Gusto kong makausap si Charles, gusto kong sa kanya mismo manggaling ang totoo, simula pa nung una walang ginawang masama sa ‘kin si Charles, kaya nalulungkot ako sa sinasabi ni Hans at halos ayaw kong maniwala dito.
I cleared my throat, “Gusto kong bumalik ng Beijing, si Charles, gusto ko syang makausap at wala kang karapatang pigilan ako.” Halos paos na boses kong sambit.
Nakita ko ang pagtayo nya,paghawak sa bewang at pagyuko, humarap sya sa akin at tinitigan akong muli,ngunit hindi ko parin sya tinitingnan, tumango sya bago nagsalita.
“Okay,babalik tayo mamaya sa Beijing,but you should eat first.” Naglakad sya sa pinto saka muli akong nilingon at tuluyan nang umalis.
Muli rumagasa ang luha sa mga mata ko, nalulungkot ako at ang sakit sakit ng dibdib ko.
Tahimik ako habang nasa byahe kame,hindi ko sya kinikibo pero ramdam ko ang paninitig nito sa akin, at hindi ako makapaniwala kung saan nya ako dinala, sa kulungan. Napaawang ang labi ko at naawa din kay Charles, matalim ang tingin ko sa kanya habang hinihintay ang paglabas ni Charles.
Halos maiyak ako nang Makita ko sya, malayong malayo sa prominenteng Charles na kilala ko,he’s wearing a jail shirt nakita kong ngumiti sya sa akin ngunit matalim ang tingin kay Hans, nilingon ko sya.
“Pwede ka nang lumabas,hindi mo ako kailangang bantayan pa dito.” Sambit ko, nagsalitan ang tingin nya sa aming dalawa saka umalis din.
“Charles,anong nangyari? Totoo bang binibintang nila sayo?” sambit ko,tahimik lang sya at nakayuko,nakita ko ang pagbabago ng emosyon nya,naiiyak sya.
“Elise, Im sorry.. I Did that because I really love you, wala akong hinangad kundi ang kabutihan mo,please forgive me.” Naiyak ako sa tinuran nya, mabigat ang ginawa nya kay Hans at kailangan nyang pagbayaran yon,pero wala syang ginawang masama sa’kin.
“Im sorry,dahil sa’kin kaya ka napunta sa ganung sitwasyon,dahil sa’kin kaya nagkaganito ang lahat,Im sorry Charles.”sambit ko,
“No, wag mong sisihin ang sarili mo,ginawa ko yon dahil gusto ko,at dahil akala ko iyon ang tama para sayo,wala kang kasalanan don Elise.”tugon nito. natigilan ito nang pumasok si Hans at hinatak ang kamay ko. “We need to go.” Sambit nito, mariin ang tingin nya kay Charles saka ako hinila palabas. Pinagbuksan nya ako ng pinto saka ako pinapasok sa loob ng sasakyan.
“Let’s go home, you need to rest.” He said with a baritone voice while looking at me. “Ihatid mo nalang ako sa bahay ko.” Sambit ko,habang humihikbi pa.
“No, iuuwi kita sa bahay ko,hindi ako papayag na mawawala ka nanaman sakin.”seryosong tugon nito,habang nakatingin sa kalsada. Umawang ang labi ko at tumingin sa kanya ng masama. “Ayoko, anong plano mo sa’kin? Gawing kabit mo? Iuwi mo ako sa bahay ko.” Tugon ko, ngumisi lang ito sa ‘kin na lalo pang nagpainit ng ulo ko. nagagawa mo pang tumawa
“What are you talking about? You will never be my mistress,Elise because you are my only one.” Sambit nito,saka sandali akong nilingon, may naramdaman akong kakaiba sa sinabi nyang iyon,may kaunting saya akong naramdaman.
Pero hindi parin non maaalis ang katotohanan na niloko nya parin ako at galit ako sa kanya. Dinala nya ako sa isang villa, naalala ko ito. Dito nya ako dinala dati, sumalubong sa amin ang isang babae, nakangiti sya habang papalapit sa ‘min.
“Ms. Elise,welcome back, kamusta kana?” ngumiti lang ako dito habang hawak nya ang kamay ko. “Nakaready na po ba ang lahat?” tanong nito. “Yes sir Hans,nakaready nap o ang kwarto ni Ms. Elise.”
“Let’s go.” Hawak nya ang kamay ko habang papasok sa loob, hindi nako nakapagprotesta pa at sumunod nalang sa kanya. Pumasok kami sa kwarto ko,
“Magpahinga kana.” Sambit nito sabay talikod at lumapit sa pinto. “Hans, please.. iurong mo na ang kaso kay Charles.” Tugon ko habang nakatingin dito. “I need to sleep, just rest here. Mamaya na tayo magusap.” Aniya,na may seryosong tono, nagpatuloy sya sa paglalakad at lumabas na ng kwarto. Napaupo ako sa kama at naahalukipkip, gusto kong tulungan si Charles,pero pano?
Dahil narin siguro sa sobrang pagod kaya hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising na lang ako sa sikat nang araw na pumapasok sa silid ko at dumadampi sa mukha ko.
Halos mapabalikwas ako nang Makita ko si Hans na nakaupo sa gilid ng kama ko at nakatitig sa akin,agad akong umupo at sinuklay nang kamay ang buhok ko.
“Good morning.”
Sambit nito habang nakangiti sa ‘kin, iniwas ko ang tingin sa kanya at nakasimangot na tumingin sa bintana. “Are you still mad at me?” dugtong nito,hindi ko parin sya tinitingnan, sa totoo lang ayoko syang Makita pa,hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako pumayag na sumama pa dito. Lalo ko lang naaalala ang pangiiwan nya sa akin dati sa bahay na ‘to.
“Aalis muna ako,iiwan kita dito. Sana naman pagbalik ko madatnan pa kita dito.”sambit nito,tumingin ako sa kanya ngunit hindi parin ako ngumingiti. “San ka pupunta?” sambit ko.
“I need to work,my company needs me, Elise..” sabay hawak sa kamay ko. “Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa sa’kin for the third time,please. Don’t leave me,okay?” Sambit nito. Hindi ko sya sinagot at inilihis muli ang tingin ko sa bintana,nang bigla nya akong hatakin at yakapin.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya, “I love you, Elise. Please don’t leave me again.” Sambit nito habang nakayakap sa akin, parang may kung ano sa tyan ko,hindi ko maintindihan pero parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko,gusto kong hawakan ang likod nya at tapikin ito habang yakap ko sya, kumawala sya sa pagkakayakap sa ‘kin at hinawakan ako sa balikat.
“I will do anything,everything para mapatawad mo ‘ko,para mahalin mo ako ulit Elise.” Sambit nito habang nakatitig sa mga mata ko, parang nawala lahat ng sakit na nagkukubli sa dibdib ko, does he really loved me?
“I need to go, I call you from time to time to check on you,okay?” sambit nito. pinagmasdan ko lamang sya habang papalabas ng kwarto ko. What will you do Elise? You already knew that you still love him and willing to give him a chance, is it the right time for us? Is there still hope for the both of us? Do we still have a chance to be happy? Again?
Bumaba ako at pumunta sa kusina at nadatnan ko ang helper nya,si Ms. Lidya. “Good morning Ms.Elise,nagugutom na po ba kayo? Ihahanda ko lang yung breakfast nyo.”
Nakangiti nitong sambit, nginitian ko sya at umupo na sa dining. Pinagmasdan ko ang buong paligid,wala paring pinagbago ang buong bahay mula nang umalis ako. Naalala ko yung kwarto ko na pinaglalagyan ng mga paintings ko.
“Ms. Lidya,nandito pa po ba yung mga paintings ko?” tanong ko dito habang naglalapag sya ng mga pagkain sa lamesa.
“Yes Ms. Elise,hindi po iyon pinapagalaw ni Sir Hans,madalas nga po syang nandon kapag bumibisita sya sa villa.”tugon nito. napatingin ako sa plato ko, at naalala si Cindy.
Wala sya dito sa villa? Baka sa ibang bahay sila nakatirang mag-asawa. “Ahm, si.. si Cindy po? San po sila nakatira?” Nahihiya ko pang tanong.