Chapter 8

1388 Words
THE NEXT DAY, usap-usapan ang intraschool performance kahapon. Palagi ko pang naririnig yung kanta ni Monchi at Sierra na nakarecord sa phone ng isang studyante. Nakakarindi na nga e. "May studio version din daw yung mga kinanta nila kahapon kaya pwede i-download. Id-download ko yung kanta ni Damon at Sierra! Ang ganda!" Sinalpak ko ang earphone ko para hindi ko na marinig ang usapan nila. Pumasok ako sa room at tumungo agad sa mesa ko. Wala talaga akong gana dahil kanina ko pa naririnig ang usap-usapan tungkol sa napakagandang kanta daw nina Monchi at Sierra. At naiinis ako! "Uy Loui" inangat ko ang ulo ko ng kalabitin ako ni Kate. "Oh?" "Bigla kang nawala kahapon"nakanguso nyang sabi. "Nawalan ako ng gana"wala sa mood kong sabi. "Dahil ba kay Damon? Sya ba yung tinatawag mong Monchi?" Tumungo naman ako. "Bentang benta ang kanta nila kahapon. Next week ire-release ang studio version ng mga kanta ng lahat ng banda at simula na ang rankings for the month. Medyo kinakabahan ako, baka hindi makuha ng Lovesickers ang top 1"malungkot nyang sabi. Hindi nalang ako sumagot. Wala naman akong pakielam sa rankings na yan. Basta ang laman ng isip ko ngayon ay yung lyrics na sinulat ko para kay Monchi. "Ilang beses narin nagtalo ang WildInnocents at Lovesickers para sa monthly rank pero ngayon mukhang laglag sila Kuya" Napatingin ako kay Kate na nag s-scroll sa phone nya. Tinitignan nya yung mga rankings nung nakaraang buwan sa isang app. Kumunot ang noo ko ng makita ang mga pamilyar na title mula sa WildInnocents. "Kate? Pwede ko bang hiramin ang phone mo?" "Yeah sure" Pinakinggan ko naman ang bawat kanta ng WildInnocents. At sa bawat kanta na narinig ko ay unti unti ng namumuo ang inis at galit ko. Lahat ng kanta nila ay ang mga lyrics na sinulat ko para kay Monchi noon! Tinignan ko ang description nito. Lyricist: Damon Composer and Arranger: Phoenix Hindi ako makapaniwala! Talagang inangkin nya pa ang gawa ko?! Dahil sa mga nakita ko ay may namuong ideya sa isip ko. Ito ba ang dahilan kung palagi syang nanghihingi ng love letter sa akin noon? Akala ko kaya gusto nyang makatanggap ng love letters mula sa akin dahil gusto nyang maramdaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Yun nga ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay special ako noon dahil nararamdaman ko na gustong gusto nya ang mga love letters na sinusulat ko para sa kanya. Pinaikot nya lang ba ako? Dahil alam nyang magagamit nya ang mga gawa ko? Hindi ko namalayan na break na pala. Mabilis akong lumabas ng room. Ayokong isama si Kate dahil wala ako sa mood, gusto kong mapag isa. "What happened to Lovesickers? Yung kanta nila kahapon sobrang plain" "Oo nga eh. Tapos yun din yung kinanta nila last year. Wala manlang bagong kanta" "Napakinggan mo ba yung bagong kanta ng WildInnocents? Pakinggan mo ang ganda! Yung lyrics ang ganda din!" Binilisan ko ang lakad ko papunta sana sa rooftop ng bigla kong nakasalubong si Monchi sa kaparehong building. May kasama syang isang lalaki, mabuti hindi nya kasama yung Sierra nya. "Bro.. diba yun yung tinatawag kang Monchi nung nakaraan?" Napatingin sakin si Monchi at sa pagkakataong yun ay hindi ko pinakawalan ang tingin nya. Lumapit agad ako sa kanya at bumuntong hininga sa harap nya. "Mag uusap tayo"mahinahong sabi ko. Nagpabalik balik ang tingin ng kasama nyang lalaki sa aming dalawa. "Phoenix, mauna kana sa canteen. Bilhan mo narin ako"bilin nya. Hinila ko naman si Monchi papunta sa rooftop. Sinara ko agad ang pinto ng padabog at tinignan sya ng seryoso. "Ginamit mo lang ba ako ha?"sabi ko agad sa kanya. Hindi naman sya sumagot. "Lahat ng love letters ko noon na hinihingi mo sakin. Lahat yun ginamit mo para dito?!" "Ano pang silbi ng lyrics mo kung hindi naman lalapatan ng kanta? That makes sense right?"dahilan niya. "Alam ko ang punto mo! Pero sana alam mo din yung akin! Nagsulat ako para sayo! Kasi akala ko naa-appreciate mo ang nararamdaman ko! Akala ko may espesyal ka ding pagtingin sakin! Damon nagsulat ako para sayo kasi gusto kita! Lahat ng lirikong sinulat ko ay galing sa puso ko!" "Then what do you want me to do? Mag thank you?" sarkastikong nyang sabi. "Oh baka naman nagagalit ka kasi hindi ko nilagay ang pangalan mo bilang lyricist?" "Wala ka ba talagang pakielam sa nararamdaman ko ah? Lyrics lang ba talaga ang habol mo sakin noon dahil alam mong magagamit mo yun dito?" "Lou.. tinuring kitang kaibigan kahit papaano. At na-appreciate ko ang effort mo sa bawat lyrics na ginagawa mo para sakin okay?" "Pero ginawa mo akong tanga! Nagsulat ako ng nagsulat para sayo! Umasa ako na sa bawat pagsulat ko ng lyrics ay makakaramdam ka ng kakaiba para sakin! Umasa ako Monchi! Umasa ako sayo! At hanggang ngayon umaasa parin ako!" Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo. Masyadong masakit ang ginawa nya. Ginamit nya lang ako? Ginamit nya lang ang nararamdaman ko para sa mga liriko na gusto nyang angkinin. "Papano mo 'to nagawa sakin? You took advantage of me! Sinamantala mo ang nararamdaman ko para lang makuha ang gusto mo! Para ano? Para lang sumikat?! Para lang masabe na magaling ka?!" "Oo ginamit ko ang mga lyrics mo! Lou.. sa totoo lang kinamamanghaan kita sa pagiging isang magaling na lyricist. At aaminin ko din na gusto kong sumikat kaya ginamit kita para sumulat sakin. Pero gusto kong malaman mo na hindi ka balewala sakin, importante ka dahil kaibigan kita" "Hindi. Dahil para sayo isa lang akong instrumento. Instrumento para sa pangarap mo!" "Hindi mo ba naisip na pareho lang tayong nakikinabang? Nakakagawa ka ng isang magandang lyrics dahil sakin, at pwede kong lapatan yun ng kanta. Lou.. we can work together.. you can even be our lyricist. Sumali ka samin, may magandang salary—" "At balak mo pa akong isali sa banda nyo ha?! Ang kapal talaga ng mukha mo! Hindi ako sasali sa inyo kasama ng cheater na girlfriend mo!"inis na sigaw ko. Natawa naman sya ng mahina. "Edi lumabas din yung totoo, nagseselos ka kaya ganyan ka kagalit sakin" "At nakakatuwa yun sa tingin mo?" Inis na sabi ko. "Louchi.. hindi natin kailangan mag away ng ganito. At si Sierra? Oo girlfriend ko sya pero hindi ibig sabihin na gusto ko na sya kaya may pag asa ka pa na baguhin yung nararamdaman ko para sayo" "Kung ganon ginagamit mo din sya? Para ano? Dagdag sa popularity? At anong tingin mo sakin? Manglilimos ako ng pagmamahal sayo kahit alam kong paaasahin mo na naman ako? Hindi ako tanga" Napaismid ako. "Hindi talaga ako makapaniwala na nababaliw ako sayo Monchi. Wala kang ibang inisip kundi ang sarili mo. Kundi ang sumikat. Nakaka disappoint ka"nilagpasan ko na sya at agad na bumaba sa rooftop. Matapos ang pag uusap na yun ay nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib. Kahit papaano ay nailabas ko narin ang sama ng loob ko. Pero hindi ko parin maiwasang malungkot dahil sa mga nalaman ko. Sa katotohanang, pinaglaruan lang ako ni Damon. Hindi ko na sya tatawagin sa pangalang Monchi dahil ayoko ng maging espesyal sya para sakin. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko ng maalala yung mga pangyayari kanina. Sinong mag aakala na sa likod ng maamong mukha nya ay may itinatago ding baho sa loob? "Aray!" Napahawak ako sa ulo ko ng mauntog sa taong nasa harap ko. Pag angat ko ng tingin ay bumungad sakin si Caspian na blangko lang ang mukha. Tinitigan nya ako ng ilang segundo at napakunot. "Umiyak ka ba?"takang tanong nya. "Ha? Hindi ah" pinunasan ko ang mata ko gamit ang kamay ko. "Louchi.." pareho kaming napatingin ni Caspian ng makita si Damon na pababasa hagdan sa rooftop. Lumapit sya samin at pansin ko pa ang kakaibang pagtititigan nila ni Caspian. "Nahulog mo yung I.D mo" saad nya at inabot sakin ang I.D ko. Mabilis kong hinablot ang I.D ko at hindi na sya tinignan pang muli. "Una na ako Caspian"sabi ko at tumalikod agad para umalis. Mabilis kong tinahak ang hallway para makaalis agad sa pwestong yun. Ayokong makita si Damon. Nasasaktan parin ako pag nakikita ko sya. Pero napatigil ako ng may biglang humila sakin. Pagtingin ko ay si Caspian pala. "What?"takang tanong ko. "May atraso ka sakin" ✴✴✴
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD