Chapter 7

1582 Words
EVERYONE are quite busy. Mamaya na kasi ang intraschool performance para sa rankings next month. Lahat excited lalo na ang fans ng bawat banda. Habang ako? Ay painom-inom lang ng delight sa gilid ng room. Si Kaye busy sa pag gawa ng banner para sa demanding nyang kuya. Inutos kasi nito na gawan daw sila ng banner. "Alam mo? Imbes na paupo-upo ka lang dyan. Tulungan mo ko dito"nakasimangot na si Kate. "I told you. Art is not my thing"boring kong saad. Hindi naman talaga ako mahilig sa arts. Baka mamaya, pumanget lang ang gawa nya pag tumulong ako. I don't have those magical hands. "Psh. May 3 hours pa naman bago ang Intraschool"bumuntong hininga si Kate at nagpatuloy sa ginagawa. "Gusto mo ng pagkain? Hindi ka pa nag b-break kanina pa" "Libre mo ba?"kuminang ang mga mata nya sakin. Tumungo naman ako, since wala naman akong maitutulong sa kanya. "Yiie! Sure! thanks Lou!" Ngumiti nalang ako at lumabas sa room. Dumeretso muna ako sa public sink dahil nalagyan ng washable paint ang kamay ko kanina. Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng makarinig ako ng mahinang hagikgikan mula sa kung saan man. Napakunot ang noo ko at walay malay na naglakad sa likod ng pader kung nasaan ang sink. Napahinto ako ng makita si Caspian, may kasamang babae at nakikipaglandian. Nakapulupot ang kamay ng babae sa kanya habang hinahalikhalikan ni Caspian ang leeg nito dahilan para mapahahikgik ang babae sa kiliti. Hayss.. bakit ba palagi ko nalang syang nahuhuli sa akto ng paglalandi? "Z..Zach"kinalabit ng babae si Caspian ng makita ako. Sa itsura ng babae, kinakabahan sya sakin. Err? Bakit? Nangangain ba ako? Napatingin sakin si Caspian at nagtataka kung bakit ako nandito. "What?" Medyo may inis sa tono nya na para bang inistorbo ko sya. "Don't give me that look. Napadaan lang ako"ani ko. "Hindi ba sya magagalit? Girlfriend mo sya diba?"tanong ng babae kay Zach. Caspian look at me like 'oh girlfriend ko nga pala 'to' Napairap ako sa reaksyon nyang yun. Like duh? Girlfriend? Wag na uy. "Yeah. That's why I think I should leave you now. See you around Love"he wink at her and smile charmingly. Naglakad naman si Caspian papalapit sakin. "Let's go" nakabusangot nyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Inalis ko naman yun agad kaya napatigil sya at tinignan ako. "What?" "Bakit isasama mo ako? May iba akong pupuntahan" umirap ako sa kanya. "Where is that?"tanong nya. "Sa canteen"sagot ko. "Then tara na" kinuha nya ulit ang kamay ko. Sinubukan ko yung tanggalin pero hinigpitan nya ang hawak. "Ano ba? Bitawan mo nga ako! Ang daming nakatingin!"inis na sabi ko. "So what? Ang alam nila girlfriend kita, so I can hold your hand in public" "Pwede bang tigilan mo na ang pag arte? Maglandi ka nalang ulit doon sa babae mo kanina!" Napahinto sya sa paglalakad at tinignan ako ng may kunot sa noo. "Are you jealous?" "Huh? Excuse me?" "You sound like jealous"he chuckled. "Oh c'mmon Caspian, heto ka na naman sa pag a-assuming mo" "Whatever" hinila nalamg nya akong papunta sa canteen. Tinanong nya kung anong bibilhin ko at sya narin ang nagbayad. Lumabas kami ng canteen na hindi parin natatanggal ang kamay nya sakin. Paano kasi mas humihigpit sya pag inaalis ko. "Wala ba kayong practice para mamaya at may time ka pang makipaglandian?"tanong ko. "None. Kurt said we'll just need to rest for now"casual nyang sagot at hindi manlang tumingin sakin. "Uhh.. lahat ba ng banda sa school na 'to nag p-participate sa intraschool performance?" "Yeah" Pumasok na naman sa isip ko si Monchi. Nagdadalawang isip tuloy ako kung manonood ba ako o hindi. Ayoko syang makita dahil hanggang ngayon masakit parin pero gusto ko syang mapanood para suportahan parin sya O diba? Ganun ako kalala sa kanya. Kahit naman kasi nasaktam nya ako, may pinagsamahan parin kami at masaya ako dahil naaabot na nya ang mga pangarap nya. "Aray!" Bigla nya akong hinila, nauntog tuloy ako sa dibdib nya. "Ano ba?!" "Stop thinking about anything when you're with me" "At anong pake mo, eh utak at isip ko 'to"sabi ko at umirap. "You need to be at auditorium later understand?"seryosong saad nya. "Ayoko sanang pumunta-" "Pumunta ka!" "Bakit ba?" "Because everyone will think that you're not a supportuve girlfriend" "Excuse me? Hindi mo ko girlfriend okay?"taas kilay kong sabi. Napabuntong hininga naman sya. "I need you to come. I want to show Sierra that I am not affected about her okay?" "Ahh gagawin mo akong props mo ganun? Kunwari moved on kana para di ka mukhang kawawa?" "Yeah so you need to come" "Bakit ako pa? Ang daming babae dyan sa gilid? Yung babaeng kasama mo kanina-" "You're my rumored girlfriend. Malamang ikaw ang gagamitin ko" "Gagamiting huh? Okay. Daming arte"sagot ko. "Good. I'll see you then" tinalikuran nya agad ako kaso bigla syang napatigil ng makita yung mga studyante na nakatingin saming dalawa. He turn around me again and kiss my forehead quickly. Sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng kiliti sa kalamnan ko. Wtf is this? Tumingin ulit sya sa mga studyante at halatang kilig na kilig sa ginawa nya. So gusto nya lang ipakita yun sa mga studyante? Ano bang isip ang meron sa unggoy na 'to? Muli syang tumingin sakin at ngumisi bago umalis. Anong palabas na naman yun? Talaga bang gusto nyang maging artista? Bumalik na ako sa room para ibigay ang cheesedog ni Kate. Mabuti naman at matatapos na sya sa banner nya. "Haist! Ang tagal mo!"reklamo nya. "Sorry" "Judge mo nga yung gawa ko, baka kasi panget eh" "Okay lang naman, maganda yung letterings at yung kulay hindi masakit sa mata"ani ko. Napangiti naman sya at halatang natutuwa sa papuri ko. Lumipas ang ilang oras. Napupuno na ang buong auditorium. Malaki ang auditorium namin, sapat lang para sa napakaraming studyante. Mabuti at malakas ang aircon kaya hindi tatagaktak ang pawis namin. "Everyone settle down. We'll start after 5 minutes"ani ng announcer. "Ito ang first attend mo sa intraschool. Mas maganda 'to sa practice dahil nay mga pasabog na! Nae-excite ka ba?"hindi maalid ang excitement sa tono ni Kate. "Okay lang"tipid kong sabi. Sa totoo lang medyo nae-excite ako. Sa ambiance kasi ng buong lugar, parang nasa concert ako. May mga light stick kasi ang iba tapos may mga balloon pa. Nasa unahan kami ni Kate, dito talaga kami pumwesto dahil ni-reserved ng kuya nya para sa amin. "Okay everyone! Let's start our monthly intraschool performance!" Nagsigawan na ang mga tao ng magsalit ang MC. "Let's welcome the Stormy Nights! Give a round of applause!" Naghiyawan ang mga tao ng magsimulang tumugtog ang unang banda. They're good actually. Babae ang vocalist at guitarist nila. The rest ay lalaki, may dating din naman kahit papaano ang tugtog nila lalo na't soft rock ang tugtog nila. Para talaga kong nasa concert dahil may mga usok effect pa tsaka lights ang yung parang fireworks na putok? Ang daming effect kaya nakakaenjoy panoorin. After ng tatlong banda ay naghiyawan ng mas malakas ang mga tao. "And our next band, give them a round of applause. WildInnocents!" "KYAHH!!" "It all started when you say hi to me. You wave your hand while smiling at me. From that day you take my heart from me..." Natulala ako ng marinig ang napakapamilyar na lyrics na yun. Tumingin ako kay Monchi na nasa stage at kinakanta ng buong puso ang bawat liriko. Hindi ako pwedeng magkamali... Ito yung love letter na binigay ko sa kanya noon. Yung lyrics sa sinulat ko para iparating ang nararamdaman ko sa kanya noon. Lahat ng love letter ko ay puro lyrics ng kanta na ako mismo ang gumawa ang laman nun. Hindi ko akalaing... gagamitin nya yun para dito. "Hey you boy, yes you boy. Why are you always knock on my heart's door now you take away, yeah you take away. My key on my, my front door.." Everyone are yelling ng lumabas si Sierra at kinanta ang chorus. Bigla akong nanghina ng makita sya sa tabi ni Monchi. Kumirot na naman ang puso ko. At nakaramdam ako ng galit. Walang sinuman ang pwedeng kumanta ng mga lyrics na gawa ko! Tanggap ko pa kung si Monchi ang kakanta nun pero ang babaeng ito? Hindi pwede! "Maybe baby you're the one that I need. Without you here, it's hard for me to breath. Now I know my feelings for 'r going so deep. I know now you're driving me crazy..." Bigla silang nagkiss ng mabilis na ikinahiyaw ng mga tao. Hindi ko na nakayanan ang mga pangyayari kaya tumayo na ako sa pwesto ko. Sakto naman ang pagtama ng tingin sakin ni Monchi. At pinakita ko talaga ang galit ko sa mga tingin ko sa kanya. Una akong umiwas at umalis sa auditorium. Hindi ko na napigilan ang luha ko na tumulo pagka labas. He just rejected me tapos may guts pa sya para gamitin ang mga sinulat ko kasama ang babaeng yun?! Alam kong ibinigay ko yun sa kanya but still ako parin ang gumawa nun at sakin yun galing! Hindi na ako nanood at umuwi nalang sya bahay. I am so tired. Gusto ko ng matulog pero sobrang daming pumapasok sa isip ko. Hindi ko matanggap na lahat ng effort ko para sa love letters na ginawa ko ay pinakikinabangan nya pati ng girlfriend nya. Parang tinapakan ako, tinapakan patin na pride ko! Hindi na ako magsusulat para sa kanya! Hindi na ako magsusulat para kanino man! ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD