Lanie's Pov: Sa loob ng pitong taon ay isa lang ang naging dahilan kung bakit gusto kong mabuhay at lumaban sa kabila ng sakit na mayroon sa puso ko. Iyon ay para sa araw na ito. Para sa oras na ito na makakaharap ko ang taong kinamumuhian ko. My goal was to meet and kill Incubus' very own leader, Juan Luiz Vasque. Ngunit lahat ng iyon ay nagbago habang nakikipagtulungan ako sa Prime Crime para pabagsakin ang matanda. While working with them, na-realize ko ang kahalagahan ng laban ng ahensya. Hindi ko man napapansin ay lumalim din ang pang-unawa ko na hindi lang ako ang may kagustuhang pabagsakin si Juan Luiz at hindi lang iyon dahil sa dahilan ko. And when Primo came back, mas lalo kong naintindihan ang lahat. Gusto ko pa ding pabagsakin si Juan Luiz ngunit hindi na iyon dahil sa sar

