Chapter 32

1755 Words
A: Hey. Boyfriend. I replied. C: Turn your tv on at exactly 7:00 pm okay? A: Bakit? C: We'll be feature on a talkshow. Sounds great right? A: Seryoso? I'm glad! Congrats sa inyo! C: thanks. I'm glad too ? Lalong kumurba ang labi ko. It's an emoji! He send an emoji! At hindi ko alam kung anong nakakakilig dun pero kinikilig ako! "Anong nginingiti ngiti mo dyan Al? Katext mo si loveydovey mo no?" Nginisian ako ni Sharmaine. "Baliw. Katext ko si Caspian. Sabi nya if-feature sila sa isang talkshow mamaya" "Oh my god! Really?!" "Yup. 7:00 pm yung talkshow kaya manood kayo" "Omg! Makikita ko si honeybunch sa tv?! I'm so excited!" "That's a great opportunity! Pagnagkataon ay mas sisikat pa sila!"pagsangayon ni Kate. Nagsimula na kaming maglakad lakad, yung tatlo enjoy na enjoy ang pagtingin sa mga damit na pinapasukan naming boutique. Nagvibrate muli ang phone ko. Nagtext na naman si Caspian. C: 1 minute no reply. Busy ka ba?? Nakapangiti na naman ako. Sa totoo lang kahapon ay buong gabi akong nakangiti habang katext sya. Haist, ganito pala ang feeling nakatext ang taong gusto mo no? A: Not really. Kasama ko sina Kate sa mall. C: Why you're not home yet? Wag mong sabihing gagala ka pa? A: Parang ganun na nga, nagyaya sina Kate eh. C: Go home. A: Lah, hindi ko sila pwedeng iwan. C: Now Altair. A: I can't leave them. At ano namang gagawin ko sa bahay? C: si Lucky? Nakalimutan mo na bang may asong naghihintay sa bahay mo? Naalala ko si Lucky, oo nga pala! Hindi ko pa sya nabibilhan ng dog food! A: Fine. Uuwi na po. C: Good. Tumingin naman ako kina Kate na ngayon ay nagsusukatan na sa fitting room. "Lou, what do you think of this one? Masyado bang plain itong blue? Or itong red na isa? Kaso parang ang medyo maiksi to"tanong sakin ni Kate. "I think mas maganda yung red"sagot ko. "Really? Sige ito nalang bibilhin ko! Hihi!" "Uhh Kate, kailangan ko na palang umuwi"sabi ko. "Ha? Bakit?!" "Si Lucky, yung asong in-adopt ko, hindi ko pa pala sya nabibigyan ng food" "Aww.. sige, sasabihin ko nalang sa dalawa, nasa fitting room pa eh. Ingat ka ah" "Okay" Nasa gitna ako ng paglalakad ng magtext ulit si Caspian sakin. C: Take care ? Syempre ay kumurba na naman ang labi ko. Magre-reply na sana ako ng bigla syang tumawag. Kinabahan habang nakatingin sa screen ng phone ko. Takte, unang beses ko syang makakatawagan sa cellphone. Sinagot ko naman yun at tinapat sa tenga ko. "H..hello?" "Bakit ang tagal mong sagutin? Psh kanina ka pa ah" "Ah..eh sorry naghihintay kasi ako ng jeep"dahilan ko. "Pauwi kana?" "Yup. Heto may jeep na pala-HOY CELLPHONE KO YAN!!" Napapitlag ako ng may humablot sa phone ko. Hahabulin ko sana sya pero mabilis syang tumakbo patawid sa highway. "Damn it!" Maraming sasakyan ang mabilis na dumadaan kaya hindi ako makatawid! Natanaw ko nalang ang snatcher na nasa malayo na, hindi ko na sya nahabol pa. Napasabunot nalang ako sa sarili ko, kainis! First time ko na nga lang makatawagan si Caspian naudlot pa! Wala narin akong nagawa kundi umuwi. Hindi naman ako runner para habulin pa yun, isa pa kailangan ko ng bumalik sa bahay dahil hindi pa kumakain si Lucky. Pagbalik ko ay sinalubong agad ako ni Lucky ng may nagwawagayway na buntot. Hanggang ngayon wala pang nag c-claim na amo nya, hindi ko rin kasi alam kung papaano mahanap ang tunay nyang amo. Siguro babalik nalang ako sa lugar kung saan ko sya nakita. "Gutom ka na siguro no?" "Arf!arf!arf!" "Sabi ko na nga ba. Sorry natagalan, nasnatch kasi yung phone ko!"sabi ko sa kanya. Nagluto ako bg cornbeef dahil wala pa akong nabibili na dogfood. Yun nalang muna ang ipapakain ko sa kanya. Pagkatapos ay nagluto narin ako ng para sa sarili ko. "Altair?! Altair?!" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Caspian. Natataranta at tuliro. "Caspian?" Lumabas naman ako sa kusina at nakita ko syang paakyat sana sa kwarto ko pero ng makita nya ako ay agad syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Damn! I thought you're in danger!" My heart is hardly trembling right now, at nababahala ako na baka marinig nya yun lalo na't dikit na dikit ang katawan namin sa isa't isa. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. Bakas sa mukha nya ang sobrang pag aalala. "Are you okay? May nangyari ba sayo? Hindi ka ba nasaktan? Wala ka bang galos?" "A..ayos lang ako. Bakit ka nandito?"nagtataka ako, at the same time ay natutuwa dahil sa loob ng dalawang araw ay ngayon lang ulit kami nagkausap ng personal. "Why wouldn't I? I am worried about you! Narinig kong sumigaw ka sa phonecall tapos namatay nalang bigla yung line!" "Ah... kase.. na snatch yung phone ko. Hindi ko na sya nahabol dahil ang bilis nyang nakatakas" "What? Nagsumbong ka ba sa pulis?" "Hindi na, isa pa hindi ko alam kung nasaan ang police station" Marahas syang bumuntong hininga at minasahe ang nagkabilang sentido nya. "That's why I don't want you to stroll around. Maraming masasamang tao dito. At hindi ka manlang hinatid nina Kate sa sakayan?!" "Caspian, wag mo silang sisihin. Nasa boutique sila kaya hindi ko na inistorbo" "Psh, Sa susunod umuwi kana agad! Hindi yung kung saan saan ka pa pumupunta! You making me insanely freaking worried!" Kahit naiinis sya ay ramdam ko ang sobrang pag aalala nya. Di ko tuloy maiwasang matuwa. "And why are you smiling like that? Natutuwa ka dahil pinag aalala mo ko?!"masungit nyang saad. Pinigilan ko na ang pagngiti. Ang cute nya kapag nagsusungit! "Hindi ba may appointment kayo ngayon? Paano ka nakaalis?" "Mamaya pa yung talkshow. At alangan namang pabayaan lang kita?! Kung ano-ano ng pumasok sa utak ko na pwedeng mangyaru sayo dahil sa sigaw mo!" "Oo na. Oo na. Sorry kung nag alala ka. Sa susunod mag iingat na ako" "You really should be! Not all the time, I am always by your side okay?" "Alright. Alright. Kalma na Caspian. Okay na ako, walang galos o kung anuman. Nawalan lang ako ng cellphone" "Don't worry about the phone. Bibilhan nalang ulit kita" "Seryoso?" Nanlaki ang mata ko sa kanya. "Do I look like I'm kidding?"tinaasan nya ako ng kilay. Napangiti naman ako at napayakap sa kanya dahil sa tuwan. "Yiie!!Walang bawian ah!?"sabi ko at tumingin sa kanya. He look surprised. Doon ko lang narealize ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya at napabitaw agad sa kanya. "Sorry" He chuckled and held my both hands at muling ibinalik sa waist nya. "A..anong ginagawa-" I stunned when he kiss my forehead. I feel electified as his soft lips touch my skin. Nakakakaba pero nakakakilig. "Take care of yourself always okay? Don't make me worry"mahinang saad nya at sinuklay ng marahan ang buhok ko. "O..okay"nautal ako bigla at napansin nya yun. Natawa sya ng mahina at hinawakan ang magkabilang pisngi ko tsaka inilapit sa mukha nya. "Two days of not seeing your face makes me really boring. Ang hirap pag walang naaasar" "Err.. chigilan mo nga yarn" Pinipisil nya ang pisngi ko,yung labi ko parang nakapout sa kanya dahil sa ginagawa nya. Halatang natutuwa sya dahil kanina pa sya nakangiti. Tignan mo ang isang 'to kung ano anong ginagawa sa mukha ko. He's just one ruler away from me. Looking at me with a sweet smile. I can't help to admire his face, his fine features look so perfect to me. "Ang gwapo ng boyfriend mo no?"he grinned. "Wow ang hangin ah"umirap ako pero nakangiti. Natawa naman sya. "Miss mo ko no? Kiss mo na ako" "At bakit kita iki-kiss?" "Miss ka din ng boyfriend mo. Kiss mo na sya" Ngumuso sya bigla at nagpacute. Napakagat ako sa ibabang labi ko, takte, sinasadya nya bang pakiligin ako?! "Sige na babe.." malambing nyang saad. Napangiti ako at tumingkayad. Inabot ko ang labi nya at hinalikan sya ng mabilis. Ngunit muli nyang idinampi ang labi nya sakin at hinalikan ako ng mas matagal. Nagsimula na naman ang mga paru-paro ko sa tyan. He's kissing me right now. Sa totoo lang marami paring tanong kung bakit nagagawa ito ni Caspian sakin. Kung bakit nya ako nahahalikan ng ganito katamis. Gusto ko malaman kung bakit. Oras na ba? Oras na ba para umamin ako at malaman kung anong isasagot nya? Matapos ang halos isang minuto ay itinulak nya ako ng mahina at tinignan ako ng nakangiti. "Wag ka ng lumabas ng bahay ah? Sige na, baka malate ako sa appointment ko" Tumalikod na sya para umalis pero pinigilan ko agad sya. "W..wait!" "Why?" Nagtataka sya pero may ngiti parin sa labi nyan "Caspian.. I.. I have something to tell you. At..at sana wag mong mamasamain"seryosong saad ko. "What is that?" Napakunot sya ng noo. Huminga ako ng malalim at at kinalma muna ang sarili ko. Pati yung puso kabang kaba na. "I.. I think.. I.." "I...?" "I..I li-*sniff*sniff*" napatigil ako ng maamoy na parang may nasusunog. Sya rin ay napaamoy at nangunot ang noo. "Did you smell that? Parang may nasusu-" "Yung niluluto ko!!!"napatakbo ako sa kusina at agad na pinatay ang kalan. Pero yung manok na nasa kawali ay sunog na sunog na! "Piste! Bakit nakalimutan ko 'to?!" "Al? Akala ko nasunog na yung kusina mo"saad ni Caspian at tumawa pa. "Mabuti at hindi talaga nasunog!" Napailing ako sa manok na nasa kawali. Grabe ang mahal pa naman nito! "Ano nga palang sasabihin mo sakin kanina?" Napatigil ako ng maalala yung kanina. Takte! Muntik na akong umamin! "H..huh? Ah eh.. wala! Nakalimutan ko na! Hehe.." Kumunot naman ang noo nya at humalukipkip. "C'mon Al, ano nga? Ang seryoso mo kanina, it seems very important" "Sabing wala nga! Nakalimutan ko na! Sasabihin ko nalang ulit sayo pag naalala ko na ulit!" "But-" "Psh! Sige na! Baka malate ka pa sa talkshow! Galingan mo dun ah! Support kita!"hinila ko sya papunta sa pinto. "Do you really need to drag me? Psh, how rude you are" "Wag mo kong kakalimutan pagsikat kana ah"biro ko. Natawa naman sya. "Crazy. Alright. I gotta go. Panoorin mo ko ah" "Oo naman!"Tumungo ako at ngumiti sa kanya. "Good" Ginulo nya ang buhok ko bago umalis. Bumuntong hininga ako ng tuluyan na syang nawala sa paningin ko. Hays, totoo ba 'to? I almost said it? Kanina buong buo na ang loob ko kung hindi lang dahil sa niluluto ko! ~Sitting with you under the sunset, Millions of butterflies makes me insane~ ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD