Chapter 28

2376 Words
Nabitawan ko ang doorknob at kusang umatras ang mga paa ko sa paghakbang. Nararamdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko habang nakatingin sa babaeng nakayakap mula sa likod ni Caspian. Nakaramdam ako ng inis, pati ang mga kamao ko ay kusang yumuyukom ng mahigpit. "Loui? What are you doing there?" Nilingon ko si Jack na sa ngayon ay mukhang nagulat ng makita ako. "Why are you crying?" "H..huh?" Pinunasan ko ang pisngi ko, and there I realize that my eyes are watering my cheeks. Napabaling ang tingin ni Jack sa loob ng kwarto. He saw Caspian and that girl backhugging him. "Oh it's Zach-" "Please umalis na tayo dito" hinigit ko agad sya palayo. Kung saan saan ko sya dinala, ang totoo ay hindi ko na alam kung paano hanapin ang hagdan o ang lumabas sa ala-maze na mansion na 'to. "Alam mo ba talaga kung saan ka pupunta?" Nilingon ko si Jack ng magsalita sya. I was empty the whole time na hinihigit ko sya, akala ko nga ay wala akong kasama. "You look in pain and jealous" there is a sign of humor in his tone. Tinaasan ko sya ng kilay, medyo inis sa mga tono ng pananalita nya. He chuckled at sya naman ang humila sakin this time. Dinala nya ako sa isang balcony, wherein I can see the whole wide garden infront of the mansion. Nakapaganda, super green with a touch of color blue, red and yellow dahil sa mga flowers. "Tell me.. kilala mo ba si Zach? And you were crying seeing him with another girl?" "Ano!? Hindi ah! Wala akong gusto sa Caspian na yun" Natawa na naman sya na para bang isa akong clown. "Caspian huh? Ikaw lang ang tumatawag sa kanya sa first name"saad nya ng may halong panunukso at malisya. "Whatever"I rolled my eyes but he just chuckled. "Deny it or not, it is still obvious. So kilala mo pala ang pinsan ko? Sya ba yung sinasabi mong kahawig ko?"he said teasingly. Hindi naman ako nakasagot at bumuntong hininga nalang. Ganun ba talaga ako kabilis basahin? Pinsan nya pala si Caspian, tignan mo nga naman ang pagkakataon... bakit ba palagi nalang akong nakakakilala ng mga taong may koneksyon kay Caspian? "Seems like I am right" "S..sabihin mo, sino yung babae kanina?" Curious kong tanong. "Oh, she's Courtney, anak sya ni tito Kyle and Tita Min. Kaibigan sila ng parents namin ni Zach" "Siguro... close ang family nila"hindi ko matago ang lungkot sa boses ko. "Yes really, bestfriend ni tita Ruan si Tita Min and that really made their children close to each other. Courtney obviously likes Zach but don't worry... Zach doesn't like her" That reliefs me from pain pero naalala ko ang isang bagay kaya hindi attracted si Caspian sa ibang babae—dahil kay Sierra. "Alam ko yun dahil si Sierra ang gusto nya"sagot ko. He look at me for a second para bang may gusto syang itanong ngunit hindi nya alam ang mga tamang salita para dun. "And I like Courtney kaya hindi sya papatusin ni Zach" "So mukhang love triangle kayong tatlo? Puro one sided nga lang" Pinagkrus ko ang braso ko sa rail ng balcony at sumubsob sa pagitan ng braso ko. "Pero aminin mo, gusto mo si Zach no? Hindi ka iiyak kanina kung hindi" napaangat ulit ang tingin ko sa kanya. "Sabing hindi nga, ang kulit mo" "Then why are you crying earlier? C'mon Lou, nagseselos ka" That thought make sense though. Bakit ba ako umiyak kanina? Ilang linggo na akong naguguluhan sa sarili ko, kung kakaiba ang mga nararamdaman ko sa tuwing malapit si Caspian. Hindi ko na naiintidihan ang mga nangyayari sakin. "M..mukha ba talaga akong nagseselos?" "Halatang halata kamo. Frowning all the time and crying? Obvious pa sa obvious"he said. Napabuntong hininga naman ako. "A..ang totoo nyan.. hindi ko narin naiintindihan ang nararamdaman ko. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya pero..." "Pero..?" "P..pero may matinding objection d..dito" napaturo ako sa dibdib ko, doon mismo sa puso ko. "To your heart?" Tumungo ako. "Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga nararamdaman ko. Sa totoo lang, nagkagusto na ako noon. Madalas akong mahiya sa taong gusto ko na si Damon at palagi akong masaya kapag kasama ko sya. S..Si Caspian naman.. madalas akong mainis sa kanya at palagi kaming nagtatalo pero sa kabila ng lahat ng yun... t..tumitindi parin ang pagtibok ng puso ko" "Baka naman mahal mo na sya?" "Ano!? Imposible yun! Sa maiksing panahon?! Hindi ako maniniwala" "Why not? Actually the first time I saw Courtney I knew that I already love her" "Corny and unbelievable" "It's true! Bata pa kami noon alam kong mahal ko na sya at hanggang ngayon" "Sigurado ka ba dyan? Baka puppy love lang?" His eyes look at me boringly. "Alam kong bata pa ako noon. But I know the difference between Love and puppy love. At tatagal ba tong feelings ko kung puppy love lang?" He's frowning at me. Pinigilan ko tuloy ang matawa. "Oo na, hindi na puppy love"I surrendered. "Whatever. At kung ako sayo, aminin mo na kay Zach ang feelings mo bago ka pa mahuli" "S..sa tingin mo ba.. g..gusto ko na talaga sya?" Nanghina ang boses ko habang nagsasalita. Hindi ko kasi alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin ako kumbinsido sa nararamdaman ko. Kahit alam ko na na may signs na akong nakikita na nagugustuhan ko na sya. "Ikaw lang ang makakapagsabi nyan sa sarili mo. Pero sa nakikita ko, the way you react earlier? I think hindi lang pagkagusto ang nararamdaman mo. You're feeling more than that, maybe less than love but more than crush and infatuated" Hindi naman ako nakasagot, nanatili akong nakatingin sa ibaba kung nasaan ang mga bisita. Gusto ko na ba talaga sya? Kung tutuusin, wala ng epekto si Damon sakin ngayon. Pero si Caspian... lahat ng tungkol sa kanya may epekto na sakin. Palagi ko syang iniisip at masaya ako pagmalapit ako sa kanya. And with that... I think that is enough to admit that.. that.. that... that I am really into him. I like him. Yes, I like Caspian. "I think the party is about to start" Naantala ang malalim kong pag iisip ng magsalita si Jack. Pero hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga iniisip ko kanina. I just admit it already. Gusto ko na nga si Caspian. Marami ng nakaupo sa mga respected places nila. Naghahanda narin ang MC para simulan ang program dahil chine-check na nya ang mic kung maayos ba itong gumagana. "Would you mind if I escort you there? Wala akong date"Jack asked politely at inalok ang braso nya sakin. "Sure" ngumiti ako at tinanggap naman ang braso nya. "So.. I think we're friends now?"nakangiting saad nya. Ilang saglit palang kaming nagkakilala pero hindi ko maitatanggi na napakakomportable ko na sa kanya. Siguro pareho kami ng vibe at talaga namang hindi sya nakakaantok kasama, madaldal kasi sya. "I guess so"sagot ko. Pareho kaming natawa at lumabas na sa balcony. Ilang hallway ang inikutan namin hanggang sa makababa sa hagdan at makalabas ng garden. "Jack, bago mo ko bitawan gusto ko sanang mag thank you"taos puso kong saad. "For what?" "For making me realize and admit to myself that.. " "That...?"he raise his both eyebrows waiting for me to continue my sentence. "That I really like Caspian. Well hindi pa totally clear lahat, hindi ko alam kung like ba talaga yung matatawag but atleast alam ko na may nararamdaman ako sa kanya at lumalalim pa yun araw araw" Napangiti naman sya at bahagyang pinisil ang pisngi ko. "See? I told you, you like him" Hinatid nya ako sa table namin. Naroon na sina Lola at Papa. Kaming tatlo lang naman ang nasa table. Jack bid his goodbye and take his seat on their table. "How's him? Did you enjoy his company apo?" "He's so good Mamita. Ang bait nya at friendly"honest kong sagot. Napainom naman si Papa ng wine habang nakatingin sakin. Mukhang naconcious sya ng magbigay ako ng compliment sa isang lalaki. Syempre, father is still a father, ayaw na may umaaligid sa anak nya. Well? No malice to me. Jack is just a friend. I wonder kung anong magiging reaksyon nya pag nalaman nyang may boyfriend na ako. But nah, wala pa akong balak sabibin sa kanya, hindi muna hanggat hindi pa ako sigurado na magiging seryoso ang relationship namin ni Caspian. Nilibot ko naman ang paningin ko, hinahanap kung nasaan si Caspian. Isang mahabang table ang nakita ko sa bandang harap, naroon si Jackson katabi ang middle aged na babae at lalaki na sa tingin ko ay mga magulang nya, may isa ring batang babae na nakaupo sa kandungan ng Daddy nya-mukhang kapatid nya. Matapos ang ilang sandali ay lumabas ang malaking Pamilya ng Anderson mula sa mansion, magugulo ang kambal ngunit nagawa silang sawayin ni Tito Rein at napaupo ng maayos sa kaparehong mesa nina Jack. Luminya narin sina Olivia, Yohan at Jairo sa upuan. Samantala ay kapansin pansin ang maingat na pag alalay ni Tito Rein sa kanyang asawang buntis sa pag upo. Panghuli kong nakita si Caspian, buhat ang kapatid nyang si Keila, hindi ko maiwasang mapangiti ng makita sya sa ganung sitwasyon. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na isang Kuya sa pitong magkakapatid ang lalaking 'to. Inako ni Tito Rein ang pagbitbit kay Keila at hinayaan si Caspin na umupo sa tabi nya. Halos lahat ng guess ay nakatingin sa malaking pamilya nila. Narinig ko pa ang ilan na kinamamanghaan ang magandang lahi nila, at yung iba ay gusto raw maging parte ng mga Anderson-karamihan sa kababaihan ay pinagnanasaan si Tito Rein. Matapos ang maikling grand entrance ng Anderson Family ay nagsimula na ang opening ceremony. Sinimulan lang ito ng isang prayer at opening remarks na galing kay Lola Katherine. Highlight ng party ang anniversary ng kompanya at ang birthday ni Tita Ruan. Maraming pagbati ang dumulog sa kanila, at nagbigay rin ng mamahaling mga regalo. Sa buong program ay nasa iisang tao lang ang tingin ko, kay Caspian. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko lalo na't ngayong kompirmado ko na sa sarili ko na may espesyal akong pagtingin sa kanya. Napakunot ang noo ko ng kausapin nya ang babae malapit sa table nila. Iyon yung babae kanina, si Courtney. Hindi ko maiwasang mainis at mapayukom ng palad. "Hindi mo ba ibibigay ang regalo natin anak?"tanong ni Papa. "Uh.." napatingin ako sa box na baby pink ang kulay, may gold lining at neon pink na ribbon sa itaas. Alam ko ang laman nun, isang mamahaling kwintas dahil kami mismo ni Papa ang bumili non. "De bale, mamaya nalang para makamusta narin natin sila ng sabay, medyo crowded sa table nila kaya wag muna tayong makisabay"saad ni Papa. Samantala ay busy ang lola ko sa pakikipag usap sa kanyang mga amiga. Si Papa ay busy narin sa mga kaibigan nya sa ibang table, simula na ng sayawan at karamihan sa mga bisita ay nasa dance floor. Ako ay nanatili sa upuan ko at kumain ng lasagna na nasa plato ko. Hindi ko na makita si Caspian ng lumingit lang ako saglit. Siguro ay tinangay na sya ni Courtney and that makes me feel upset. "Ate Al?" Napalingon ako sa gilid ko ng makita si Jairo, nakasuot sya ng white tuxedo. He's so charming and cute wearing it! He's holding a camera and took a picture of me. "Jairo wag" pero hindi sya nakinig at pinindot parin ang camera. "Sabi ni Dad, take picture as much as I can. Para 'to sa scrapbook namin"saad nya at umupo sa tabi ko. "I thought you're not going? Ate Olivia had a tantrums about it. She really likes you a lot didn't she?" Saad nya at kumuha ng mojos na nasa plate. I didn't mind it, in the first place sa kanila ang party na 'to. "Well.. akala ko rin. Actually hindi ko rin alam na dito rin pala kami pupunta nina Papa at Lola"sagot ko. "You're with them? I would like to see them too" "Jairo? Nasaan ang date mo?" Naalala ko kasi na sinabi ni Caspian na may date sina Jairo at Yohan kaya gusto nya akong isama. "Date? Why would I have one? I'm too young for dating and Dad said books before chicks" Napakurap ako dahil sa seryosong mukha at pagkunot ng noo nya. Kung ganon.. wala talaga syang date? Pati si Yohan? Sabi ni Caspian meron? "Jairo, I'll take care of the camera—Hey Ate" pareho kaming lumingon ni Jairo kay Yohan. Naka white tuxedo rin sya at talaga namang sobrang gwapong bata, siguro hearthtrob 'to sa school nila. "Yohan ikaw pala, nice suit. Ang gwapo nyong dalawa" Napangiti sya at medyo nahiya. So cute! Ang sarap pisilin ng pisngi ng mga 'to! "You're here too" he said. Hindi yun tanong actually, he's looks glad at nandito ako. "Yeah, hindi ko rin alam na dito rin ang punta ko"sagot ko. "Gusto mo bang batiin si Mom? I'm sure gusto ka nyang makita"he said. "Maybe later, kasama ko si Papa. Sabay kaming babati at magbibigay ng gifts" "I see. Why you're alone? Have kuya see you already?"tanong ni Yohan Umiling iling ako at pilit na ngumiti. "Hmm...So far hindi ko pa sya nakikita, baka mamaya pagkonti nalang yung tao"I lied. "Well you better look for him now, ang daming girls na nagyayaya sa kanyang sumayaw"saad ni Jairo. Kusang nagdugtong ang kilay ko sa sinabi nya. I imagine him dancing with Courtney, doon palang ay umiinit na ang dugo ko. "Baka nasa dance floor sya ngayon with other girls. Madalas sinasabihan sya ng mga magulang na isayaw ang anak nila. Probably doing it for some business benefits? He can't say no to those, lalo na at mga anak at apo yun ng business partners ni lola, syempre ayaw nya ma disappoint sila"dagdag pa ni Yohan na lalong nag painit ng dugo ko. Napansin naman yun ni Yohan at tinap nalang balikat ko. "We'll go first Ate, enjoy the party"saad ni Yohan "Enjoy!"ani ni Jairo. Iniwan nila ako sa table. Tumingin agad ako sa dance floor at hinanap si Caspian ngunit hindi ko sya makita. Caspian.. pag nakita kitang lumalandi at nakikipagsayaw sa iba,malilintikan ka talaga sakin! ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD