Pareho silang napatayo ng makita kami.
"Zach.."
"No. Don't say anything, Sierra" malamig na tugon ni Caspian. "Don't try to explain, I can tell what's going on" Napailing siya, tila disappointed. "Cheater"
"You're cheating too!" napataas ang boses ni Sierra dahilan para mapakunot ang noo ni Caspian.
"Really? Huh?" Sarkastikong sagot nya.
"Akala mo ba hindi ko alam?! You're cheating on me! With her!" Sigaw nya at tinuro pa ako.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagtama ang tingin namin ni Monchi, tinitigan nya ako ng matagal. Walang emosyon ang mga mata nya, hindi ko na nakikita ang concern nya sa akin katulad noon.
Bakit bigla syang nagbago? Anong nangyari sa Monchi na kilala ko noon?
"Stop playing the victim Sierra. You know who's the cheater here. I am so diappointed about you" seryosong saad ni Caspian at tumalikod na para umalis.
Iniwan nya akong nakatayo parin sa harap ng dalawa. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin.
Alam kong immune na ako sa sakit na ito, pero naluluha parin ako. Sinusubukan ko na ngang tumingin sa kisame para hindi bumagsak ang luha ko.
Maraming beses na itong nangyari, alam kong wala akong karapatang magselos, pero masaktan oo. Gusto ko si Monchi noon pa man, pero kahit isang beses hindi nya manlang sinuklian ng parehong damdamin na binibigay ko sa kanya.
"M..Monchi.." nabasag na ang boses ko.
Sinalubong ni Monchi ang tingin ko pero wala parin syang emosyon. He's cold, he's so cold to me. Why?
Hindi nya ba gusto na nandito ako? Ayaw nya na ba akong makita? Bakit hindi nya manlang ako kausapin ng maayos?
"At ikaw? Aagawin mo rin sakin si Damon ha? Malandi ka—"
"Don't you dare touch her Sierra" pagbabanta ni Monchi bago pa makalapit sakin ni Sierra.
"Pati ba naman ikaw?! What's so special about her?!" inis na sabi ni Sierra.
"Lou.. go back to your class.. lunch time is about to over" mahinahong saad ni Monchi.
"Monchi.. g..gusto kitang makausap. Hindi mo manlang ba ako kakausapin? Ilang taon na—"
"Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi?! Umalis kana!" Sigaw ni Sierra.
"I wanted to talk to him! Bakit ba umeepal ka?!" Napasigaw narin ako kay Sierra sa inis.
"Ako pa talaga?! You are the one who-"
"Stop the two of you!!" sigaw ni Monchi.
"Damon, sabihin mo sa fangirl na yan na umalis na. Or else ako ang aalis dito!" humalukipkip si Sierra at inirapan pa ako.
Napatingin ako kay Damon at nakiusap sa kanya na makipag usap sakin sa pamamagitan ng mga tingin pero umiwas lang sya ng tingin sakin.
"Lou.. please go to your class" malamig na saad ni Monchi.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at tuluyan ng pumatak ang luha ko dahil sa sinabi nya.
Ganun nalang yun? Hindi manlang nya ba ako kakausapin? Parang itinapon nya lang lahat ng pinagsamahan namin noon!
"P..Pero Monchi.."
"Ano ba! Sabing umalis kana!!" Sigaw ni Sierra at tinulak ako bigla.
"Sierra! Don't hurt her!" Nilapitan agad ako ni Monchi.
Sa sandaling yun ay gusto ko syang yakapin. Gusto kong iparamdam na hanggang ngayon ay sya parin ang nilalaman ng puso ko. Pero pinipigilan ako ng mga tingin nyang blangko.
"Lou please... umalis kana"
"M..Monchi mahal parin kita.." yan nalang ang nasabi ko sa kanya.
Tinitigan nya ako ng ilang segundo at napabuntong hininga.
"Lou, may girlfriend na ako, si Sierra"
Natulala ako sa kanya. Ilang karayom ang tumusok sa dibdib ko dahil sa nga katagang yun.
Una palang wala na akong pag asa pero umasa parin ako dahil sa special treatment nya sakin noon. Akala ko pwedeng pang humigit sa kaibigan ang tingin namin sa isa't isa, pero isang malaking IMPOSIBLE ang pangyayaring yun.
Hindi ko namalayan ang patak ng luha ko sa pisngi. Hindi ko na kaya ang atmosphere kaya tumalikod na agad ako at umalis.
Pinahid ko ang luha ko sa pisngi ng makalabas sa building.
Ang sakit. Sobrang sakit. Akala ko may magbabago sa amin pagkatapos ng dalawang taon. Akala ko mag le-level up ang relationship namin pero mukhang hanggang panaginip nalang ang lahat.
Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop.
I don't think I can go to my class now. Nawalan ako ng gana. Kailangan kong mapag isa muna. Kailangan kong pakalmahin muna ang puso ko.
Umupo ako sa gilid at niyakap ang tuhod ko tsaka umiyak ng umiyak. Hindi ito ang unang beses na nireject nya ako, pero ito ang pinakamasakit sa lahat ng rejection nya sa akin noon.
Monchi, masyado akong nahulog sayo at hindi ko alam kung kaya ko pang umahon sa pagkakahulog ko sayo. Gusto pa kitang mahalin pero ang sakit sakit na.
CUTTING man na maitatawag pero mukhang yun nga talaga ang nangyari sakin matapos ang rejection sakin ni Monchi ng araw na yun. Hindi ako pumasok sa afternoon class ko.
Duh? Papasok pa ba ako kung namamaga ang mga mata ko? Ayokong kwestyunin ng lecturer at mga kaklase ko.
Isang linggo na ang nakalipas pero hindi parin ako nakakamove one. Madalas parin akong umiyak, lalo na pag nagsusulat ako ng lyrics. I can't help to give all my emotions to those lyrics I made.
"Lou? Sigurado ka bang okay ka lang? Palagi ka nalang tulala"
"Okay lang ako"
"I think you are not"
"Kate ayos lang talaga ako"pagpupumilit ko.
KASINUNGALIAN. Alam kong hindi ako okay. Paano kasi, kalat na kalat na sa buong school ang relasyon nina Sierra at Monchi. Ang nagpapagaan nga lang ng loob ko ay yung mga basher ni Sierra eh. Maraming nag sasabi na hindi sila bagay, malamang maraming hater si Sierra pero marami parin ang sumusuporta sa loveteam nila. Kainis.
"Oy Zach, may practice tayo mamaya!" Napasigaw si Kurt ng lumabas agad si Caspian ng mag break time.
"That guy... ganun ba sya ka affected kay Sierra?!" Inis na sabi ni Kurt.
Ilang araw ng hindi nag p-practice si Caspian, at madalas syang mawala kapag magkasama ang tatlong Lovesickers. Sumasakit tuloy ang ulo ng leader nilang si Kurt.
"Last time I saw him making out with some other girl. Ganun ba sya ka brokenhearted?"ani ni Axel.
"There he goes again, the old him is back"saad ni Cooper.
Old him?
Ilang araw ko na ring hindi nakakausap si Caspian. At madalas ko din syang makita kasama ang iba't ibang babae.
Tapos sa klase ay lutang din sya. Parang pareho kaming tuliro sa mga nalaman naming nung nakaraan. Hindi ko sinabi kahit kanino ang mga nangyari, at sa palagay ko ay ganun din si Caspian. Nabalita nalang bigla ang pagiging in a relationship status nina Monchi at Sierra na ikinagulat din ng bandmates nya.
"Malapit na ang intraschool performance! Argh bakit ngayon pa sya nagkaganyan?!"inis na sabi ni Kurt.
"Let him bro, kakabreak lang nila ni Sierra"untag ni Axel.
"The day after tomorrow na ang intraschool, I am worrying about our performance"honest na sabi ni Cooper.
"Psh, kailangan syang makausap. Ayokong idadamay nya ang banda"seryosong sabi ni Kurt at lumabas na sa room.
Sumunod naman ang dalawa sa kanya.
Napabuntong hininga ako, hanggang ngayon kasi ay mabigat parin ang pakiramdam ko. Hanggang ngayon masakit parin.
"Seryoso na si Kuya, I don't think he can tolerate Zach's behavior anymore"ani ni Kate habang naiiling.
Napatingin naman sya sakin na kasalukuyang nag aayos ng gamit ko. Napataas ako ng kilay sa kanya.
"There's really something between the two of you. You two are acting the same"
"Kate tama na ang pag iisip ng sobra. Aalis na ako"
"Teka saan ka pupunta?!"
"May kailangan lang akong gawin, wag kang sumunod"sabi ko at lumabas agad.
ROOFTOP. Ito na ang naging tambayan ko. Tahimik kasi dito, walang tao kaya hindi ko maririnig ang mga walang kwentang bagay tungkol sa relasyon nina Monchi at Sierra.
Mabuti nalang at natahimik din yung issue tungkol samin ni Caspian. Ewan ko nga kung ipagpapasalamat ko pa ang revelation nina Monchi at Sierra o hindi eh.
"Y'so hopeless Lou. Wag ka ng umasa kay Monchi" sabi ko sa sarili ko.
Nasaktan naman ako sa sarili kong opinyon. Ano bang kulang sakin? Yung height lang naman ah? Sa mukha wala akong problema dahil maganda ang lahi ng mama at papa ko. May talent naman ako pero hindi ko yun pinapakita, SA KANYA LANG!
So ano pang kulang?!
" Ano bang problema ng mata ng Monchi na yan?! Bakit hindi nya ako makita?!Oo maganda si Sierra! At model type na babae! Pero alam kong may ibubuga ako kesa sa kanya!!" Inis na sabi ko.
"I don't think that's true"
Napalingon ako ng maramdamang may tao pala. Napakunot ang noo ko ng makita si Caspian. Binigyan nya ako ng isang ngisi at biglang umupo sa tabi ko.
Ayan na naman ang mga nakakaasar nyang mga ngisi.
"Anong ginagawa mo dito?"
"I'm actually about to ask the same question"he said.
Napairap ako at napanguso. Nakakahiya! Nakota nya akong mag eemote at binabatikos ang ex nya!
"Hindi tayo close no. Umalis ka nga dito"sabi ko.
"Ikaw ang umalis, nauna ako rito"he said.
"Excuse me? Ako ang nauna dito. Dito mismo sa spot na 'to"tinaasan ko sya ng kilay.
"Whatever" he rolled his eyes and look up the sky.
Ang ganda ng langit. Napaka clear at blue. Maaraw pero may sinisilungan naman kami kaya hindi mainit.
"Do you.. really think that you're really better than Sierra?" Out of nowehere ay bigla syang nagsalita.
Bigla akong nahiya at napatingin sa sahig.
"B..bakit mo naman tinatanong?!"inis na sabi ko.
"Nothing. Ganun ka kabilib sa sarili mo no?" He chuckled a little.
Napahinga ako ng labas sa ilong at tinignan sya ng matalim.
"Alam kong ex mo yun, at malamang para sayo mas lamang sya!"inis na sabi ko.
"Right. Pero ikaw ang girlfriend ko diba?"nagpakawala sya ng ngisi sakin.
"Lusaw na ang issue, di ka parin move on" Inirapan ko sya.
"Pano kung totohanin natin yung issue? Do you think matatalo natin ang trending relationship status ng dalawa?"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi. Seryoso ba sya? Gusto nyang makipag kompitensya para lang maging trending?!
"Nahihibang ka na ba? Ayoko ng atensyon. Maghanap ka ng ibang girlfriend kung gusto mo"
"But you think you're better than Sierra, kaya ikaw na ang girlfriend ko"
Sinamaan ko sya ng tingin. As in yung sobrang sama. Baliw na ang unggoy na 'to. Ano? Masyadong nasawi sa pag ibig kaya naghahanap ng pamalit?
"Excuse me? Kung mag hahanap ka ng rebound, dun ka sa babaeng may gusto sayo okay? Wag ako. Hindi ako interesado"
"Psh. Pakipot ka naman. Do you know how many girls wanted to be my girl? Then you'll just refuse me?"
"Sorry hindi ako kabilang sa mga girls na sinasabi mo. At akala ko ba hindi mo ko type ha? Nagbago na ang taste mo?"
"You're really not my type. It's just that I also want to help you get revenge to Damon"he said.
"Seryoso ba yan?"
"Pag sinabi kong oo, papayag ka na ba?"taas kilay nyang tanong.
Pero bakit naman ako mag r-revenge kay Damon? In the first place ako yung umasa, at alam ko na noon pa man ay wala na syang gusto sakin. Kaya ako din yung may mali dahil pinaasan ko din ang sarili ko.
"Hindi"tipid kong sabi.
Bumusangot naman sya bigla, na ikinatawa ko.
"Ilang araw na kitang nakikita na may kasamang ibang babae. Answer me, ganun ka ba mag move on ha?" tanong ko.
"Bakit nagseselos ka ba ha?" Ngumisi na naman sya ng nakakaasar.
"At bakit ako magseselos aber?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"You're my girlfriend so it's normal"
Inirapan ko sya na ikinatawa nya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. I admit, medyo gumaan ang loob ko dahil sa kanya. Para bang may powers sya na nag aalis ng negativities ko.
"Oo nga pala, sumasakit na ang ulo ni Kurt dahil sayo. Sumama ka na sa practice nila"
"I'm not in the mood" bagot nyang sabi.
"Kahit na, may responsibilidad ka sa Lovesickers. Wag mong gawing problema ang sarili mo sa iba"
Hindi naman sya sumagot. Doon ko nalang napagtanto na nakatitig na pala sya sakin.
"May dumi ba ako sa mukha?" Takang tanong ko.
"The way you talk, you're like a strict girlfriend" he said seriously.
"I told you, hindi ako ang girlfriend mo" inis na sabi ko.
"But everyone thinks you are. Majority wins" ngumisi sya at lumapit sakin.
"A..anong gagawin mo?!" Napabend ako habang palapit sya ng palapit.
Napatingin ako sa labi nya. Shet. Kakaiba talaga yung hubog ng labi nya eh. Bukod sa kulay pink ito, sobrang nakakaakit.
Hindi ako pwedeng maakit!
"There's something on your lips" he said.
"Huh?" Natuliro ako bigla.
Hindi ko na-gets yung sinabi nya at bago ko pa magets ay idinampi nya agad ang labi nya sakin.
What the hell?!
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya, bigla ako naestatwa ng ilang segundo hanggang sa nagkamalay ang kamay ko at sinapok sya sa mukha.
"Ouch!"
"Bastos!"
Napalayo sya at tumawa ng malakas. Naramdaman ko ang pagiging mainit ng mukha ko. Sya din ay namula sa kakatawa.
"Bakit mo ginawa yun?!"
"You're looking at my lips like you wanted to taste it" he chuckled.
"A..anong-"hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko.
Bigla akong nablangko dahil sa sinabi nya. Wala akong maisip na pangontra dahil yun nga talaga ang tumatakbo sa isip ko kanina!!
Bakit kasi nakakaakit ang labi nya?
"Anyway, I'll go first. Next time hindi lang peck ang ibibigay ko sayo" he winked at me kaya agad kong kinuha ang bote ng tubig ko at binato sya.
Nakailag naman sya at tumawa.
"I can't believe you're still the same Altair before. Still hot-headed" he grinned and left.
✴✴✴
To be continue...