“I just want to ask questions, bakit kilala mo ko? Sa airport palang.. alam kong kilalang kilala mo ko.. sino ka ba sa buhay ko?” Buong tapang kong sambit habang sya ay nakatingin lang sa akin.
“Hindi mo ba naaalala ang lahat? We are in a relationship since we were young,pero nagkahiwalay tayo at nagkita ulit,pero sumama ka kay Charles, that’s why I married Cindy.” Kumunot ang noo nito,hindi nya maintindihan ang mga sinasabi nito at gulong gulo, napahawak sya sa ulo nya nang biglang kumirot ito.
Napatayo naman si Hans at agad na lumapit sa kanya. “What..what are you talking about? Si Charles ang kasama ko buong buhay ko, bakit wala akong naaalala na kahit ano tungkol sayo?”
“Papatunayan ko sayo na totoo lahat ng sinasabi ko,Elise. Plinano nilang lahat ng to,para magkahiwalay tayo..” Sandali silang nagkatitigan, mayamaya pa ay pinatawag ni Hans si Mr. guo para magbook ng ticket papuntang London.
“Anong gagawin natin sa London?” Tanong nito,habang nasa sasakyan.
“I told you, papatunayan kong tama lahat ng sinasabi ko.”
Pumunta sila sa bahay nila Mr. Leng, simula nang umalis si Elise, madalas na bumisita si Hans dito para lang tingnan ang self portrait na nakadisplay sa bahay na iyon, 2 years ago nang mamatay ang asawa ni Mr. Leng, at simula noon ay lumipat na ito sa Beijing at binenta na kay Hans ang bahay,kasama ang painting na iyon. Naniningkit ang mga mata ni Elise habang papasok sa mansion, tila ba pamilyar ang lugar na ito sa kanya.
“Are you ok?”
“Nasan tayo? Kaninong bahay to?” Pagbaba nila sa sasakyan,”This is mr. and Mrs. Leng’s house. Sa kanila mo binigay ang self portrait,gustong gusto ni Mrs. Leng ang painting na iyon kaya pinilit kitang ipagbili yon sa kanila para lang mapirmahan ang business deal namin ni Mr. Leng, dinala kita dito at nakilala mo si Mrs. Leng, and eventually binigay mo sa kanila ang painting.” Sambit nito habang naglalakad papunta sa painting.
Napaawang ang labi ni Elise ng Makita ang painting,may kung ano sa kanya na hindi nya maintindihan, kilala nya ang painting na iyon,sa kanya yon. Gawa nya yon, pero bakit nandito yon? Habang nakatingin sya sa painting ay may mga naalala sya,Malabo pero sunod sunod nyang naalala ang mga nangyari sa kanila ni Hans,kung sino sya. Kung ano ang relasyon nila. Napatakip sya ng bibig at naluha, napapikit sya nang biglang sumakit ang kanyang ulo at muntik pang matumba,agad syang inalalayan ni Hans at nagaalalang tinawag ang kasama sa bahay nang bigla itong mawalan ng malay.
Binabantayan si ni Hans habang nakahiga sya sa kama,may doctor naring tumingin sa kanya at kinabitan sya ng swero, nang magising sya,hinawakan nya ang ulo nya at umupo sa kama.
“The doctor said you need to rest bakit bumangon kana?” Sambit ni Hans na kaagad lumapit sa kanya, “Nasan ako?” Papikit pikit pa nitong sambit, habang nakahawak sa ulo.
“Bigla ka nalang nawalan ng malay kanina, are you ok?” Tanong ni Hans habang nakaupo sa gilid ng kama. Sandaling natigilan si Elise at prinoseso sa utak ang mga nangyari, naaalala nya na ang lahat. Bumalik na ang alaala nya, tumingin sya kay Hans na noon ay nagaalala sa kanya. “Hans?”
“Bakit? May.. may masakit ba sayo?” nagaalalang tanong nito,habang nakahawak sa balikat ni Elise.
“Hans..” mangiyak niyak nitong sambit, niyakap nya si Hans habang umiiyak, “Bakit?sabihin mo,may nararamdaman ka ba?” nakakunot noo nitong tanong,kumawala sa pagkakayakap si Elise.
“Naaalala ko na lahat, naaalala ko na!” tugon nito habang umiiyak. Agad na rumehistro ang ngiti sa muka ni Hans, at muling niyakap ang dalaga. “Im sorry, Elise.i didn’t know what happened to you,kung alam ko lang.. sana hindi kita iniwan.” Sambit nito. ngunit kumawala sa pagkakayakap si Elise at naging matalim ang tingin nito kay Hans habang umiiyak.
“Niloko mo ako.. iniwan mo kong magisa, gumanti ka lang sa ‘kin dahil sa pagiwan ko sayo dati kaya nung nakuha mo na ko,pumunta ka ng Hongkong kasama si Cindy.” Galit na galit nitong sambit. “Elise, hindi mo naiintindihan,lahat ng ito ay kagagawan nila Charles at Cindy,makinig ka sa ‘kin.” Tugon nito habang pilit na hinahawakan si Elise.
“Wag kang lalapit sa ‘kin, kinuha mo ulit ang loob ko saka mo ako iniwan at nagpakasal ka kay Cindy!” pasigaw nitong sambit. Tumayo si Hans at tumalikod,hindi narin nya napigilan ang pagluha dahil sa nangyayari,pinunasan nya ang kanyang mga mata at muling lumapit kay Elise.
“Elise, makinig ka sa’kin,please. Hindi totoo yang iniisip mo,ikaw ang mahal ko,wala akong ibang iniisip at minahal kundi ikaw lang,please pakinggan mo ko.” Naluluhang sambit nito,ngunit hindi sya tinitingnan ng dalaga at patuloy lang ang pagragasa ng luha nito.
“Ngayon naiintindihan ko na,alam ko na kung ayaw akong pabalikin ni Charles sa Beijing, naiintindihan ko na kung bakit ayaw nya akong lumapit sayo at bumalik ang alaala ko.”
“Elise, please makinig ka sa’kin kung ano man yang sinabi sayo ni Charles, walang katotohanan yon.” Pagmamakaawa nito. “Umalis kana,iwan mo muna ko, please. Umalis kana!” Pasigaw nitong tugon, yumuko si Hans at muling pinunasan ng palad ang luha sa muka saka tumango at naglakad papalapit sa pinto.
“Stay here, you need to rest.” Pahabol pa nitong sambit.
Agad na napahagulgol sa iyak si Elise nang magsara ang pinto, lahat ng sakit na nakalimutan nya sa loob ng 3 taon ay bigla nalang bumalik kasabay ng mga alaala nito.
Beijing.
Galit na galit na sumugod sa opisina ni Hans si Charles nang malaman nyang dinala nito si Elise sa London,hinarap sya ni Andrew at Mr. Guo. “Nasaan si Elise?!” sambit nito.
“Charles, we already knew what you did, nagsabwatan kayo ni Cindy para sumama sayo si Elise at mapilitang magpakasal si Hans kay Cindy.” Tugon nito.
“What are you talking about? Wala akong kinalaman sa sinasabi mo, I didn’t force Elise na sumama sa kin sa Madrid it’s her own decision dahil nalaman nyang magkasama sila Hans at Cindy sa Hongkong.”sambit nito.
“Yeah, that’s true, pero nang maaksidente si Elise, hindi mo sinabi kay Hans at nakipagsabwatan ka kay Cindy para maframe si Hans ng embezzlement, we have proof and this is enough for you and Cindy to make you both roth in jail.” Hindi na nakasagot si Charles at natigilan nalang. “Kung ako sayo Mr. Zhang, tigilan mo na si Elise, alam naman natin kung sino talaga ang mahal nya at gusto nyang makasama.” Sabay talikod at umalis na,naiwan namang magisa si Charles at halos manghina sa narinig.
London.
Hindi naman makapaniwala si Elise sa narinig tungkol kay Charles, he’s been there for her, sinisisi nya ang sarili dahil alam nyang dahil sa kanya kaya nagawa nya ang bagay na yon.
“How can he possibly do that? Mabait na tao si Charles, hindi nya magagawa yang sinasabi mo.” Sambit nito habang kausap si Hans na noon ay nakaupo sa gilid ng kanyang kama. “Elise, may mga ebidensya laban kay Charles, nakipagsabwatan sya kay Cindy para mapaghiwalay tayo at maframe ako ng embezzlement.” Tugon nito.
Elise.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman,lahat ng sakit na naramdaman ko nung araw na nalaman kong kinasal na si Hans kay Cindy at nanumbalik,parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak at magwala sa galit k okay Hans, ayoko syang Makita, lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita ko sya at naaalala kung paano nya ako iniwan at sumama kay Cindy sa Hongkong.
Tama si Charles, dapat hindi na ako bumalik pa ng Beijing, hindi na dapat pa bumalik ang alaala ko, tumigil ako sa pagiyak at pinunasan ang luha nang makarinig ako ng katok sa pinto, agad akong humiga at tumagilid. Alam kong si Hans iyon,ayoko syang Makita.
“Elise?” Sambit nito habang papalapit sa akin,may nilapag sya sa table at saka umupo sa gilid ng kama ko,hindi ko sya tinitingnan pero ramdam ko ang paninitig nito sa akin. “Alam kong galit ka, pero kailangan mong kumain.” Mahinahong sambit nito.
Bumangon ako at umupo, “Gusto ko nang bumalik sa Beijing kailangan kong kausapin si Charles.” Sambit ko nang hindi sya tinitingnan.
“Elise, hindi ka ba talaga naniniwala sa sinabi ko? Sya ang may kasalanan nitong lahat, nangyari tong mga ito dahil sa kanila ni Cindy.” Tugon nito, muling nangilid ang luha sa mga mata ko.