Chapter 4

1802 Words
Nasa harap na ako ni Monchi. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sakin, tila inaalala kung magkakilala ba kami. Napangiti ako. 2 years.. it's been two years. At hindi ko maiwasang kiligin dahil hindi nya makilala ang itsura ko, ewan ko kung anong parte don ang nakakakilig. Basta kinikilig ako. Maiksi ang buhok ko noong magkasama pa kami ni Monchi, pero pinahaba ko na ang buhok ko sa pagkakaakalang mas attractive daw sa mga lalaki ang mahaba ang buhok. Syempre pinahaba ko ito para kay Monchi, para sa susunod naming pagkikita ay magustuhan nya ang itsura ko. Nilaro ko ang ilang hibla ng buhok ko. "Monchi.." mahina kong tawag sa kanya. Sa pagkakataong yun ay medyo nanlaki ang mata nya sakin na para bang naaalala na nya ako. "Naaalala mo pa ba ako?"tanong ko. "Louchi?" Napangiti na naman ako ng banggitin nya rin sa wakas ang palayaw ko sa kanya. Louchi, sya lang ang tumatawag sakin nyan at ako lang ang tumatawag sa kanya ng Monchi. Para bang special endearment naming dalawa sa isa't isa. "A..ako nga" di ko maiwasang mautal dahil aaminin kong kinamamanghaan ko ang kagwapuhan nya ngayon. Para akong isang fangirl na nasa harap ng kanyang iniidolo. "I..It's been 2 years.. akala ko-" "Uy Damon tara na, may gig pa tayo diba?"saad ng kasamahan nya at napatingin sakin. "Sino 'to? Chicks mo? Ang ganda ah.."tanong nya kay Monchi. Tinignan ako ng ilang segundo ni Monchi at bumuntong hininga. "Nope. Tara na baka malate pa tayo"saad nya. "S..sandali lang Monchi" "Hindi ako pwede ngayon, sa susunod nalang"mabilis nyang saad at tinalikuran agad ako. "Next time nalang miss, may gig pa kasi kami"kinindatan ako ng kasama nya bago sumunod kay Monchi. Disappointment ang naramdaman ko ng talikuran nya ako. Bakit ganun kabilis nalang nya akong tinalikuran? Hind ba sya natutuwang makita ako? "Mukhang hindi ka crush ng crush mo" napalingon ako sa lalaking nakasandal habang nakahalukipkip sa gilid ko. Ang unggoy na hambog na lalaking assumero pa. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginisian nya lang ako. "Manahimik ka"halatang badtrip ako. "What a hopeless.." naiiling iling sya. "Sabing manahimik-aray!"susuntukin ko na sana sya ng bigla syang umilag. "Bakit ka umilag?!"inis na sabi ko. "Why not?"taas kilay nyang sagot. "Psh!"inirapan ko sya at tinignan ang kamao ko. Nagkasugat pa tuloy ako! Mabuti at maliit lang. Napatingin ako kay Caspian at nahuli ko syang nakatingin sakin, mukhang naguilty ang mukha. "Here" may kinuha sya sa bulsa ng bag nya at binigay sakin ang isang band aid. Nanlaki pa ang mata ko at natawa dahil sa frozen design nito. "Pfft! Seryoso, frozen yung design?"natatawa kong sabi. "Ilalagay mo ba o hindi?"iritang sabi nya. Natawa ako ulit. Namumula kasi ang tenga nya! Haha! Hindi ako sumagot at nilagay nalang sa kamay ko yung band aid tapos ay tumingin sa kanya ng may pagpipigil parin ng tawa. Napairap sya sakin at mukhang nainis. "Teka? Nasaan nga pala yung girlfr-" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng makitang naglalakad na pala sya palayo. Napasama tuloy ang tingin ko sa kanya. Kahit kailan talaga suplado ang isang yun. "Loui, una na ako ha?" Paalam sakin ni Kate. Tumungo naman ako at ngumiti ng maliit. Bigla akong napabuntong hininga ng maalala ang pagtalikod sakin ni Monchi kanina. Ayoko man aminin pero nasaktan ako sa pag akto nya ng ganun. Parang dati lang noong mga panahon may girlfriend pa sya. Alam ni Monchi noon pa na gusto ko na sya,pero kahit ganun ay pinilit nyang hindi kami mailang sa isa't isa. Nagkakagirlfriend parin sya kahit alam nyang may nararamdaman ako para sa kanya. At oo, immune na immune na ako sa sakit na yun dahil noon pa man ay nasasaktan na ako sa kanya pero hanggang ngayon ay umaasa parin ako dahil nararamdaman ko yun sa mga kilos nya noon. Seloso sya at ayaw nyang may dumidikit sa aking mga lalaki, ayaw din nya na kinakausap ako ng iba at higit sa lahat ayaw nyang sumusulat ako para sa iba. Alam ko kahit hindi pareho ang nararamdaman namin, espesyal parin ang ako sa kanya. "Hayss.. sana makausap ulit kita"bulong ko sa sarili. Nang makarating sa bahay ay agad akong humiga sa sariling kama. Ako lang mag isa ang nakatira dito, si papa ay nag s-stay sa isang apartment na mas malapit sa ospital kung saan sya ang tatrabaho. Samantala kailangan kong manatili dito sa bahay na binili noon ni papa dahil mas malapit sa school. Isang therapist si Papa, at dahil din doon ay nakilala nya ang mama ko. Isang mahabang kwento ang pagkikita nila at talaga namang hindi kapani-paniwala ang storya nila. Minsan ay umuuwi si papa dito para kumustahin ako, pero minsan ako naman ang dumadalaw sa apartment nya. Muli akong napabuntong hininga at naitapon ang paningin ko sa aking gitara. Tumayo ako at kinuha ito tsaka inilabas ang pastel yellow leather notebook ko. Dito ako nagsusulat ng mga lyrics ko. Oo, nagsusulat ako ng mga lyrics, ito ang hobby ko mula pa ng bata ako. At natuto narin akong mag compose ng matuto akong tumugtog ng gitara. Ito ang libangan ko, ito rin ang paraan ko ng paglalabas ng nararamdaman. Ito ang paraan ko para ipakita kung gaano ko kagusto ang lalaking nagugustuhan ko. At ang pagsusulat ko ay nakalaan lang para sa isang tao. Walang iba kundi kay Damon Residencia, si Monchi. Para sa kanya lang ang mga liriko at kanta na isusulat ko wala ng iba. At hindi ako magsusulat para sa iba. ✴ KRING*KRING*KRING* Napamulat ako ng marinig ang alarm clock ko. Hays.. isang bagong araw na naman. Ginawa ko ang morning routine ko bago pumasok. Sumakay ako ng jeep papunta sa school, hindi na ako nag agahan sa bahay dahil hindi pa ako nakakapag grocery kaya sa school nalang ako kakain. "That's her!.. well she's pretty I guess.." "She's so lucky to have him!" "OMG. That's really her. She's quite pretty naman." Nailang ako sa mga titig na natatamo ko mula sa mga tao sa hallway. Nakatingin sila sakin tapos titingin sa mga phone na hawak nila. They look so weird today. Hindi ko nalang sila pinansin at bumili sa canteen ng breakfast ko. "Loui! OMG! Nakita mo na ba?!" Tumaas ang kilay ko kay Kate. Naka enervon ba sya at sobrang energetic nya ngayon? Sobrang laki ng ngiti nya at kumikinang pa ang nga mata nya habang nakatingin sakin. "Ang alin?" "What the hell!? Pinag uusapan ka na ng buong campus hindi mo parin alam?!"hindi makapaniwalang saad nya. Patuloy lang ako sa pagkunot ng noo. Napailing naman sya at hinila ako palabas ng canteen. "You need to see this" Pinakita nya sakin ang phone nya. Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ang picture namin ni Caspian na magkapatong at magkadikit ang labi. 'Loui Olivar, rumored girlfriend of Lovesicker Zach' "What the...what the hell is this?" "Right! What the hell is that Loui? Hindi mo manlang nakwento sakin na super close na pala kayo ni Zach! Hmm? Hmm?" Siniko ko nya ako ng may halong panunukso. Napairap ako kay Kate. "May girlfriend si Zach diba?" nababagot kong saad. "Yup. But their relationship is secret! Dahil ayaw ni Zach na maging mainit si Sierra sa mata ng mga tao. Kaya ngayon... sa mata ng lahat ikaw ang girlfriend ni Zach! Yiiee!!" Secret? May pasecret secret pa, ano yun artista? "Stop the nonsense Kate. Alam mong fake news ang nakalagay dyan" "Fake news but not a fake pic!" Napaka energetic nya ngayon. Ganun nalang ba sya matuwa sa mga nangyayaring 'to? "C'mmon Loui, I know hindi ito edited. Nagkiss kayo ni Zach no? Yiiee!!" "Yes but—" "Sabi ko na nga ba! Yiiee!!" Napamasahe ako sa sentido ko at umiling iling. Nababaliw na talaga sya. "Look... It's just an accident okay?" "I don't care! Basta nagkiss kayo! Hihi!" "Psh! I said it's an accident! Paano naman sila nakakuha ng picture na yan?" "I don't know either! Pero mukhang kalat na kalat na sya, even sa bulletin board may nakalagay na iba pang pictures nyong dalawa" Nanlaki ang mata ko sa kanya at hinila ko sya sa bulletin board. Ang daming tao at nagsisiksikan silang lahat. "Excuse me!" Nakisiksik ako at nang mapansin ako ng iba ay binigyan nila ako ng daan dahil mukhang nakilala nila ako. May iba pa nga kaming picture ni Zach, tulad ng nakatakip ang kamay ko sa bibig kanya sa gilid ng building. Yun yung time na hinila ko sya dun para komprontahin. Tapos yung nasa room kami habang nakabend ako sa desk dahil sobrang lapit ng mukha nya, tsaka yung nakasandal ako sa pader habang nakakulong sa braso nya! "Nice. Mukha kayong nagtatalong magjowa dyan Lou" sabi ni Kate at tinuro yung nakasandal ako sa pader. "Yeah we really are" Napalingon agad ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Caspian. Kasama din nya ang mga kamiyembro ng Lovesickers. Kaya pala biglang umingay sa paligid! "Anong we really are? Hindi kita jowa!" "We are arguing there I said"he rolled his eyes. Napairap din ako. "Dude.. you look good in this one!" sabi ni Cooper at tinuro yung nakabend ako sa desk habang magkalapit ang mukha naming dalawa. "Yeah. They're like in movie scene haha!" Sabi ni Kurt. "This is more better guys. Not edited" pinakita ni Axel ang picture sa phone nya kung saan mas scandalous ang itsura. Yung may kiss. Bakit ba normal at casual lang ang pag uusap nila tungkol dyan?! Hindi ba nila alam na issue yan?! At isang malaking FAKE! Hay hindi ko sila maintindihan!! "Woah! Not edited!? Really bro?" Siniko ni Kurt si Caspian. Caspian just shrug and look at me. "Well yes, as you can see" Anong as you can see? Wala manlang ba syang gagawin para mapigilan ang issue na 'to? Paano ang girlfriend nya? "You kissed her?" Pagtatanong ni Cooper. "No I didn't. She did it"he said. Nanlaki ang mata ko sa kanya. ANG KAPAL!! "ANONG AKO? EH IKAW NGA YUNG NAKAPATONG SAKIN DYAN?!" napalakas yung pagkakasabi ko kaya rinig na rinig ng mga tao. I suppose to say that it was just an ACCIDENT! Bakit ko pa sinabi yung nakapatong sya?! Haist, hindi talaga ako nag iisip! Napangisi nya sakin na nakakaasar, doon ko naramdaman ang pamumula ng mukha ko. "Is that so? So... maybe I did? Right?" Hindi parin mawala ang ngisi sa kanya kaya lalo akong naasar. "Anong bang mga sinasabi mo? Hindi mo ba nakikitang na iissue ka sakin?" Gigil pero pabulong kong sabi. "I know what's happening Altair.. and I like it"bulong din nya. Tinalikuran nya ako ng nakapamulsa. Napanganga ako sa sinabi nya at hindi makapaniwala hindi dahil sa sinabi nya, kundi dahil tinawag nya ako sa second name ko. Which happened to be my codename with the boy I met when I was a child. ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD