"Ayos lang ba sa new school mo? Wala bang bully?"
"Wala po Pa, mababait ang mga classmates ko. Interesting nga ang school na pinasukan ko eh, medyo forte nila yung pagiging celebrity"
"Nako baka madiscover ka nyan nak"
Pareho kaming natawa ni Papa. Galing kami sa cemetery para dalawin si mama, nag alay kami ng bulaklak, pagkain at prayers. Sa ngayon ay bumibyahe kami papunta sa lola ko sa Laguna, sya ang mommy ni Mama. Favorite ako nun, pano kase ay ako lang ang nag iisang apo nya.
"Oo nga po pala Pa, na-meet ko po sina Tito Rein at Tita Ruan, nakilala ko din yung mga anak nila"
"Talaga? Kilala mo na sila?" Napasulyap sya sakin saglit.
"Opo. Pinaliwanag din nila ang mga nangyari sakin noon. About kay mama at ang pag adopt nila sakin noon. Very nice po sila"
"Yeah they are. Napakabuting nilang kaibigan anak"
"Sana po ma meet nyo sila! Napakarami na po nilang anak!Sayang Pa hindi na kayo nagka anak ulit ni Mama"di ko maiwasang malungkot.
Ti-nap ni papa ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Dadaan muna pala tayo sa mall. Bibili tayo ng gifts na pinapabili ng lola mo"
Mabilis lang naman kaming dumaan sa mall. Bumili kami ng ilang pangregalo at damit ko.
"May pupuntahan po ba tayo Pa? Bakit parang ang dami nitong regalo?"
Hawak ko ang isang bote ng alak na sobrang mahal! Kulang pa yata ang allowance ko for one year para sa alak na 'to!
"May pupuntahan tayong party mamaya"
Pagkatapos namin sa mall ay dumeretso na kami sa mansion ng lola ko. Agad nya akong niyakap ng makita ako, miss na miss ko na din sya. One year kaming hindi nagkita dahil nasa abroad sya.
"Iha.. I miss you so much!"
"I miss you too Mamita"
"Look at you Loui.. you're so beautiful!"
Napangiti nalang ako at niyakap pa sya ng mahigpit. Wala namang masyadong pinagbago si lola bukod sa nadagdagan lang ang mga wrinkles nya.
"Arnold.. prepare na tayo mamaya para sa appointment. Nakabili kana ba ng gifts?"
"Yes Ma, dinagdagan ko narin po"sagot ni Papa.
"Nako ikaw talaga.. o sya.. kumain muna pala tayo ng lunch. I'm sure gutom na ang paborito kong apo"
Maraming pinahandang pagkain si Lola. Bukod sa mga paborito ko ay bumili pa sya ng chocolate cake para sa pag uwi ko. Love na love talaga ako ng lola ko haha!
Pagkatapos kumain ay inayusan agad ako ng maids, suot ko ang white cocktail dress na hanggang tuhod ko. Naka silver sandals ako at nagsuot ng accessories. Naka princess braid ang buhok ko at nilagyan ng kumikinang na ipit.
Minsan lang ako mag ayos ng ganito, sa tuwing may mga occassions lang. At sa hindi naman pagmamayabang *ehem* sobrang ganda ko! Haha!
"You're so gorgeous apo!" Saad ni Lola ng bumaba ako sa sala.
Nandoon narin si Papa at nakatuxedo. Si Lola ay nakadress din na color cream at napapalamutian ng mamahaling accessories nya. Mukha syang donya sa suot nya. Well donya naman talaga sya.
"And so you too Mamita"saad ko. Lalong lumawak ang ngiti nya.
"Well kanina ka pa ba magmamana? Haha! Nako.. I'm so happy to see you like that! Dalagang dalaga kana apo"She held my chin and pinch it.
Nang mga bandang 6:00 ay umalis na kami sakay ng Limo. One and a half hour away ang destinasyon namin.
"We're here.." saad ni Mamita.
Bumukas ang napakalaki at mabigat na gate, tatlong tao pa ang nagtulong tulong para buksan yun. Isang maganda,elegante at malawak na hardin and bumungad samin. May mga decorations at ilaw sa paligid. Mukha dito gaganapin ang party tutal ay napakalawak naman nito.
Sa di kalayuan ay matatanaw mo naman ang isang napakalaking puting mansion. Halos katulad ng mansion nina Caspian pero ang isang 'to ay may gold and silver touch.
Kung titignan mukhang napakayaman ng may ari nito.
"Beautiful right? Business partner and friend ko ang may ari ng mansion na 'to. She's Katherine, she's good and smart anak. Tinulungan nya kami noon sa pagpapatakbo ng negosyo namin ng lolo mo. Dapat mo syang makilala apo"
"I am looking forward to that lola" sabi ko at ngumiti.
Tulad ng sabi ko noon, ako ang Heiress ng pamilya Lacosta-Family name ng Mama ko. Kaya kailangan ay magkaroon ako ng maraming knowledge about sa business, gusto ko kasi na mas mapalago ang business ni Lola, which is a Hotel and Restaurants-ilang five star hotel sa loob at ibang bansa at mga restaurants ang hawak ni lola, I can't imagine kung paano nya yun na m-manage sa edad nya. She's between sixty for godsake! But still healthy and kicking!
Napakaraming tao sa party. Mga bigatin at mayayaman na tao. May mga bata nga rin at teenagers, siguro'y mga anak nila.
"Oh Katherine!"
"Luciana! Oh good you're here!"
Maarteng nakipagbeso-beso si lola sa matandang babae na hindi lalayo sa edad nya ngunit mababakas parin ang kagandahan nito ng kabataan nya.
"I am looking for you! Akala ko hindi kana darating!"
"No way Kath, hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na 'to! Happy birthday amiga! Anyway.. this is my son-in-law, Arnold and my granddaughter Loui"
Magalang naman na tumungo si Papa at hinalikan ang kamay nito. Ako naman ay biglang niyakap ni lola katherin at hinalikan sa pisngi. Napahiran pa ako ng lipstick na nagpangiwi sa akin.
"She's so beautiful! Maybe one of my grandson may like her!"biro nya.
Napapangiti nalang ako at pasimpleng binura ang lipstick sa pisngi ko. Nagawa pang tawanan ako ni Papa!
"Haha! Pag uusapan din natin yang engagement after she graduates. Malapit narin naman yun"sagot ni Lola.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Napatingin ako kay Papa na nagkibit balikat lang.
"Usapan lang naman yun. Wag mong seryosohin anak"saad ni Papa.
"Oh sya doon na tayo! Nagpahanda ako ng paborito mo Lucia"
Umupo kami sa seat namin at may nagserve agad na mga pagkain sa mesa namin.
"Mukhang mabobore ka samin ng lola mo iha"
"Hindi po! Andito naman si-Papa?" Napalinga linga ako, nawala na si papa.
"Nandoon sya sa mga kaibigan nya apo!"
Natanaw ko si Papa na nakikipagkamustahan na sa gilid. So ako lang talaga yung O.P dito?
"Jackson!" May tinawag naman si Lola Katherine.
Isang gwapong lalaki ang lumapit sa amin. Nakablue tuxedo sya. Maputi at halos kasing tangkad lang ni Caspian. Pansin na pansin ko ang amber eyes nya-Omg? May lahing hilaw?
"Jackson, this is Mamita Luciana and her granddaughter Loui. Loui, Lucia, this is my grandson Jackson, anak ni Jett"
"Hello po, it's nice to meet you" hinalikan nya ang kamay ni Lola.
"He is Jett's son? Oh my god! He's so handsome!"puri ni Lola.
Napangiti lang si Jackson at tumingin sakin. Nginitian nya rin ako kaya para naman fair ay ngumiti din ako sa kanya.
"Jackson, can you please accompany Loui? Medyo out of place sya samin"
"Sure po, no problem"
Sumama naman ako kay Jackson, syempre dahil puro may edad na ang nandoon sa paligid ko!
"Mapapanis na siguro yung laway mo kanina ka pa hindi nagsasalita"
Napalingon ako kay Jackson na sa ngayon ay nasa kalangitan ang tingin.
"Oh sorry.. kasi naman.. wala akong sasabihin"
Natawa naman sya bigla. Hindi ko alam pero sa anggulong yun ay nakita ko si Caspian sa kanya. Para bang may hawig sila ng konti?
"Hey stop staring, baka mainlove ka sakin nyan"he tease me.
"Asa ka. Kahawig mo kasi si..."
"Sino?"
"Wala. Hindi mo kilala yun"
"Special someone ba?"
"Eh? Anong special someone ka dyan?"
"The way you look at me earlier, it's like you're looking at your someone special. At kung sino man yung nakikita mo sakin, maybe that's him. Unless ako talagan yung iniisip mo at naiinlove kana talaga sakin?"
"Hoy, ang hangin mo ngayon palang tayo nagkita ah?"
"Haha! I just wanna make you feel comfortable with me. Kasi naman halatang naiilang ka"
"Syempre.. hindi pa naman tayo close"
"Yeah I know. Anyway... ayaw mo bang kumain?"
"Mamaya na, busog pa kasi ako. Nilantakan ko ba naman yung cake kanina sa bahay"
"So matakaw ka pala"
"Maybe? By the way... Jackson-"
"Jack nalang"
"Okay Jack, may foreign blood ka ba? Yung mata mo kasi..."
"Yes, well half-australian kasi ang mommy ko"
"Ah kaya pala.."
Actually nakakainggit yung amber eyes nya, alam mo yun? Parang pansin na pansin? Kahit nasa madilim nakikita parin yung pagka amber nya.
"Gusto mo bang pumasok sa mansion? Hindi pa naman nagsisimula since nag aayos pa sila. I t-tour kita"
"Talaga? Sure!"
Pumasok naman kami sa mansion. Sa bungad palang ay bumati na sa amin ang mamahalin at malaking chandelier sa gitna. Napakataas ng ceiling nila. Puro paintings ang nasa walls at mga antique vases na may mga mababangong bulaklak.
Napaka elegante ng mga kagamitan at bawat curves and designs mula sa pinto at sa mga bintana. May nakita pa akong nga collections of doll na nasa loob ng napakalaking glass cabinet.
"Collections yan ni Lola. Ewan ko kung anong maganda dyan basta for me it's quite creepy" saad ni Jack.
"Hindi naman ah, ang ganda kaya"
"No way. Kinikilabutan ako. Wag tayo dito"
Natawa ako kay Jackson at sumunod nalang sa kanya. Pinakita nya sakin ang malaking library ng mansion. Naamoy ko agad ang pabango ng bawat pahina ng libro. Napakasarap talaga ng amoy ng libro.
"Wow.. ang ganda naman dito!"
"Kahit hindi halata, ito ang tambayan ko. This place is quite relaxing, nag request talaga ako kay lola na lagyan ng library ang mansion para sakin"
"So lola's boy ka pala"sabi ko at tumawa.
"Well I can't deny that fact"he seconded at tumawa din.
"Woah.. stephanie meyer at E L James? Ikaw ah.."nginisian ko sya dahil sa mga librong nasa shelves nya.
"What? Maganda kaya ang fifty shades trilogy, try mong basahin"
"Wag na, baka tamarin ako. Hindi naman ako mahilig magbasa"saad ko.
Mas gusto ko kasi ang nagsusulat o tumugtog ng gitara, o kaya... matulog?
"Meron din kaming arcade room. Gusto mong makita? Nasa second floor yun"
"Sure!"
Umakyat naman kami sa second floor. Napakaraming kwarto at pasikot sikot. Bakit kasi ang laki laki ng mansion na 'to? Mabuti pa yung kina Caspian hindi ganoon nakakahilo dahil wala namang paliko liko. Kumbaga isang o straight hallway lang at isang intersection sa isang floor. Di tulad dito mas maraming intersection.
"Malayo pa ba?"tanong ko.
"We're almost there"
Kinamamanghaan ko ang paligid habang tinatahak ang hallway ng makarinig ako ng tugtog ng piano. At ang mas nakakagulat pa ay yung nag p-play na tugtog ay isa sa mga kantang isinulat ko kay Damon noon. Yung kantang tinugtog ng Lovesickers kailan lang sa intraschool.
Hindi ko namalayan ang paa ko na kusang tumungo sa ibang direksyon. Nagpipintig ang puso ko habang pinakinggang mabuti kung saan yun nanggagaling hanggang sa makita ko ang isang kwartong nakabukas.
Sumilip ako sa pinto at nasilayan ang isang lalaking naka itim na tuxedo na syang nag p-piano. Nanlaki ang mata ko ng makilala sya, he's none other than Caspian!
He's also here?! Kung ganon... ito pala yung party na sinasabi nya?!
Nakapikit si Caspian habang tumutugtog, at hindi ko na itatanggi na napakagwapo nya sa ganung anggulo isama mo pa ang kasuotan nya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Parang na e-excite na kinakabahan na naiihi na natutuwa. Hindi ko alam na marunong pala sya ang piano at dahil sa thought na yun ay para nadagdagan ang kagwapuhan ni Casoian sa paningin ko.
Dug.dug.dug.
Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang pagdagundong nito.
Hoy puso! wag ka ngang magulo dyan! Psh! Baka maistorbo ang mokong na 'to!
In-enjoy ko ang pagtugtog nya sa piano hanggang sa matapos ito. Napaayos naman ako sa sarili ko, gusto kong gulatin si Caspian. Sigurado ako na magugulat syang nandito ako! At sana matuwa din. Over pa naman sya sa drama noong nakaraan dahil wala syang date. Haha!
Bubuksan ko na sana yung pinto ng may babae sumulpot sa likuran nya at niyakap sya ng mahigpit.
"Zach! Woah! You're so galing talagang tumutog ng piano! Turuan mo ko please!"
"Courtney get off me!"
"Don't wanna! I wanna hug you so tight! Ilang years kaya tayong hindi nagkita!"
"Courtney get off, nakakangalay na"
"C'mmon Zach! Ako ang date mo tapos ganyan ka! Dun na tayo sa party kasi!"
"It's not yet starting. Get of me!!"
Nabitawan ko ang door knob at hindi na tumuloy matapos makita ang babae. Medyo chinita sya at maputi. Mabilis mamula ang mukha nya at para syang manika dahil sa full bangs nya.
Who is this girl? She seems like very close to him. And it makes me really really really upset.
✴✴✴
To be continue...