~Crazy heartbeat
Everytime you touch me
Do you know my favorite place is inside your hug?~
°°°
Tulad ng inaasahan ay wala masyadong pumasok sa school. Well expected naman yun ng mga teachers, even the faculties ay nagbabalak na pumunta sa mall show mamaya.
"I think dagdagan pa natin ng konting light color sa ibaba"wika ko kay Kate.
Gumagawa kami ng banner dito sa school, opo tumutulong ako sa kanya. Alam kong walang magic ang kamay ko para sa mga artworks na ganito pero ewan ko ba, ginaganahan ako eh.
"Lagyan natin ng heart para with love! Hihi!" Pinagkorte nya pa ang mga kamay nya ng puso at tumingin sakin ng may panunukso.
Malamang may pinaparating na naman sya, mula ng sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko para kay Caspian walang sawa na sya sa kakaasar.
Since sunday ay hindi ko pa nakikita si Caspian, two days at aaminin kong namimiss ko na sya. Nag text kami kagabi pero mukhang tinulugan ako ng loko dahil hindi na nagreply sakin. Naiintindihan ko naman, siguro'y napagod sa practice nila.
"Uy.. nakangiti ka na naman. Mamaya na ang kakaisip sa bebe"siniko ako ni Kate.
"Baliw!"
Wala kaming klase, paano ay anim lang kaming pumasok. Kaya hindi na kami pinasukan ng mga teacher namin.
"Ano? May plan kana ba? Kailan ka mag c-confess?"
Napangiti ako bigla, kagabi kasi hindi ako makatulog kakaisip. Pero dahil sa kakaisip na yun ay nakagawa na naman ako ng bagong likha. At sa ngayon ay nakasulat yun sa pink na papel at nakatago sa bag ko.
"Hmm..hindi ko pa alam"sagot ko.
"Nako! Pa suspense pa eh! Mamaya umamin kana!"
"Wag ka ngang magmadali, mahirap ang gagawin ko no! Rejection ang inabot ko ng magconfess ako kay Damon noon. Kaya nakakakaba"
"Alam ko, pero this time sa ibang tao kana mag c-confess at sure naman ako na hindi rejection ang makukuha mo"pag m-motivate nya sakin.
Lalo akong napangiti. Ano kayang magiging reaksyon nya pag sinabi ko na gusto ko na sya?
Nang pumatak ang alas-dose ay nag bihis na kami ni Kate ng civilian at lumabas ng school.
"Tama na! Wag yung headphone at cellphone ko please!"
"Ang lakas mong mang dedma ah! Akin na 'to!"
Napatigil kami ng makita ang tatlong lalaking pinagtutulungan ang isa pang lalaki. Tinulak ng dalawa ang lalaki sa pader, nahulog pa ang eyeglasses nya at gitara. Hinawakan ang magkabilang kamay nya ng dalawa habang yung isa ay inuusisa ang mga gamit nya.
"Akala mo naman magiging cool ka pagmeron ka nito? Isa ka paring malaking NERD asungot!"
Sinalpak nya ang headphone sa tenga nya at napakunot.
"Ano to?! Lovesickers?! Hmph! Mga bakla naman yan eh! Idol mo 'tong mga 'to ha nerd?! HAHA!"
"Wag mong iinsultuhin ang Lovesickers!!!"inis na sigaw ng lalaki.
Walang syang laban sa kanila lalo na tatlo sila. Bago ko pa maisip na lumapit ay nakita ko nalang si Kate na nandoon na at sinuntok yung lalaking may headphone. Natumba yung lalaki at tinapakan naman ni Kate ang tyan nya.
"Ack!"
"Anong sabi mo? Sinong bakla ha? Baka gusto mong ipakain ko sayo yung drumstick ng kuya ko?" Maangas nyang saad.
"Ack! T...tama na!"
"Wag mong iinsultuhin ang Lovesickers! Dahil kung tutuusin, wala ka pa sa kalinkingan ng kahit isa sa mga miyembro nila!"
"T..tama na! Ack! Ang sakit na!"
Diniinan nya ang pagtapak, napahiyaw sya at tumingin sa dalawa pang lalaki.
"At kayong dalawa?! Bitawan nyo sya kundi ipapatawag ko yung guard sa school!!"pananakot nya.
Bumitaw naman ang dalawa at tumakbo paalis, yung isa naman ay tumayo at sumunod sa kanila.
"Wow... amazona ka pala Kate"saad ko ng makalapit.
"Wala akong magawa. Iniinsulto nya ang banda ng kapatid ko hmph!"inis na wika nya.
"Salamat po ate" napatingin kami pareho sa batang lalaki na ngayon ay yumuko at sinuot ang makapal na salamin nya tsaka kinuha ang headphone at cellphone nya.
"Ate? Mukha ngang mas matanda ka pa samin eh"saad ni Kate.
"Ah.. hehe.. 16 palang po ako" napakamot sya ng ulo.
16? Medyo matangkad sya para sa isang 16 years old. Kasing tangkad na nya si Caspian. Pero kung titignan sa mukha, baby face pa sya at may itsura—matangos ang ilong, moreno at itim na buhok.
"Ako nga po pala si Vin Timothy, kung hindi nyo na itatanong"nakangiting saad nya.
"Well.. hindi nyo na po kailangan pang magpakilala dahil kilala ko na po kayo. Si Kate Agoncillo, twin sister ni Kurt Agoncillo na lider ng Lovesickers at Louisiana Altair Olivar, girlfriend ni Zach Anderson"
"Wow.. mukhang marami kang alam"yan nalang ang nasabi ni Kate.
"Ah hehe, ang totoo nyan, fan ako ng Lovesickers kaya lahat inaalam ko tungkol sa kanila"nahihiyang saad nya.
"Kilala mo ba ang mga lalaking nanggulo sayo kanina?"tanong ko sa kanya.
"Sina Makoy po yun. Palagi nilang hinihingi ang baon ko mula pa ng first day, hindi ko naman sila matanggihan dahil bina blackmail nila ako. Kanina hindi ko sila napansin dahil sa lakas ng headphone ko kaya sila nagalit"
"Bakit naman ikaw pa ang napagtripan ng mga yun?"tanong ko.
"Sabi kasi nila nerd ako, baduy at hindi cool"malungkot nyang saad.
"At naniwala ka naman? Napakaengot mo naman, tignan mo nga kung gaano ka kagwapo? Kung tutuusin mas gwapo ka pa kay Axel"ani Kate.
"Axel Ignacio? Yung guitarist ng Lovesickers? Wow.. nakakahiyang maikumpara sa isang miyembro ng Lovesickers!" Napansin ko ang panginginang sa mga mata nya.
"Fanboy ka nga talaga"saad ni Kate.
"Well.. mula pa noong first year idol ko na talaga sila hehe"nahihiya sya habang nagkakamot sa batok nya.
Napansin ko naman ang gitara nya.
"Marunong kang tumugtog?"tanong ko kay Vin.
"Medyo lang po. Ang totoo nyan, ang Lovesickers ang dahilan kung bakit nagpursigi akong matutong tumugtog! Kahit masakit sa kamay pinipilit ko parin! Actually kinakapa ko pa yung bagong kanta ng Lovesickers na Only A Dream, ang ganda po ng kanta tapos yung message napaka relatable! "
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi nya. Why not? Ako lang naman ang sumulat nun.
"Ay hehe.. pasensya na po, nadala lang ako. Kasi naman pag usapang Lovesickers nagiging hyper talaga ako"napakamot na naman sya sa batok. Mannerism?
"Ayos lang. Papunta kami sa mallshow ng Lovesickers ngayon. Gusto mo bang sumabay?"tanong ni Kate.
"Okay lang po ako. Dadaanan ko pa po kasi yung gamit ko sa locker. Mauna na po kayo at susunod nalang po ako doon!"
"Okay sige"
Agad namang pumasok si Vin sa school. Nagwave pa sya samin bago makalagpas sa gate.
"He's... cute I think?"biglang saad ni Kate.
"Seryoso? Ang hilig mo sa mas bata"sabi ko at natawa.
"Whatever! Tara na nga!"
Nabigla ako sa dami ng tao ng makarating sa mall, marami akong schoolmate na nandito at marami din ang taga ibang school dahil nakauniform pa sila. Hindi nga sana sila pinapapasok ng guard dahil sa suot nila pero dahil sa dami ay hindi na nya sila napigilan.
"Omg. Mas maraming manonood dito kesa sa school. Even sa second floor at third floor puno ng tao!" Nakanganga si Kate habang nakatingala sa itaas.
Nakakalula ang kapasidad ng mga tao ngayon, napakaswerte ng mall na 'to dahil kikita sila ng marami ngayong araw.
Ilang minuto ang lumipas bago nagpakita ang mga miyembro ng Lovesickers. Nasa na stage sila at naghahanda sa kanya kanya nilang mga pwesto.
"Hindi tayo makasingit sa unahan! Haist!"kanina pa nagrereklamo 'tong si Kate.
Hinila nya ako papunta sa second floor at doon nalang kami pumwesto. Ilang saglit pa ay may nagspeech lang saglit, opening remarks para sa pagbubukas ng bagong mall at pinakilala ang Lovesickers sa mga tao—well kahit na halos lahat ng nasa mall ay kilala na sila dahil puro mga studyante ang nandito.
Habang ginaganap ang opening remarks ay nakatingin ako kay Caspian, ewan ko ba kung bakit napapangiti ako. Sobrang gwapo nya kasi sa suot nya, naka black pants at leather brown jacket na kaparehas din ng suot ng iba pang miyembro, mukha ito ang bigay ng sponsor nila. Pero kahit pare-pareho sila ng suot—magkakaiba lang ng kulay ang jacket nila—si Caspian parin ang humuhugot ng atensyon ko.
"Tunaw na girl. Tunaw na tunaw na" saad ni Kate.
"M..manahimik ka nga"inirapan ko sya na ikinatawa nya.
Tinignan ko ulit sya at napansin kong nililibot nya ang paningin sa crowd. Para bang may hinahanap sya hanggang sa tumingala sya at nagtagpo ang mga mata namin.
Kinabahan ako dahil nahuli nya akong nakatingin pero gayunpaman ay hindi ko parin naiaalis ang mga mata ko.
"Girl nakatingin si Zach!"usal ni Kate.
"Alam ko"sabi ko at pinigilan ang ngiti.
"Uy.."siniko ako ni Kate para manukso.
Umiling nalang ako at tumingin ulit kay Caspian.
Bigla syang ngumiti na biglang nagpapintig sa puso ko. Alam kong hindi na ito bago sa pakiramdam dahil naranasan ko na ito kay Damon noon pero ngayon kasi... mas...mas kakaiba.
Bahagya syang kumaway sakin, ginantihan ko lang sya ng ngiti at hindi nagpahalata na kinikilig.
"Oh my! Nakangiti yata sakin si Zach oh! Kinawayan nya pa ako!"nagulat ako sa mga babaeng katabi namin, parang bulate na kinikilig.
"Feelingera naman ang mga 'to"saad ni Kate.
Nagsimula na silang tumugtog. Tinugtog muna nila yung mga original old songs nila, maraming nakikisabay sa pagkanta, ang daming cellphone at camera ang nag f-flash. Nakangiti ako buong oras, paano'y nakakaenjoy naman talaga silang panoorin. Lalo na si Caspian, hindi ko maiwasang mapangiti dahil panay ang sulyap nya sakin.
"Before anything else guys.. I want to thank all of you for coming here. I never expect na sobrang daming dadalo dito ngayon"
"I love you Zaaaccchhh!!! Woooohhh!!"
May sumigaw na grupo ng mga babae sa gilid. Natawa si Caspian sa mic, damn that pretty laugh! Napakacharming!
"I love you too guys... Lovesickers do"sagot nya na ikinahiyaw ng mga manonood
"Anyway.. for our last song for today.."
"Woohhh!! Only a Dream! Only a Dream! Only a Dream!" Naghiyawan na naman ang mga manonood sinisigaw ang bagong kanta nila.
"Only A dream? Okay let's sing it!"
Nang tugtugin nila ang Only A Dream ay mas nagtilian ang mga tao, mas lumakas ang kantahan, even yung mga nagsh-shopping ay napapahinto at nanonood muna sa kanila.
Ilang oras din ang tinagal ng mall show. I saw everyone are happy by the look on their faces, lalo na ang nga teenagers na naglilibot-libot na sa mall.
"Hays napaka busy na ng Lovesickers"bumuntong hininga ni Kate.
"Miss na si Axel?" Nang asar naman ako. Sinamaan nya ako ng tingjn.
"Yuck, as if namang gusto ko yung taong yun? Di ko sya type, Psh"
"Yan din ang sinabi ko noon kay Caspian"ngisi ko.
"Che! Wag mo nga akong intrigahin!"pagsusungit nya.
"Loui! Kate!" Nakita namin sin Janelle at Sharmaine na kumakaway sa amin. Mukhang nagshopping na ang dalawa dahil ang dami na nilang shopping bags.
"Hang out tayo muna girls! Tutal busy mga boyfriends natin"nakangiting saad ni Janelle.
"Tapos na ang mall show, may appointment pa ba sila?"tanong ni Kate.
"Ewan ko nga eh, hindi pa nagtetext sakin si Kurt"ani Janelle.
"Grabe ang schedule nila, namimiss ko na nga si Cooper eh"nakanguso si Sharmaine.
Nagulat ako ng maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Binuksan ko agad yun at bumungad ang message ni Caspian sakin. Kusang kumurba ang labi ko.
"Hey girlfriend"
✴✴✴
To be continue...