Chapter 5

1721 Words
ALTAIR. He did call me that right? Sa pagkakataong yun ay parang may nabulabog sa isip ko. Lutang ako buong klase, ni hindi ko nga namalayan na lunch na pala. "Uy Lou, sa canteen tayo mag la-lunch?" "Sige" Pareho kaming lumabas papunta sa canteen. Hindi na naman mawala ang tingin sakin ng mga tao. Haist. Kailangan mawala na ang fake news na 'to. Pano kung malaman 'to ni Monchi? Baka magalit sya sakin! "Alam mo? Mukhang gusto ka ng mga tao bilang girlfriend ni Zach. I didn't hear any violent reactions from the people especially sa mga fangirls" Hindi nalang ako sumagot. Wala naman akong pakielam sa sasabihin ng iba, pero kailangan ko parin makausap si Caspian tungkol dito. Alam kong may girlfriend sya at ayoko ring makarating 'to kay Monchi. Sino kayang kumuha ng mga pictures na yun? May stalker ba ako? O si Caspian? "Who it might be..?" Napabulong ako. "Ano na namang iniisip mo dyan?"nakasimangot na si Kate. Hindi ko kasi sya masyadong nakakausap dahil lutang talaga ako. "Yung kumuha ng mga pictures. Transferee ako dito bakit may nag s-stalk agad sakin?" "Pero blessing yun I think! Pasasalamatan ko sya sa ginawa nya para hindi na si Sierra ang makatuluyan ni Zach" I rolled my eyes to her. Talagang pinag didiinan nya kaming dalawa ng unggoy na yun no? Psh. "Mag c-cr lang ako" tumayo na ako at tumungo sa cr. Ilang minuto lang naman ang itinagal at lumabas din ako. Nagulat ako ng makita si Caspian na kasabay ko sa paglabas ng cr—magkatabi lang kasi ang cr ng babae at lalake. Nang mapatingin sya sa akin ay tinignan nya lang ako ng blangko at tumalikod na parang strangers lang kami. Alam kong suplado sya, pero madalas ay sya ang namamansin sa aming dalawa. "Hoy" tawag ko sa kanya. Nilingon naman nya ako at tinaasan ng kilay. "May alam ka ba sa picture natin na kumakalat ha? Ikaw ba ang nagpakalat nun?"seryosong tanong ko. "And why do you think I will do that?"naglakad sya ng nakahalukipkip papalapit sakin. "Malay ko. Sabi mo kanina gusto mo ang mga nangyayari, so baka ikaw ang may gawa diba?"sarkastiko ang tono ko. Napangisi sya bigla. "Yeah. I like it because you're annoyed about it. And at the same time I don't like it either dahil may girlfriend ako" "That's the point! May girlfriend ka, 'e bakit hinahayaan mo lang yung issue na kumalat? Unless kung gusto mo talagang ma issue sakin?" Mataray kong sabi. Natawa naman sya at umiling iling. "I told you, you're not my type" Napasama ang tingin ko sa kanya. Ang kapal ng mukha nito! Di ko rin sya type no! Mas gwapo pa si Monchi kesa sa kanya! "You're not my type either!" "Then good"sagot nya. Napakagat ako ng labi sa inis. Ano ba talagang problema ng lalaking 'to?! Hindi nya ako type, at hindi ko rin naman sya type pero hinahayaan nyang kumalat yung issue tungkol saming dalawa. "Don't bother with that fallacy. Tayo yung nakakaalam ng totoo at alam nating aksidente yun. Just ignore them okay?" Napairap ako sa sinabi nya. Mabuti sana kung ganun lang kadali yun. Ang hirap kaya maglakad sa hallway na lahat sayo nakatingin! Palibhasa sanay na sya sa atensyon kaya ganun! "Kung hindi ikaw ang nagpakalat ng picture na yun, sino naman ang gagawa nun? Sino ang taong susundan tayong dalawa para lang gumawa ng issue?!" Nawawalan na ako ng pasensya. Ayoko talaga malagay sa ganitong sitwasyon. "No idea" nagkibit balikat lang sya at ipinasok sa bulsa ang dalawang kamay nya. "Hindi talaga kita maintindihan. Hindi ka ba nababahala sa girlfriend mo dahil sa issue na 'to?!" "Bakit ba ang big deal sayo nito? May gusto ka ba sakin ha?" Nilapit nya ang mukha nya sakin kaya napalayo ako at sinamaan sya ng tingin. "Feelingero ka talaga. Ayoko lang magmukhang masama sa girlfriend mo! At isa pa, may iba na akong gusto! Assumerong 'to!" "Who? That Damon Residencia?" "Yup! Sya lang at wala ng iba" proud kong sabi. "Psh. Mukha namang tuko yun. I am still more handsome than him" "Hindi sya mukhang tuko! Ikaw nga unggoy eh!" "What did you say?!"napakagat sya ng labi sa inis. "Bakit ba kasi kinukumpara mo pa ang sarili mo sa taong gusto ko? Syempre para sakin, lamang sya sa lahat ng bagay kesa sayo. Sino ka ba naman diba?" Saad ko at napairap. Sinimangutan nya ako at biglang hinila ang braso ko papalapit sa kanya. Nakatingala ako habang sinasalubong ang mga nakakaasar nyang mga ngisi. "Who am I? I am your rumored boyfriend"bulong nya. "Omg! Totoo nga! Sila nga talagang dalawa!" "Look at them they are so sweet!" Pareho kaming napatingin ni Caspian sa mga babaeng dumaan. Nagulat ako ng ipalibot niya ang isang kamay nya sa bewang ko at mas inilapit pa sa kanya tapos ngumiti sa mga taong dumaan. Hindi mawala ang tingin ko sa kanya. Ano ba talagang problema ng lalaking 'to? "Gusto mo ba maging artista? Galing mo rin umarte eh"sabi ko at inalis ang kamay nya sa bewang ko. "Nah. I don't want showbiz" boring nyang sagot. Napairap ako at bumuntong hininga ng malalim. "Ano ba Caspian? Let's settle this okay? Hindi naman sa ganun ako ka -affected sa issue na 'to, pero kasi.. ayokong makarating din 'to kay Monchi. Baka ma turn-off sya sakin..." napanguso na ako dahil sa mga naiisip ko. Wala naman akong pakielam sa iniisip ng iba tungkol samin, pero nay pakielam ako sa iisipin ni Monchi. Baka layuan nya ako dahil dun. "Stop that face will you?" Napairap si Caspian sakin. Kaya lalo pa akong nag pout at nagpacute sa kanya. Nairita naman sya at napasabunot sa buhok nya. "Tch! Fine! Just don't do that face again! It's so... psh! Follow me!" Tinalikuran nya agad ako. Napangiti ako bigla at sinundan sya. Sinilip ko sya mula sa gilid, ang seryoso na ng mukha nya. Nakapamulsa sya habang naglalakad. I admit, ang cool nya talaga tignan tapos ang seryoso pa ng mukha. Sa una palang talaga may kakaiba na syang DATING at AURA sakin. Malay ko ba, ang weird lang. "Saan tayo pupunta?" Nakangiting tanong ko. "Kay Cooper, he's good at computer. Baka mahanap nya kung sinong nagpakalat ng picture or mabura yung mga photos sa website" "Wow.. so he's a computer genius.." Hindi na sya sumagot kaya tahimik nalang kaming naglakad. Pero ilang hallway na ang nadaraanan namin wala parin kaming mahanap na Cooper. "Alam mo ba kung nasaan si Cooper ha?" Medyo nairita na ako. "Nope. That's why we're searching for him" Sinamaan ko naman sya ng tingin. Kung ganon kanina pa kanin pa ikot ikot dito pero hindi namin alam kung saan kami pupunta?! "Ang labo mo! May cellphone ka diba?! Ba't di mo tawagan?" "Wala akong load" Nasapo ko ang noo ko dahil sa simabi nya. Seriously? Hindi naman sya mukhang mahirap para mawalan ng load. "How about yours?"tanong nya. "Tinanong mo pa talaga ha?! Eh sinira mo nga yung phone ko diba?!"nainis ako ng maalala yun. Nakakainis na kasi eh! Hindi pa kaya ako kumakain tapos ngayon naghahanap kami sa wala! "Psh. Fine, puntahan natin si Kurt sa studio. I'm sure alam nya kung nasaan si Cooper" Hindi na ako sumagot at sinundan nalang sya. Nawala ang kunot sa noo ko ng mapagtantong sa Music building kami pupunta! makakapasok ulit ako sa music building!! "This is just the third time!" Hindi ko maiwasang mapabulong sa sarili ko. "Hoy ne, bawal ka pumasok dyan" napahinto ako ng harangan ni manong guard. Nakapasok na si Caspian habang ako ay naiwan pa sa labas! Nilingon nya ako at biglang hinawakan ang kamay ko. On a split of second, parang may kumabog sa loob ng dibdib ko. What's that? "She's with me" saad nya kay manong. Mabuti naman at hinayaan na kami ni manong. Habang naglalakad ay naiilang ako, paano kasi ay hindi nya parin tinatanggal ang pagkakahawak nya sa akin. Napakagat ako ng labi, bakit dumodoble ang pintig ng puso ko ngayon? Sa bawat paghakbang namin doble ang kaba ko. Anong nangyayari sakin? "M..malayo pa ba yung studio nyo?"tanong ko. "Sa second floor pa"tipid nyang sagot. Wala parin syang malay na magkahawak kami. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya, pakiramdam ko namumula ako. "You actually like me" Bigla ako napalingon sa kanya. "Ano?" "You like me, do you?" Nagtaas sya ng kilay at ngumisi sakin. "At bakit nag a-assume ka na naman?"tinarayan ko sya. Imbes na sumagot ay ngumisi sya at tinaas pareho ang kamay naming magkahawak. Nahiya ako bigla at mabilis na inalis yun. "Ikaw kaya ang humawak sakin!" "Na enjoy mo naman? Look, you're face is blushing, halatang enjoy na enjoy ka" Hindi parin mawala ang ngisi nya. Napakagat ang labi ko sa inis at hiya. "H..hindi ako—argh! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Natawa sya at umiling iling. Nakakabadtrip sya! Sinadya nyang patagalin yung holding hands?! Pinagtitripan nya ba ako?! Hindi sya nakakatuwa! *THUG* Pareho kaming napatigil ni Caspian ng makarinig ng kalabog sa loob ng kwartong nasa harap namin. Narealize ko na pamilyar ang kwartong ito, ito yung kwarto kung saan ko nakita si Monchi noon. Nakasara yung kurtina kaya hindi makita yung loob. Lumapit ako para buksan nang pigilan ako ni Caspian. "What are you doing?" "Duh? Edi papasok sa loob, may ingay akong narinig baka may tao" "That's the WildInnocents' studio"he said. "Alam ko, kaya nga ako papasok diba? Baka nandito si Monchi"sabi ko at pinihit na yung pinto. Hindi sya nakalock kaya pumasok na ako. Ngunit bigla akong nabato sa kinatatayuan ko ng makita si Monchi kasama ang isang babae. Nakaupo sya habang kandong ang babae at marahas na hinahalikan ang isa't isa. Biglang may kumirot sa puso ko. Parang... parang tinatarak ng kutsilyo ng maraming beses. "Bullsh*t" nilingon ko si Caspian na nasa likod ko na pala at nakatingin din sa kanila. Bigla nyang sinipa yung upuan sa gilid dahilan para mapatigil ang ginagawa ng dalawa at napalingon sa amin. Lalo akong nagulat ng makita ang babae. Si Sierra, ang girlfriend ni Caspian. "Z..Zach?"kinakabahan ang babae ng banggitin nya ang pangalan nito. Madilim na ang paningin ni Caspian sa kanilang dalawa at mahigpit na nakayukom na ang mga palad nya. "Enjoying my girl Damon? How does it taste?"punong puno ng sarkastiko ang boses nya. ✴✴✴ To be continue... l
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD