Lanie's Pov: "Lanie!" Napatingin ako sa marahas na pagbukas ng pinto ng silid ko. Ang namumutlang si Jackques ang iniluwa ng pinto o mas tamang sabihing kulang na lang ay wasakin n'ya iyon mabuksan lang. "Anong ginagawa mo?" malakas ang boses na tanong n'ya at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Hindi ko s'ya pinansin. Inayos ko ang ear piece sa taynga ko at sinulyapan ang kaibigan. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba at dapat ay nasa Intelligence Department ka?" Inis na lumapit sa akin si Jackques. Nakasunod ang mga mata n'ya sa bawat kilos ko. Isang handgun ang isinuksok ko sa likod ko. Naglagay din ako ng tig-isang dagger sa magkabilang hita ko. Kinapa ko ang suot kong bullet proof vest na nasa ilalim ng denim jacket. "Gagawin mo talaga 'yan?" Kulang na lang ay lumuwa ang mga mat

