Nakatingin sakin ang lahat habang ako ay naestatwa sa upuan ko. Err.. bakit ako pa ang mauuna?
"Ms.Olivar?" Tinaasan ako ng kilay ni Sir.
"Kaya mo yan!" Bulong sakin ni Kate.
Napabuntong hininga tuloy ako at tumayo.
"Just describe your mood through singing. Come on, you can do that"sir encourage me.
"Pwede po bang gumamit nito?"tanong kay Sir at tinuro ang gitara sa hawak ng kaklase kong lalaki.
"Of course! Pwedeng pwede"he smiled.
Sinenyasan ko naman yung kaklase ko na kung pwedeng hiramin yung gitara, binigay naman nya agad.
"You can play it? That's nice."he whispered.
Ngumiti nalang ako at sinuot yung guitar nya.
Describe my mood right now huh? Isang kanta lang ang makakapagsabi ng nararamdaman ko ngayon, ang kantang nagpapa alala sakin kung gaano ako ka hopeless pagdating sa taong minamahal ko.
I started to strum the guitar.
"I am at the corner, always looking at you. I see your eyes shining but its shine's not for me"
Monchi...for the past few years, hindi manlang ako pinaglaanan ng mga magagandang mata mo. Ni minsan hindi ito kumislap para sakin.
"I like your smile and your laugh is amazing, even if those are... not for me"
"As you passed by my eyes are always on you and hoping for you to look back at me too.."
"Cause you know I like you.. but you don't..."
"And everyday I miss you but you don't..."
"I always dream of you but still you don't.."
"Did you know? That I like you but you don't feel the same like I do...woahh.. you don't feel the same like I do.."
Natapos ako sa pagkanta ng biglang pumalakpak sila. Napangiti ako habang nahihiya.
"Relate na relate ah.."
"Patama naman yung kanta mo Loui! Kainis ka!"
"Ang ganda! Tamang tama sakin na hindi manlang pinapansin ni crush! Huhu!"
Bumalik na ako sa upuan ko na medyo nahihiya. Sa totoo lang yun ang kantang isinulat ko 2 years ago. Yung kantang nagpapaalala sakin ng sakit na dulot ni Monchi sakin noon pa man. Nung mga panahong, may girlfriend sya habang ako ay umaasa parin na mapapansin nya.
"Huy Lou, hindi familiar yung kantang yun. Pero infairness ang sakit sa puso ah!" Mahina akong tinabing ni Kate sa braso.
Napailing nalang ako. Never ko kasing ipinarinig sa iba ang mga kantang isinulat ko, hindi ko akalaing magugustuhan nila.
Nagperform narin ang iba kong mga kaklase. Habang ako ay tahimik na nakikinig lang. Naramdaman ko na kanina pa may nakatingin sakin.
Napatingin ako sa gilid ko at nahuli ko si Caspian na nakatingin nga sakin ngunit bigla syang umiwas agad.
Napataas nalang ako ng kilay at hindi na sya pinansin. Problema nun? Bakit kanina pa sakin nakatingin?
Nakaraos naman ang afternoon class ko. Kinukulit pa ako ng mga kaklase ko kung anong title ng kinanta ko kanina at i-do-download daw nila. Wala naman akong masagot dahil hindi ko naman isinasapubliko ang mga kantang ginawa ko. Nakakahiya.
Dumeretso ako sa Restorante de Lacsa, dito ako nag p-part time job bilang isang waitress. Last week lang ako nagsimula dito, friendly schedule at maayos ang pasahod. Sobrang bait ni Maam Fran, yung boss namin.
"Ate Loui!!" Sinalubong ako ni Olivia na may malaking ngiti sa labi.
Ka-trabaho ko si Olivia. Pareho kaming part-timer, pero mas bata sya sakin. 16 palang sya habang ako ay turning 18 na.
"Bakit excited ka na naman dyan?"
"Wala! Hihi! I am just happy to see you!"
Napangiti ako at umiling iling. Maingay si Olivia at sobrang jolly. Sobrang ganda din nya, sobrang artistahin ng mukha. Nakakatomboy nga ang itsura ng batang 'to eh.
"Mabuti pa magkahera ka na don. Baka pagalitan ka pa ni Maam Fran"
"Okie! Hihi!"
Marami na ang tao sa restaurant, kadalasan kasi dito nag m-meet up ang mga businessmen. Tapos malapit pa ito sa isang university kaya marami talagang customer.
8:00 pm natapos ang shift ko, syempre dahil student palang ako ay 4 hours lang ang binibigay na oras sakin sa work.
Lumabas na ako matapos magpalit ng uniform. Si Olivia ay sinundo ng driver nya. Hindi naman madilim ang daan dahil maraming poste sa paligid, marami paring tao pero nararandaman ko na kanina pa may sumusunod sakin. May lalaking naka-cap na kanina ko pa napapansin sa di kalayuan at nakatingin sa gawi ko.
Sinubukan kong makihalo sa maraming talo ng mapansin kong napapalapit na sya sakin. Napabilis ang lakad ko habang palingon lingon sa kanya ng makabangga ako.
"Aray!" Napahawak ako sa noo ko na mauntog sa dibdib ng isang lalaki.
"Sor-Caspian?"
"Why aren't you watching your way?"taas kilay nyang tanong.
Imbes na sagutin sya ay lumingon ako sa likod ko at hinanap yung lalaki kanina. Hindi ko na sya nakita, sana naman wala na sya.
"Love, who is she?" Ngayon ko lang napansin ang kasama nyang babae ng magsalita ito.
Nakakapit ito sa braso nya at mukhang taga ibang school pa nanggaling. Iba kasi ang uniform nya.
Wow. Kahit sa kapit-bahay naming school may babae sya. Iba talaga ang Anderson na 'to, ang tinik-tinik sa babae.
"She's Altair. My classmate"tipid nyang sagot.
"Oh classmate" napatungo ang babae, parang relief sa kanya ang salitang classmate.
"Oo classmate, sige una na ako ah? Kailangan ko ng umuwi eh" nilagpasan ko agad sila ng biglang may sumalubong na motor sa harapan ko. Kilala ko yung nakasakay sa likod, sya yung lalaking may cap kanina! Minamanmanan nya ako kanina pa!
Hahablutin nya sana ang bag ko ng may humila sakin pabalik at niyakap ako.
Kinabahan ako dahil sa nangyari, rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Akala ko mapapahamak ako.
"You okay?"napaangat ang tingin ko.
Si Caspian, sya ang humila sakin para hindi makuha ang bag ko. Mabuti at nandyan sya, hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Bigla akong natuliro at hindi ko alam ang gagawin ng makita ko yung lalaki.
"T..Thank you Caspian"medyo wala ako sa sarili ko.
"He almost got you. Bakit ba hindi ka nag iingat?"inis ang tono nya habang nakatingin sakin.
"Sorry! H..hindi ko napansin"
"Psh. You're going home alone? I'll take you home. Let's go" hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na.
"Wait! What about me Zach?! We're going at the bar right?!" Dinig kong sigaw ng babaeng kasama nya.
"Magbar ka mag isa" boring na sagot nya at hinila na ako.
Pinanlisikan naman ako ng mata nung babae kaya napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. Wow, katakot.
"Hindi mo dapat sya iniwan"saad ko.
"I left her because of you. Wag ka ng maarte"
"Hindi ako maarte! Ayoko lang mainis sayo yung babae! Sya yung kasama mo tapos iiwan mo bigla? Syempre magagalit ako pag ginawa mo rin yun sakin"
"I don't care, I don't even know her name. Nakita ko lang sya kanina so she's not important"
Napatingin ako sa ibang direksyon dahil sa sinabi nya. Not important? Ibig sabihin ba nun... importante ako?
In your dreams Loui! In your dreams!
"Uhh saan ka nga pala pupunta?"tanong ko.
"Ihahatid kita"
"Eh? Hindi mo naman ako kailangan ihatid-"
"You almost got robbed earlier, do you think you're safe alone?"
Hindi naman ako nakapagsalita at napatingin nalang sa kalsadang nilalakaran namin. Magkahawak parin ang kamay namin, at pansin ko na hindi parin mawala ang pintig sa puso ko.
"You shouldn't let yourself go home alone at night. Babae ka Altair"
"Alam ko"sagot ko.
"At bakit ba Altair ang tawag mo sakin ha?"
"What? Caspian nga ang tawag mo sakin, nagreklamo ba ako?"tinaasan nya ako ng kilay.
Inirapan ko nalang sya. Hindi ko talaga makausap ng matino ang lalaking 'to.
"I don't know why you're calling me that. I'm curious but I don't mind it"saad nya. "And I like it though"
"Ha?" Napabaling ako sa kanya ng hindi ko narinig ang huli nyamg sinabi.
"Nothing" he said.
~ughhh
Napatigil kami pareho ng marinig ang kulo ng tyan ko, nagkatinginan kami ni Caspian tapos tinawanan nya ako! Kasalanan ko bang hindi pa ako kumakain!
"Nakakatawa yun?" Inirapan ko sya.
"Let's go" hindi nya parin binibitawan ang kamay ko.
Ilang minuto na kaming magkahawak at hindi ko alam kung bakot hindi ko manlang magawang magreklamo.
Wag mong sabihin nagugustuhan ko na 'to?
Imposible!
"Uy teka! Saan tayo?!"
"We'll eat. Gutom na yang ahas mo sa tyan haha"
Pumasok kami sa isang French restaurant. Bigla akong nahiya, seryoso ba 'to? Mukhang mahal dito!
"Bonsoir, Madame, Monsieur"
"Bonsoir" sagot ni Caspian at ngumiti sa babaeng nasa pinto.
"Ano yun?"tanong ko kay Caspian.
"Good evening daw"sagot nya.
"Good evening? Bakit parang ang haba ng sinabi nya?"
He just chuckled and shake his head. Bakit tinatawanan nya ako? Malay ko ba kung anong ibig sabihin nun?
"Salut! Mon Ami!"
Nagulat ako ng may sumalubong sa aming lalaki. Isang foreigner! Blonde sya at may sea green eyes! Aaminin ko, ang gwapo ng isang 'to at mas matangkad ng konti kay Caspian.
"Hey Harry, how are you?" nag apir silang dalawa.
"Well, I'm very fine, y'know that"
Kitang kita naman na sobrang saya nila ng magkita dahil sa mga ngiti nila. Wow... kaibigan nya ba yan? Ang gwapo!
"Qui est cette jolie fille ?"(who's this beautiful?)
Na concious naman ako ng tignan ako ni Harry mula ulo hanggang paa tapos ngumiti.
"C'est ma petite amie" (she's my girl) sagot ni Caspian.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nila. Ano daw? Hindi ko maintindihan! Bakit hindi nalang sila nag english?!
"Bon goût! Mon ami!"(good taste, my friend!)
Nag apir ulit sila at tuwang tuwa sa kung ano man ang hindi ko maintindihang pinag uusapan nila. Hello? OP here?
"Hello milady, I'm Harry, Zach's friend. May I know your beautiful name?"
"Uhh...Loui?"
Na concious ako sa pormal nyang pagpapakilala. Nakakailang! Lalo na at para syang isang prinsipe na napapanood ko sa mga movies! Ang gwapo kasi!
Biglang kinuha ni Harry ang kamay ko at hinalikan ito pero bago pa yun dumampi sa balat ko at tinabing agad ni Caspian ang mukha nya.
"Jaloux!" natawa si Harry, habang si Caspian ay inirapan lang sya.
"We'll going to eat Harry, stop bothering"nakasimangot na si Caspian.
"Okay, okay. Have a good dinner! Enjoy Ms.Loui" kinindatan ako ni Harry bago umalis sa harap namin.
Hindi parin ako move on sa kanya. Kung pwede lang kiligin, ginawa ko na kanina pa!
"Is your face really like that? Blushing easily?"
"Huh?" Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko ng sabihin nya yun.
Eh? Nag b-blush ba ako?
"Psh, tara na nga"nilagpasan nya ako at sinundan ko naman sya.
"Kaibigan mo ba si Harry?"tanong ko.
"Yeah. He's the son of the owner of this restaurant. Pero sya ang nag m-manage nito ngayon"
"Pano mo sya naging friend? Italian sya?"
"He's a french. Di ka naman interesado no? Kumusta na ang pagiging loyal mo kay Damon ha?"
"Nagtatanong lang ako no"inirapan ko sya at hindi na nagtanong pa. Ang sungit.
Umupo kami ni Caspian sa vacant seats, binigyan naman agad kami ng menu pero nabato ako ng makita kung gaano kamahal dito!
"Caspian.." bulong ko.
Sinilio naman nya ako mula sa menu na hawak nya.
"Uhm... pwede bang sa iba nalang tayo kumain?"bulong ko parin.
"It's my treat, don't worry. I'll pay for everything"saad nya at tumingin muli sa menu.
"Sir? May I take your order?"tanong ng waitress.
"I want chicken confit, salade verte and grand marnier"
Tumingin naman sakin si Caspian, nagtatanong ang nga mata nya kung ano ang gusto ko.
"How about you maam?"
"Uhh mozarella sticks"tipid kong sabi.
Napairap naman si Caspian at humalukipkip.
"Give her bouillabaise, steak frites, salade lyonnaise and also a grand marnier"he said.
"How about dessert sir? We have a special classic french opera cake for couples?"
"We're not a couple miss"sagot ko agad.
"Yeah, include that on the list" sagot naman ni Caspian.
Nagpalit-palit ang tingin samin ng babae pero wala syang ibang nagawa kundi isulat ang sinabi ni Caspian.
"May pera ka ba ha? Ang mamahal ng in-order mo!" Pabulong kong sabi sa kanya.
"I told you to don't mind it"
"Eh panong hindi? Ang mahal kaya-"
"Stop saying it's expensive. It's French restaurant though, and price doesn't matter"
Napabuntong hininga naman ako, palagi naman kasing may re-bat ang lalaking 'to pag nagsasalita ako kaya nanahimik nalang ako.
Dumating na ang pagkain, tahimik lang kami pareho. Wala naman kasi kaming pag uusapan diba?
Medyo nahihiya nga ako ngayon eh, syempre alam kong hindi pa naman kami ganun ka-close pero nagawa nya akong ilibre ng dinner at dito pa talaga sa isang mamahaling restaurant!
Nakakailang pa 'tong cake for couple. Hugis heart pa kasi at may kasama pang candle na may mabangong aroma.
Sumasagi tuloy sa isip ko na para kaming nag d-date, na never ko pang naranasan.
"You're smiling" puna nya.
"Huh?"
"You're smiling, is the food taste good?"tanong nya.
Tumungo naman ako.
"Oo naman. Masarap lahat"
Naglagay naman sya ng wine sa glass ko at binigay sakin. Sa totoo lang, pinagbabawalan akong uminom ng alak ni Papa. Noon bata pa ako ay naidala daw ako sa ospital ng aksidenteng nakainom ng alak.
Pero bata pa naman ako nun kaya wala naman sigurong mangyayari sakin kung iinumin ko 'to ngayon. At tsaka malapit na ako mag-18, magiging legal na ang age ko.
"Hindi ka manlang umiinom kanina pa"
Hindi ko naman sya tinanggihan at uminom din. Nagustuhan ko yung lasa kaya nakailang ulit ako ng inom hanggang sa nararamdaman ko na nahihilo na ako.
Ugh, I feel tipsy.
"Hey.. tama na" inagaw ni Caspian ang glass ko.
"Lah, kj neto. Penge pa"nakanguso kong sabi.
"Enough, iuuwi na kita"
Hinapit nya ako sa bewang palabas ng restaurant, umiikot na ng konti ang paningin ko. Hindi naman kasi ako palainom kaya hindi ko masyadong matolerate ang alak.
Tumigil kami dahil may tinawagan si Caspian. Ako naman ay nakaramdam ng pangangati sa buong katawan ko. Err.. siguro dahil nanlalagkit ako.
"Caspian.." nanghihina akong lumapit sa kanya pero bago pa ako umabot ay nanghina na ako at natumba.
✴✴✴
To be continue...
l