Lanie's Pov: "Sigurado ka na ba? Hindi na ba mababago ang desisyon mo?" Nakagiting sumulyap ako kay Primo at tumango. "Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa lahat ng naging desisyon ko. I really need to do this, Page." Napahinga s'ya nang malalim. Hindi na nga lang iyon katulad ng dati na may halong bigat at pait. Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Huwag kang mag-alala sa akin. Kailangan ko lang talagang gawin ito." Naiiling na tiningnan n'ya ako. "Hindi ko maintindihan. Hindi naman kita pipiliting gustuhin ako o suklian mo ang nararamdaman ko so why are you leaving?" Natawa ako sa sinabi n'ya. Bahagya din s'yang natawa kaya tila mas gumaan ang paligid. Hindi na ako nagsalita hindi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kundi dahil alam kong mas tamang wala akong sabihin. Ta

