Lanie's Pov: Tinalon ko ang pinaka-alley ng barko at tinakbo ang daan papunta sa pinakagilid niyon. Hindi ko alam kung tama ba ang tinutunton ng mga paa ko ngunit kailangang kong sumugal. At wala akong choice kundi panghawakan ang bawat ideyang naglalaro sa isip ko. Ilang oras na ba mula nang patakasin ko si Gyra mula sa operasyong walang anesthesia? Hindi ko na alam at hindi ko talaga inaasahan na makakaalis nga s'ya. Akala ko ay maaaring nakita s'ya ng mga tauhan ng lolo n'ya o kaya ay ng mga agent mula sa Prime Crime. Ngunit kung walang nakakita sa babae, sigurado akong sinunod n'ya ang sinabi ko. Nagawa n'yang makatakas at makalayo mula dito sa barko. Ngunit nasaan s'ya? Kung hindi din s'ya nakita ng kahit sino sa port? Muli kong tinakbo ang parteng sinabi ko kay Gyra kanina.

