Charissa's Point of View.
"Dom, what are you doing here. I texted you that you are not coming here today," parang naiiritang saad ni Adrian.
Kung ganu'n ay Dom ang pangalan niya.
Napakamot naman sa ito sa ulo sabay ngiti rito. Singkit siya kaya't nawawala ang mga mata sa tuwing ngingiti ito. Meron din siyang dimples that made him so cute. Kahit sinong babaeng ngingitian nito ay hindi maiiwasang kiligin. I admit, I am one of those girls. Sinong hindi hahanga sa kakisigan niya?
Habang pinagmamasdan ko sila ay nakikita ko ang malaking pagkakaiba nila ni Adrian.
Bilugan ang mata ni Adrian habang singkit naman siya. Palangiti siya at marunong mahiya habang si Adrian ay laging blangko ang mukha, hindi marunong ngumiti, masungit, laging may mood swing, bastos at higit sa lahat? Walang hiya.
Hindi sa sinisiraan ko ang sarili kong pinsan pero parang ganu'n na nga.
Palihim akong napakagat ng labi. Ngayon ko lang napagtantong napakarami kong problema sa pinsan ko.
"Sorry, ngayon ko lang nakita." Sabay taas sa cellphone na hawak niya.
Umismid si Adrian. Napasulyap siya sa akin ng ilang saglit para lang irapan ako.
"Let's go," walang ganang anito bago maglakad patungo hagdan.
"Sorry sa ugali niya," paumanhin ni Dom. Why saying sorry? Ako dapat ang mag-sorry sa kaniya dahil sa pinapakitang ugali ng pinsan ko.
"Okay lang. Sanay na ako sa pinsan ko," tugon ko. Nagulat naman siya sa narinig.
"Y-You're his cousin?" hindi makapaniwalang tanong niya. Taka akong tumango.
"M-May problema ba?" May nakakagulat ba sa sinabi ko?
He shook his head. "No. I thought you were his----"
Napatingin kami sa may dulo ng pasilyo nang sumigaw na ang maldito.
"Dom! We're late!"
Muling tumingin sa akin si Dom at umalis.
"I'm Dominique Castillo," pakilala niya. Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Agad ko namang tinanggap ito.
"C-Charissa, Charissa Yen Guireno."
"Your name suits you," aniya. Tila uminit naman ang pisngi ko sa narinig.
"Tara na." Tumango naman ako bilang sagot.
Sabay kaming lumabas ng bahay ni Dom. Nadatnan naman namin si Adrian sa labas ng bahay. Nakasandal sa kotse nito habang wala pa rin sa mood na nakatingin sa amin.
Ano ba ang problema nito?
-----
Tahimik lang kaming bumiyahe patungo sa unibersidad. Kotse ni Dom ang gamit namin. Ito kasi ang nakasanayan. Si Dom ay parang personal driver ng maldito.
I sighed.
Hindi ko alam kung bakit nagagawa niyang umaastang boss dito.
Dalawa sila sa front seat habang mag-isa lang ako sa likod. Naiilang ako hindi dahil sa katahimikan kung hindi dahil nakikita ko si Dom na napapasulyap sa akin mula sa front mirror. Isinandal ko lang ang ulo ko sa bintana at ipinikit para magkunwaring tulog.
Napadilat na lang ako nang tumigil ang sasakyan. Muli ay nakaramdam ako ng kaba nang makita ang mga istudyante sa labas. Ako pa ata ang nahiya sa suot ko dahil halos lahat ng mga babae rito ay napaka-porma kung manamit habang ako'y simpleng puting dress lang. Hindi rin kagandahang tignan sa akin. Para akong manang.
Nakalimutan kong isa pala ito sa mga pinakamahal na unibersidad sa buong bansa.
Bumalik ako sa sarili nang may kumatok sa bintana ng kotse. Doon ay nakita ko si Adrian na madilim pa rin ang mukhang nakatayo roon. Ngayon ko lang napagtantong wala na sila sa loob ng kotse.
"What are you waiting for, woman? Gusto mo pa bang pagbuksan kita?" sarkastikong tanong sa akin.
Napabuntong hininga naman ako sa pag-uugali niya. I sigh before I let myself out of the car.
"Don't be harsh, Rin. Baka kinakabahan lang siya," natatawang sabi ni Dom.
"Whatever."
Mas lalo akong kinain ng kaba ko nang mapansing karamihan ay napatingin sa direksyon namin. Para kaming mga artista na tuwang-tuwa na makita... Si Adrian. Ganu'n na lamang ang pagtataka ko nang magsipag-lapitan ang grupo ng mga kalalakihan.
"What's up, bro?"
"Anong meron at ang aga niyo ngayon?"
"And who's the girl?" mapag-asar na saad ng isa pa nang mapasulyap siya sa akin.
Being surrounded by these people makes me uncomfortable.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Don't mind her," ani Adrian.
"Wait? Naaalala kita!" Napalingon ako sa isa niyang kaibigan nang lumapit ito sa akin. Nakaturo ang kamay sa akin at tila gulat na gulat.
"Ikaw iyong nagbukas ng gate sa akin dati noong pumunta ako kina Rin," anito at tila ba tuwang-tuwa.
Naalala ko na. Siya iyong lalaking pinagbuksan ko noon. Kulot ang buhok niya na kulay blonde.
Tumikhim siya bago ilahad ang kamay sa akin.
"By the way, I'm Song," pakilala nito. Nagdadalawang-isip akong tanggapin iyon ngunit kinalaunan ay tinanggap ko rin iyon.
"Charissa."
Matapos ay isa-isang nagpakilala ang iba pa. Tanging tango lang ang itinugon ko sa kanila.
"Adrian!"
Napatingin kaming lahat sa likod nang makita ang isang babaeng palapit sa amin. Napakagat ako ng labi nang makita ang ganda nito.
She's Goddess.
Mas lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa labi ko nang halikan niya si Adrian sa pisngi. Ipinulupot niya ang braso niya sa baywang nito bago napatingin sa akin at tinaasan ng kilay.
"And who is she?" pagtataray niya. Napatingin ako kay Adrian na halatang walang balak na ipakilala ako bilang pinsan niya bago muling tumingin sa nobya niya.
"I'm his cousin," matapang kong saad.
Unti-unti ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Pilit siyang napangiti at tumingin sa akin.
"So, you are that girl," anito. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.
"Huh?"
Nilahad niya ang kamay sa akin.
"I've been looking forward to meet you," anito. "I'm Kate, Adrian's girlfriend."
"Charissa."
Nagulat ako nang yakapin ako.
"To be honest, I don't like you. Kung ano ka man sa buhay ni Adrian, stay away from him."
Wala ako sa sarili matapos nilang umalis. Napatingin ako kay Dom nang manatili siya sa tabi ko.
"B-Bakit nandito ka pa?" takang tanong ko sa kaniya.
"Gusto mo bang i-tour kita sa buong campus?"
Kahit papaano ay napangiti ako sa sinabi niya.
"Do Milady, where do you want to go first?"
Natapos ang buong araw na kasama si Dom. I admit, masaya siyang kasama. Lagi siyang nakangiti kahit anong gawin niya. Tinulungan niya akong asikasuhin ang schedule ko. Inaya pa niya akong manuood ng laro nila. He's a basketball player. Ang galing niyang maglaro. Kaya siguro ang daming nanonood sa kanila kahit practice lang ang laro.
"Nandito na tayo."
Napatingin ako sa labas. Nasa labas na nga kami ng bahay.
"Thank you," ngiting saad ko. Napakamot naman siya sa batok saka ngumiti.
"It's my pleasure."
"Sige, p-papasok na ako."
"Will you be okay? Namatay kasi ang phone ko para matawagan si Adrian kung nasaan ka. Nag-aalala ako na baka magalit siya sa iyo," pahabol niya.
"Hindi siya magagalit. He doesn't even care for me," tugon ko.
"I doubt. Believe me, nag-aalala pa rin iyon sa iyo kahit papaano. He's your cousin."
"Sige, pasok na ako." Binuksan ko ang gate. Akmang papasok na nang magsalita pa si Dom.
"Wait!" Napalingon ako sa kanya nang marinig ang paglabas niya sa kotse.
"B-Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"Can I get your n-number?" parang nagdadalawang-isip pang tanong niya.
"Huh?" Pilit akong napangiti sa kanya. Paano ako magbibigay ng number sa kaniya kung wala naman akong cellphone?
"Y-your number. I-it's okay kung ayaw mong ibigay," parang nahihiya pa niyang saad.
"Hindi sa ganu'n. I mean... I don't have a phone," tugon ko.
Napatanga siya sa sinabi ko. Siguro ay nagtataka kung bakit wala akong cellphone. Nakakahiya. Ano na lang ang iisipan niya ngayon? Kahit sanggol ngayon ay may sariling phone habang ako ay wala.
"Okay, next time na lang."
Matamlay siyang bumalik sa kotse niya. Pinanood ko namang makaalis ang kotse niya hanggang mawala na ito sa paningin ko. Ilang saglit pa ay naisipan ko na ring pumasok.
Ganu'n na lamang ang pagtataka ko nang makitang patay ang ilaw sa buong paligid. Bukas ang maliit na gate at wala ang guard. Napasinghap ako nang maramdaman ang malamig na hanging tumama sa balat ko.
S-Saan ang mga tao dito? Bakit hindi nakabukas ang mga ilaw?
Tila kinakain na ako ng kaba ko. Takot ako sa dilim. Kumabog ng mabilis ang puso nang marinig ang kaluskos sa paligid.
Gusto ko sanang tumakbo sa labas ngunit huli na ang lahat. Ni hindi ko kayang igalaw ang mga paa ko sa takot.
"M-May tao ba dyan?" tanong ko sa paligid ngunit walang tumugon.
"K-kuya Kin? Manang Dolores? Tita? Tito--Ah!"
Nabigla ako nang biglang may humila sa akin at isinandal ako sa pader. Sisigaw na sana ako ng takpan niya ang bibig ko.
"Shhh..."
Tila kinain na ako ng takot ko nang makita ang pigura ng lalaki sa harap ko.
"Don't move nor shout if you don't want to be hurt," bulong niya. Unti-unti niyang tinanggal ang kamay sa bibig ko. Napakalapit namin sa isa't isa ngunit hindi ko makita ang mukha niya sa dilim. Halos yakapin din niya ako kaya't ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
Napalunok ako. "S-Sino k-ka?"
"Just a mere stranger," bulong niya na siyang ikinakilabot ng buong katawan ko.
Umawang ang labi ko para muling magsalita ngunit bago ko pa magawa iyon ay may isang bagay na nagpatahimik akin.
Isa...
Dalawa...
Tatlo.
Tatlong segundo bago ko mapagtantong... May isang istranghero ang umaangkin ngayon ng labi ko.
Lumipas ang tatlong segundo bago niya igalaw ang mga labi niya. I can't even take a blink while he is kissing me. Ilang saglit pa ay napalahaw ako nang kagatin niya ang labi ko na tila ba pinanggigigilan ito.
Malaya niyang naipasok ang dila niya sa loob bibig ko. Habang nalalasahan ko pa rin ang tamis ng dugong lumalabas sa munting sugat sa labi ko dahil sa pagkakakagat niya rito.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tila ba tinakasan na ako ng lakas. Ramdam kong nagsisimulang manginig ang paa't mga binti ko.
Napahawak ako sa braso niya bilang suporta. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay matutumba na lang ako sa panghihina.
Naramdaman ko ang kamay niyang nagsimulang maglakbay sa tiyan ko. Nanatili ang hinlalaki niya sa puson ko at marahang hinahagod iyon.
Napapikit ako sa sensesiyong idinudulot nito sa akin.
Tumigil siya sa halik ng maramdamang kinakapos na kami ng hininga. Ilang saglit kaming nagkatitigan sa pagitan ng dilim bago muling angkinin ang labi ko.
Gusto kong lumaban. Gusto kong itulak siya ngunit tila nalulunod ako sa ginagawa niya.
Nagpatuloy siya sa ginagawa niya hanggang tumigil siya sa paghalik. Tanging hininga na lang niya na tumatama sa leeg ko ang nararamdaman ko.
Napaawang ang labi ko. Pilit na pinalabas ang mga salitang gusto kong ilabas.
"T-Tama na..." Sa wakas ay nasabi ko na ang gusto kong sabihin.
It seems like it was a magical spell for him to stop.
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Nakahawak pa rin ako sa maskulado niyang braso para hindi tuluyang matumba.
I'm scared. I really am. Tila bumalik na naman ang takot na minsan ko na maramdaman noon.
"Sorry..." His voice was cold yet sincered.
Napamaang ako. Hindi mawari kung bakit siya humihingi ng pasensya. H-He's a bad guy so why would he say sorry to his victim?
Marahan lang niya akong itinayo at pinasandal sa pader bago ko pa naramdaman ang unti-unti niyang paglayo sa akin.
Napatingin na lamang ako sa gate nang marinig ang paparating na kotse. Ito na mismo ang nagbigay sa akin ng ilaw sa buong paligid.
Agad na nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid but the guy is already gone. Was it just an illusion? Definitely not. Ramdam ko pa rin ang kirot sa labi ko.
Hindi pa rin ako makagalaw kahit nakita ko na ang unti-unting pag-ilaw ng paligid. Dumating na rin ang guard na galing sa likod ng bahay. Ipinarke naman nina Tito ang kotse nila sa tapat ng bahay saka sabay silang lumabas ni Tita roon.
"Manong, bakit ang dilim dito kanina?" tanong ni tito.
"Sorry po, Sir. Inayos ko lang po ang main switch kaya po madilim dito kanina," paumanhin ni Manong guard.
"Hija, what are you doing there?" takang tanong ni tita ng mapansin akong nakasandal sa gilid ng pinto.
"H-Huh?"
"Anong ginagawa mo diyan at--Oh god, what happened to your lips?!"
Napakagat-labi ako para itago iyon.
"W-Wala po ito, tita. Nakagat ko lang ng hindi sinasadya."