"Huh?"
"Join our band. We badly need you"seryosong saad nya.
"Ano namang gagawin ko sa banda nyo? Duh? Acoustic guitar lang ang alam kong tugtugin"
May nilabas naman syang papel mula sa bag nya. Isang pamilyar na pilas ng papel.
"Teka? Akin 'to ah!"
Ito yung lyrics na naiwala ko sa music building!
"You dropped that the first time we met. At nung kumanta ka sa classrom, I realize that the lyrics are very familiar, yun pala yung mga nakasulat dyan. That song was written by you right?"
"T..tama ka"
"Do you know how great your talent is? Bakit mo tinatago yun sa iba?"
"Dahil hindi ko naman kailangan ilabas. At isa pa, ano namang magaling dyan? Napakasimple lang nung ginagawa ko at kahit sino pwedeng gawin yun"
"You maybe right. But your style in writing is very good! Your lyrics are convincing that can catch people's emotion. Altair.. please join us. Be our lyricist"
"Sorry pero ayoko. Matagal na akong hindi nagsusulat Caspian" umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Malapit na kaming madisband. Our ratings is getting low. At kapag nangyari yun ay hindi na kami susuportahan ng school"
"Bakit naman mangyayari yun? Eh marami kayong fans diba?"
"They maybe our fans but that just because of our looks. Mas gusto parin nila ang mga kanta ng WildInnocents. It's still matter about the song Altair and we need you in our band "
"Alam mo kasi... ayoko ng magsulat ulit. Itinigil ko na yun, matagal na"
Ayoko ng magsulat dahil naaalala ko lang ang lahat ng pagpapaasa sakin ni Damon noon. At hanggang ngayon ay may sugat parin sa puso ko. Masakit parin hanggang ngayon.
"It's because of Damon right? He took all your works and doesn't even gave credits to you. Pero hindi mangyayari yun Al, we'll make sure that you still own your work-"
"Hindi yun dahil dun!"
Napayuko ako dahil nakakaramdam ako ng sakit sa puso ko.
"Nagsusulat lang ako para kay Damon. Hindi ko kayang magsulat para sa iba. Ewan ko kung bakit. Pero bawat mga salitang naiisip ko, lahat ng lirikong nalilikha ko ay ang nararamdaman ko para sa kanya. At kahit sinasaktan nya ako, sa kanya ko parin ini-aalay ang lahat ng lyrics ko"
"But this is a great opportunity! Lahat tayo makikinabang dito-"
"Hindi mo ako maiintindihan Caspian. This is not about the benefit, it's about my feelings! Bulag ako noon at ngayon palang ako unti-unting nalilinawan sa katangahan ko sa kanya. Ayoko munang magsulat, dahil ayokong maalala lahat ng sakit na dulot sakin ni Damon"
"You can still write for him. Pero this time, para makaganti ka. Slap him with those lyrics, at tutulungan ka naming ipamukha yun sa kanya" desidido nyang saad.
Bigla nyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako ng diretso. Bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan.
"I know Damon tried to convince you about this too, at natutuwa ako dahil hindi ka pumayag. Pero hindi ko akalain na ganito ka kahirap kumbinsihin. But think about it carefully Al, kapag sumali ka samin, you can get revenge to him"
Nanatili parin ang tingin namin sa isa't isa. Kumakabog parin ang dibdib ko habang hawak nya ang kamay ko at nang mapagtanto ko ang ka-abnormalan ko ay napabitaw ako sa kanya.
"H..hindi ko kayang gumanti. K..kahit papaano ay naging close kami ni Damon at mahalaga parin sya sakin" napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Bakit ganito ang reaksyon ng puso ko? Ano na bang nangyayari sakin?
"Ayoko talagang gumanti pero gusto ko rin naman kayong tulungan"
Bumuntong hininga naman sya at kitang kita ang disappointment sa mukha nya.
"Well.. atleast I tried. Bigo nga lang"saad nya at nagkibit balikat.
"Sorry Caspian"
"No it's okay. Marami pa namang ways, pero ang pinaka best way ay yung maging lyricist ka namin"he said disappointedly.
"Hindi pa naman huli ang lahat, I can still help you kahit hindi na ako magsulat"
"How?"
"May mga lyrics akong nagawa noon na hindi ko naibigay kay Damon. Ilang years kaming hindi nagkita pero inspired ako at nakakagawa parin. Pwede nyong gamitin yun. Pero hindi ibig sabihin nun na pag ganti ko yun kay Damon, gusto ko lang tumulong"sagot ko.
Unti unting kumurba ang labi nya at nagulat ako ng yakapin nya ako ng mahigpit.
"Thank you"
Naging abnormal na naman ang heart rate ko kaya bigla akong kinabahan na baka marinig nya. Hindi ko naman maalis ang yakap nya dahil parang may pumipigil sakin.
"Uh.. y..y..you're welcome"
"Haha, why stuttering babe?" Kumalas na sya sa yakap at sinalubong ako ng ngiti.
Ngayon ko lang sya nakitang naging masaya ng ganito. Maybe he really cherish Lovesickers at ayaw nyang mapunta lang sa wala ng efforts nila.
"Tigilan mo nga ang kaka babe dyan. Kairita"
He chuckled and mess my hair for the first time. Nagulat ako sa ginawa nya, ewan ko, para sakin cute ang nga lalaking ginugulo ang buhok ng mga babae. Ganun ba talaga sya kasaya at nagagawa nyang maging cute sa harap ko ngayon?
"Anyway, this weekend sumama ka sa bahay. I'll fetch you"
"Ha? Bakit?!"
"Because I want you to watch us practicing. Ikaw ang lyricist, so maybe may suggestions ka or revision ng gawa mo diba?"
"At bakit hindi nalang kayo ang gumawa nun ha?"
"I know you're better at playing with words. Tsaka baka pumanget pag kami ang gumawa kaya mas better kung ikaw"
Pinanliitan ko naman sya ng mukha. Hindi ako kumbinsido sa mga sinasabi nya.
"Okay, susundin ko ang kahit anong utos mo pag ginawa mo yun" he gave up with a sigh.
"Okay" napangiti ako. Kahit anong utos ko huh? Ano kayang magandang iutos sa kanga.
"Thank you again Al. Don't worry, we'll give you credits"
"No need to do that. Para sakin trash na ang mga gawa ko"
"But that trash will turn into a cash"he smiled.
"Seryoso? Mayaman ka diba?"
"Hindi naman para sakin eh, para sayo. Nag p-part time ka diba? That means you badly need money"
"Anong badly? May pera naman ako at laging nagpapadala si Papa. Hindi ako naghihirap no"inirapan ko sya.
"Then why part-timing?"
"Gusto kong malaman ang kalakaran sa pinaka ilalim na posisyon sa business, ang pagiging employee. A year from now, ako na ang magmamana ng hotel and restaurant ni lola. Ayokong maging ignorante"
"Ow.. so you're a rich kid? Yet you're so simple"
"Well ganito talaga ako. Ayoko ng maraming anek-anek"
"What's anek-anek?"
"Wala, wag mo ng intindihin yun. Alis na nga tayo! May duty pa ako"
Habang nasa byahe ay nagkwentuhan lang kaming dalawa. Ang hilig nya mang asar pero nasasabayan ko naman sya. Ngayon lang naging sobrang gaan ng atmosphere namin, knowing na marami na kaming awkward moments sa isa't isa.
"Ayan, dyan sa kaliwa"
Nag park si Caspian sa gilid. Bumaba na agad ako, ngunit hindi ko akalain na bababa rin pala sya.
"Uhh..papasok ka din?"tanong ko sa kanya.
Umiling naman sya.
"Nope. I'll watch you go inside"
"Eh?"
Mahina syang tumawa at winasiwas ang kamay nya.
"Sige na. Go"he said.
Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit nya pa ako papanoorin pumasok sa loob? Ano ako? Bata?
Umiling naman sya at lumapit sakin. Akala ko kung anong gagawin nya, itutulak nya lang pala ako ng mahina.
"Sige na, after your duty. Ihahatid kita sa inyo"
"Huh? Bakit naman?"
"Boyfriend duty?"sabi nya habang nakataas pa ang kilay.
"Wow.. ang bait namang boyfriend"
Natawa nalang sya at sumenyas na pumasok na. Ngumiti nalang ako at nagwave bago pumasok. Nang makalagpas sa pinto ay nilingon ko ulit sya, nag wave sya sakin at pumasok na sa kotse.
"Ang ganda ng ngiti ah.. blooming na blooming!" Nagulat ako ng sumulpot si Ate Daisy sa tabi ko, regular employee na dito.
"Ate nanggugulat ka naman!"
"Sino yung pogi kanina ah? Akala mo hindi ko nakita ah! Boyfriend mo day?"
Hindi naman ako nakasagot. Imbes ay nagpigil ako ng ngiti.
"Ehem ehem! Mukhang alam ko na ang sagot! Infairness! Ang gwapo day!" Kinikilig pa si Ate Daisy habang sinusundot ang tagiliran ko.
Napailing nalang ako at pumasok sa employee's room para magpalit.
"Ate Loui!!"nagulat ako ng yakapin ni Olivia.
As usual excited na naman ang batang 'to.
"Hey.. ang saya ah"
"Well kasi pinansin ako ng crush ko! Haha!"
"Ikaw talaga.."pinisil ko ang pisngi nya.
"Ate! Turuan mo naman akong magbake! Diba marunong ka nun? Plss, gusto ko kasing bigyan si crush hihi!"
"Sure. Kailan ba?"
"Hmm sa weekend? Libre ka ba?"
Weekend? May practice pala sina Caspian ng araw na yun.
"Uhh may lakad kasi ako sa weekend"
"Aww sayang naman. Anyway next weekend nalang!"
"Sure. Next weekend"
✴✴✴