Chapter 29

2190 Words
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilibot agad ang paningin ko. Kailangan ko syang mahanap, bago pa sya makapagmarka ng leeg sa ibang babae. Alam ko kung gaano kapusok ang lalaking yun! Dahil kaoag lumapit sa kanya ang sinasabi nyang gracia ay hindi talaga sya magdadalawang isip na tanggapin yun! Naglakad lakad ako habang lumilinga linga sa paligid. Nabubunggo ko na ang iba at mabuti ay mabait naman sila at tinanggap ang pag hingi ko ng tawad. Masyadong occupied ang pag iisip ko sa pag hahanap kay Caspian kaya hindi ko na napapansin ang nga nasa paligid ko. "Ate!!" Nagulat ako ng may dalawang maliit na batang yumakap sakin. Sina Lane at Luke! "Lane!Luke!" Tinap ko pareho ang ulo nila. Sa una talaga ay hindi ko malaman kung sino sa kanila si Lane or Luke dahil sa super identical nilang dalawa but then I notice na si Lane may nunal temple, habang si Luke ay nasa leeg. "Look! We have new toys!"ani ni Luke. "It's an airplane!"ani ni Lane. Pinakita nila sa akin ang mga bagong laruan nila na sa palagay ko ay bigay ng mga bisita sa kanila. "Wow.. that's great. Behave lang kayo ditong dalawa ah?"paalala ko. "Daddy always say that"Saad ni Lane. "But yeah, we will obey him 'cause we don't want to stress mommy"ani ni Luke. "That's good. Dapat good boy. Anyway nakita nyo ba si kuya Zach nyo?"tanong ko. "Nope"sabay nilang sagot at umiling iling tsaka tumakbo na sa crowd na kunwari'y pinapalipad ang airplane nila. Napaabuntong hininga ako at muling nilibot ang paningin ko. Masyadong malakas ang music kaya hindi ko rin mabosesan si Caspian. Baka naman nasa mas liblib na lugar sya kung saan mas private para malaya nyang mahalikan ang mga babae nya?! No way. Psh! Ngayon lang ako naging ganito ka-pathetic. Hindi ko tuloy alam kung pagsisisihan ko na narealize kong gusto ko sya o hindi eh. Kasi sa kalagayan ko ngayon, parang gusto ko na syang ipagdamot, parang ayoko ng nilalapitan sya ng iba-hindi dahil sa idea na maging malinis ang image nya bilang miyembro ng lovesickers-kundi dahil girlfriend nya ako! At akin lang sya! Nakipagsiksikan ako sa alon ng mga tao sa paligid. Iniwasan ko ang isang waiter na may bitbit na tray ng wine, pero dahil sa pagiwas ko ay nabunggo ko naman ang isang lalaki sa likod ko. Muntik na akong matumba, mabuti at may humawak sa bewang ko para pigilan ako sa pagkahulog. "Hey, be careful"saad nya. Nagulat ako ng marinig ang boses nya at heto ang puso ko ay nagpintig na naman sa abnornak nitong ritmo. Oh Caspian, what did you do to this freaking heart of mine?! "I'm sorry"sagot ng lalaking nabunggo ko kanina. Nanatili ako sa pwesto ko at nag aalangang lumingon. Anong nangyayari sakin? Kanina ay desidido akong makita sya ngunit ngayon ay kinakain ako ng hiya? "Watch yourself miss"saad nya at binitawan ako. Nilingon ko sya agad ng maramdaman kong aalis na sya. "Cas-" "Zach!! Isayaw mo na ako!!" Bago ko pa matawag ang buong pangalan nya ay lumingkis agad sa mga braso nya si Courtney. Nakapout ito at nagpapacute sa kanya. "Courtney I'm tired okay? Makipagsayaw ka kay Jackson" "Eh! I want you to dance me! Dali na! The next song is my favorite!" Pareho silang nakatalikod sakin kaya hindi ako makita ni Caspian. Yumukom ang palad ko sa inis. At naglakad papalapit sa kanya ng may humarang sakin at magalang na nagpakilala. "Hi miss, my name is Lenard. May I dance with you?" Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito ng mabilis. Mukhang hindi naman nalalayo ang edad naming dalawa at sapalagay ko ay isa din sya sa mga anak ng businessman na bisita dito. "Uhm kase..." Bago pa ako makasagot ay napalinga sakin si Caspian. May kaunting gulat sa mukha nya ngunit natakpan ito ng pagkunot ng noo nya. "Zach! Hey! Where are you going?!" Ani ni Courtney ngunit hindi sya pinansin dahil tumungo agad si Caspian sa direksyon ko. Kinabahan ako sa paglapit nya, lalo na ng agawin nya ang kamay ko kay Lenard. "Who are you?" May inis ang tono nya ng kausapin si Lenard. "Lenard"he said politely at ngumiti pa. Marahil alam nyang si Caspian ang apo ni Lola Katherine. "I'm Zach, her boyfriend"mapapansin ang pagiging maangas sa harapan nito, para bang may pinaparating na kung ano. "Oh.. I think it's a mistake.." napatungo si Lenard at umabante paatras. "I'm sorry miss. Enjoy the party"saad nya sakin. "I should be the one who say that. Enjoy the party"Caspian said with a little sarcasm. Pagkatapos nun ay tinignan ako ni Caspian. Mula sa pagkainis ay naging light ang mukha nya. I am not assuming pero nakikita kong nasiyahan sya ng makita ako and that make my lips to pursed. "I thought... you-" "Zach!!" Sumulpot na naman si Courtney at inis na nakatingin sa kanya. "You can't just leave me there! Ang daming boys na nanggugulo sakin!"inis na sabi nya. Well honestly speaking, Courtney is really a pretty one. Chinita sya at matangos ang ilong. Straight black hair at maputi pa, halata ang pagka koreana nya at ilang filipino-spanish features. "You can stop bugging me around. My girlfriend is here"he said. Tinignan naman ako ni Courtney mula ulo hanggang paa. Napanguso sya bigla at parang na teary eye ng makita ako. "W..why are you so pretty?!" Inis na sabi nya. Napatalon pa ako dahil sa reaksyon nya sakin. Natawa naman si Caspian at tumingin din sakin, medyo naconcious ako, nagtagal kasi ng ilang segundo ang pagtitig nya. "Go talk to Jackson. Dance with him"saad ni Caspian. "No way! I want you to be my partner!" Napairap naman si Caspian sa inis pero pinipigilan nya parin ang temper nya. "Courtney look! May shooting star!"sabi ni Caspian at tinuro ang langit. "Really?! Where!?" Tumingin si Courtney sa itaas at kasabay nun ang paghila sakin ni Caspian palayo. Ilang tao ang nabunggo nya makalayo lang kaming dalawa. Hawak nya ang kamay ko, at walang tigil na naman sa pagpintig ang nababaliw kong puso. "Hah!" Binitawan ako ni Caspian ng makalayo. Pareho kaming hinihingal dahil sa pagtakbo-at dahil narin sa nababaliw kong puso na t***k ng t***k ng napakabilis! "At last she's not around. I'm getting tired of her face"he said and relief. Umupo sya sa isang swing kung saan napapalibutan ng vines ang maninipis na bakal na syang bumubuo ng swing. Dalawa ang swing at inuupuan ni Caspian ang nasa left side. Doon ko lang napansin na nasa loob kami ng maze garden. Pero mukhang medyo tago ang parteng ito. Parang nasa loob kami ng isang dome na gawa sa mga vines na may mga bulaklak at mga ubas. Namangha ako sa ganda ng paligid ko. Nakita ko pa ang ilang paru-paro na nakadapo sa mga bulaklak. Walang anumang ilaw pero sapat na ang liwanag ng buwan na lumulusot sa butas mula sa ceiling na gawa sa vines at mga alitaptap na tumatambay sa himpapawid. "It's beautiful here right?" I flickered my eyes to him. Pinapanood nya ako at halata sa itsura nya na natutuwa sya sa pagkaignorante ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba at hiya sa kanya. Ewan ko, hindi naman ako ganito dati pero mula ng mapagtanto kong gusto ko sya ay nakalimutan ko na kung papaano ko sya patunguhan noon. "Uh.. o..oo"yan nalang ang nasagot ko. "Why are you here? Sabi mo may pupuntahan ka diba?"tanong nya. "Uhm.. a..ang totoo nyan hindi ko rin alam na dito kami p..pupunta" Takteng yan. Bakit nauutal ako? Bakit sa itsura ko ngayon ay para akong isang fangirl na nasa harapan ng iniidolo nya?! Umayos ka Loui! "So your relatives are invited too? Wow.. it seems like we're destined to see each other tonight"he chuckled like it's a humor. Hindi naman ako nakapagsalita. Nakatayo lang ako sa harap nya at pilit itinutuon ang paningin sa ibang bagay. Nakakahiya naman 'to, bakit ngayon pa ako nahiyang kausapin sya?! "You're different today Al" nagsimula syang magswing ng bahagya gamit ang paa nya. "H..huh? Ano bang sinasabi mo" Tinititigan nya ako kaya lalo akong nailang. "You're quite stunning with that dress honestly"he said "Well thank you"sinubukan kong magboses arogante at pinipilit alalahanin kung paano ba ako umakto sa harapan nya dati. Tumawa sya ng mahina at mas nilakasan ang pagswing sa sarili nya. "You really claim it huh?! Haha!" "Tch!"napaismid ako. "Hey you're really weird today. Have you lost your tongue? Ibang iba ang Altair na nasa harap ko"takang saad nya. "A..anong iba? Kung ano anong sinasabi mo dyan"sabi ko at umirap. "That! That's my Altair! The grumpy one! Good your back"saad nya at tumawa. Napaiwas ako ng tingin ng marinig ang possessive pronoun nya. Pakiramdam ko ay nag iinit ang pisngi ko. Stop acting like this Loui, mahahalata ka nya! "P..pwede bang wag kang tawa ng tawa? Nakakairita ka talaga"inis na sabi ko. "What's with that rolling eyes? Don't you miss your handsome boyfriend?"he grinned. "Miss your face" The thought of him being my boyfriend makes my heart skip a beat triple times. "Oh come on Al. I miss you too" he said with a teasing smile. Humalukipkip ako at tinignan sya. Kahit mahirap sa sitwasyon ko ay pinilit kong umakto ng normal-kahit sa loob loob ay kanina pa hangang hanga sa kagwapuhan nya. "Hindi pa ba tayo babalik? Nandoon kaya ang party, baka hinahanap na tayo" "Nah mamaya na, can't you see how beautiful this place is? I thought you will love it"aniya at medyo disappointed. "I love it! Maganda dito, pero baka hinahanap narin tayo doon"saad ko. Ang makasama sya sa iisang lugar na kami lang dalawa ay medyo uncomforble sakin. Ano na bang nangyayari sakin? Nalaman ko lang na may gusto na ako sa kanya ay hindi ko na sya kayang tignan na walang halong pagkamangha. And that really scare me, pano kung mahalata nya ako? Ayoko pang umamin, hindi pa ako handa! "Psh..." ngumuso sya at malakas na nagswing. Nahawi ang ilang hibla buhok ko sa paglapit ng swing na sinasakyan nya. Nakahalukipkip din sya at parang batang akala mo ay nag t-tantrums habang nakatitig sakin. I found myself staring at him too while swaying the swing, and everytime na nag s-swing sya sa direksyon ko at naglalapit kaming dalawa ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Sa kalagitnaan ng pag duyan ay huminto sya ng malapit sa akin at bigla akong isinakay sa kandungan nya. "H..hoy!" Sa gulat ko ay napahawak nalang ako sa braso nya. Natawa sya sakin at pinalibot ang isang kamay nya sa bewang ko para masecure na hindi ako mahuhulog. "Kinabahan ka no? Grabe yung heartbeat mo ang lakas haha!" Namula ako ng sabihin nya yun. Engot. Dahil sayo kaya malakas ang t***k nyan! Lalo pang nadagdagan ang kaba at excitement ko ngayon dahil sobrang lapit namin sa isa't isa! "P..pwede bang ihinto mo na 'to!" "Sshh.. nag eenjoy ako eh" "Well ako hindi! Ihinto mo na!!" Ngumisi lang sya at lalong nilakasan ang pagduyan. "Caspian kasi! Argh! Pag ako nasuka dito ah!"pagbabanta ko. "As if naman? Never in my entire life na narinig kong nasuka ang isang tao sa swing-anyway kumusta na yung aso mo?"tanong nya. "Okay lang sya, iniwan ko muna sya kay Manang Esme na kapitbahay ko"sagot ko. "No idea about the owner?" Tanong nya. Umiling naman ako. "Hahanapin ko ang amo nya pag may time ako"saad ko. "I'll go with you"volunteer nya. "Great. Bumalik na tayo dahil baka hinahanap na tayo" "Bakit ba? Ayaw mo ba akong kasama?"medyo nairita sya base sa boses nya. "Hindi naman sa ganun. Siguradong marami ng naghahanap satin! Kasama na yung babae kanina na date mo, sigurado ako na nagsumbong na sya sa pag iwan natin sa kanya" Napahinto sya sa pagswing at tinitigan ako ng mabuti. "Don't worry about her" "Nakita mo ba kung gaano ka upset ang mukha nya ng makita ako? Baka magalit yun sakin dahil iniwan mo sya" "Kanina ko pa sya kasama! Sinayaw ko narin sya ng dalawang beses! Tsaka nandito kana kaya ikaw na ang dapat na sasamahan ko" "Kung ganon.. kung wala ako dito, kasama mo sya buong gabi?" "Well probably yes dahil hindi nya talaga ako titigilan. Bubuntot sya sakin ng bubuntot kahit saan pa ako magpunta" "Syempre magpapabuntot ka naman" Di ko maiwasang mapabulong. "What?" "W..wala sabi ko tara na" tumayo na ako mula sa kandungan nya ngunit hinawakan nya ang kamay ko. "I heard that Al.." he was grinning when I turned around. "I don't know why but you sounded like a jealous one. Sabihin mo nga nagseselos ka ba kay Courtney?" Nagramdaman ko ang pagpapawis ng kamay ko nang mapagtantong magkadikit ang palad namin. "H..hindi no. Tara na nga" sabi ko at inalis ang kamay ko sa kanya. Nakakahiya, mapapawisan ko pa ang kamay nya. "Wait" he pulled me again but this time ay sinadya nyang mapaupo ako ulit sa kandungan nya at ni-lock agad ako sa mga braso nya. "I just remembered one thing right now"he grinned. "Huh? Ano?" He touch my chin amg gently pinch it. My heart rate so fast. "You owe me a kiss" he said and kiss me on my lips. ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD