Chapter 14

1686 Words
TATLONG band aid ang binili ko para sa tatlong hickey na nasa leeg ko ngayon. Hindi parin talaga mawala ang kunot ng noo ko habang nakatingin sa salamin. Papasok na ako sa school, at simula palang ng umaga ko ay sirang sira na! Walanghiya talaga ang Caspian na yan! Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa leeg ko! "Loui! Musta? Sabay na tayong pumasok!" Binati ako ni Axel ng makasalubong ko sya sa school ground. Hindi naman ako sumagot at hinayaan nalang sya, nasa utak ko parin kasi si Caspian. Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya! "Bakit may band aid ka sa leeg? May sugat ka?"aniya at umakmang hawakan ako. "Wag mo kong hahawakan!" Napalayo ako agad. Ayokong matanggal yung band aid! Bwisit talaga! Na c-concious ako ng sobra! "Okay! Easy ka lang huh?" Tinaas nya ang dalawang kamay nya na para bang sumusuko na. Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim. Nakakainis kasi talaga! "Oh by the way.. kamusta yung date nyo kahapon ni Zach?" tumaas taas ang kilay nya sakin, tila parang nanunukso. "Hindi kami nagdate"inirapan ko sya. "Is that so? pero sabi nya mag d-date kayo?" "Sabing hindi nga"tuluyan na akong nawala sa mood. Kung pwede ko lang syang sapakin para kay Caspian, kanina ko pa ginawa! "Sungit mo talaga. Nakakainggit si Zach, sya lang ang madalas mong pansinin sa aming apat. Nakakahalata na ako, sya ba type mo sa aming apat?" Napalingon ako sa kanya, nakanguso sya at nagpacute pa. "A..anong-nagkataon lang na palaging nag k-krus ang landas namin no! At hindi ko sya type! Tss.." "Then, if lagi ba tayong nagkikita papansinin mo rin ako?" "Ano bang ginagawa ko ngayon? Inii-snob ka kita ha?" Natawa naman sya at umiling iling. "Sungit talaga" "Sabing hindi ako masungit!" "Haha! Oo na, hindi na" "Tch! Oo nga pala, kumusta na ang rankings?" Nag iba nalang ako ng topic. Minsan lang ako magtanong ng ganito. Sa totoo lang wala naman talaga akong pake, pero dahil nandoon ang banda ni Damon gusto ko rin malaman kung ano ng nangyayari. "Well, fortunately... na move ang international competetion na sasalihan ng school kaya may chance ulit ang ibang banda na makapagparticipate" hindi ko alam kung bakit medyo malungkot ang boses nya ng sabihin yun. "Bakit parang malungkot ka?" "Well, actually hindi naman talaga ako malungkot. I'm a little bit disappointed about last time. Lumang kanta kasi ang ginamit namin this month kaya inalis muna ang banda namin sa ranking system ngayong month. Luckily, na move ang competition, it's really a big opportunity at sana naman ngayon swertehin kami" "Bakit naman kasi lumang kanta ang ginamit nyo sa intraschool performance?" "Sa totoo lang, hirap kami sa pag compose ng kanta. Yung recent songs namin, ay gawa pa ng senior member namin noon kaso graduate na sya at nasa ibang bansa" "Mukhang mahihirapan nga kayo dyan" "Pero naghahanap na ng paraan si lider Kurt, may ilang buwan pa para sa competition, dapat bago yun ay makagawa kami ng performance na hindi malilimutan ng mga tao" Napangiti ako kay Axel, nakikita ko kasi ang dedication sa mukha nya. Nakakatuwa lang tignan. Nakarating kami sa room, hinanap agad ng mata ko si Caspian ngunit mukhang wala pa sya. Malalagot sya. Umupo na ako sa assigned seat ko at nausisa na naman ni Kate. "Kumusta ang date kahapon ha?" Siniko siko nya ako habang nanunukso. Haist. Bakit ba gustong gusto nila malaman ang nangyari sa date kahit wala namang date na nangyari? Alam na ni Kate ang tungkol sa walang kwentang deal ng Lovesicker tungkol sakin, nung una nagulat sya at nainis pero ng malaman nya ang ginawa ko ay bumalik na naman sya sa pagtatambal samin ni Caspian. "Kate walang date na naganap okay?" "Eh? Bakit? Sabi nya kahapon-" "Hindi yun date, at isa pa umalis sya bigla. At nagduty ako sa trabaho kaya walang date" "Psh, hay nako Lou, hindi talaga kita makitaan ng interes kay Zach-wait? Ano yang nasa leeg mo?" "Wala!" Natakpan ko agad ang leeg ko at umiwas nalang ng tingin. Langya talaga! Sa wakas ay dumating narin si Caspian, sinamaan ko agad sya ng tingin ng makita ko sya ngunit ng salubungin nya ang tingin ko ay bigla akong napaiwas at nakaramdam ng hiya! Wtf? Dapat sya ang mahiya sakin diba?! Ginawa nya 'to sakin! "Good morning" bahagya nya akong tinapik at umupo sa opposite na upuan sa kabilang row. Aba may pa-good morn-good morning pa?! Hindi ko naman sya pinansin dahil nag iinit ang mukha ko. Oo, nag iinit dahil naaalala ko ang mga nangyari kahapon sa kotse nya! Nagsimula ang klase ng mapansin kong kanina pa may nakatingin sakin. Mabilis kong nilingon si Caspian at nahuli ko syang nakatingin sakin-mali dahil sa leeg ko sya nakatingin! Sinamaan ko sya ng tingin pero nagpigil sya ng tawa at umiling iling. Nang magbreak time ay sumama ako kay Kate, iniiwasan ko si Caspian. Ewan ko ba, sa tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon nahihiya ako at kapag naaalala ko naman ang mga markang nilagay nya sa leeg ko ay nanggagalaiti ako sa kanya! Argh! "Kanina pa kita napapansin, iniiwasan mo ba si Zach ha?" May panunuksong ngumiti si Kate sakin habang humihigop ng milkshake. "Marami ka naman talagang napapansin saming dalawa"umirap ako sa kanya. Natawa naman sya sakin. "Alam mo kasi, unang beses ko palang kayong nakita ni Zach na magkasama at tinawag na fangirl, nakakita talaga ako ng sparks between the both of you eh! Tapos the way you treat each other, kinikilig talaga ako haha!" "Kulang nalang magtayo ka ng fans club"boring kong sabi. "Bakit ba kasi hindi mo type si Zach? Hello? Gwapo naman sya ah?" "Eh sa hindi ko sya type! Tsaka bakit ba pinagpipilitan mo ko dun? Baka naman ikaw ang may gusto dun?" "Uh. Uh. Dyan ka nagkakamali, I know gwapo si Zach at pasok na pasok sya sa taste ko pero hindi ko sya gusto no. Mas gusto ko yung kapatid nyang si Yohan hihi!" "May kapatid sya?" "Yup! At sobrang gwapo din! Sa ngayon six ang siblings nya, at sya ang panganay" "So bata pa yung Yohan? Grabe ang child abuse mo" "Hoy grabe! Well, 13 palang si Yohan hihi! Pero matangkad na sya at super gwapo! Kung makita mo yun, nako baka malaglag panty mo" Napangiwi ako kay Kate, grabe ang child abuse talaga. "Bunganga mo naman. Kawawa yung bata sayo, namomolestya ng hindi nya alam" "Ang bad mo! Huhu!" Matapos namin kumain ay dumaan muna kami sa cr ni Kate pero mukhang maling desisyon ang pagpunta ko rito. Nandito kasi si Damon na naghihintay sa labas. "Lou.." binati nya ako pero hindi ko sya pinansin at dumeretso sa loob. "Lou sandali" pero hinawakan nya agad ako sa braso at iniharap sa kanya. "Mukhang galit ka talaga sakin"malungkot nyang saad. Ewan ko ba kung maniniwala ako sa itsura nya, minsan na akong naloko ng mga mala maamong anghel nyang mukha at hindi na ako magpapa ikot pang muli. "Anong mukha? Galit talaga ako sayo. Manggagamit. Tara na Kate"inis na sabi ko at hinila si Kate pero hindi ako binitawan ni Damon. "Ano ba Damon?!" Ramdam ko parin ang sakit. Ang sakit na dulot nya mula noon hanggang ngayon. At minsan nakakamanhid na talaga. "Kailangan ko ng tulong mo"napatingin sya sa floor at tila ba parang nahihiya. "Aba? May gana ka pang humingi ng pabor? Ang kapal ng mukha mo" "Babayaran kita, kapalit ng gawa mo. At sayo ko din yun ic-credit. Ilalagay ko ang pangalan mo. Please Lou.. I need your help. Mahal mo parin naman ako diba?" Napailing ako. Hindi ako makapaniwalang nagagawa nyang magmakaawa ng ganito para lang sa gusto nya. Oo may nararamdaman parin ako para sa kanya pero alam kong hindi na yun buo tulad ng dati. "Bakit? Ubos na ba lahat ng ninakaw mo sakin noon?"sarkastiko kong tanong. "Lou please.. may benefit ka naman dito—' "Hindi na ako magsusulat para sayo Damon. Ang nararamdaman ko sayo, itatapon ko lahat na parang basurang papel. Wala ka ng aasahan sakin" tinalikuran ko na sya at naglakad. Hanggat maaari gusto ko na syang talikuran. Dahil ayokong magmukhang mahina na naman sa harap nya. "Wait Loui-" "Damon hindi naman sa nakikielam ako no? Pero dapat irespeto mo ang desisyon ni Loui. She already gave up" si Kate na ang pumigil kay Damon para lapitan ako. Napatigil naman si Damon at hindi makapagsalita sa sinabi ni Kate. "Damon? Wait? What is she doing here?"lumabas naman mula sa banyo si Sierra. Mukhang sya ang hinihintay ni Damon dito. "At ano na naman bang ginagawa mo? Ginugulo mo na naman ba kami?"mataray na saad ni Sierra. "Aba ikaw pa ang may ganang magsabi nyan? Itanong mo muna sa boyfriend mo kung sino ang nanggugulo!"sagot ni Kate. "Tama na Kate, tara na" hinila ko na si Kate pero hinila ako bigla ni Sierra. "Kumusta ang pang aagaw sa boyfriend ko ha? Nag eenjoy ka ba?" Sa sobrang taas ng kilay nya, umaabot na sa outerspace! Natawa ako ng peke sa kanya at umiling iling. Pang aagaw? Naririnig nya ba ang sarili nya? Malinaw na malinaw naman na sya ang nag cheat! "Kami ni Caspian? We're doing great" Sumama naman ang tingin nya sakin at biglang hinila ang necktie ko ng uniform ko. "You're messing with the wrong girl! Flirt!"inis nyang saad. "Aray!" "Sierra stop!" Sinubukang pigilan ni Damon si Sierra pero matigas ang ulo ng babaeng 'to. Napatigil lang sya ng may humila sakin at pinalibot ang braso nya sa leeg ko. "Z..Zach?" Ani ni Sierra. Walang iba kundi si Caspian! at sa posisyon namin ngayon. Para nya akong sasakalin dahil sa mga braso nyang nasa leeg ko! "Zach? Bakit ngayon ka lang?" Nakangiwing saad ni Kate. "A..ano ba! Bitawan mo nga ako! Papatayin mo ba ako?!"sabi ko habang nagpupumiglas. "Shut up"sinamaan nya ako ng tingin kaya ganun din ang ginawa ko. Ano bang ginagawa nya?! Bakit sya nakayakap sa leeg ko?! Tumingin naman si Caspian kina Damon at Sierra, sa aura palang nya, mukhang badtrip na naman ang isang 'to. "I will only tell this once. Stop messing with my girl. Understand?" ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD