Lanie's Pov: The pain got through me. Nanghina ang mga kamay ko hanggang unti-unti kong nabitawan ang baril. Sinubukan ko pang hawakan kahit ang dulo ng baril pero kaagad din iyong dumulas mula sa mga kamay ko nang may balang tumama doon. The gun flipped down as it touched the floor. Hindi ko na din pinagtangkaang kunin iyon dahil literal na napalayo iyon sa akin dahil sa mga balang tumama sa katawan niyon na sinadya naman talaga. My hand went to my wound. Nilagyan ko ng pressure ang sugat ko doon para kahit paano ay mabawasan ang pagdurugo noon. Agad na nabalot ng pulang likido ang kamay kong nakahawak sa sugat kom "A she-wolf can't be an evil wolf," a familiar voice said. Mula sa likuran ko ang boses at hindi ko na kaiangan pang manghula kung sino iyon. Sapat na ang kilabot at takot

