Lanie's Pov: Ni kahit kailan ay hindi naging maganda sa pakiramdam ang marahas na pagbagsak at paggulong sa maalikabok, mabato at hindi pantay na lupa. Iyon ang pakiramdam ko habang bumabangon. Pinaghandaan ko naman ang magiging pagbagsak ko pero anong aasahan ko sa matigas na lupa? Nakangiwing tumayo ako at tinanggal ang suot na helmet. Basta ko na lang inihagis iyon at hinahabol ang hiningang naglakad patungo sa taong nakahandusay sa lupa na may ilang metro ang layo sa akin. Wala akong planong magsayang ng oras. Hangga't may pagkakataon ay kailangan kong maunahang kumilos si Cuatro dahil iyon lang ang mayroon ako. Iyon lang ang pwede kong ipanglaban sa demonyo. Ang kakatiting na swerte at hindi siguradong timing. Napatigil ako nang maramdaman ang paghapdi ng binti ko. Tumama iyon

