Chapter 15

1450 Words
"Aray! Ano ba?! Papatayin mo ba talaga ako?! Bitawan mo na kasi ako!" Bitbit ako ni Caspian habang naglalakad. Pinagtitinginan na kaming dalawa, pero sya? Wala manlang pakielam! "Caspian! Naiwan ko si Kate! Ano ba bitawan mo na ako! Ack!" Nilabas ko ang dila ko para kunwari ay nahihirapan na ako. "Shut up. Ang arte mo, hindi naman kita sinasakal" Sinamaan ko sya ng tingin, hanggang sa makarating kami sa rooftop ay masama parin ang tingin ko sa kanya. "There.." sa wakas ay binitawan na nya ako. Bahagya nya pa akong tinulak! Walanghiya talaga ang lalaking 'to! How ungentleman! "Bakit mo ba ako dinala dito?! And worst, kinaladkad mo pa ako gamit ang braso mo sa leeg ko?! Balak mo ba akong i-murder dito?!"inis na sigaw ko. "Don't think stupid. I'm hiding your hickey from everyone idiot" Napatigil ako sa sinabi nya. Narealize kong natanggal na pala yung mga band aid ko. Naramdaman ko na ang unti unting dugo na umakyat papunta sa mukha ko dahil sa inis. "Ikaw..." nagyukom ng mahigpit ang palad ko ng maalala ko ang mangyari kahapon. "WALAHIYA KA! MINOLESTYA MO KO!"sigaw ko. Literal syang napatalon sa gulat dahil sa lakas ng boses ko. "You're too loud!!" Lumapit naman ako sa kanya at pinalo sya ng pinalo sa dibdib. Sya naman ay sinusubukang protektahan ang sarili nya. "Bastos! Manyak! Mahalay! Malaswa! Magaslaw! Walanghiya! Masama! Lapastangaaaaan!!!!" Pulang pula na ang mukha ko sa inis. Habang sya ay gulat na gulat lang sa reaksyon ko. Ang lalim na ng paghinga ko dahil sa pagod kakahampas ko sa kanya. Mukhang ako pa ang napagod sa aming dalawa, dahil ang tigas ng katawan nya! Nakita kong namula ang braso nya pero wala akong pake!! Actually kulang pa ang ginawa ko sa kanya!!! *pant*pant*pant* "Okay ka na?" Hahawakan nya sana ako pero sinamaan ko agad sya ng tingin kaya hindi nya nalang tinuloy. "You're such a late response human" "Ano?!" Humalukipkip naman sya at ngumiti sakin ng nakakaasar. "Ang dami mong time magreklamo sakin kahapon pero hindi mo ginawa? "At anong pinaparating mo ha?!" Mas lalo pa syang ngumiti at lumapit pa sakin. "That you like it. You totally like it" Napanganga ako sa sinabi nya at muli sya hinampas ng malakas. "Hoooy! Ang kapal ng mukha mo tsong!!" "Why? Isn't that true? You kissed me back remember?"saad nya. Napakagat naman ako sa labi ko dahil totoo ang sinabi nya. Argh! Bakit ako ang talo sa pag uusap na 'to?! Bakit kasi ako humalik pabalik eh?! Bakit kasi sobrang nakakaakit at nakakadala ang mga labi nya?! "And you even cling your arms around me. We both know that we enjoyed that kiss" Sobrang confident nya sa pagsagot sakin at unti unti naman akong nilalamon ng kahihiyan. We..? Enjoyed it? Ibig sabihin... n..nag enjoy din sya? Waahh! Shatap!shatap! Hindi ka nag enjoy Loui! "H..hindi ko yun na enjoy no! Ang kapal mo talaga! Kakasuhan kita ng s****l harassment!!" Dinuro ko sya ngunit hinuli nya ang kamay ko at inilagay sa likuran nya. Para akong nakayakap sa kanya at sobrang lapit na naman namin sa isa't isa! "s****l harassment huh? Sinong niloko mo babe?" Anas nya malapit sa tenga ko. Kinilabutan agad ako dahil sa pagtawag nya ng babe sakin. Bakit ang sexy nya magsalita?! Nang aakit na naman ba sya?! "Bitawan mo ko kung hindi-" "Kung hindi what? Kakasuhan mo ko ng s****l harassment?"he chuckled. "At Abuse and Violence against women!!" Lumobo ang bibig nya dahil sa pagpigil nya sa tawa nya tsaka umiling iling. "You can't do that" "At bakit naman hindi?" Tinaasan ko sya ng kilay. "Because I have proof that you like what I did to you yesterday" "Huh?"Napakunot ang noo ko sa kanya. "I have camera inside my car. And it will clearly show that you really accepted my kiss and enjoyed it too. " Napanganga ako sa sinabi nya. Camera?! May footage ang kissing scene na yun?! "I..ikaw-" "Yes that kiss has been recorded so don't bother do what you are thinking"ngumisi sya sakin. Nagngitngit ang ipin ko sa inis. Pinagningkitan ko sya ng mata pero sinalo nya lang ang mga tingin ko ng may ngisi. Ang mga ngisi nya, nakakaasar talaga!! "Nakakainis kaaa!!!" Tinulak ko sya ng malakas para makawala ako sa mga braso nya. "I know, you're being red the whole time. You must be really mad" tawa sya ng tawa sakin. Aba may gana pa syang pagtawanan ako?! Akala nya ba nakakatuwa?! Eh kung salpukin ko ang pagmumukha nya?! "At sa tingin mo nakakatuwa yun?"seryoso na ako sa sinabi ko. Napatigil naman sya sa pagtawa. "Ano bang akala mo? Naglalaro ka lang? Alam kong flirt ka at normal na ang mga ganyang tactics mo sa iba't ibang mga babae! Pero sana naman wag mong gamitin yun sakin dahil hindi ako natutuwa!" Hindi naman sya nagsalita. Nakatingin lang sya sakin at mukhang naghihintay pa ng mga susunod ko pang sasabihin. "Siguro para sayo normal lang ang salitang kiss, pero ako hindi!! okay!? Magkaiba tayo ng pananaw!l Caspian! Kung para sayo ang paghalik sa babae ay laro-laro lang, pwes para sakin ang paghalik ay ginagawa lang ng dalawang taong gusto o mahal ang isa't isa!!" Hindi parin mawala ang inis sa tono ng boses ko. Parang nakasigaw na tuloy ako. Ilang segundo kaming natahimik pareho. Wala na akong sasabihin, samantalang sya ay nakatingin lang sakin at naging seryoso bigla. Hindi ko mabasa ang nasa isip nya, mahirap din basahin ang mga expression nya. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Napatingin nalang ako sa floor at kiniskis ang paa ko doon. Magre-rebat ba sya? Ano na naman kayang pangontra ang sasabihin nya? "Tara dito" nagulat ako ng hawakan nya ang pulsuhan ko at dinala sa gilid. "Hoy! Bakit na naman ba?!" Binitawan nya ako at binaba ang bag nya. "Sit" "Huh?" "Sit!" "Ano ako aso-" "I said sit!" Napaupo agad ako sa sahig dahil sa seryoso nyang mukha. Aba sya pa ang may ganang mang utos?! Baka nakakalimutan nyang sya ang may kasalanan sakin?! Umupo din sya sa tabi ko at naghalungkat sa bag nya. Ilang sandali pa ay nilabas nya ang band aid na may frozen design na naman. "Frozen na naman? Ang hilig mo talaga sa-" "Don't move" Hinila nya na naman ako papalapit sa kanya at nilagay ang isang band aid sa leeg ko. Hindi ako makagalaw sa ginagawa nya. Magkalapit na naman kasi kami. At kapag maliit lang ang distansya namin, ay may kung anong abnormalities ang nangyayari sa loob ng dibdib ko. Medyo nakayuko sya para makita ang pasa sa leeg ko. Ramdam ko pa ang hininga nya malapit sa panga ko na lalong nagpapakaba sakin. "K..kailan ba yan matatanggal?"medyo naiilang kong tanong. "About 5 to 12 days"tipid nyang sagot. "Almost two weeks?!" Tumingin ako sa kanya pero napatigil ako dahil ang lapit na naman ng mukha namin sa isa't isa. Bumaba na naman ang tingin nya sa labi ko kaya mabilis akong umiwas at napakagat ng labi. Hindi, hindi, hindi ako papayag na mangyari na naman yun! Ganito rin ang nangyari kahapon! Tinignan nya ako sa.... tapos biglang.... WAAHH!! "B...b...bakit sobrang tagal?!" Pinilit kong balewalain ang pagka ilang ko sa kanya. Easy lang Loui, basta wag ka lang magkamaling mapalapit sa kanya ulit. "Because it takes time for the body to re-absorb and break down the trapped blood on your neck. I bit your neck too hard so maybe the damaged blood vessels leaked blood too much under your skin" Tinignan ko ulit sya habang nagpipigil ng inis. Aba at nagawa nya pang ipaliwanag ang ginawa nyang kamanyakan sa leeg ko?! Nanggigigil talaga ako! "Kasalanan mo 'to eh"magkadikit ang mga ngipin ko habang nagsasalita. Konti nalang. Konting nalang talaga ang pasensya ko! Bumuntong hininga naman sya at nilagay ang huling band aid sa leeg ko. "You can put an ice pack over it para mabilis mawala. Or put some makeup to hide it" Nagtagal ang tingin ko kay Caspian. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang mga panahong nahuhuli ko syang hinahalikan ang leeg ng mga babae nya. Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko, Ilang babae na kaya ang na-markahan ni Caspian? "About what you have said earlier..."nagsimula ulit syang magsalita. "I know you got offended by that hickies. But I am still not sorry for what I did to you" "Ano?"napakunot ang noo ko sa kanya. "I am also not sorry for kissing you yesterday. I am actually looking forward for more kisses in the future" "A..ano?" Lalo akong napakunot sa kanya. Nagulat ako ng hawakan nya ang baba ko at tinapat sa mukha nya. "And if you kiss me back again this time. I won't kiss anyone else anymore except you" ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD