Three

1926 Words
Charissa's Point of View Ilang minuto na ang lumipas nang makaalis si Adrian sa bahay. Ilang minuto na rin akong nakaupo sa hagdanan, nakatitig sa nakasarang pintuan. Nagbabakasakaling lalabas doon si Adrian anumang minuto. Tatlumpung minuto na ang lumipas ngunit wala pa ring senyales kahit anino man lang niya.  "Charissa?"  Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Tita. Lumapit naman siya sa akin nang may halong pagtataka.  "Anong ginagawa mo dito? It's already 12:00 am."  Muli ay napalingon ako sa pintuan bago muling tumingin kay Tita. Bakit ba ako kinakabahan, eh hindi naman ako ang umalis ng bahay?  "H-Hindi po ako makatulog," pagdadahilan ko. "Kayo ho? Bakit kayo nagising?" Hinawakan niya ang ulo niya na tila ba may iniindang sakit.  "I have a migraine attack. I was about to ask Adrian if he still has triptan for migraine." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.  "W-Wala siya nu'n!" biglang bulalas ko. Agad kong natakpan ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Kahit si Tita ay nagulat dahil sa pagtaas ng boses ko.  May plano ba akong pagtakpan ang lalaking iyon? Pero sa ginagawa ko ay binubunyag ko pa siya. "Huh?" "I-I mean... Tita, b-baka tulog na siya," pagdadahilan ko. Marahan naman siyang tumawa at naglakad patungo sa ikalawang palapag. Kabado akong sinundan siya.  "Don't worry, I know where it is," aniya.  Malapit na kami sa silid ni Adrian nang harangan ko ang dinaraanan niya. Bakit ba ako kinakabahan? Mahuli man siya o hindi ay hindi ko na kasalanan. I tried to stop him! Ngayon ay sinusubukan ko ring pagtakpan siya.  "Charissa?" nagtataka nang tanong ni Tita. "Is anything wrong?" "T-Tita, ano kasi..." Tumingin ako sa pinto ni Adrian bago muling tumingin sa kaniya. Napalunok pa ako, nag-iisip nang idadahilan ngunit walang pumapasok sa isipan ko!  Agad na dumilim ang mukha ni Tita. Tila napansin niyang may mali sa ikinikilos ko. Agad niya akong pinatabi at binuksan ang kwarto ni Adrian.  "Tita!" Huli na ang lahat nang makita niyang walang tao sa silid.  "Where is he?" ma-awtoridad na tanong niya.  Napalunok naman ako. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sabihin sa kaniya ang lahat.  "S-Sinubukan kong pigilan siya pero umalis pa rin siya," pag-amin ko.  Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni tita. Hinawakan ang balikat ko at dinala sa silid ko. "Charissa, go back to your room and sleep. Mag-usap na lang tayo bukas," kalmadong aniya. Hindi ko na nagawang umangal.  Napabuntong hininga ako matapos kong umupo sa kama. Rinig ko ang pag-andar ng sasakyan palabas ng bahay. Malamang ay susunduin nila si Adrian kung saang lupalop man iyon nagpunta.  Bahala na!  ---- Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.  Agad akong bumangon nang marinig ko ang muling pagbukas ng gate at ang ingay ng kotse.  Mabilis sa alas quatro akong lumabas sa silid nang marinig ang ingay sa labas. Kabado kong binagtas ang unang palapag para tignan ang nangyayari.  Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Adrian na nakatayo sa harap ng mag-asawa. Habang may apat na men in black naman sa likod ni Adrian. Nagulat na lamang ako nang biglang sampalin ni tito si Adrian. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito rito ay nabasag ang labi ni Adrian.  "Go back to your room," saad ni tito. Umalis siya sa harap ni Adrian, sumunod naman si tita sa kaniya. Sumunod namang nagsipag-alisan ang mga men in black. Ewan ko kung ano ang mas nakakatakot, ang sermonan o iyong ginawa ni tito Karlos. Ang akala ko ay sesermunan siya nito ngunit wala silang sinabi maliban sa sinabing bumalik siya sa kwarto nito.  Halata pa rin ang madilim na aura sa paligid ni tito. Nakakatakot. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansing nakatingin sa direksyon ko si Adrian, para bang sinisisi ako dahil sa nangyari.  Babalik na sana ako sa silid ko nang magsalita siya.  "You're going to pay for this," nakangiting aniya.  Does he needs to smile? Damn! It's creepy! ---- Kinabuksan ay hindi ko nakita si Adrian buong araw. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. He's going to make me pay for what happened yesterday. Wala naman akong kasalanan pero bakit ako kinakabahan? Kahit hindi ako nakita ni tita kahapon ay malalaman at malalaman pa rin niyang wala sa bahay si Adrian. Ilang araw na akong namamalagi rito ngunit hindi ko pa rin magawang masanay.  Taka akong lumabas ng bahay nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng door bell. Mukhang wala ang guard na karaniwang naka-standby lang sa guard house para buksan ang gate sa tuwing papasok ang sasakyan nina tita. Agad kong binuksan ang gate. Napaawang ang labi ko nang makita ang isang lalaki sa harap ng bahay. May hawak siyang helmet. Kulot ang buhok niya at kulay blonde. Hindi maitatangging may hitsura ang lalaking ito.  May motor sa labas ng bahay na sa tingin ko ay sa kaniya.  "S-Sino ho sila?" takang tanong ko. Napakamot naman siya sa batok at tumingin sa buong paligid. "Lumipat ba sina Rin?" takang tanong nito sa sarili pero sapat para marinig ko.  "Rin?" takang tanong ko.  "Haist, nothing. Sorry, miss. Wrong house," saad niya. Hindi na ako hinintay na magsalita at agad siyang umalis nang hindi man lang nagpapaalam.  Agad akong bumalik sa loob ng bahay.  "Who was that?" salubong sa akin ni kuya Kin. Dala ang isang bowl na naglalaman ng pop corn. Mukhang manunuood siya buong maghapon. "E-Ewan. Hindi sinabi ang pangalan," tugon ko.  Tumango lang siya at wala sa sariling nagtungo sa sala.  Kinagabihan, bumaba ako matapos akong katukin sa silid manang na hapunan na raw.  "Hija." Napatingin ako kay Tita na kakalabas lang sa silid niya dala ang isang paper bag.  "Bakit po, tita?"  "Pwede bang ilagay mo ito sa kwarto ni Adrian? Pakisabi na ring bumaba na for dinner."  Napaawang ang labi ko sa narinig. Gusto ko sanang tumanggi ngunit wala na akong nagawa kung hindi ang kunin iyon at bumalik sa taas.  Ramdam ang kaba sa dibdib ko. Siguro ay dahil makikita ko na naman siya matapos ang buong araw na wala ang presensiya niya.  Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang sumasagot.  "A-Adrian?" tawag ko sa kaniya nang buksan ko ang pinto.  Walang tao sa loob kaya't agad akong pumasok. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang loob ng silid niya. Puno ito ng paintings.  Ipinatong ko sa kama ang hawak kong paper bag bago muling tumingin sa buong paligid. Sa tingin ko ay siya ang gumuhit ng mga ito.  Napadako ang tingin ko sa study table niya. May sketchpad doon, may naka-drawing na punong napapaligiran ng halamang bulaklak. Kahit papaano ay masasabi kong pinagpala ang lalaking iyon. Bukod sa hitsura niya ay magaling din ang kamay niya sa pagpipinta. Akmang ililipat ko ito sa ibang pahina nang maramdaman ang isang kamay na pumigil sa akin mula sa paglipat ng pahina. Kasabay nito ang pagdampi ng basang katawan sa likod ko.  "You are more daring than I expected." Taranta akong napalingon sa kaniya. Ngunit tila gusto kong pagsisihan nang masilayan kong tanging twalya lamang ang bumabalot sa ibabang bahagi ng katawan niya.  Pumapatak pa ang tubig mula sa buhok niya na animo'y kakagaling lang sa paliligo. Kaya pala wala siya kanina ay dahil nasa loob siya ng banyo.  "What are you doing here?" kasuwal niyang tanong na tila ba wala lang sa kaniyang makita ko siyang nasa ganu'ng ayos.  Imbis na sumagot ay naglakbay ang tingin ko sa katawan niya. Napalunok na lamang ako nang makita ang matipuno niyang katawan. Hindi lang mukha ang pwedeng ipagmayabang ng lalaking ito, kahit katawan niya ay perpekto ang pagkakagawa.  "Where your eyes looking at?" mapang-asar na tanong niya. Hinawakan niya ang twalyang bumabalot sa kaniya. Nanlaki ang mata ko nang makitang akmang tatanggalin niya ito sa mismong harap ko.  "T-Teka!" Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko.  Oh gosh! Anong ginagawa niya?! Ramdam kong tila natigilan siya. "Anong ginagawa mo?" Rinig ko ang pagpunas niya sa buhok niya bago itapon sa akin ang twalya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang dumilat para tanggalin ang twalyang pumatong sa ulo ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko nang makitang may suot siyang short.  "A-Ang sabi ni tita, bumaba ka daw para maghapunan."  Mabilis kong binagtas ang labas ng silid. Bago pa man ako makalayo ay muli siyang nagsalita.  "Sa susunod huwag kang papasok sa kwartong ito ng walang permiso ko." Ang mapang-asar niyang tono ay napalitan ng pagkaseryoso. Tumango naman ako nang hindi lumilingon sa kaniya bago tuluyang umalis.  "Bakit namumula ka?" takang tanong ni Kuya Kin matapos kong makarating sa dining area.  "W-Wala ito," saad ko. Umupo ako sa upuan ko at hindi na nagsalita pa. "Rin, what did you do to her? Namumula siya," nag-aasar na tanong ni kuya Kin.  Rin? Kung ganu'n ay Rin ang palayaw niya.  Imbis na sumagot ay umupo lang din ito sa upuan niya.  "Psh. KJ," pagdadabog ni Kuya Kin.  Wala sa hapagkainan sina tito Karlos at kuya Andrei. Tahimik lang ang lahat habang kumakain sa hapag nang biglang basagin ni tita ang katahimikan.  "Hija, be ready for tomorrow. It's your first day of school. You'll go with Adrian," panimula ni tita.  Taka akong napatingin sa kaniya. "A-Ano po ang meron?" "Papasok ka sa Unibersidad kung saan pumapasok si Adrian."  Natigilan si Adrian sa pagkain at napatingin kay tita.  "Wait? What?!" hindi makapaniwalang tanong niya.  "Didn't you hear me? Papasok si Charissa sa pinapasukan mo," ani tita.  "No, mom. Sa iba niyo siya i-enroll," salungat niya. Kumunot ang noo ni tita.  "And what is your reason, son?" taas-kilay na tanong ni tita.  "I don't want to babysit her," giit niya. Agad naman akong napatingin sa kaniya. Sinamaan lang niya ako ng tingin. Bakit parang kasalanan ko? "You have no choice, son."  "Then I'll make one," pagmamatigas niya.  "Okay. Credit card or be with her in a same university?" paghahamon ni tita.  "It's okay, I have my own money," kasuwal na tugon niya. Sumama naman ang timpla ng mukha ni tita. "Then I have no choice. Ikaw ang mag-transfer ng school---" "Mom!" "Wether you like it or not, mag-aaral kayo sa parehong paaralan," ma-awtoridad na sabi ni tita.  Masamang tumingin sa akin si Adrian. "Whatever, mom, whatever." Matapos ang hapunan ay agad akong bumalik sa silid ko. Sinubukang makatulog para maging presentable ako bukas ngunit mag-aala una na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.  Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon. Kahit ang susuotin ko bukas ay iniisip ko. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Bukas na ang unang araw kung saan haharap ako sa maraming tao. Nakakakaba. KINABUKASAN.... Agad akong napabangon nang katukin ni Manang ang silid ko. Maghanda na raw ako para pumasok. Agad anong tumingin sa orasan.  Damn! It 8:00 am! Umaga na nang dalawin ako ng antok. Hindi ko inaakalang ganito kaaga kami papasok!  Antok man ay sinubukan kong dalhin ang sarili ko sa banyo para ayusin ang sarili ko.  May mga nakahandang gamit na rin akong gagamitin para sa school. Mukhang mas pinaghandaan pa ni tita ang pagpasok ko kaysa sa akin.  Naliligo pa lang ako nang marinig ang malakas na pagkatok sa labas ng silid. "Fix yourself until 9 or else, iiwan kita dito!" banta niya. Hindi na ako sumagot. Rinig ko ang pag-alis niya sa pinto.  Bakit daig pa ang may pre-mens sydrome ang lalaking iyon?  Nagbibihis na ako nang muling may kumatok sa silid ko. Psh. Mukhang hindi makapaghintay ang maldito.  Napatingin ako sa sarili ko. Nakatirintas ang buhok ko. Suot ang puting dress na hanggang talampakan ang haba at doll shoes.  Muli akong napatingin sa pintuan nang muli itong kumatok. Tumingin ako sa orasan. Nasa 8:40 pa lang.  "Wait!"  Inis ko siyang pinagbuksan.  "What? 8:30 pa lang!" bulalas ko.  "Sorry, miss. I thought this is Adrian's room."  Agad nanlaki ang mata ko nang makitang hindi si Adrian ang nasa harap ko kung hindi isang lalaking singkit. Maputi ito at hindi nagkakalayo ang tangkad niya kay Adrian. Hindi ko maiwasang hindi hangaan ang labi niya, parang pulang mansanas ang kulay nito.  Ngayon ko lang napansing kahit ang mga kaibigan ng malditong iyon ay may hitsura.  "S-Sorry," paumanhin ko. Ramdam ang pag-init ng pisngi ko. Ano ba kasi ang ginagawa nito rito ng ganitong oras?  Parehas kaming napatingin sa gilid namin nang bumukas ang silid ni Adrian. Kunot-noo siyang napatingin sa kaibigan.  "Dom, anong ginagawa mo dito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD