Two

2029 Words
Charissa Point of View Nakakabagot ang mga unang araw ko sa bahay nila. Walang makausap maliban kay Manang Dolores, ang nag-iisang kasambahay nila sa pagkalaki-laki nilang bahay. Hindi naman siya ang gumagawa ng gawaing bahay, tanging pagluluto lang at pag-aalaga sa mga magkakapatid na sa tingin ko ay hindi na kailangan. Masyado na silang malaki para alalayan. Sa pananatili ko sa bahay nila ay unti-unti ko na ring nakilala ang magkakapatid. Panganay sa kanilang magkakapatid si Kuya Andrei Larc Guireno, dalawampu't limang taong gulang na. Sa kanilang tatlo ay siya ang mas nagmana kay Tito Karlos. Isang workaholic si Kuya Andrei. Lagi kasing wala sa bahay para tulungan si tito na asikasuhin ang business nila. Kung may masasabi man akong matino sa kanilang tatlo, si Kuya Andrei iyon. Madali lang siyang lapitan hindi gaya ng dalawa. Si Kuya Arkin Louise naman ay dalawangpu't tatlong gulang na. Kin ang tawag sa kaniya ng karamihan. Tapos na sa pag-aaral ngunit ayaw pa ring magtrabaho sa kompanya nila. Kung ano ang ginagawa niya? Who knows. Lagi rin siyang wala sa bahay at kung bumalik man ay hindi rin nagtatagal. Ang mas malala, sa bawat araw na pagbalik niya rito ay may dala-dala siyang babae ngunit sa labas lang ang mga ito. Kahit minsan ay hindi niya inaya ang mga ito na pumasok sa loob ng bahay. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinaka-simple. Hindi siya mapormang manamit kaya't hindi mo mapagkakamalang mayaman sa unang tingin. Isa lang naman siyang tipikal na happy go lucky guy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang rason ng pagrerebelde niya. Ayaw na kasing ikwento ni Manang ang tungkol doon kaya't hindi na rin ako nagtanong pa. Habang si Adrian Kirt naman? Sa tingin ko ay 19 or 20 na siya. Hindi ko alam. Hindi na ako nagtatanong tungkol sa kaniya. Naiilang akong pag-usapan man lang siya. Gaya rin siya ni Kuya Arkin. Laging wala sa bahay at gabi na rin siya kung umuuwi. Hindi na kami nagkikita sa umaga dahil maaga rin siyang umaalis sa bahay. Pakiramdam ko tuloy iniiwasan niya ako. Lagi siyang umiiwas kapag magkakasalubong man lang kami. Hindi pa kami nagkakausap simula ng mangyari ang nangyari sa loob ng silid ko noong unang gabi ko pa lang rito. Akala mo may malubha akong sakit na kung makalapit man lang siya ng isang metro mula sa akin ay mahahawa na. Hindi ko hilig na magdamdam sa mga tao ngunit hindi ko maiwasang mainis sa tuwing umaasal siya ng ganu'n sa harap ko. Sino naman ang hindi maiinis? Dapat ay ako ang dapat na nagagalit dahil sa ginawa niya ngunit bakit parang siya ang parang pihado dito? May pairap-irap pa siyang nalalaman. "Cha, haluin mo na lang ang flour. May kukunin lang ako." Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Manang Dolores sa tabi ko. Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. Gagawa kami ng cookies. Karaniwang ginagawa ito ni Manang para gawing meryenda. Gustong-gusto kasi ni Tita ang mga cookies na gawa ni Manang. Kung minsan ay dinadala pa nito sa works niya. "Sige po," ani ko. Agad kong sinunod ang utos niya. Walang magawa kaya ito lang ang nilalaanan ko ng oras para makapag-libang. Ayaw pa sana akong payagan ni manang dahil baka raw magalit si tita ngunit nagpumilit ako. Sabi ko ay ako na ang bahala kay tita kaysa mamatay ako dito sa pagkabagot. Siguro naman ay maiintindihan ako ni Tita, hindi ba? "Hija, bakit ikaw ang gumagawa niyan?" Natigilan ako nang sumulpot si Tita sa kusina. Sa tono ng boses niya ay alam kong hindi niya nagugustuhan ang nakikita. Dahil sa kaba ay agad kong binitawan ang panghalo. "W-Wala si Manang kaya't naisipan kong haluin," pagdadahilan ko. "Naku ma'am! Nandito na po pala kayo!" Agad na pinaalis ako ni Manang sa ginagawa ko. Hindi naman akong umimik at lumayo muna kay Manang. "Manang, bakit hinahayaan niyong gawin iyan ni Charissa?" marahan ngunit ma-awtoridad na sabi ni tita. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. May side din pala si tita na ganito? Nakakatakot. "Sorry po, ma'am," paumanhin ni manang. Imbes na sagutin siya ni tita ay pumunta siya sa kinaroroonan ko at hinila ako patungo sa lababo, walang pasabing hinugasan ang kamay ko para sa akin dahil lang sa maliliit na bahid ng flour sa kamay ko. "A-Ako na po, tita." Nahihiya akong kinuha ang kamay ko sa kanya. "Hija, don't do that again. Hindi matutuwa si kuya Clarence kung nalaman niyang pinagtatrabaho kita sa bahay na 'to. You're now our princess. So please live like one," aniya. Gusto kong umangal sa sinabi niya ngunit hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko. Ayokong ma-dissappointed siya sa akin. Wala rin namang patutunguhan kung sasagot pa ako. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na ayaw kong maging isang prinsesa. Kung buhay man ngayon ang papa ko ay iyon din ang sasabihin. Hindi ako sanay sa ganitong klase ng buhay. Lahat ay bago sa akin. Ito ba talaga ang buhay ko bago mawala ang alaala ko? "Okay po, tita," saad ko, salungat sa iniisip kong sagot. Ngumiti naman siya sa akin. Sabay kaming lumabas sa kusina. Napatingin kaming pareho sa hagdan nang mapansin ang pababang si Adrian. Halatang nagmamadali ito at bihis na bihis. Gabi na ah? Bakit pa siya aalis? Kakauwi lang kaya niya galing sa klase niya. "Where are you going, son?" tanong ni tita dahilan para mapalingon siya sa kinaroroonan namin. Our eyes met as he glares at me. Kitang-kita ang pagkadisgusto sa mukha niya. Iniwas niya ang tingin sa akin at ibinaling sa Mommy niya. "I'm going to Kate's birthday party," walang ganang sabi nito. Walang mababakas na pagrespeto sa tono ng boses niya. "You're not going anywhere. Bumalik ka sa kwarto mo!" ma-awtoridad na saad ni tita. "But Mom!" "Don't be stubborn, Adrian!" "Tch!" Inis niyang binagtas ang daan pabalik sa silid niya. Ang strikto pala ni tita. Hanggang mag-dinner ay hindi bumaba si Adrian para maghapunan. Sa halip na siya ang makita ko ay si Kuya Arkin ang nasa hapag. Mukhang bumalik na siya mula sa ilang araw na pagkawala. Wala si Kuya Andrei, malamang ay abala sa pag-aasikaso sa kompanya nila. "Tita, si Adrian po?" Hindi ko maiwasang magtanong. "Don't mind him. Bababa rin iyon kapag nagutom lalo na't hindi nagla-lunch ang batang iyon," paliwanag ni tita. "Masanay ka na sa kanya, Cha. Baka nanonood lang iyon ng porn sa kwarto niya--" "Arkin." Magbibiro sana si Kuya Arkin ng sawayin siya ni tito. "Kahit kailan talaga ay napakabastos ng bibig mo." Para akong kinilabutan sa tono ng pananalita ni tito Karlos. Napakalalim ng boses nito. "Sorry, dad. I'm just kidding," natatawa pang sabi ni kuya Arkin. "Puro ka na lang biro. Bakit hindi ka magseryoso? Gayahin mo ang kuya mo na kahit papaano'y nakakatulong sa kompanya," baritonong saad pa ni tito. Padabog namang nilapag ni kuya Arkin ang hawak niyang kutsara't tinidor. Halatang hindi nagustuhan ang narinig. "Are we going to argue with that again?" walang ganang sabi kuya Arkin. Mabilis na nag-iba ang ekspresyon nito mula sa pagkakasiyahin. Tumayo siya na animo'y aalis nang hawakan ni tita ang kamay braso niya. "Arkin, go back to your seat," ma-awtoridad na sabi ni tita habang nanatili ang tingin niya sa kinakain niya. Natigilan naman si Kuya Arkin. "Sorry, mom. Wala na akong gana," walang ganang sabi ni kuya Kin bago lisanin ang lugar. Naiwan naman kaming tatlo na walang imik. Natapos ang dinner ngunit hindi pa rin bumababa si Adrian. Siguro ay masama ang loob dahil sa pagpigil sa kanya ni tita. Alas onse na nang mamalayan ko ang sarili kong nasa labas ng silid ko. Pupunta sana sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ako dinadalaw ng antok kahit anong pilit ko. Napatingin ako sa silid ni Adrian na nanatiling nakasarado. Kumain na kaya siya? Ang sabi ni Tita ay hindi siya nagtatanghalian. Hindi ba siya nagugutom? Matapos kong uminom ay agad kong binagtas ang daan pabalik sa silid. Natigilan na lang ako nang marinig ang kaluskos na nanggaling sa taas. Agad akong nagtungo sa hagdan para tignan. Patay na ang mga ilaw at tanging mga lampshades na lang ang nagsisilbing ilaw sa daan. May gising pa ba sa oras na ito? Napaawang na lang ang labi ko nang makita si Adrian na dahan-dahang naglalakad pababa ng hagdan. I think he's going to escape. "Anong ginagawa mo?" Muntik na siyang mapatalon nang magsalita ako. "Damn!" naiirita ngunit mahinang bulalas niya. Agad niya akong hinila sa gilid ng hagdan at tinakpan ang bibig ko. Tumingin siya sa paligid para siguraduhing walang nakapansin sa amin. Muli niyang itinuon ang tingin sa akin na ngayon ay kunot pa rin ang noo. Ilang segundo pa ay lumayo siya sa akin. "Tatakas ka?" mahina bulong ko. Hindi na siya nagsalita at tumalikod na patungo sa pinto. "Tatakas ka nga!" hindi ko namalayan ang pagtaas ng boses ko. Agad naman siyang lumapit sa akin at muling tinakpan ang bibig ko. "Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" Ngayon ay ramdam kong inis na nga siya. Tinanggal ko ang kamay niya. "Hindi ka pwedeng umalis." Mas lalong dumilim ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Rinig ko ang marahan niyang pagtawa. "And who are you to stop me?" nakangisi at tila hindi makapaniwalang tanong niya. "A-A family," wala sa sariling pahayag ko. Mas lalong lumaki ang ngisi sa labi niya. Parang natatawa sa narinig. "You do really think that you are part of this family?" anito habang nanatili ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. Ramdam ko naman ang paninikip ng dibdib ko. Ganu'n ba kahirap sa kaniya ang tanggapin ako? Kung kaya ko lang ang sarili ko ay hindi ko rin gugustuhin manatili sa pamamahay na ito. Ang akala ba niya ay siya lang ang nahihirapang mag-adjust sa pamamahay na ito? Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang kamay niya sa leeg ko. Hindi ako makagalaw nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa kaba. Ilang segundo ang lumipas ay wala siyang ginawa. Nanatili kami sa ganu'ng posisyon sa loob ng halos isang minuto. Agad kong idinilat ang mga mata ko. Napalunok na lamang ako nang muling magtama ang mga mata namin. Ilang pulgada lang ang layo namin sa isa't isa. Nakatingin siya sa mga labi ko bago tumingin sa mga mata ko. "But who knows? Kung gusto mong maging parte ng pamilyang ito, why don't you bear my child?" Gulat akong napatingin sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Is he nuts?! Agad akong lumayo at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "H-Hindi mo ba narinig ang sinabi ni tita. P-Pinsan mo ako," nauutal na saad ko. Nagkibit-balikat naman siya. Tinaasan ako ng kilay. "I don't know?" "Paano ka nakakasiguradong totoo ang sinabi ni mama sa 'yo?" Humakbang siya palapit sa akin na siya namang ikinahakbang ko palayo. "Did she present you a birth certificate that you are a Guireno?" Palapit siya ng palapit sa akin habang ako ay patuloy ring lumalayo sa kaniya. "Kung oo, paano ka nakakasiguradong hindi peke ang ipinakita sa iyo?" Natigilan ako nang maramdaman ang paanan ng hagdanan. Muntik pa akong mawalan ng balanse kung hindi lang ako napahawak sa gilid ng hagdan. Humawak siya rin sa gilid nito para pigilan ako sa pag-alis. Hindi ko naman maipaliwanag ang kabang nararamdman ko. "As far as I know, matagal nang wala si tito Clarence. Ni hindi ko man lang maalala ang mukha niya," mapang-asar pang bulong niya. "If you are really his daughter, who knows what's the reason why he chose to leave when he had everything back then. Nakakasigurado ka bang hindi siya itinakwil ng pamilyang ito?" "S-Sa anong dahilan?" matapang kong tanong. Ngumisi siya kasabay nang pagdampi ng dila niya sa gilid ng labi niya. "I'm not sure. Isa lang naman ang sigurado ko..." Itinapat niya ang labi niya sa tainga ko bago ipinagpatuloy ang sasabihin niya. "... Your father can't leave this household if he really was a Guireno." I gasped after hearing those words. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumayo siya sa akin matapos niyang sabihin iyon. Habang ako ay punong-puno ng katanungan. Bago niya binagtas ang labas ay muli siyang nagsalita. "So behave yourself, woman. Matagal ko nang pinipigilan ang sarili kong gawin sa 'yo ang isang bagay na hinding-hindi mo magugustuhan... kahit sabihin nating pinsan pa kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD