Hinila ako ni Caspian papunta sa likod ng computer building. Hindi ko alam kung bakit hinila nya ako pero hinayaan ko nalang sya.
"Ano na naman ba?"
"Where have you been yesterday?" Halata ang inis sa tono nya.
"Umuwi ako. Naboring ako" tipid ko nalang na sagot.
"Bakit ka umuwi?! I told you to be there!"
"Pake mo ba? Boss ba kita? Makautos ka dyan! At nandoon talaga ako pero umalis ako dahil kina Sierra at Mon-Damon"napairap ako sa pagpilipit ng dila ko.
"Psh. You're presence is not that big deal actually. Pero nakakainis dahil hindi natuloy ang plano ko kahapon" inis na sabi nya.
"Plano? Plano para pagselosin si Sierra?"
Hindi naman sya sumagot. Imbes ay umirap lang sya sakin. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. May gana syang maglandi sa iba eh hindi pa naman pala nakaka moved on.
"Naglalandi ka na sa iba para maka move on tapos may pa-plano-plano ka pa na pagselosin si Sierra?Sabihin mo nga? May saltik ka ba?"
"It's not what you think! At hindi ko sya pinapagselos!"
"Eh anong tawag dun? Pakitang hindi affected? Halata namang pinapagselos mo yung tao, pero sa tingin ko hindi rin yung effective kasi mas gusto nya si Damon. Diba? Diba?"
"Stop mocking me okay?"umirap sya sakin.
"Kung gusto mong makuha ulit si Sierra, agawin mo sya kay Damon. Landiin mo ulit. Diba dun ka magaling?"
"It's not that easy okay? I know her motive to Damon. Kung makuha ko man sya, It'll just be temporary. I want her permanently"seryosong saad nya.
Natulala ako kay Caspian dahil sa sinabi nya. Hindi ko akalain na ganito pala ang isang Zachary Caspian sa babae. May ipinaglalaban.
"Mahal mo ba talaga si Sierra?"biglang tanong ko.
"Maybe" tipid nyang sagot.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Maybe? Hindi pa sya sigurado ha?
"Ang labo mo kausap! Gusto mo pala yung tao tapos may gana kang maglandi sa iba?"
"Because they're showing motives! And it's hard for me to resist it! Duh? It's Gracia?"
Napanganga naman ako sa sinabi nya. Gracia?! Anong Gracia?! May saltik nga talaga ang unggoy na 'to.
"Siguro kaya nagcheat si Sierra dahil playboy ka. You even hide your relationship with her kasi baka hindi kana makapaglandi tama ba?"
"Sya kaya ang nagrequest na itago ang relationship namin"
"At bakit nya gagawin yun?"
"I don't know either, sabi nya ayaw nyang mag bash ng mga tao"
"At sinamantala mo naman yun kaya naglalandi ka parin? Kaya din siguro sya nagcheat sayo dahil playboy ka talaga"
"Hey don't call me that"
"Bakit hindi ba? Playboy ka! Flirt! Palagi kitang nakikitang may kasamang ibang babae. Ewan ko nalang baka may naikama kana. Iniisip ko nga kung nakailan kana, grabe nakaka-aray!"
Nagulat ako ng isandal nya ako sa pader at inilapit ang mukha nya sakin.
Napako ang tingin ko sa mga seryoso nyang mata. Bigla kong naramdaman ang kakaibang pintig sa puso ko, sobrang bilis at kumakabog ng malakas.
"Yes I flirt. I play with girl's feelings, but I want you to know that Sierra is excluded to those. At wala pa akong naikakama because my virginity is only reserved for her"seryosong saad nya.
Titig na titig sya sakin. Napansin ko ang pagka light brown ng mga mata nya. He has a beautiful eyes.
"Playboy? Yes I am, but I am not a f*cking f*ckboy. You don't even know me yet so stop with the judging"
Hindi naman ako nakapagsalita. Naramdaman ko kasi na mukhang nagalit sya sa mga sinabi ko. Hindi ko namalayan na wala na palang preno 'tong bibig ko. Medyo naguilty ako.
"S..sorry" Binitawan naman nya ako sa wakas kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Nagagalit ka ba?" Mahinang tanong ko.
Umiwas nalang sya ng tingin at huminga ng labas sa ilong. Di ko maiwasang mapakagat ng labi dahil sa guiltiness.
"Siguro nga hindi pa kita kilala. Sorry kung ang judgemental ko dahil sa mga nakikita ko sayo. Sa isang tao lang kasi umiikot ang mundo ko kaya hindi ko maiintindihan ang sitwasyon mo"
Napatingin sya sakin bigla.
"Alam ko wala akong karapatang magsalita sayo. Ni wala nga akong experience sa pagkakaroon ng relationship. Kaya sorry kung ano man yung mga nasabi ko"sincere kong sabi.
"None? As in zero?"taas kilay nyang tanong.
"Ha?" Hindi ko nagets ang sinabi nya.
"You never been in a relationship?"
"Kay Damon palagi umiikot ang mundo ko, sa tingin mo ba magkakagusto pa ako sa iba?"
"Psh. Damon na naman. I really hate that guy"inis nyang sabi.
"I hate him now too"mahinang sabi ko.
"At anong walang experience sa relationship? You're my girlfriend remember?"
Napairap ako sa kanya.
"Tigilan mo na nga ang kakagirlfriend-girlfriend mo dyan. Hindi na ako natutuwa dyan"
"As if namang gusto ko 'to? Di kita type no"
"Eh bakit sinasabi mo parin na girlfriend mo ko kung ayaw mo naman pala?"
Ngumisi naman sya at hinawakan bigla ang chin ko. My heart pound immediately and my face started to turn into red.
"Because I like how your face blushed whenever I'm saying that. Right girlfriend?"he grinned.
Tinampal ko naman ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin. Trip nya ba ako ha? Akala nya nakakatuwa?
"Tigilan mo na ako! Psh, kaasar ka" tinalikuran ko na sya.
Tutal malapit narin matapos ang break ay babalik na ako sa room.
"They're so cute no? Haha parang body guard lang si Zach"
"They're not really a showy couple pero nakakakilig. My gosh!"
"They are! Last time I saw Zach kissed her on her forehead!"
Napakunot ang noo ko sa mga taong nadaraanan ko. Nakatingin kasi sila sakin at sa... likod ko? Napalingon ako at nagulat ng makita si Caspian na nakasunod habang nakapamulsa.
"Bakit mo ko sinusundan?"tinaasan ko sya ng kilay.
"Me? Following you? Are you sure about that?"tinaasan nya rin ako ng kilay.
"Eh bakit nasa likod kita? Sinusundan mo ko eh!"
"You're blocking the way. And we're classmate remember? We're at the same room. Idiot"
"Aray!" Bigla nya akong pinitik sa noo.
Sinamaan ko sya ng tingin at hinanda ang kamao ko para suntukin sana sya pero nagawa nyang hulihin ang kamay ko at tiniklop agad sa kamay nya.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya at napatingin sa kanya.
"Ano ba-"
"5 minutes left idiot. Ma l-late na tayo"hinila nya ako habang hawak ng mahigpit ang kamay ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao at kitang kita ko ang mga naglalaparang ngiti at nag iimpitang kilig mula sa mga studyante.
The heck, bet nila ang loveteam namin? Seryoso ba sila?
Pero habang tinatahak ang hallway ay natanaw ko si Sierra sa di kalayuan. Nakatingin sa samin at halata ko ang selos sa mukha nya. I look back to Caspian, nakangiti sya ng maliit.
Sandali nga? Sinasadya ng lokong 'to ang paghawak sa kamay ko para makita ni Sierra no? Haist.
Nang makarating kami sa room ay pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin. Hindi parin kasi binibitawan ni Caspian ang kamay ko hanggang sa makarating sa assigned seat namin.
"Oh kamay mo, nasarapan ka na naman"saad nya kaya hinampas ko sya sa braso ng malakas.
Natawa naman sya ng mahina.
"Alam ko ang ginawa mo at pinagbigyan kita. Pasalamat ka nga dyan. Psh"
"Why would I? Nakalibre kana nga ng hawak sakin"
"Ang kapal mo talaga! Hinding hindi na ako magpapagamit sayo!" Inirapan ko sya at naupo sa seat ko.
Dumating naman sina Kurt, Axel at Cooper. Mga seryoso ang mukha nila ng umupo sa kanya kanya nilang upuan. Nakita ko ang pagtataka kay Caspian nilapitan nya si Kurt at nakipag usap. Kaso hindi ko naman marinig dahil medyo malayo ang seat nya, at hindi naman ako chismosa para makinig pa sa kanila.
Nakita ko naman si Kate na nakangusong pumasok sa room. Nang makita nya ako ay lalo pa syang napanguso.
"Ayaw mo ba talaga sakin ha?" Bungad nya sakin ng makaupo sa tabi ko.
"Ha?"
"Ayaw mo ba akong kaibigan? Makulit ba ako? Bakit hindi mo ako sinasamahan?"
Natawa ako sa itsura nya at kung gaano sya ka-cute.
"Ano bang sinasabi mo? Nakakatawa ang itsura mo, mukha kang tuta!"
"Sagutin mo nalang ako! Ayaw mo ko maging friend no?!"
"At sinong may sabi nyan?"
"Wala! Pero nararamdaman ko yun! Ni hindi mo ko sinasama pag nag b-break ka!"
"Kate..may kinausap ako kanina kaya-"
"Sinong kasama mo kanina?"
"Si Caspian-"
"Si Zach?! Si Zach na naman! Akala mo ba hindi mo sya type, eh bakit palagi kayong magkasama?!"
Napapikit naman ako at umiling iling.
"Nagkataon lang yun. At kinausap ko si Mon-Damon kanina, tinanggap ko na ng buo na hindi nya ako magagawang magustuhan"pahina ng pahina ang boses ko.
Naging malumanay ang mga mata nya at tinapik ako sa balikat.
"Hayaan mo na sya kay Sierra, kay Zach ka nalang"saad nya.
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Tigilan mo na nga ang kakalink sakin kay Caspian. Hindi ko sya gusto"
"Weh? Parang kanina lang usap-usapan yung holding hands nyo sa hallway?"
"Hindi naman-"
"Okay everyone settle down!"
Hindi na ako nakapagsalita ng dumating ang teacher namin. Si Kate ay inaasar ako sa mga tingin nya at nginingisian ako.
Bigla naman syang ngumuso at tinuro si Caspian na pabalik sa seat nya. Napatingin ako kay Caspian saglit at binalik ulit kay Kate tsaka sya inirapan.
Baliw talaga. Paniwalaan nya ang gusto nyang paniwalaan. Tch.
"Okay.. we will have a surprise performance class"
Umingay ang klase ng magsalita si Sir.
"Medyo nahuhuli na tayo sa lesson at kulang pa ang mga performance at activities nyo kaya magsasagawa tayo ng 50 points performance activity"
"50 points oh my gosh.." bulong ni Kate at napatingin sakin.
Sobrang laki ng 50 points.
"Kailangan nyo 'to dahil kulang na kulang kayo sa performance and activity especially you-Ms.Olivar. Transferee ka, kailangan mong maghabol"sabi ni sir habang nakatingin sakin.
Na-pressure tuloy ako bigla. Err.. kailangan ko ng 50 points na 'to.
"Okay since this is a music class, for our 50 points performance activity, you need to sing a song that describe your mood right now. Kahit sintunado pa yan o hindi, that will be automatically 50"
"Yun oh!"
"Hayss buti nalang.. ehem ehem!"
"Akala ko wala na akong pag asa"
"At since kailangan makahabol ni Ms.Olivar sa subject ko. Sya na ang mauuna"
Wtf?
✴✴✴
To be continue...