Chapter 3

2001 Words
LAGOT. NAHULI NA. Napatayo ako bigla ng makita sya sa harap ko. Magkadugtong ang makapal nyang kilay habang nakatingin sakin. "H..hindi ko sinasadya! N..nauna kaya ako dito pumasok tapos bigla kayong-" "Did you enjoyed it?" Nagulat ako ng ilapit nya ang mukha nya sakin. Napabend ako dahil lumalapit sya, at dahil may desk sa likod ko ay hindi ako makaatras. "H..ha?" "I said did you enjoyed it?" Seryoso parin ang mukha nya sakin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa pink nyang labi. Wala sa sarili kong naikagat ang ibabang labi ko. What the hell? Masyadong nakakaakit ang labi nya. Parang ang sarap halikan. Napailing ako. Argh! Ano bang iniisip mo Loui?! "Ikaw? Nag enjoy ka ba?"pagbato ko ng sarili nyang tanong. Napaismid sya at ngumiti na parang naasar sa tanong ko. "Of course I am. But you ruined the moment!"nakasimangot nyang sabi at lalo pang inilapit ang mukha nya sakin. Bakit ba lapit sya ng lapit? Hindi nya ba alam na nakakaakit ang labi nya?! "A..aba ako pa talaga!? Ba't di nyo nalang tinuloy? Sana di mo nalang ako pinansin-" "Pano kung ikaw yung hinahalikan ko tapos pinapanood tayo ng kung sino man? Do you think you're comfortable with that?"taas kilay nyang saad. "I..ikaw? Hahalikan ako?"wala sa wisyo kong sabi. "Just an example, wag kang assuming. I won't kiss someone like you"Napairap naman sya sakin. "Anong assuming?! At bakit ang panget ng example mo?! Hinding hindi rin kita hahalikan no!Psh! Alis na nga!"sinubukan ko syang itulak pero hinampas nya ang dalawang kamay nya sa desk na nasa likod ko at kinulong ako sa mga braso nya. "You spilled my drink on my uniform a while ago. Kinaladkad mo ko papunta sa gilid ng building habang nakatakip ang mabaho mong kanay sa bibig ko, you even kicked my legs for freaking godsake! At pinalampas ko lahat yun! Now you ruined my moment-sa tingin mo ba papalampasin pa kita?" Ilang inch nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako dahil naaamoy ko ang mint ng mouthwash nya, hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa mga labi nya habang nagsasalita. Parang hindi ko na maintindihan ang sinasabi nya dahil hindi ako makapagfocus. Masyadong maganda ang hubog ng labi nya. Nakakaakit. Caspian Zachary Anderson, bakit nakakaakit ang mga labi mo? "I won't let you get further. You deserved a punishment Fangirl"napangisi sya sa sarili nyan ideya. Ayan na naman. Ang nakakaasar nyang mga ngisi! Yan ang dahilan kung bakit naiinis ako sa kanya! Nakakaasar kasi! "Sige subukan mo lang! Ikakalat ko yung SPG nyo kanina na kinuha ko gamit ang phone ko-Waahh! Ang phone ko!!" Nagulat ako ng hablutin nya ang phone at tinapon lang sa kung saan. "May sinasabi ka?"nakangisi parin sya habang ako at napakagat ng labi dahil sa panghihinayang. Yung phone ko! "Bakit mo ginawa yun?!"inis na sabi ko. "Because I want to, now I'll punish you-OUCH!!" Inuntog ko ng malakas ang noo ko sa noo nya dahil sa sobrang inis ko. Headbutt! Kahit nasaktan din ako sa ginawa ko at nagmadali akong kunin ang phone ko. "Peste nasira na!!" Sinamaan ko ng tingin si Caspian na kasalukuyang iniinda parin ang tama sa noo nya. Tumakbo na ako papalapit sa pinto para makaalis ng bigla nya akong hilahin pabalik. "Where do you think you're going?!"inis nyang saad at malakas akong isinandal sa pader. "Aray!" Napadaing ako dahil sa pagkakatama ko sa pader. "We're not yet done! I'll punish you-AAHH!" Napadaing sya ng kagatin ko sya sa braso. Pero nagawa nya parin akong ikulong sa mga braso nya kahit pa kinagat ko sya. Pinanlisikan nya ako ng mata dahil sa pagkagat ko sa kanya. Dumadundong ang dibdib dahil sa mga titig nya. Para syang mangangain ng tao. Nakakatakot. Nakakakaba. Seryosong seryoso ang pagtititigan namin ng may sumulpot na malaking gagamba sa pagitan ng mukha namin na nakasabit pa sa sapot nya mula sa kisame. Pareho kaming namutla at nanlaki ang mata. "WAAAHHH!!!" Nagyakapan kami ni Caspian ng hindi sinasadya at dahil sa sobrang pagka-panic ay pareho naming nasanggi ang desk. Natapakan ko ang paa nya kaya lalo kami nawalan ng balanse at natumba. Alam kong gasgas na ang pangyayaring 'to pero dahil sa katangahan ay nangyari sakin ang nakakahiyang eksenang 'to! Natumba kami pareho at NAHALIKAN ANG ISA'T ISA! Isang mabilis na pagdampi lang ang nangyari pero SOBRANG LAKAS kung makakabog sa dibdib ko. Parang inaatake ako sa puso. Para akong nagmarathon. Hindi yun ang first kiss ko pero walangya napakalaki ng apekto sakin! *click* Pareho kaming napatingin sa pinto ng makarinig ng tunog ng camera. What the heck, may tao? Nahimasmasan kami pareho dahil doon. "Alis!!" "What the fvck?!"Tinulak ko sya ng malakas paalis sa ibabaw ko. Muntik pang tumama ang pagmumukha nya sa upuan. Sayang di pa tumama. Tumayo na ako pero hinarangan nya ulit ako sa pinto. "W..wait!" "A..ano ba?!" Ngumisi sya sakin bigla kaya nagsimula na namang kumulo ang dugo ko. Nakakainis talaga ang mga ngisi nya! "Regalo ko" pinakita nya ang dalawang kamay nya na nakasaklob sa isa't isa. "AAHH!!" napasigaw ako ng sobrang lakas at napasayaw dahil sa insektong gumagapang sakin! HINAGIS NYA LANG NAMAN YUNG GAGAMBA SAKIN! "I'll go ahead fangirl" Hindi mawala ang ngisi nya sakin at lumabas na agad ang walanghiyang unggoy sa room namin. "AAAHH! ANO BA! ALIS!" Naihagis ko rin yung gagamba at mabilis na gumapang sa sulok. Hingal na hingal ako sa kaba at takot. Hindi naman ako takot sa gagamba, pero malaki kasi yun! At nakakatakot pag gumapang mismo katawan mo! Bwisit na unggoy yun! Malalagot talaga sya sakin! "May araw din sya sakin!" Iniwan ko ang room na nakabusangot ang mukha. Medyo gusot na ang uniform ko dahil sa nangyari kanina at magulo na ang buhok ko kaya nag aayos ako habang naglalakad. Hindi parin mawala sa isip ko ang unggoy na si Caspian. Malalagot talaga sya sakin! Pumunta ako sa gym dahil na kay Kate ang bag ko. Kahit wala akong interes na manood ay pumunta na ako. Sobrang daming tao, lalo na mga girls. Nagsisigawan sila kaya sobrang ingay! "WildInnocents! Waahh!!" "Ayan na.. WAAHH! DAMON I LOVE YOU!" Napalingon ako sa babaeng sumigaw dahil sa pangalang sinigaw nya. Damon? Tama ba ang pagkakarinig ko? Damon diba? "DAMON WAAAHH!!" Hindi nga ako nagkamali. Damon nga ang sinabi nya! "You've been deep in a coma But I stood right here When you thought there was no one I was still right here You were scared, but I told you Open up your eyes" Napahinto ako ng marinig ang napakapamilyar na boses. It's him.. hindi ako nagkakamali diba? Boses nya yun... boses yun ni Monchi. Agad akong napalingon sa stage at hindi nga ako nagkamali. Damon Residencia is really on the stage. Ilang t***k ng puso ang di ko mabilang sa bawat segundo habang nakatingin ako sa kanya. Napakaganda talaga ng boses nya at pansin kong mas lumaki ang pitch nya. Hindi ko sya maiwasang kamanghaan habang kumakanta sa stage. Napakagwapo nya, napaka attractive. Noon palagi syang kumakanta sa harap ko, at ngayon... nasa harap na sya ng maraming tao. "Never stopped being someone who could love you well Had to show you the hard way Only time will tell Revelations and heartaches make you realize" Napahawak ako sa dibdib ko. Nakakaramdam ako ng tuwa, dahil alam kong ito ang gusto nya noon pa man, ang sumikat sa larangan ng musika. Ngayon unti unti na nya itong natutupad. Pinanood ko syang kumanta, ni hindi ko na nahanap si Kate dahil nakafocus lang ako sa lalaking nasa stage ngayon. Naglakad ako papunta sa unahan ng stage at magiliw syang pinanood. Damn..he's so handsome "Kyaah! Damon! Innocent's love you!" Natapos syang kumanta, sinundan ko ang tingin ko sa kanya habang pababa ng stage kasama ng mga bandmates nya. Nagkusa naman ang mga paa ko para lapitan sya ngunit may humarang na kumpol ng babae sa harap ko. Nagtitilian, naghahampasan, kinikilig na parang kiti-kiti. "Hey, hey, hey, hey Hey, hey, hey, hey Hey, hey, hey, hey Hey, hey, hey, hey" Nagsimula na naman kasi ang tugtog. Pagtingin ko ay nandun sina Kurt, Cooper at Axel sa stage. Si Axel ang kumakanta ngayon. Simpleng 'hey' lang naman ang kinakanta nya pero yung mga babae halos pumiyok na kakasigaw. "Simmer down, simmer down They say we're too young now to amount to anything else But look around We worked too damn hard for this just to give it up now If you don't swim, you'll drown But don't move, honey" Mas lumakas ang hiyawan ng magsimula ang unang verse. Kinilabutan ako bigla ng marinig ko ang boses na yun. Ewan ko, napakagwapo kasi ng boses. Ang manly at charming kagaya ng kay Monchi. Pero ang ang boses na 'to... KAKAIBA, NAKAKAKILIG. Sobrang nakakakilig na parang hinahagod ang puso mo at hindi mo maiwasang maihi sa panty mo. Damn meron bang ganun?! "Zach! Waahh hubaran mo ko Zach!" "I love you Zach waah!!" LITERAL akong napanganga ng lumabas si Caspian mula sa pulang kurtina-nice grand entrance. May hawak syang gitara habang kumakanta ng nakalapel. Mas naging wild tuloy ang mga taong katabi ko. "You look so perfect standing there In my American Apparel underwear And I know now, that I'm so down Your lipstick stain is a work of art I got your name tattooed in an arrow heart And I know now, that I'm so down" Ibang iba sya sa stage ngayon. Ngumingiti sya at kumikindat pa na lalong nagpapakilig sa mga manumuod, ibang iba kapag kaharap nya ako na suplado, masungit pero palaging nang aasar at hambog!-in short masama ang ugali! "Hey, hey! Hey, hey, hey, hey Hey, hey, hey, hey Hey, hey, hey, hey Hey, hey, hey, hey" Napatingin sya sakin bigla, pareho kaming nagulat ng magtama ang mata namin. Ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan ng magkatinginan kami. Parang may kung anong bagay ang nangingiliti sakin ngayon kaya napakagat ako ng labi para pigilang mapangiti. "Let's get out, let's get out 'Cause this deadbeat town's only here just to keep us down While I was out, I found myself alone just thinking If I showed up with a plane ticket And a shiny diamond ring with your name on it" Bigla nya akong tinuro na para bang kausap nya ako. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko ng bigla syang ngumiti sakin at kinindatan ako. "Would you wanna run away too? 'Cause all I really want is you" Nag init bigla ang pisngi ko kahit hindi naman dapat. For a split of second, I think he's so charming and cute-what the heck I'm thinking?! HAMBOG sya Loui! HAMBOG! Anong tingin nya sakin? Isa sa mga fans nya? Ang kapal talaga ng mukha ng unggoy na 'to. Assumero pa! Baka nakakalimutan nyang sinira nya ang iphone ko?! Natapos narin magperform ang ilan pang mga banda. Dumeretso ako sa backstage para kunin ang bag ko kay Kate. "Ano ba! Ang babantot nyo!"reklamo ni Kate dahil niyayakap sya ng kambal nya. "Mas mabantot ka nga eh!"saad ni Kurt ng pakawalan ang kapatid nya. "Loui! Andito kana pala, nakanood ka ba?"tanong sakin ni Kate ng makita ako. Tumungo naman ako sa kanya at kinuha ang bag ko. "Zach!" Pareho kaming napalingon sa babaeng yumakap kay Caspian. Sya yung babaeng nakita ko sa music room at yung babaeng kahalikan nya rin kanina. Naghalikan sila ng ilang segundo sa harap namin pero wala lang reaksyon ang mga kabanda nya dahil mukhang normal lang iyon sa kanila. "Andyan na naman ang maarteng Sierra na 'to" "Sierra?" "Si Sierra Feliza Ayala, girlfriend ni Zach"nakasimangot nyang sabi. Napatungo ako sa nalaman kong impormasyon. So.. may girlfriend na pala si Caspian.. sabagay may itsura naman sya. "She's pretty I guess"komento ko. "Pretty? Pretty outside but not on the inside"ani ni Kate at umirap. Dumating din ang girlfriend nina Kurt at Cooper. Sina Janelle at Sharmaine. Mabilis ko silang nakasundo since close narin sila ni Kate. "Here's the WildInnocents.."bulong si Janelle. Napalingon agad ako at nakita si Monchi kasama ang mga kabandmates nya. Agad na kumabog ang puso ko ng makita sya. Here it is.. this is my chance to talk to him. Pagkapasok nila sa backstage ay napansin ko agad kakaibang tinginan nila ni Sierra. Malagkit, at parang may pinaguusapan silang hindi ko alam kung ano. Pero hindi ko na yun pinansin at tuluyang lumapit sa kanya. "H..hi Monchi" ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD