pa rin gumagaling ang sugat niya sa labi. Parang nadagdagan pa ito.  "What?" taas-kilay niyang tanong. Umiling naman ako at agad nag-iwas ng tingin.  "Kamusta pala ang first day of school mo?" untag ni tita.  "Okay lang naman po, tinulungan ako ng kaibigan ni Adrian." "Si Dom? How is he? Hindi mo ba siya type?" tanong ni Kuya Kin. Muntik akong mabulunan sa tanong niya. Agad akong napatayo para uminom. Hindi sinasadya ay nahulog ang tinidor na gamit ko. Mabilis naman nila akong binigyan ng tubig.  Namumula akong bumalik sa upuan ko. Damn! Nakakahiya.  "Hindi ko alam na ganyan ang epekto sa iyo ni Dom," pilyong ani kuya Kin. "I guess, he's your type." "Arkin, tama na iyan," saway ni tita sa kaniya.  Itinaas naman niya ang kamay niya na tila ba sumusuko.  Kinuha ko naman ang nahulog kong tinidor. Nang bumalik ako sa kinauupuan ko ay biglang hinawakan ni kuya Kin ang leeg ko.  "K-Kuya?!" gulat kong bulalas. Imbis na sumagot ay matalim niyang tinignan ang kung anong meron doon.  "What the hell? Is this hickey?" tanong ni Kuya Kin sa akin.  Taka akong tumingin sa kaniya. "A-Ano iyon?" Hickey? Napahawak ako sa leeg ko kung saan hinalikan ni Adrian kahapon.  "Seriously? You didn't even know about it? Wait? Did someone bite your neck para magkaroon ka ng ganito?" takang tanong ni Kuya Kin. Nanlaki naman ang mata ko kasabay ng paglingon ko kay Adrian. Nag-iwas naman ito ng tingin na tila ba walang narinig.  I-Ibig sabihin ay ito ang ginawa niya kahapon?! "W-Wala. Baka may kumagat na insekto sa akin kahapon nang hindi ko namamalayan," pagdadahilan ko. Pilyong ngumiti sa akin si kuya Kin.  "Are you sure?" Pulang-pula akong lumabas sa dining matapos akong tukso-tuksuhin ni kuya Kin dahil markang nakita sa leeg ko. Hindi ko naman alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ko. Kung hindi lang siya sinuway ni Tita ay hindi siya titigil. Habang si Adrian ay nanatiling walang pakialam.  Kung kaya ko lang siyang sakalin ay ginawa ko na. Ano bang naisipan niya kabagi at nilagyan niya ako ng ganito?!  Ngayon ay hindi ko maitali ang buhok ko para lang maitago ang markang iyon. Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang lalaki sa pintuan. Sinalubong niya ako ng matamis na ngiti kasabay ng paglabas ng dimples sa pisngi niya. Halos mawala ang mata niya dahil doon habang palapit sa akin. "Good morning." Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng hiya nang makita siya.  "D-Dom, nandito ka na pala," nahihiyang saad ko.  Mas lalo akong namula nang hawakan niya ang leeg ko.  "Nilalagnat ka ba? Pulang pula ka---" "Hindi!" Mabilis akong lumayo sa kaniya at tinakpan ang leeg ko sa pag-aalalang baka makita rin niya ang marka.  "S-Sorry," mabilis niyang paghingi ng tawad.  "Hindi... I-I mean, okay lang," natataranta kong tugon.  "Dom?"  Napatingin kami sa likod nang sumulpot si Adrian mula sa dining area. Masama na naman ang timpla ng mukha niya.  "Hindi mo na kailangang isabay ako simula ngayon." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD