Inilapit nya ang mukha nya sakin para halikan ako pero bago pa mangyari ang bagay na yun ay sinapok ko agad sya sa mukha.
*pak!*
"Ouch! That hurts! For godsake!"
"Bastos! Manyak! Mahalay! Malaswa! Magaslaw! Walanghiya! Masama! Lapastangaaaaan!!!!"sinigawan ko sya sa abot ng aking makakaya.
Napatakip naman sya sa tenga nya dahil talagang sa harap nya ako sumigaw.
"Seriously?! Have mercy on my eardrums!!"
"Kulang pa ang pagbasag ko sa eardrums mo Caspian! Pero dahil naaawa ako sayo, pagbibigyan kita ngayon! Wag mo ng susubukan ulit na halikan ako dahil kung hindi, malalagot ka talaga sakin!"
Inis akong tumayo sa kinauupuan ko pero hindi ko alam na nakatapak sya sa palda ko. Napaupo ako sa kandungan nya, naisuporta ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat nya pero hindi ko napigilang ang pag galaw ng ulo ko.
Nanlaki nalang ang mata ko ng saktong dumampi ang labi ko sa kanya.
Watdapak?!
Agad akong humiwalay sa kanya habang sya ay nakatingin sakin, tila nag p-process pa sa utak nya ang nangyari.
"You just kissed me"
"Anong ako?! Hindi ko yun sinadya!"
"You kissed me Altair"
"Hindi! Aksidente yun! Nakita mo naman diba?!"
"Tch! You're too loud again! Ano namang masama kung nag insist ka halik? I'm your boyfriend anyway?"
"Sabing hindi kita hinalikan!!"inis akong umalis sa kandungan nya at marahas na inalis ang pagkakadagan nya sa palda ko.
"Whatever. You still kissed me, even if it's intentional or not" napangisi sya.
"What the hell?! Ganyan ka ba talaga ka assuming ha?! Akala ko ba hindi mo ko type?!"
"Hindi nga. You're too far from my ideal"
"Yun naman pala eh! bakit... bakit ka ganyan?!" hindi ko na alam ang sasabihin.
Masyadong nakakasakit sa ulo ang lalaking 'to! Hindi ko na sya maintindihan! Ano bang problema ng utak nya?!
"Because I want to like you. I want to fall for you and vice versa. I want to try to work out a relationship with you"
Natameme ako sa sinabi nya, yung boses ko nawala na yata. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko, nag l-loading pa yata ang mga salitang binitawan nya. Ano daw?!
"Well.. we must get up now. It's almost time" tumayo na sya at humarap sakin.
"Una na ako babe" hinalikan nya ako sa pisngi at ngumiti bago umalis bitbit ang bag nya.
Ako naman ay naiwang nakaawang ang bibig habang nag l-loading parin sa utak ko ang sinabi nya.
Sya? At ako? Seryoso ba sya?!
»»»
"Okay class, turn your page to 127.."
Lutang na lutang na naman akong ngayong araw. Hindi parin nag p-process sa utak ko ang mga sinabi ni Caspian kahapon.
Mabuti nga at busy ngayon ang Lovesicker dahil ayoko syang makausap!!
"Loui! Let's go! Baka maubos yung cheese mac sa canteen!!" Hinila ako ni Kate ng magbell.
Pumila agad kami at bumili ng cheese mac. Mahaba ang pila, limited lang kasi sa isang araw ang tinitinda nila. Etong si Kate kasi, kanina pa nag c-crave.
"Hm!! Yummy!" Para syang bata habang kumakain.
Kumain narin ako ng tahimik nang makarinig kami ng mga tili.
"Kyaahh!!"
Ang Lovesickers. Kanina hindi sila pumasok dahil may studio practice sila. Nilandas na naman nila ang aisle na akala mo mga ramp model. Nakapamulsa at cool na cool.
Nadako ang tingin kay Caspian, pero hindi ko akalain na nakatingin din pala sya sakin. Umiwas agad ako at sa di ko malamang dahilan ay lumakas ang pagpintig ng puso sa dibdib ko.
"Uy! Nakita ko yun! Hihi!" Siniko ako ni Kate at tumawa. Umirap nalang ako, wala talagang oras na hindi nya ako tinutukso no?
Dinaanan nila kami, at bumili ng pagkain nila. Hindi nalang ako tumingin at nagfocus sa foods ko. Matapos ang mga sinabi ni Caspian kahapon, hindi ko na alam kung paano ko sya pakikitunguhan.
Err.. bakit ba naiilang ako?
"Pwedeng makiupo ladies?"saad ni Axel.
Hindi pa man kami sumasagot ni Kate ay nagsiupo na ang mga miyembro Lovesickers. Nagsimulang magbulungan ang mga tao at maraming atensyon na naman ang nakatuon samin ngayon! Argh!
Square ang table namin. Umupo si Axel sa tabi ni Kate, habang sina Cooper at Kurt ay nasa magkabilang side namin. Naramdaman ko si Caspian na umupo sa tabi ko, para akong nakuryente ng magdikit ang balat namin sa braso. Hindi ko sya pinansin at umakto na parang normal lang ang lahat.
Myghad Loui? Ano na bang nangyayari sayo?! Ang weird mo!
"Anyway guys, sa weekend doon tayo sa bahay ni Zach magpractice"ani ni Kurt habang busy sa pagbubukas ng junkfood nya.
"Hindi ba tayo makakaistorbo? Buntis pa naman si tita Ruan"saad ni Cooper.
"Mom is fine. At ayokong umalis sa bahay kaya kayo ang pumunta"sagot ni Caspian sa gilid ko.
"Tamad talaga neto" sabi ni Axel.
"Oo nga pala, may plano na ba kayo para sa next intraschool performance?"tanong ni Kate.
"Well as of now nag iisip pa kami. We need to have atleast one new song para maging maingay ang banda namin for the next month"sagot ng kambal nyang si Kurt.
"But I think we're lack of talents when it comes to composing" dismayadong saad ni Cooper.
"We can revive some old songs?" Suggest ni Axel.
"No way" sabay sabay na sagot naman ng tatlo.
"Boring"Kurt.
"Hindi unique"Cooper.
"No thrill"Caspian.
"Fine! Kailangan bang pagtulungan nyo akong tatlo?"umirap si Axel at nilamutak ang french fries nya.
"Ang ingay mo Axel! Katabi pa kita!"inis na sabi ni Kate at medyo lumayo sa kanya.
"Ang ingay ni Axel, ang tahimik naman ni Loui, pansinin nyo naman"saad ni Cooper.
"Ngayon lang yan. She's a nagger actually"biglang sagot ni Caspian.
"Hoy! anong nag—" hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko ng makaramdaman ng pagkailang dahil sa pagtitinginan namin ni Caspian.
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, matapos nyang sabihin na gusto nyang ma fall kami sa isa't isa, sobrang naconcious na ako!!
"Hindi ako nagger"sabi ko nalang.
"Obviously a lie" he tease me.
"Ayie.. poreber na dis!" humagik si Kate at nakisabay naman ang tatlong bugok.
"Psh!" Umirap nalang ako at di sinasadyang napalinga ulit kay Caspian.
Nakatingin sya sakin habang may pagpipigil na ngiti sa mukha nya. Wag mong sabihing gusto nyang tinutukso kami sa isa't isa?! Aba ang weird nya na talaga!
Nang magdismissal ay tumayo na agad ako ng biglang may humawak sa braso ko. Nilingon ko kung sino yun, it's Caspian.
"Bakit?"tanong ko.
"Ihahatid kita"
"Bakit?"
"At bakit hindi?"
"Bakit?"
Bigla syang sumimangot.
"We need to talk"
"Bakit?"
"Wala ka bang ibang alam na word kundi bakit? Let's go"
Hawak nya ang backpack ko at kinaladkad ako na parang pusa palabas ng school. Aba't kailangan ganito nya ako kaladkarin?!
"Argh! Caspian ano ba!"
"You're actions partly show that you are avoiding me" Binitawan nya ako ng makarating sa parking lot.
"Tell me why?" Humalukipkip sya sa harap ko.
Nakatingala ako sa kanya, ang tangkad kasi ng taong 'to. Nakatingin lang sya sakin pero napaiwas ako dahil hindi ko yun matagalan.
"Hindi naman ah?"
"Even my gaze? C'mmon Altair"
"Hindi naman kasi talaga" tinignan ko na sya dahil baka maghinala na naman.
"Fine. Get in my car now"utos nya at nauna ng pumasok sa loob.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng magflashback sa utak ko yung gabing naghalikan kami. Wtf?! Paano ako magiging komportable kung naaalala ko yun?!
*beep*beep*
Binuksan ko yung pinto at pumasok ng bumusina si Caspian. Nagpalingon lingon ako sa paligid, hinahanap yung camera nya ng may tinuro sya bigla malapit sa aircon.
"Nandyan yung cam" mukhang alam na nya ang nasa isip ko kaya sya na mismo ang nagturo.
"Hindi mo naman siguro ako momolestiyahin ulit no?"
"Depende kung nasa mood ako?"
Sinamaan ko sya ng tingin at binuksan ang pinto ngunit pinigilan nya agad ako.
"Wait. Wait. I will not kiss you. I promise"
Umayos ulit ako ng upo at humalukipkip. Kailangan kong klaruhin ang mga nangyayari sa aming dalawa. Ayokong palaging may nanggugulo sa utak ko!
"May gusto muna pala akong sabihin sayo"paninula ko.
Tinaasan nya lang ako ng kilay.
"About sa... sinabi mo kahapon. Alam mo kasi.. sa tingin ko hindi mangyayari ang bagay na yun dahil pareho tayong walang interes sa isa't isa" Nag aalangan akong tumingin sa kanya.
"How could you say that?"tinaasan nya ako ng kilay.
"K..kasi.."
"What if magustuhan kita? Mapipigilan mo ba ako?"
"H..ha?! Imposible! Alam kong si Sierra ang gusto mo no! Leche, wag mo ngang sabihin yan! Nakakakilabot!"inirapan ko sya.
Natawa naman sya sakin. At nagdulot ang pagtawa nya ng kakaibang kiliti sa kalamnan ko.
"Fine. Fine. I'm just joking that time. Di ko naman alam na seseryosohin mo haha!"
I gave him a glare, tapos sinuntok ko sya sa braso. Akala ko talaga balak nyang ma fall sakin eh! Lintik! Nakakainis! Nailang pa tuloy ako sa kanya!
"Alam mo nakakatawa yung joke mo! Ha.ha.ha"sarkastiko kong saad.
"Nakakatawa kasi yung itsura mo pag inaasar. Look how red you are yesterday, you're so funny"
"Tumigil kana nga! Ano ba yung sasabihin mo sakin?!"
"Right. I'll get straight to the point. Altair, please join Lovesickers"
✴✴✴
To be continue...